Habang nasa loob ng CR si James, hindi maiwasan nang magkakaibigan na magtanungan tungkol sa kakaibang ikinilos ni James sa harapan nilang lahat.
“Guys, napansin niyo ba si James? Ano kayang problema at ang weird niya ngayon?” Nagtatakang tanong ni Iya.
“Aba, wala akong idea diyan.” Mariing tugon ni Ryan.
“Basta ang alam ko, ang cold niya ngayon, ‘eh. Hindi ko nga naramdaman yung presence niya mula kanina? He’s not acting the way he used to. And, nakita ko kung paano umakyat ang tensyon sa mukha niya simula nang dumating kayo dito, Nick.” Pagpapaliwanag ni Claire.
“Tsaka, bakit hindi alam ni James ang tungkol sa pagpapakilala mo sa amin kay Lexie? Para tuloy siyang na-culture shock sa mga nangyari.” Wika ni Ryan. “Nick, is something wrong? Is there a problem between you and James?” Dugtong niya.
Tumingin si Nick kay Lexie.
“Regarding that, siguro, si Lexie dapat ang mag-explain sa inyo.” Malumanay na sagot ni Nick.
Agad na inilipat nina Claire, Ryan at Iya ang kanilang paningin ka Lexie. Si Lexie naman ay bahagyang lumingon sa bandang kaliwa kung saan naroon ang maliit na pasilyo papasok ng CR. Wari’y sinisipat niya kung malapit na bang lumabas si James. Muli niyang ibinalik ang kanyang atensyon sa tatlong kaibigan ni Nick na kanina pa nag-aabang ng kasagutan mula sa kanya.
“Ahm, guys, alam ko kakakilala lang natin. At napakahalaga ng first impression natin sa isa’t isa, correct? What I’m gonna tell you is something na pwedeng magpa-pangit ng impression niyo sa akin. So, ngayon palang, I’m telling you na maiintindihan ko sakaling hindi niyo gustuhing ituloy ang pakikipagkaibihan sa akin after niyong marinig ang sasabihin ko.” Tuloy-tuloy na pagpapaliwanag ni Lexie.
“Try us, Lexie. Don’t worry, hindi naman kami basta-basta lumalayo sa isang tao lalo na kung totoo naman ang ipinapakita niya sa amin.” Nakangiting sambit ni Ryan.
“Oo nga. Kung tutuusin, mas umiiwas pa nga kami sa mga taong akala mo santo santita, pero malalaman namin sa katagalan na balat-kayo lang pala ang lahat.” Dagdag pa ni Claire.
“I told you, Lexie. Sabi ko naman sayo mababait talaga ang mga kaibigan kong ‘to. Pagsabat ni Nick sa usapan. “They will not judge you.” Dugtong pa niya.
Napangiti si Lexie. Dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay naramdaman nya na may ibang taong handang tumanggap at maniwala sa kanya.
“Come on, Lexie. Tell us right now . Pabalik na si James in any minute.” Malambing na wika ni Iya habang bahagya niyang ipinaalala sa lahat na limitado lang ang oras ng kuwentuhan nila dahil anumang sandali ay baka lumabas na ng CR si James.
Huminga muna nang malalim si Lexie at saka nag-umpisang magkwento.
“Actually guys, hindi kasi ito ang unang pagkakataon na nagkita at nagkakilala kami ni James. Actually, mas nauna pa kaming magkakilala, kaysa ni Nick. Siya ang pinakauna kong naging kaibigan. Though, hindi ko alam kung itinuturing pa niya akong kaibigan after ng nangyari.” Panimulang saad ni Lexie.
Nagkatinginan ang tatlo. Nagulat sila sa naging rebelasyong ito sa kanila. Sabay-sabay silang tumitig kay Nick, wari’y kinukumpirma sa kanya kung tama ba ang mga binanggit ni Lexie. Walang imik si Nick. Tumango lang ito bilang pag-sang-ayon sa mga ito.
“Hindi ko na pahahabain at baka madatnan na tayo ni James. Pero, ‘ayun nga. I’ve done something wrong with him. Dahilan para magdesisyon siya na iwasan ako. Classmate ko siya dapat this sem. Pero right after that incident, he transferred himself sa kabilang bloc. So now, I want to grab this opportunity para makipag-ayos sa kanya. Well, it’s all thanks to Nick. He encouraged me to do it, because it’s the right thing.”
Tumigil sandali si Lexie sa pagpapaliwanag at magiliw na tiningnan si Nick. Ginantihan naman niya ito ng matamis na ngiti.
“Ayun, ‘eh kaya naman pala hindi talaga siya mapakali simula pa kanina.” Bulalas ni Iya.
“Y-Yeah. I think so. Hindi ko naman siya masisisi if he’s still pissed off with me.” Mahinahon na pagpapaliwanag ni Lexie.
“Now we know. Hindi man malinaw sa amin kung ano ba ‘yung nagawa mong kasalanan kay James, sapat naman nang alam namin ang pagkukusa mo para maitama ang pagkakamaling iyon.” Sambit ni Ryan. Kitang-kita sa mga mata ni Ryan ang paghanga sa dalaga.
“Lexie, is there anything we can do to help you with your plan? We would like to offer help.” Wika ni Claire.”
Natigilan silang lahat at nag-isip kung anong magandang gawin.
“Siguro kung mabibigyan niyo kami ng private time? Kahit mga three to five minutes lang. That would be a great help for me. I just want to say my deepest sorry to him. Bahala na kung tanggapin niya or hindi.” Ani Lexie.
“Alright! I have an idea!” Bulalas ni Iya.
“And what is it?” Pag-uusisa ni Claire.
“Hindi ba o-order na dapat tayo ng coffee kanina? What if iwanan natin dito si Lexie, doon tayong lahat sa counter. Tapos hintayin na natin ang order natin na ma-serve para medyo magtagal tayo doon. Para pagbalik dito ni James at maabutan niyang walang kasama si Lexie, wala siyang ibang choice kundi makipag-usap nang harapan at makipag-ayos, right?” Pagpapaliwanag ni Iya. “What do you think guys?” Dugtong niya.
“G-Guys, I think we should move now. Andyan na si James!” Pabulong na sambit ni Ryan nang bigla niyang matanaw ang bahagyang pagbukas ng pintuan ng CR.
Walang pag-aatubiling nagtakbuhan ang tatlo patungong counter ng coffee shop. Nagpaiwan sumandali si Nick para palakasin ang loob ni Lexie.
“You can do it, Lexie. I know you can.” Nakangiting sambit ni Nick.
“Thanks, Nick! I’ll do my best!” Mabilis na tugon nito.
Agad na ring tumakbo si Nick sa counter kung saan nakatayong nag-aabang sina Ryan, Claire at Iya.
“Hooh! Muntik na ko makita ni James!” Bulalas ni Nick.
“Ikaw naman kasi, nagpaiwan ka pa! Mabuti nalang at nakatakbo ka agad.” Tugon sa kanya ni Iya.
Sabay-sabay nilang tiningnan ang harapan ng counter. Laking tuwa nila nang mapagtantong mahaba ang pila. Ibig sabibin ay mabibigyan nila nang mas maraming oras sina Lexie at James para mas makapag-usap sila nang masinsinan at tuluyan silang magkaayos.
Samantala, sa di kalayuan ay natanaw na ni Lexie si James na naglalakad pabalik sa kanilang pwesto. Napansin niyang natigilan nang bahagya si James nang makita nito na siya lang ang nasa round table at wala ang kanyang mga kaibigan.
Tinitigan niya sa mata si James. Maamo ang kanyang mukha ngunit ang kanyang mata ay tila nangangamba sa kung ano ang maaaring kahinatnan ng kanilang pag-uusap.
Nang ilang segundo ay hindi parin humahakbang si James, nagdesisyon si Lexie na senyasan na ito upang lumapit. Nahihiya man ay siya na ang bumasag sa animo’y pader na pumapagitan sa kanilang dalawa at pumipigil para malayang makapag-usap.
Nang mapagtanto ni James na si Lexie na mismo ang tumatawag sa kanya palapit, tila natauhan ito. Lakas-loob niyang hinarap ang kanyang takot——ang makausap muli nang sarilinan si Lexie, matapos ang apat na buwan.
Nagsimula siyang humakbang nang marahan. Deretso lang ang tingin niya sa mga mata ni Lexie. Hindi niya napansin ang pagliit ng distansya sa pagitan nilang dalawa. Hanggang sa tuluyan na siyang nakalapit sa kinauupuan ng dalaga.
Huminga nang malalim si Lexie. Malakas ang kabog ng kanyang dibdib. Nakakaramdam man siya nang matinding pagkabalisa ay buong tapang pa rin niyang tinitigan si James ng mata sa mata at saka sinabing:
“James, let’s talk.”
***