Chapter 18—My Flawed World

1546 Words
Maya-maya pa'y humakbang si Lance palapit kay Lexie. Sinenyasan niya ito gamit ang kanyang hintuturo upang pumunta sa mga bisig niya. Agad namang sinunod ni Lexie ang imbitasyon ni Lance sa kanya. Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa harapan ni Gary. Pagiling-giling itong naglakad palapit sa naghihintay na si Lance. Nang makalapit ay mas pinag-igihan pa nito ang pagsabay sa indayog ng tugtog. Nagkantyawan at nagsigawan ang lahat ng mga bisita dahil sa ipinapakitang angking galing ni Lexie sa pagsayaw. Samantala, halos hindi na makahinga si James dahil sa pagkabigla nito. Hindi niya inasahan na ang babaeng pumukaw ng kanyang atensyon at kauna-unahang babaeng nagustuhan niya sa tanang buhay niya ay kabilang sa mga babaeng stripper na walang pag-aalinlangang inilalantad ang sariling katawan sa gitna ng mga kalalakihan. Sa isang kisap-mata ay hinalikan ni Lance si Lexie. Ikinulong niya si Lexie sa kanyang mga bisig, hinaplos-haplos ang likuran nito at unti-unting ibinaba ang kanyang kamay sa ibaba ng balakang ni Lexie. Nang masaksihan ito ni James, biglang nag-init ang kanyang ulo. Sinugod niya sa harapan si Lance at buong tapang na sinuntok sa kaliwang pisngi. Nabuwal si Lance at pasubsob na bumagsak sa sahig. Agad siyang nilapitan ni Gary para alalayan. "Tarantado ka ah!" Bulalas ni Lance habang akmang babawian ng suntok si James. Ngunit pinigilan siyang tumayo ni Gary dahil ayaw niyang saktan nito ang kanyang pinsan. "f**k you, Lance!" Napaatras si Lexie sa pagkabigla. Ngunit mas tumindi ang kabog ng kanyang dibdib nang matanaw niya kung sino ang lalaking matapang na sumugod sa harapan. Si James na kakakilala lamang niya kaninang umaga. Halos umagos ang luha sa mga mata niya nang magtama ang kanilang mga paningin. Hinubad ni James ang suot niyang polo at dali-daling isinuot sa balikat ni Lexie. Pagkatapos ay walang pag-aalinlangang hinawakan niya ang kamay nito at hinila palabas. Walang pakialam si James kahit na makaladkad niya pa si Lexie. Ang tanging iniisip lang niya nang mga sandaling iyon ay mailabas niya si Lexie nang matiwasay. "James, get off me! Ano ba?! Nasasaktan ako!" Tila walang naririnig si James at tuloy-tuloy lang niyang hinila si Lexie hanggang sa makalabas sila ng gate. Nang makalabas sila ay binitawan niya ang kamay nito at saka hinarap para kausapin. "Lexie, a-anong ibig sabihin nito? Why are you here?! A-Anong ginagawa mo dito sa birthday ng pinsan ko?!" Mabigat sa loob na tanong ni James. "Eh Ano bang pakialam mo, James?! Buhay ko 'to!" pasigaw na sagot ni Lexie. "Lexie don't you see? You are being violated! And I can't let that happen! Hindi ako papayag na bastusin ka lang nang kung sino-sino!” Mariing sambit ni James. Kitang-kita sa mukha nito ang lubhang pagkabahala at pag-aalala. Matalim na tinitigan ni Lexie si James. "You're wrong! They're not violating anything against me! I was paid to do so! Bayad ako, James! Bayad ako!" Nagngingitngit na sagot ni Lexie. Biglang nangilid ang mga luha sa mata ni Lexie. Itiniklop niya ang kanyang magkabilang mga palad at halos habulin ang kanyang bawat paghinga. Si James naman ay natulala lang at hindi makapaniwala sa lahat ng mga narinig niya. “What do you mean by that, Lexie? W-What are you talking about?” Pagtatanong ni James sa kanya. Hinihintay ni James na bawiin nito ang lahat ng kanyang mga sinabi. Gulong-gulo ang kanyang utak. Ayaw niyang paniwalaan ang lahat ng mga narinig niyang salita mula kay sa dalaga. Hindi niya lubos-maisip na ang napakagandang babaeng nasa harapan niya ay magagawa ang lahat ng kanyang nasaksihan sa loob kanina. Napabalikwas silang dalawa at pabiglang napalingon sa bahay ni Gary nang marinig nila ang tinig nito. “James!” Sigaw na malakas ni Gary. Bahagyang nataranta si James. Tila ayaw niyang maabutan sila roon ng kanyang pinsan. “Look, we have to get out of here, okay? Bago pa makababa si Gary!” Ani James. Muli niyang hinawakan ang kamay ni Lexie, hinatak ito’t pilit na kinaladkad palayo ng bahay ng kanyang pinsan. Ngunit ilang hakbang lang ang kanyang nagawa dahil ayaw sumama sa kanya ni Lexie. “Don’t touch me! James! Ano ba!” Nanginginig sa galit na sambit ni Lexie. Hinatak niya pabalik ang kanyang kamay nang malakas. Nabitawan itong muli ni James. Lumingon pabalik si James kay Lexie. Saktong paglingon niya ay ang pagsalubong ng ubod ng lakas na sampal sa kanya ng galit na galit na si Lexie. Nawalan siya ng balanse, nanghina ang kanyang mga tuhod at isang kisap-mata ay natagpuan niya ang kanyang sarili na nakadapa’t nakasubsob sa baba. Ano pa’t halos mahalikan na nito ang lupa dahil sa lakas ng impact ng pagkakasampal sa kanya. Muli niyang hinarap si Lexie habang hawak-hawak parin ang kayang namumulang kaliwang pisngi. “How dare you! Ikaw na nga ‘tong tinutulungan makaalis sa bwisit na lugar na ‘to, ikaw pa ‘tong sobrang galit! Ano bang problema mo?!” “Ikaw, ano bang problema mo sa akin?!” You don’t have any right para pakialaman mo ang buhay ko! You’re just a stranger to me so please, back off!” Mariing sambit ni Lexie. “L-Lexie, don’t you understand?! What you are doing here is wrong! It’s not good for you! You should not live this way! This is ridiculous!” Wika ni James habang unti-unting bumabangon mula sa kanyang pagkakasubsob. “And who are you to tell me that?! You don’t know me at all! Don’t get cocky just because you knew my name and my pathetic job! You don’t know how I lived my entire life!” Nanginginig ang boses na sagot ni Lexie. “I don’t have to know your whole story for me to tell you that this is wrong! That what you are doing in your life is not right! My God! Lexie!” Pasigaw na wika ni James. Sumikip ang kanyang dibdib dahil sa sobrang sama ng loob niya kay Lexie. Gusto niyang iparamdam ang pagmamalasakit niya ngunit hindi niya alam kung paano ito gagawin gayong hindi naman siya pinakikinggan nito. "This is my world, James. This is my flawed world! Either accept it, or you walk away with my f***ing life!” Malamig at walang emosyong tugon sa kanya ni Lexie. Tila pinagsakluban ng langit at lupa si James sa lahat ng kanyang mga narinig na salita mula kay Lexie. Hindi niya alam ngunit tila kahit anong gawin niyang pagpapaliwanag at pagpapakita ng concern ay hindi ito kumokonekta sa puso at isip ng dalaga. Hindi niya magawang hilutin ang baluktot nitong pag-iisip. “G-Ganyan ka ba talaga katigas, Lexie?” Matamlay na tanong ni James. “I’ve already told you. You can’t break me! This is who I am. Kaya kung ako sa’yo, hayaan mo nalang ako. Umalis ka na. Hindi ko kailangan ng kaibigan sa buhay ko!” Malamig parin na sagot ni Lexie. Sa isang iglap ay hindi niya namalayan ang tuluyang pagdaloy ng luha sa kanyang mga pisngi at ang kanyang paghikbi. Ngunit, agad niya itong pinunasan. Masakit man ang kanyang dibdib ay pilit niyang pinahinto ang kanyang paghikbi. Ayaw niyang makita ni James ang tunay na sinasaloob ng kanyang damdamin. Pinagpagan ni James ang kanyang likuran at saka malamlam na tinitigan ang dalaga. Kitang-kita niya ang pagdurusa ni Lexie na pilit nitong ikinukubli. Gusto man niyang matulungan si Lexie sa kanyang sitwasyon ay tila tinakasan na siya ng lakas ng katawan at tibay ng dibdib. Hindi na niya kayang maatim ang patuloy na pagtulak sa kanya palayo ng dalaga. Hindi na rin niya kayang tingnan pa si Lexie na katulad ng pagtingin niya dito earlier that day. “If that’s what you really want. Sige. Hinding hindi na kita gagambalain pang ulit. This will be the last time that I would ever talk to you. Mahirap i-push ang sarili sa isang taong bulag sa pagpapahalaga sa kanya.” Maramdaming sambit sa kanya ni James. Sandali siyang huminto sa pagsasalita at tumingin sa baba. Pagkatapos, agad din niyang ibinalik ang kanyang paningin kay Lexie. Tiningnan niya ito nang may magkahalong galit at paghihinagpis. “Kalimutan mo na lang na may James na nakipagkaibigan sa’yo. At kakalimutan na rin agad kita.” Dugtong nito. Sa ‘di niya maipaliwanag na dahilan ay kumirot ang dibdib ni Lexie habang pinapakinggan ang mga huling pahayag ni James. Kahit na nakararamdam ng sakit ay pinili niyang magtapang-tapangan sa harap nito. “Do what you want, James. Hindi ko naman inaasahan na may taong mananatili sa akin, ever. At hindi naman kita talaga tinuring na kaibigan. Alam mo ‘yan.” Sambit ni Lexie habang nangingilid pa rin sa kanyang mata ang mga luhang pilit niyang pinipigilan. Pagkasabi nito, matamlay na tumalikod si James at dahan-dahang naglakad palayo. Nakaka-anim na hakbang palang ito ay bigla itong natigilan. Wari’y nag-iisip kung itutuloy ba niya ang pag-alis. Inasahan ni Lexie na sa huling pagkakataon ay lilingunin siya nito. Ngunit sa kasamaang palad, ay tuluyan na talaga siyang iniwan ni James. Nagpatuloy ito sa paglalakad hanggang sa hindi na siya matanaw ng dalaga. Naiwang nakatayo sa tapat ng bahay ni Gary si Lexie. Hinayaan na niyang bumuhos ang kanyang mga luha at tuluyang pinakawalan ang pagdurusa ng kanyang puso na kanina pa niya pilit ikinukubli ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD