February 14, 2010
SM Mega Mall Starbuck's Coffee
3:00 PM
Walang imik na umupo si James sa kabilang dulo ng Round Table na katapat ni Lexie. Deretso ang tingin sa kanya ni Lexie, ngunit sa 'di malamang dahilan ay hindi magawa ni James na suklian ito ng tingin.
"Pagtingin nga sa kanya nang deretso, hirap na hirap akong gawin, ang kausapin pa kaya siya?" Daing ni James sa kanyang sarili.
Sa mga sandaling iyon ay marami ang tumatakbo sa isipan ni James. Marami rin siyang gustong sabihin, ngunit hindi nya masimulang ibuka ang kanyang bibig. Daig pa niya ang isang kabayong may busal sa bibig.
"K-Kamusta ka na?" Bungad na tanong ni Lexie. Hindi parin niya tinatanggal ang kanyang paningin kay James.
"O-Okay naman." Nahihiyang tugon ni James sa kanya.
"Antagal nating hindi nagkausap." Pagpapatuloy na sambit ni Lexie habang banayad na hinahawi ang mga buhok na humaharang sa kanyang mukha.
"Oo. Four months na, to be exact. Ni hindi na tayo nagkita kahit isang beses lang simula nu'ng...lumipat ako ng bloc." Ani James. Patuloy pa rin sa pagkabog ang kanyang dibdib ngunit sa abot ng kanyang makakaya ay ikinubli niya ito sa harap ng kausap niyang si Lexie.
"Ewan ko ba, pero parang imposible naman kasi ang nangyari. Kahit gaano kalawak ang Campus, siguro naman kahit 10% man lang ay may chance dapat tayo na magkita. Unless, talagang sinasadya mong magtago..." sambit ni Lexie. Bahagya siyang ngumiti at tumingin kay James. Gusto niyang makita kung magre-react ba si James kahit kaunti man lang dahil sa kanyang mga sinabi. Ngunit taliwas sa gusto niya sanang masaksihan, walang anumang ipinamalas na emosyon sa mukha ang kanyang kausap. Blangko lang ang awra ng mukha ni James at pasulyap-sulyap lang ito sa kanya sa tuwing magsasalita siya.
“Nagtago man ako sa’yo or hindi, it doesn’t matter. Kahit naman sadyain ko na magpakita sa’yo, wala pa rin namang magbabago. I am just a stranger to you.” Matamlay na sagot sa kanya ni James.
Lubhang ikinalungkot ni Lexie ang kanyang mga narinig. Hindi na niya kailangan pang tanungin kay James kung nakarecover na ba siya sa insidenteng nangyari ilang buwan na ang nakararaan. Sapat na ang mga narinig niya para mapagtanto na apektado pa rin talaga si James ng kanilang naging alitan noon.
“James, look.” Sambit ni Lexie sabay buntong hininga. Alam kong hindi naging smooth ang una nating pagkikita. Hindi rin naging maganda ang pagkakakilala natin. Pero James, I want to move on. Ayokong baunin natin ang sama ng loob na naramdaman natin sa isa’t isa hanggang sa pagtanda. That’s why I’m talking to you right now. And I want to apologize for everything.” Dugtong niya. Nakaramdam ng hiya si Lexie sa harapan ni James. Binawi niya ang kanyang tingin at bahagyang napayuko.
“It is for Nick, right? It’s why all of the sudden gusto mong makipag-ayos sa akin? Noong nalaman mo na best friend ako ni Nick, saka mo na-realize na dapat makipag-ayos ka sa akin. Dahil boyfriend mo na siya at kahit ayaw mo, we’ll cross each other’s life. Tama?” Mabilis na tugon sa kanya ni James habang nakakunot-noo.
Nanlaki ang mga mata ni Lexie. Mababakas sa kanyang mukha ang labis na pagkabahala. Inangat niya ulit ang kanyang mukha at tiningnan si James nang mata sa mata upang ipakita ang sincerity sa kanyang mga sasabihin.
“N-No. It’s not like that.” Mariing tanggi ni Lexie. “James, hindi ko pa boyfriend si Nick. Yes, he’s consistently courting me since November. But he’s nothing to do with my decision to reconcile with you. Hindi ko ‘to ginagawa para sa sinuman. I’m doing this for myself. And para sa’yo rin, James. Dahil alam kong nasaktan kita nang sobra. You didn’t deserve to be treated that way. I shouldn’t pushed you away in my life.” Pagpapaliwanag ni Lexie. Nangingilid ang kanyang mga luha ngunit buong-pilit niya itong pinipigilan. Ayaw niyang umiyak sa harap ni James.
Nagulat si James sa kanyang mga narinig. Hindi ganoon ang Lexie na nakilala niya noon. Hindi niya maintindihan kung bakit tila lubusang nag-iba ang personality ng dalaga. Hindi na niya makita ang maangas at matapang na ugali nito na halos walang kinatatakutan. Ang nakikita niya sa harapan niya ay isang malumanay, maamo at pasensyosa na Lexie.
“What happened to you, Lexie?” Biglang bulalas ni James.
“W-What?” Nagtatakang sagot nito sa kanya.
“You’ve changed. A lot. It’s as if you’re not Lexie at all.”
“It’s all thanks to Nick.” Sagot sa kanya ni Lexie. “He changed my perspective in life. And he gave me hope. That I could be better than I used to.” Dugtong niya. Malalim ang kanyang paghinga habang sinasabi ang mga salitang iyon.
Lumakas ang kabog sa dibdib ni James. Hindi siya makapaniwala sa kanyang mga narinig. At hindi niya lubos mapaniwalaan ang pagkumpirma sa kanya ni Lexie. Sinagot nito ang kanina pa niyang agam-agam sa sarili. Totoo nga. Si Nick ang dahilan ng biglaang pagbabago ni Lexie.
“Paano niya nagawang baguhin ang takbo ng isip mo?” Tanong ni James. Hindi na niya napigilan ang kanyang sarili na itanong iyon kay Lexie. Pinapatay na siya ng curiosity at intimidation sa kanyang loob.
“It... It just happened.” Maikli ngunit nakakaintrigang sagot sa kanya ni Lexie. “He just came in my life. And, he continued sticking with me, kahit ilang beses ko siyang tinulak palayo sa akin.” Dugtong niya.
Hindi maipinta ang mukha ni James. Halos malugmok siya sa sobrang kalungkutan habang pinapakinggan ang nagsasalitang si Lexie. Pilit niyang itinatanggi ngunit hindi niya maikaila sa kanyang sarili ang insecurity na kanyang nararamdaman kay Nick.
“He knew the kind of life I have. ‘Had’, actually. He found me in my brokenness, collected every single pieces of me and never stopped to try fixing it. Then one day, I just found myself whole and complete again. All thanks to Nick.” Malumanay na pagku-kuwento sa kanya ni Lexie. “And that’s the time I realized, what I did to you is completely wrong. I should’ve listened to you the very first time na sinabi mo sa akin na mali ang buhay na nilalakaran ko. I should’ve appreciated your concern. And, I should’ve accepted you as my friend. Saka ko lang na-realize ang lahat kung kailan lumayo ka na sa akin. And with that, I want to apologize to you.” Dugtong pa niya.
Huminga nang malalim si Lexie at buong pagpapakumbabang inamin ang kanyang pagkakamali sa harapan ni James.
“James, I’m really, really, really sorry. Please forgive me.” Sambit ni Lexie habang walang kurap na nakatitig sa blangkong mukha ni James.
***