Chapter 23—Let’s Start All Over Again

1885 Words
Patuloy lang sa pagkatulala si James. Hindi siya makapaniwala sa mga nasasaksihan ng kanyang dalawang mata. Bumigat ang ulo niya dahil sa lalim ng kanyang iniisip. Tila maging ang sarili niyang diwa ay hindi niya maarok. Inilagay niya ang dalawa niyang kamay sa magkabilang hita niya at nilamukos ang kanyang pantalon kasabay ng pagsara ng kanyang mga palad. “Ganyan ba talaga kalaki ang naidulot sayo ni Nick sa loob lang ng ilang buwan? Nagagawa mong ibaba ang sarili mo sa harapan ko? Habang ako, ni hindi ko man lang maatim na kusang magpakumbaba at aminin ang mga nagawa kong pagkakamali noong una tayong nagkakilala. Isa lang ang alam kong dahilan kung paano ka nagbago. Isang rason lang ang tumatakbo sa isip ko kung paano naging posible ang imposible.” Sambit ni James sa kanyang sarili habang pinapakinggan kung paanong buong kababaang-loob na humihingi ng tawad sa kanya ang kaharap niyang si Lexie. “James, can you forgive me?” Muling pagtatanong sa kanya ng dalaga. “Gusto kong ituloy ang naudlot nating pagkakaibigan. Let’s start all over again.” Dugtong niya. Imbes na sagutin ni James ang tanong nito ay bigla na lang niyang nabulalas ang isang tanong na kanina pang tumatakbo sa kanyang isipan at nagbibigay ng kirot sa kanyang dibdib. “Do you love Nick?” Buong tapang na tanong ni James. “W-What?” Nawiwindang na tugon ni Lexie. Napakunot-noo siya. Hindi niya inasahan na tatanungin iyon sa kanya ni James. “Do you love him?” Pag-uulit na tanong ni James. Wala itong kurap na nakatingin lang sa mga mata ng naguguluhang si Lexie. “W-What kind of question is that?” Pa-ismid na sagot ng dalaga. “James, naririnig mo ba ang sinasabi mo? As you see, I’m trying so hard para magkaayos tayo. I even humbled down myself in front of you, asking for forgiveness. Yet, you are into that silly question. How is that question relevant with what we are dealing about?” Iritableng tanong ni Lexie sa kanya. Ayaw man niyang masungitan si James ay hindi naman niya mapigilan ang bahagyang pagbabago ng kanyang mood dulot ng matinding pagkadismaya sa nagiging takbo ng pag-uusap nilang dalawa. Pinagmasdang mabuti ni James ang mukha ng kausap niyang si Lexie. Napansin niya na nawala ang lamig ng ulo nito dahil sa kanyang mapangahas na tanong. “I-I’m sorry, Lexie. Curious lang ako kung paano ka nagawang baguhin ni Nick sa ganoong kabilis na panahon.” Malumanay niyang pagpapaliwanag. “I-I was just confused. You’re not the kind of person na unang hihingi ng apology. I’m having a hard time para ma-absorb ko sa sarili ang lahat ng nangyayari ngayon sa harapan ko. Gusto kong paniwalaan ang mga sinabi mo. Gustong gusto. I really want to accept your apology. Pero, gusto ko lang lubusang makasiguro na hindi mo ‘to ginagawa dahil may nag-udyok lang sa’yo na gawin ‘to.” Tuloy-tuloy na pagpapaliwanag ni James. Huminga siya nang malalim at binawi ang kanyang tingin kay Lexie at saka siya nagpatuloy sa kanyang pagsasalita. “Kaya ko ‘yun natanong. A-Ayoko lang umasa ulit sa wala. Katulad noon. Akala ko magagawa mong tanggapin ang inaalok kong pakikipagkaibigan sa’yo. Pero kung gaano kabilis ang mga pagkakataong nagkakilala tayo, ganoon din kabilis nawala ang lahat. Tinulak mo ako palayo ng buhay mo.” Pagpapatuloy ni James. Namumula ang kanyang mga mata. Ngunit hindi niya hinayaang tuluyan siyang lamunin ng kanyang nagwawalang emosyon sa loob. Muli niyang itinuon ang kanyang mga mata kay Lexie, huminga nang malalim at saka muling nagsalita. “Do you love him? Answer my question, please.” Tanong ni James sa ikatlong pagkakataon. Umaasa siya na mabibigyan na siya nito nang maayos na sagot. “James, stop. Please stop asking me that. Dahil kahit naman ako, hindi ko rin alam ang sagot sa tinatanong mo. All I know is that I’m very thankful for him. I’m grateful for all he’s ever done to me to become better for the last four months. And I treasured him. A lot. At gusto ko, kung paano ko siya i-treasure ngayon, ay maging ganoon ka rin sa akin. Dahil ang totoo, ikaw ang pinakauna kong tinuring na kaibigan. Ikaw ang unang nagparamdam sa akin na dapat akong galangin... at dapat ko ring galangin ang sarili ko.” Sambit ni Lexie. Mabibigat ang bawat paghinga niya. Nangungusap ang kanyang mga mata at tila kumonekta naman ito kay James na sa mga sandaling iyon ay pigil-hiningang nakikinig nang maigi sa kanya. “Kung mahal ko man o hindi si Nick, it doesn’t change the fact that it is my sole decision to talk to you right now.” Pagpapatuloy ni Lexie. “Kaya sana, maging malinaw na sa’yo. Sarili kong desisyon ang pakikipag-ayos kong ‘to. At walang kinalaman si James o ang nararamdaman ko sa kanya, kung mayroon man, o kahit na sinuman sa kagustuhan kong maging okay na tayo. Yes, James encouraged me to push it through. Pero bago pa ‘yun, buo na talaga ang loob ko na humingi ng tawad sa’yo. Dahil alam ko mismo sa sarili ko kung ano ang nagawa ko. Nasaktan kita. Nagkamali ako. And right now, wala akong ibang gustong mangyari kundi ang makipag-reconcile sa’yo.” Ani Lexie. Halos mamula ang kanyang mukha dahil sa pagpipigil niya sa kanyang sarili. Ayaw niyang umagaw nang atensyon sa buong paligid kaya kahit naninikip na ang kanyang dibdib ay pinanatili niya ang mahinahon na pakikipag-usap kay James. Matapos na magpaliwanag si Lexie, unti-unti niyang ibinaba ang kanyang paningin kasabay ng kanyang pagyuko. “I sincerely sorry, James.” Muling sambit ni Lexie habang matamlay na napabuntong-hininga. Matamlay na tinitigan ni James ang nakayukong si Lexie. Ayaw man niyang aminin ngunit hindi niya maikaila ang nasaksihan niyang sincerity ni Lexie sa paghingi nito ng tawad sa kanya. Marahan siyang pumikit at huminga nang malalim. Mga tatlong beses niya itong ginawa. Hanggang sa naramdaman niyang unti-unting humuhupa ang tensyon sa kanyang katawan. Kasabay ng pagbitaw ng kanyang hininga sa ikatlong pagkakataon ay ang pagbitiw din niya sa mahigpit na pagkakahawak niya sa kanyang pantalon. Pagkatapos, muli itong huminga nang malalim at saka mahinahon na nagsalitang muli. “Alright. I forgive you.” Sambit ni James. Ibinalik niya ang kanyang paningin sa dalaga. Nang marinig ito ni Lexie, unti-unti niyang inangat ang kanyang ulo. Muling nagtama ang kanilang mga mata ngunit sa pagkakataong iyon ay nasilayan na ni Lexie ang bahagyang pag-aliwalas ng mukha ni James. “T-Totoo ba ‘yung narinig ko?” Tanong ni Lexie. “Oo. Nakita ko naman ‘yung eagerness mo na mapatawad kita. Sino ba naman ako para tanggihan ang apology ng isang taong sincere naman talaga sa paghingi nito.” Paliwanag ni James. Bahagyang napangiti si Lexie nang marinig niya ang mga salitang iyon ni James. “Also, g-gusto ko na ring i-grab ang opportunity na ‘to... para makahingi rin sayo ng apology. I’m sorry kung naging harsh ako sa’yo during that time. And... sorry rin kung hindi ko nagawang mag-stay sa’yo, katulad ng ginawa ni Nick.” Pagpapatuloy niya. Napabuntong-hininga si Lexie at pagkatapos ay bahagyang sumilip ang ngiti sa kanyang mga labi. “Naiintindihan ko naman kung bakit mo ‘yun nagawa. At hindi rin naman nagbago ang pagtingin ko sa’yo kahit na tuluyan mo akong iniwasan after that incident. Siguro, nasanay na lang din ako na wala akong kasama sa buhay. Na ‘yung mga tao sa buhay ko, come and go lang lagi. Kaya noong tuluyan kang lumayo sa akin, hindi sumama ang loob ko. Lalo na, alam ko naman kasi na may dahilan ka para layuan ako. You discovered that I’m a stripper. Pero ganunpaman, hindi ka naalis sa damdamin ko. Itinuring pa rin kitang una kong kaibigan, sa kabila ng lahat. Sinubukan kitang hanapin sa Campus, actually. Pero ayun nga, kahit anong gawin ko talaga, ni hindi man lang kita makita talaga.” Wika ni Lexie. “Actually about that thing, hindi naman ako lumayo dahil sa nalaman kong ganoong klaseng buhay mayroon ka. Lumayo ako dahil hindi ko alam kung paano kita matutulungan. Hindi kita hinusgahan. Alam kong may mabigat kang rason kung bakit at paano ka napunta sa ganoong sitwasyon. Pero hindi ko lang talaga kayang mag-stay that time sa’yo dahil... hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin para ma-convince kang iwan ang ganoong klaseng trabaho. You kept on pushing me away. Gustuhin ko man pero hindi naman kita pwedeng pilitin kung talagang ayaw mo. I’m sorry, hindi ako nag-stay katulad ni Nick.” Matamlay na pagpapaliwanag ni James. “Thank you for your deep concern, James. I appreciate it. Please, ‘wag mong ikumpara ang sarili mo kay Nick. Hindi mo kailangang maging katulad niya para makapasok sa buhay ko. Nakita ko naman kung gaano kalaki ang pagpapahalaga mo sa akin no’ng time na ‘yun. Kahit na kakikilala lang din natin noong araw na ‘yun. At sobrang itinago ko ‘yun sa puso ko. Sorry kung hindi ko man lang naparamdam sa’yo ang appreciation ko. Pero sana, hayaan mo ‘kong makabawi from this day forward. I hope we can all be good friends.” Punong-puno ng pag-asang sambit ni Lexie sa kanya. “S-sure. So... are we friends now?” Tanong ni James. Bahagya siyang nakangiti at nangungusap ang mga mata. Ini-umang niya ang kanyang kanang palad at hinihintay niyang abutin ito ni Lexie. Nang makita ito ni Lexie ay hindi na nito naitago ang galak sa kanyang mukha. Dahil sa wakas ay nagkaayos na rin sila ni James. “Then and now, James. We’re friends!” Masiglang tugon nito. Malagkit na tinitigan ni James sa mukha si Lexie. Sa kauna-unahang pagkakataon, nakita ni James kung paano napuno ng saya ang mga labi at mata ni Lexie. Ito ang matagal na niyang gusto masaksihan. Buhat pa noong unang araw na nagkakilala sila. May konti mang naiwang kurot sa kanyang dibdib ay bahagyang gumaan na rin ang kanyang pakiramdam nang unti-unti ay nagiba ang pader na naghihiwalay sa kanilang dalawa ni Lexie. Wala na ang awkwardness na naramdaman niya mula pa kanina nang magkasama silang dumating ni Nick sa Coffee Shop. Nagpatuloy ang kanilang walang humpay na pag-ngitian. Hanggang sa tumunog ang cellphone ni Lexie. May tumatawag pala sa kanya. Binitawan niya ang kamay ni James. “James, if you may excuse me, I just have to take this call.” Pagpapaalam nito. “Sure. N-No problem. Mabilis na sagot ni James sa kanya. Agad na tumayo si Lexie at pansamantalang lumabas sa Coffee Shop para pribado niyang makausap ang tumatawag sa kanya. Sinundan ni James ng tingin si Lexie habang lumalabas. Nang kanyang ibalik ang paningin sa loob ay nakita niya ang iba pa niyang mga kaibigan na nagtatawanang nakapila pa rin sa counter, hinihintay ang in-order nilang mga kape. Napako ang mga mata ni James sa matalik niyang kaibigang si Nick. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, muling nawala ang sigla sa mukha niya at nakaramdam siya ng bahagyang paninibugho. Dahil nagawa niya ang bagay na sinukuan niyang gawin kay Lexie. “Kung nag-stay lang sana ako kay Lexie. Kung hindi ko sana siya sinukuan noong mga panahong natagpuan ko siya. Ako sana ang nasa pwesto na mayroon ka sa puso niya ngayon, Nick.” Pabulong na sambit ni James sa kanyang sarili habang pilit niyang hinihinahon ang malakas na kabog sa kanyang dibdib. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD