Chapter 17—The Big Package

2641 Words
October 5, 2009 UP Diliman 2:00 PM Nagmamadali na naman si James pabalik ng kanyang classroom para sa susunod niyang klase. Pagkarating niya sa pintuan ng classroom, agad niyang nilibot ang kanyang paningin sa apat na sulok ng silid. Gusto niya kasing makatabing muli si Lexie sa upuan nang sa gayon ay mas makilala niya ito. Ine-expect niya na maaabutan niya roon si Lexie dahil nauna ito sa kanyang umalis sa fastfood na kanilang kinainan. Ngunit taliwas sa kanyang inaasahan, wala sa loob ng classroom si Lexie. Napakunot-noo si James. Nagtataka kung nasaan ang babaeng kanyang pilit na kinakaibigan. “Nasaan na naman kaya si Lexie? Naligaw na naman kaya siya sa building? ‘Yung babaeng ‘yun. Ang tali-talino sa academic subject, pero kabaliktaran pagdating sa paghahanap ng lugar.” Sambit nito sa kanyang sarili. Agad niyang inihakbang ang kanyang mga paa papasok ng classroom. Dere-deretso lang siyang lumakad habang ang mga kaklase niya ay sobrang gulo at kay-iingay. Palibhasa’y wala pa ang professor nila para sa susunod nilang subject na Social Studies. Umupo siya sa kanyang malimit na pagpwestuhan. Nakasalungbaba siyang nakatanaw sa may pinto. Tintingnan niya ang bawat estudyanteng nagpaparoo’t parito sa classroom. Umaasa na ilang sandali ay masisilayan niya ang pagdating ni Lexie. Ngunit lumipas ang ilang minuto ay walang Lexie na na humakbang sa loob ng klase. Hindi rin nagtagal ay dumating na ang professor nila sa Social Studies. Nalumbay ang mga mata ni James dahil hindi talaga nakahabol sa klase si Lexie. Nang makapasok na sa loob ang kanilang professor ay agad nitong sinimulan ang kanyang klase. Unti-unting iwinaksi ni James ang kanyang paningin sa pinto habang nagbubuntong-hininga. Umiling-iling siya at pagkatapos ay nagdesisyon na ring huwag nang asahan na hahabol pa sa klase si Lexie. “Hay, makapagfocus na nga lang muna sa topic.” Bulong nito sa kanyang sarili. Ibinaling niya ang kanyang atensyon sa kanilang Professor na sa mga sandaling iyon ay abalang abala na sa discussion. *** 5:30 PM Makalipas ang tatlong oras, natapos na ang huling klase ni James sa araw na iyon. Agad siyang lumabas ng classroom at dere-deretsong bumaba ng hagdan. Nang siya’y nakababa na ng Ground Floor ay naramdaman niyang nagba-vibrate ang kanyang cellphone. Inilabas niya ang kanyang cellphone at nakita niyang tumatawag si Gary, ang pinsan niyang nagse-celebrate ng Birthday nang araw na iyon. Agad na sinagot ni James ang tawag. *** (On the phone) James: Hello, Birthday Boy! Gary: Hello, Bro! Sa’n ka na? James: Heto, pa biyahe pa lang ako papunta dyan sa inyo. Gary: Bi-biyahe pa lang? I thought 5 PM ang out mo sa school? James: Nag-extend ng ilang minutes yung bwisit na prof namin. Pa-late late siya tapos mag-eextend siya ng period niya. Nakaka badtrip nga, ‘eh. Gary: Ah, ganun ba? Naku, aabutan ka na talaga ng rush hour sa daan niyan. James: Oo nga, ‘eh. But don’t worry, insan. Makakahabol ako. I’ll do my best. Gary: Aba dapat lang! Dumating na ‘yung BIG PACKAGE na regalo sa akin ni Lance! James: Big Package talaga, huh. Gary: Oo! And I’m telling you, hindi mo ‘to dapat palampasin! It’s once in a lifetime experience, bro! James: H-Huh? Naku Insan, ano man ‘yang tinutukoy mo, it must be big enough to impress me. At para hindi naman sayang ang effort kong makarating nang mabilis dyan sa bahay mo. Gary: Just come here and see it with your own two eyes! James: Alright, alright. Sige na, palabas nako ng school. I’ll text you kapag malapit na ako. Bye na muna for the meantime insan! See you later! Gary: alright! Ingat! (Phone drops) *** Hindi pa naibababa ni James ang cellphone sa tainga niya ay nagulat siyang may biglang umakbay sa kanyang balikat mula sa likod. “Huy!” Pagbati ng lalaki sa kanyang likuran. “Nick, ikaw pala.” Bulalas ni James habang pabiglang inilagay ang cellphone sa kanyang kanang bulsa. “Para kang nakakita ng multo dyan?” Nakangiting sagot sa kanya ni Nick habang sinasabayan ang paglakad ng kanyang kaibigan patungong hi-way kung saan dumaraan ang mga Bus na biyaheng pa-Mandaluyong. “Ikaw naman kasi. Akala ko kung sino na’ng nasa likuran ko. Akala ko may manghahablot na ng cellphone ko.” Paliwanag ni James. “Masyado ka namang nerbyoso!” Natatawang sambit ni Nick. “Anyway, natanggap mo ba ‘yung text nila Ryan, Claire at Iya? May event daw sa school nila tonight ah? Pageant daw. Sigurado ako maraming magagandang chicks du’n! Tara punta tayo?” Dugtong ni Nick. “Naku, hindi ako available ngayon, ‘eh. Hindi ko pa pala narereplayan ‘yung tatlo.” Wika ni James. “Bakit James? Saan ba ang lakad mo ngayon? May ka-date ka? Wait. Chikabebe mo ba ‘yung katawagan mo kanina?” Pang-aasar ni Nick. “Sira ka talaga. Pinsan ko ‘yung kausap ko sa phone.” Mabilis na tugon ni James. “Birthday niya kasi today at may pa-party sa bahay niya ngayon sa may Mandaluyong.” Dugtong nito. “Ah, akala ko naman may ka-exclusive date ka na kaya ayaw mo nang tumingin sa iba!” Patuloy na pang-aasar ni Nick sa kanyang bestfriend. “Sus. Ikaw lang naman ‘tong laging mahilig magwindow shop ng mga babae, eh. Gustong gusto mong magpa-impress sa maraming girls, pero ni-minsan hindi ka naman nagkaroon ng Jowa.” Ganting pang-aasar ni James. “Naku, James. Hintayin mo lang. Ganito lang naman ako ngayon dahil hindi ko pa nahahanap ang Right Girl for me. Pero itinataga ko sa kahit anong klaseng bato pa ‘yan. Once I found that girl, hinding hindi ko siya pakakawalan. And I would do everything just for her sake!” Mayabang na pagtatanggol ni Nick sa kanyang sarili. Mabagal na pinalakpakan ni James ang kanyang kaibigan kasabay ng dahan-dahang paghalakhak nito. Si Nick naman ay natigilan sa pagsasalita. Napakunot ang noo niya dahil sa pang-aasar sa kanya ng kanyang matalik na kaibigan. “Well said, Nick. Well said.” Patuloy na pang-aasar ni James kay Nick. “James, stop it! Pareho lang naman tayong NGSB! Makikita mo. Magkaka girlfriend din ako! At uunahan kita magkaro’n!” “Up until then, susulitin ko muna ang pagkakataong pikunin ka! Bulalas ni James sabay halakhak nang malakas. Maya-maya pa’y nakarating na sila sa may kanto ng hi-way. Luminga linga si James upang mag-abang ng Bus na maaari niyang sakyan. “Serious talk na nga tayo, bro.” Sambit ni James. “Serious naman talaga ako. Ikaw lang ‘tong grabe kung maka-kantsaw sa akin.” Tugon ni Nick sabay ismid. Ngunit agad din naman niyang nginitian ang kanyang kaibigan na alam naman niyang super concern lang sa buhay niya noon pa man. Kung gaano katindi ang pakikipag-asaran nila sa isa’t isa, ay hindi rin naman talaga matatawaran ang tindi ng pinagdaanan nila bilang magkaibigan mula pa noong First Year High School sila. “Bro, pasabi nalang kila Ryan, Claire at Iya na pass muna ako, ha? Hindi kasi talaga ako pwedeng mawala sa birthday ng pinsan ko ngayon, 21st Birthday niya kasi.” Pagpapaliwanag ni James. “No worries, ako na ang bahalang magpaliwanag sa tatlong ‘yun. Tsaka, marami pang pagkakataon na magkakasama-sama tayong lima. Pero yung 21st Birthday ng pinsan mo, isang beses lang ‘yan kung dumating. You should go there.” Maamong tugon ni Nick sa kanya. “Nakakahiya lang kasi. Ngayon nalang sana ulit tayo magkakabonding, after 5 months? Tapos hindi ko pa magagawang makasipot.” “Sus, huwag mo isipin ‘yun. Para namang ‘di mo kilala ‘yung mga ‘yun. Mga alaskador lang sila katulad mo, pero I’m very sure mauunawaan ka nila.” Ani Nick. “Thanks, man!” Sambit ni James habang bahagyang napangiti dahil sa pag-comfort na ginawa sa kanya ng kanyang matalik na kaibigan. “Don’t mention it!” Mabilis naman na sagot ni Nick. Ilang sandali lang ang nagdaan ay sa wakas ay may huminto ding Bus na pa-Mandaluyong sa Waiting Shade kung saan nakatayong naghihintay ang dalawa. “Pano, Nick? I’ll go ahead na ha? Baka matagalan ulit bago may dumaan na Bus na pa-Mandaluyong, ‘eh.” Ani James. “No problem, bro!” Regards nalang sa pinsan mo.” “Sure.” Mabilis na tugon ni James. Agad siyang sumakay ng Bus. Kinawayan naman siya ni Nick habang nakatayo parin at naghihintay ng Jeep na dadaan sa eskuwelahan ng tatlo pa nilang kaibigan. *** Gary’s House 8:00 PM Pasado alas-otso na ng gabi nang makarating si James sa bahay ni Gary sa may Mandaluyong. Nasa tarangkahan palang siya ng bahay ng kanyang pinsan ay dinig na dinig na niya ang malakas na dagundong na nanggagaling sa loob nito. Hindi nakakandado ang gate kaya agad siyang pumasok rito at lumakad patungong pinto. Tsinek niya ang doorknob. Nagtaka siya kung bakit naka-lock ang pinto. “Anong sense ng nakabukas na gate kung naka-lock din naman ang main door?” Sambit ni James sa kanyang sarili. Agad niyang tinawagan sa cellphone si Gary para siya’y makapasok. *** (On the phone) Gary: Hello, Insan? Saan ka na? Malayo ka pa ba? James: Birthday Boy, dito na ako sa pinto niyo. Bakita kasi naka lock ito? Gary: Ah gano’n ba? Sige sunduin kita dyan. Mamaya ko nalang papaliwanag kung bakit naka-lock ‘yan. James: O siya sige sige. Wait kita dito. (End of call) *** Dali-daling bumaba si Gary para pagbuksan ng pinto ang kanyang pinsan. “Hello bro! HAPPY BIRTHDAY!” Pagbati ni James kay Gary habang niyayakap ang kanyang pinsan. “Thanks! Naku, mabuti at nandito ka na! We are about to open the BIG PACKAGE!” Bulalas na sambit ni Gary. Agad niyang ni-lock ang pinto nang makapasok si James sa loob ng bahay. “What? Big Pa— Hindi na natapos ni James ang kanyang sasabihin sa kanyang pinsan. “Just come and see!” Sambit ni Gary Hinatak siya nito bigla paakyat ng second floor, kung saan naroon din ang iba pang mga bisita niya. Tuloy-tuloy lang ang pagpapatugtog ng malakas ng sound system at tuloy tuloy lang din ang pag-ikot ng Disco Light. Habang umaakyat sila James ay palakas ng palakas ang lagabog na naririnig niya. Pagkaakyat nila, nagulat si James na marami rami rin palang bisita si Gary. Madilim ang buong paligid. Ang nagbibigay lang ng liwanag ay ang mga makukulay at patay-sinding mga ilaw na galing sa mg a Disco Light. Ngunit hindi ito ang pumukaw ng atensyon ni James dahil malimit naman na ang ganoong set-up kapag may party silang dinadaluhan. Ang pinagtataka niya ay kung bakit wala man lang siyang makitang ni isang babae sa mga bisita ni Gary. “Bro, hindi ba marami ka ring mga kaibigang babae? Tsaka may mga babae rin tayong mga pinsan? Bakit hindi ko yata sila makita dito ngayon? Hindi mo ba sila inimbitahan?” Nagtatakang tanong ni James kay Gary. “Espesyal kasi itong gabi na ito, bro!” Ani Gary. Inakbayan siya nito at saka nagpatuloy sa pagsasalita. “Don’t worry, All of us here will be delighted ‘till dawn!” Dugtong nito. Napakunot-noo lang si James sa kanyang mga narinig. Patuloy niyang nilinga-linga ang buong paligid. Sa ‘di kalayuan ay napansin niya ang isang malaking kahon na kulay pula. Nakabalot ito ng malaking ribbon. Ilang hakbang lang ang layo niya dito ngunit sa ‘di malaman na dahilan ay hindi niya ito gustong lapitan, kahit na pinapatay ng curiosity ang kanyang loob. Ilang saglit pa ay naanigan ni James ang isang pamilyar na lalaki na pumupunta sa harap. Ang bestfriend ni Gary na si Lance. Pinatigil ni Lance sumandali ang malakas na tugtog ng sound system, kinuha ang microphone at nagsimulang magsalita sa harap. “Ehem, ehem! May I have your attention please.” Pabirong sambit ni Lance sa Microphone. Naghalakhakan ang mga bisita nang marinig nila ito dahil kilala nila si Lance bilang Joker na tao. “First of all, batiin muna ulit natin ang “dalagang” debutante natin ngayong gabi! Gary! Nasaan ka ba? Come on here!” Pagpapatuloy nito. Inalis ni Gary ang braso niya sa pagkakaakbay nito kay James at agad na lumakad sa harap. “Gary! Gary! Gary!” Sabay-sabay na kantsaw ng lahat ng bisitang naroon. Si James naman ay tahimik lang na nag-oobserba sa mga pangyayari. Nang makarating sa unahan si Gary ay agad itong inakbayan ni Lance. “Happy happy happy birthday sa nag-iisang bestfriend at kasama ko sa lahat ng kalokohan! Nakangiting sambit ni Lance. “At dahil 21 ka na ngayon, espesyal din ang regalo ko sa’yo! Kakalimutan na natin ang pagiging bata mo. Let’s make you a grown-up man, tonight!” Ubod ng sayang wika ni Lance. Biglang itinuon ni Lance ang kanyang atensyon sa malaking pulang kahon na nasa likuran lang niya. “Alam mo ba kung ano ang laman ng kahon na ‘to?” Tanong ni lance na halos hindi nauubos ang energy. “Ito ang gigising sa natutulog mong dugo! At gigising ng lahat ng mga Adan na nandito!” Dugtong niya. Narinig sa apat na sulok ng bahay ni Gary ang malalakas na tawanan ng mga bisita. Biglang naglabas si Lance ng malaking gunting. “Do the honor please.” Wika ni Lance kay Gary sabay abot ng gunting nito sa kanya. Agad namang kinuha ni Gary ang gunting. “At the count of three, open the box!” Sigaw ni Lance sa Microphone. Sabay sabay na naghiyawan ang lahat ng bisita habang si Gary naman ay tuwang-tuwang inilalagay na ang gunting sa malaking ribbon ng kahon. Anumang sandali ay handang handa na niya itong gupitin. Sa hudyat ni Lance ay sabay-sabay na nagbilang ang lahat ng bisita. “ONE! TWO! THREE!” Tuluyan na ngang ginupit ni Gary ang ribbon ng box na regalo sa kanya ni Lance. Agad-agad ay nabuksan ang kahon mula sa itaas pababa. Nanlaki ang mga mata ng lahat ng kalalakihang naroroon nang tumambad sa kanilang harapan ang laman ng malaking pulang kahon. Sa isang kurap, pitong nag-gagandahang mga dalaga ang lumitaw sa gitna. Nag-init ang katawan ng lahat ng bisitang naroon ng makita nilang halos walang mga saplot ang mga babae. Hindi naman makapaniwala si James sa kakaibang eksena na kanyang nasaksihan. Hindi niya inasahan na matagpuan ang sarili sa loob ng isang kwarto na may kasamang mga nakakaakit at nakakapang-init na mga babae. Sa hudyat ni Lance ay pinatugtog ng DJ ang Careless Whisper by George Michael. Nag-umpisang mag sexy dance ang mga babaeng halos walang saplot. Hindi naman mapigilan ng mga kalalakihang naroon ang paghiyaw, lalo na noong nagsimulang lumibot ang mga babae para mas akitin ang mga bisita. Lumapit ang isang babae kay Gary. Tinulak siya nito nang bahagya paupo sa may monoblock chair na inihanda naman ng isa pang babae sa likuran. Pagkatapos, hinimas himas ng babae ang dibdib ni Gary at paharap na kumandong dito. Napahiyaw ang lahat dahil sa gulat. Bahagyang tumama ang Disco Light sa mukha ng babaeng nakakandong kay Gary. Naanigan ng lahat ang mala-anghel sa lupa na hitsura ng babae. Hindi na maialis ni James ang kanyang paningin nang masulyapan niya ang mukha ng babaeng iyon. Sa ‘di malamang dahilan ay wari’y nakikilala niya kung sino ang babaeng patuloy lang na nakapatong sa pinsan niyang si Gary. Ngunit hindi niya ito magarantiya dahil madilim ang paligid at nakikita lamang ang mukha ng babae sa tuwing tumatamabang Disco Light sa kanya. Lumapit nang bahagya si James para kumpirmahin kung kilala nga ba niya ang napakagandang babaeng iyon. Ilang hakbang nalang ang kanyang pagitan ay saktong tumamang muli ang ilaw sa mukha ng babae. Napaatras si James sa gulat nang makumpirma niya kung sino talaga ang babae. Walang iba kundi si Lexie. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD