Chapter 19—Interconnected

1329 Words
May 26, 2020 Jame’s house 10:05 PM Muling iminulat ni James ang kanyang mga mata. Agad niyang pinunasan ang mga luhang halos matuyo na sa kanyang mga pisngi. Muli niyang ibinaling ang kanyang paningin sa litrato na hawak niya. Tumulo pala ang kanyang ilang patak ng luha sa litratong iyon, dahilan para ito’y bahagyang mabasa. Agad niyang pinunasan ang litrato gamit ang kanyang Sariling mga kamay. Pagkatapos ay hinaplos niya nang marahan ang mukha ni Lexie na nasa litrato. Nang tila mapagod sa paghaplos ay naisipan na nitong tuluyang ibalik ang litrato sa dati nitong kinalalagyan sa ibabaw ng mesa, kasama ng iba pang mga litrato ng buong barkada. Mabigat ang kanyang bawat paghinga habang pabagsak na inihihiga ang kanyang katawan sa malambot niyang kama. Katulad ng buong maghapon niyang ginawa, Itinitig niyang muli ang kanyang mga mata sa kisame at tila ang diwa ay muli niyang pinaglakbay sa kawalan. *** February 14, 2010 SM Mega Mall Starbuck’s Coffee 2:00 PM Valentine’s Day. Nagkayayaan sina James at Nick, kasama ang tatlo pa nilang malapit na kaibigan na sina Ryan, Claire at Iya para sa isang “friendly” date. Since wala pa naman silang mga kanya-kanyang lovelife ay minabuti nalang nilang lima na magsama-sama sa pagdiriwang ng Araw ng mga Puso para hindi naman sila magmukhang mga bitter sa mga kakilala nilang happily in a relationship na. Magkakasabay na nakarating sa meeting place sina Ryan, Claire at Iya. Umupo sila sa isang Round table. Pinapagitnaan nina Ryan at Iya si Claire. “Hay, naku! Hanggang ngayon talaga, hindi parin nagbabago ‘yung dalawang ‘yun. Palagi pa ring late sa mga usapan. Nag-college na lang sila lahat lahat, ganyan pa rin ang habit nila.” Nayayamot na wika ni Iya. “Chill ka lang dyan, halos kadarating pa lang din naman natin, ‘eh. Hindi pa nga nag-iinit yung puwit mo sa pag-upo dyan.” Pabirong tugon ni Claire habang sinusubukang pakalmahin si Iya na nag-uumpisa nang magtantrums. “Sus, kapain mo pa ang upuan ko! Mainit na ‘to dahil hot ako!” Pagmamayabang ni Iya sabay hawi ng kanyang buhok na medyo curly. “Hay naku! Kung hot ka edi sana may jowa ka na ngayon? Ang tunay na hot, walang iba kundi...AKO!” Malakas na bigkas ni Claire, anupa’t may ibang mga customers ang napalingon sa kanya dahil sa lakas ng boses nito. Nilagay niya ang kanyang dalawang palad sa ilalim ng kanyang baba at nagpa-cute. “Asan ang jowa mo? ‘Asan?” Patuloy na panunuya ni Iya. “For your information... wala akong jowa. Pero...” Pabitin na wika ni Claire. Mas pinag-igihan pa niya ang pagpapa-cute na sinamahan pa ng ‘evil laugh’ at saka nagpatuloy sa kanyang sinasabi. “Pero mahaba ang pila ng mga manliligaw ko, ‘no! Di gaya sa’yo, ikaw pa yata ang pumipila.” Dugtong nito. Muli nanamang ipinarinig ni Claire ang kanyang malutong at mala-evil laugh na tawa sa loob ng apat na sulok ng Coffee Shop na iyon. Napasimangot si Iya at tila napikon nang kaunti. Kaya pinilit niyang abutin ang ikang hibla ng buhok ni Claire para sabunutan. Iiwas sana si Claire ngunit huli na dahil tagumpay na naabot ni Iya ang buhok nito at walang pasubaling hinila palapit sa kanya nang medyo malakas. Pagkatapos ay agad rin naman niyang binitawan ito. “Aray ko!” Bulalas ni Claire. “Bakit ka ba nananambunot? Palibhasa totoo yung sinabi ko!” Nakakunot ang noong angal ni Claire. Umismid naman si Iya habang bahagyang napangiti. “Hindi totoo ang sinabi mo, ‘no! Wala akong jowa dahil ayaw ko lang muna!” Pagtatanggol ni Iya sa kanyang sarili sabay akmang sasampalin nang pabiro si Claire. “Oy, oy. Tama na nga yan. Mamaya talagang magkapikunan pa kayong dalawa dyan, eh.” Sabat ni Ryan. Sa mga oras na iyon ay halos hindi niya mapilan ang pagtawa dahil sa mala-pambatang istilo ng pag-uusap ng dalawa niyang kaibigan. “Wag na kayo magtalo. Parehas lang naman kayo. Parehas lang kayong mga hopeless romantic!” Patuloy na banat ni Ryan kina Claire at Iya. Napalingon ang dalawa at sabay nilang tinitigan nang matalim ang mapang-asar na si Ryan. “A-Anong sabi mo?” Sambit ni Claire. Nakataas ang kaliwang kilay nito. Umismid si Ryan at tila nagpatuloy pa sa panunuya sa kanyang mga kaibigan. “Hay naku, Claire. Hindi mo ako masisindak sa mga paganyan-ganyan mo! Aka— Walang anu-ano’y kiniliti ni Claire si Ryan na may kasamang kaunting kurot sa tiyan, dahilan para siya ay bahagyang mapangiwi. Hindi siya tinigilan ni Claire sa pagkiliti hanggang hindi niya nakikita ang pangingilid ng luha nito sa kanyang dalawang mata. “Claire! Wag! Claire tigil mo ‘yan! Claire ano ba!”Bulalas ni Ryan. Halos matadyakan na niya ang round table dahil sa sobra nitong ligalig sa upuan. Nang halos mahulog na ito sa kanyang kinauupuan ay saka pa lang siya naisipang tigilan ni Claire sa pangingiliti. “Yan ang nababagay sa’yo. Sabatero ka na nga, ang pasmado pa yung bibig mo!” Natatawang turan ni Iya habang pinagmamasdan ang kawawang si Ryan. “Grabe ka sa ‘kin, Claire! Sadista ka talaga kahit kailan!” Ani James habang inaayos ang kanyang pagkakaupo. “You deserved it!” Tugon ni Claire habang nakataas parin ang isang kilay at bahagyang nakangiti. Umirap si James habang hawak-hawak niya ang kanyang tagiliran. “O, napa’no naman ‘yang si James at parang ‘di maipinta ang mukha? Daig pa ang umiiri sa banyo, ah?” Napalingon sila sa nagsalitang lalaki sa bandang kanan. Sa sobrang paghaharutan nila ay hindi pala nila napansin ang na dumating na si James. “James! There you are!” Pagbati ni Iya. Tumayo si Iya at Claire at saka bumeso sa kaibigang bagong dating. “Bro, what’s up?” Pagbati naman ni Ryan. Agad namang lumapit si James kay Ryan at tinapik ito sa may kaliwang balikat. “I’m good, I’m good. Ikaw ang kamusta? Bakit halos ‘di ka makagalaw sa kinauupuan mo?” Tanong ni James habang pasimpleng napangiti. “Naku, hindi ba obvious, bro? Heto, bugbog-sarado nanaman sa kanila.” wika ni Ryan habang nakakunot-noo pa rin sa sobrang sakit ng kanyang tagiliran. “Sus, wag mong pansinin ‘yan, James. Nagpapaawala lang ‘yan.” Ani Claire sabay pasimpleng sulyap kay Ryan at lihim itong nginitian. “Hay, ewan ko sainyo. Wala pa rin kayong pinagbago. Ang kukulit niyo pa rin.” Patawang sabi ni James. “Sus. Nagsalita ang nagbago na. Late ka pa rin hanggang ngayon. Tsk.” Pang-aasar ni Iya. “Woy, nag-improve naman ako kahit paano. Dati-rati ako ang pinaka huling dumarating. Ngayon, second to the last na. That’s what we called progress!” Pagyayabang ni James. “Teka, asan na nga ba si Nick? Parang ngayon lang yata siya na-late nang sobra?” Pagtataka ni Ryan. “Eh, baka hinintay pa niya ‘yung chikabebe na ipapakilala niya raw sa atin?” Sabat ni Claire. “Ay, naku ha, hindi ko pa man nami-meet ‘yung girl, parang ‘di ko na gusto. Masyadong paimportante?” Pagkomento ni Iya. “Wait, wait. Sinong ipapakilala sa atin? Bakit hindi ko alam ‘yung tungkol dito? Nagtatakang tanong ni James sa mga kaharap niyang kaibigan. “H-Huh? Seryoso ka James? Hindi mo alam ang tungkol dito? Parang imposible naman ata? ‘Eh kayo itong madalas magkita dahil pareho kayo ng school na pinapasukan? Ani Ryan. “Malay ko. Ngayon ko lang talaga narinig ‘yan. Naku, lagot sa akin ‘yang si Nick mamaya pagdating niya!” Medyo nayayamot na sagot ni James. “James, nandito na ko, lagot ba ako sa’yo?” Napalingon ang lahat sa bandang likuran nila. Dumating na pala si Nick. Paglingon ni James, mayroon siyang naaninag na isang babae na parang kilala niya na matagal na niyang hindi nakikita. Kinurap-kurap niya ang kanyang dalawang mata. Laking gulat niya nang makumpirma niya kung sino ang babaeng kasama ni Nick—-Si Lexie. “Guys, I would like you to meet Lexie, my...friend!” Masayang pagpapakilala ni Nick sa kanyang kasama. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD