Chapter 20—Unrecovered Past

1273 Words
February 14, 2010 SM Mega Mall Starbuck’s Coffee 2:30 PM “Guys, I would like you to meet Lexie, my... friend!” Masayang pagpapakilala ni Nick sa kanyang kasama. “Hello guys!” Nakangiting pagbati ni Lexie sa apat na kaibigan ni Nick na nakaupo sa Round Table. Isa-isang ipinakilala ni Nick ang kanyang mga kaibigan kay Lexie. “Lexie, this is Ryan...beside him is our ‘one and only’ Claire... next is Iya, our jolly friend...and lastly.... James.” Sambit ni Nick habang itinuturo isa-isa ang mga kaibigan. Pinaramdam naman nila ang kanilang mainit na pagtanggap kay Lexie sa pamamagitan ng malayang pagngiti at pagkaway sa dalaga habang isa-isa silang ipinapakilala. Mababakas sa lahat ang matinding kagalakan, maliban kay James. Hindi siya makapaniwala na magkikita sila roon kasama ng kanyang mga kaibigan. Hindi pa rin nagbabago ang hitsura nito. Napakaganda pa rin niya at ubod ng sexy. Tila tumigil ang oras nang magtama ang mga mata nilang dalawa. Animo’y bumalik sa ala-ala ni James ang unang araw na sila’y nagkakilala, at kung paanong pinukaw ng dalagang ito ang kanyang atensyon, ilang buwan pa lang ang nakararaan. Naalala niya kung paanong pinabilis ni Lexie ang pagtibok ng kanyang puso. Ngunit, imbes na matuwa ito ay mas namayani sa kanyang damdamin ang matinding kalungkutan. Dahil kung gaano kabilis dumating sa kanyang buhay si Lexie ay ganoon din kadali itong naglaho sa kanya na parang isang hangin. “Upo ka, Lexie!” Pag-aaya ni Ryan sa kanya. Nang marinig ito ni James ay saka pa lang siya nakabalik sa kanyang ulirat. Binawi niya ang kanyang paningin at agad na tumingin sa baba para itago ang kanyang emosyon. Hindi niya alam kung anong marapat ipakitang reaksyon sa lahat dahil siya mismo ay nagugulumihanan sa mga nangyayari sa kanyang sarili. Agad namang umupo si Lexie, katabi ni Ryan. Sumunod si Nick na umupo. Tinabihan niya si Lexie sa kanyang kanan. Nasa kaliwa naman niya si James. “Alright! O di ‘ba? Ang ganda nang tingnan ng Round Table na itey! Kumpleto na kasi tayo! Tapos may ‘plus one’ pa!” Nakangiti at masiglang sabi ni Iya. Kinindatan niya si Lexie at nginitian. “Naku Miss, mabuti nalang at ang super pretty mo! Nakakapawi ng inis! Super yamot na kasi kami kanina dahil late nanaman si James at Nick sa usapan.” Pagpapatuloy nito. Bahagyang umismid si Nick dahil hindi na naman nakawala sa mapag-obserbang mata ni Iya ang kanyang pagiging late. “Iya, right? Naku, nakaka-flatter naman ‘yung sinabi mo. Hindi naman ako ganoon kaganda. Pare-parehas lang naman tayong magaganda.” Pabirong sabi ni Lexie. Ngumiti siya na halos mapunit ang mga labi. “Miss Lexie, totoo naman po kasi, ang ganda niyo po. Ano pong sikreto niyo? Share niyo naman sa amin nang magawa ko rin. Baka sakaling mapansin ako ng taong gusto ko.” Pagsali sa usapan ni Claire. Bahagya siyang sumulyap kay Ryan. Ngunit agad din niyang inalis ang kanyang paningin nang mapansin niyang hindi kumukurap si Ryan na nakatitig lang kay Lexie. “Oh, please drop the word ‘Miss’. Call me Lexie. Tutal, halos magkakasing-edad lang naman tayo. And don’t worry, wala akong sikreto sa pagpapaganda. Kasi katulad niyo, likas na sa atin ‘yan!” Malambing na sagot ni Lexie sa dalawa. Tuwang tuwa naman sina Claire at Iya sa sagot ni Lexie. “Oh, guys, narinig niyo ‘yun, ah? Kaya ‘wag niyo na kaming i-bully. Kasi, MAGANDA KAMI!” Banat ni Iya. Sabay-sabay silang tatlo na nakipag-apir sa isa’t isa. Wari’y nagkaka-usap sila gamit lamang ang kanilang mga isip. Sinabayan pa ito ng kanilang malulutong na mga halakhakan. “Aba, wala pang sampung minuto mula nang magkakilala kayong tatlo, pero close na kayo agad ‘ah? Sambit ni Nick habang masayang pinagmamasdan ang tatlo. Inilapit niya nang bahagya ang kanyang bibig sa tainga ni Lexie. “Sabi ko naman sa’yo, ‘eh. They will like you.” Bulong ni Nick sa katabing si Lexie. Pabulong man ito, malinaw itong narinig ni James dahil ga-dangkal lang naman ang kanilang pagitan. Iniangat ni James ang kanyang mukha at pasimpleng sinulyapan si Lexie. Kitang-kita niya kung paano unti-unting gumuhit sa mga labi nito ang matamis na ngiti, at kung paanong sa simpleng sinabi lang sa kanya ni Nick ay halos kuminang ang mga mata nito sa galak. Payukong tiningnan ni James si Nick na sa mga oras na yaon ay nakikipag biruan kina Lexie, Iya at Claire. Pagkatapos ay ibinalik niya ang kanyang paningin kay Lexie. Tinitigan niya ito nang maigi. “Ito ba si Lexie na nakilala ko few months ago? Bakit parang ibang Lexie na ‘tong kaharap ko ngayon? Napaka-aliwalas na ng kanyang mukha. Hindi na rin siya mukhang may galit sa mundo. Dahil ba kay Nick? Posible bang sa maikling panahon na iyon, mabasag niya ang dating ikaw? Paano ka niya nabuong muli? Ano’ng mayroon sa kanya na hindi mo nakita sa akin noon?” Naguguluhang bulong ni James sa kanyang sarili. Tila naglaho ang buong paligid ni James. Ang tanging naiwan lang sa kanyang paningin ay si Lexie. “James!” Malakas na tawag ni Ryan sa kanya. Napabalikwas si James at napatingin kay Ryan. “H-Huh?” Lutang na sagot mi James? “Anong nangyari sa’yo? Kanina pa kita tinatawag, ‘eh.” Naka-kunot ang noong sambit ni Ryan sa kanya. “Bro, are you okay?” Tanong ni Nick sabay tapik sa balikat nito. Lahat sila ay napatingin kay James. Nilibot ni James ang kanyang paningin. Tila bumalik na ang lahat ng tao sa kanyang paligid. Nakita niya ang hitsura ng apat niyang kaibigan na sobrang worried sa kanya. Huli niyang nakita si Lexie. Bakas din sa mukha ng dalaga ang pag-aalala sa kanya. Agad niyang binawi ang kanyang paningin. Yumuko siya at nagsimulang magsalita. “I-I’m okay guys. D-Don’t worry about me. I just remembered something.” Sambit ni James. “And what was that all about?” Pag-usisa ni Claire. “W-Wala. Not that important. Sorry kung na-bother kayo dahil sakin. It’s nothing. Nothing to worry about.” Mabilis na sagot nito. “O-Okay...” Malumanay na sagot ni Claire. Nawala ang momentum ng lahat. Natahimik sila at tila nakikiramdam kung sino ang muling magbubukas nang usapan. Nang tila hindi na matiis ni Claire ay siya na ang gumawa ng paraan para nawala ang awkwardness na pumagitan sa kanilang lahat. “S-Shall we order coffee?” Pag-aaya ni Claire. “Naku, mabuti pa nga!” Pagsegunda ni Iya. “G-Guys, I’ll just go to Comfort Room. Orderan niyo nalang ako, ha? Maya ko bayaran.” Pagpapaalam ni James. Mababakas parin sa kanyang mukha ang pagkabalisa. Malamig naman sa loob ng coffee shop ngunit sa ‘di malamang dahilan ay pinagpapawisan siya nang malagkit. Agad siyang naglakad patungong CR. Nang siya’y makapasok, wala siyang ginawa kundi tumayo lang sa tapat ng salamin sa may lababo. Hindi niya inalis ang kanyang paningin sa repleksyon ng kanyang mukha sa salamin. Napahinga siya ng malalim. Sinubukan niyang pahupain ang tensyong kanyang nararamdaman sa kanyang dibdib, ngunit hindi niya mawari kung bakit ang hindi niya magawang pahinahunin ang t***k ng kanyang puso. Pinikit nkya ang kanyang mata. Ngunit iisang mukha lang ang nakikita niya. Mukha ni Lexie. Sinampal sampal niya ang kanyang magkabilang pisngi. Binuksan niya ang gripo at naghilamos. Ginawa niya ito sa pag-asang kahit paano ay maibsan ang kabog ng kanyang dibdib at nang sa gayon ay mapakitunguhan niya nang normal at maayos si Lexie, sa gitna ng kanyang mga kaibigan. Agad din niyang pinunasan ang kanyang mukha, huminga nang malalim, at saka mabilis na lumabas ng CR. Ilang hakbang nalang ay makakabalik na siya sa kanilang pwesto ngunit bahagya siyang natigilan nang makita niyang wala roon sa table ang kanyang mga kaibigan. Ang tanging naroon lang ay ang babaeng dahilan ng tensyong kanina pa niya pilit nilalabanan: si Lexie. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD