Chapter 5—Beer Diaries

2100 Words
May 25, 2020 Lexie’s Mansion House 10:00 PM "Boss, pakuha naman kami ng isa pang case ng San Mig..." magalang na pakiusap ni James sa isang staff ng catering. "Padagdag narin ng pulutan!" dugtong ni Ryan. "Ano ‘tol? Kaya pa ba?" ani James. "Sus. Ako pa talaga tinanong mo pre? Kayang kaya pa noh! Nakakaanim na bote palang tayo eh. Kulang na kulang pa!" "Ang yabang talaga nito! Tignan mo nga mukha mo 'tol... namumula na!" Patuloy na pang-aasar ni James. "Tisoy lang talaga ako! Makikita mo, makakapag-drive pa ‘ko nito pauwi!" Pagyayabang ni Ryan. "Talaga lang ah?" "Oo pre, you'll see..." Hindi man kumbinsido si James ay napatango nalang ito nang sarcastic kay Ryan. Pinagpatuloy nilang tunggain ang lagpas na sa kalahating bote habang enjoy na nakikinig sa tugtog ng DJ. Maya-maya pa'y dumating na din ang isang case ng SanMig na pinakuha nila. Samantala, patuloy naman sa pagtatampisaw si Iya at Lexie sa pool. Si Nick ay mistulang batang nakikipagharutan sa dalawa. "Tol, naaalala mo ba yung kabataan natin? Tayo ang laging nagseset ng summer vacation trip natin?" Pag-oopen-up ni James ng usapan. "Oo. Kahit anong klaseng gathering nating magbabarkada, tayo talagang dalawa ang nagpa-plano at nagpu-push." sagot ni Ryan. "And one thing na di mawawala sa lugar na pupuntahan natin?" "BEACH!" Sabay na sabi ng dalawa habang nakangiti na wari'y nagre-reminisce ng mga pangyayari sa nakaraan. "Kung hindi naman beach, swimming pool! Just like this time!" ani Nick. "Sa sobrang usual nga ng ganoong set-up, hindi na tayo nagugulat sa mga pinupuntahan natin.. kasi expected na ng lahat na kasama ang swimming sa itinerary. Kaya tayo nalang ang nag-iisip din ng mga pakulo at pasabog sa twing nag-a-outing tayo..." dugtong ni James. "Not this time, James." Unti-unting nawala ang ngiti sa mukha ni James sa narinig niyang sinambit ni Ryan. "Yeah, right. Not..this time..." Natigilan ang dalawa ng ilang mga sandali. Wari'y nagkaka-intindihan sila kahit hindi nila sabihin sa isa't isa kung ano bang bagay ang nagpa-gulat sa kanila noong mga sandaling iyon. Patuloy lang sila sa pag-inom habang nakatanaw sa hangin. "Guys!" Napatigil sa paghaharutan sila Nick, Iya at Lexie at napalingon sa tumawag. Natigilan naman sa paglagok ng alak si James at Ryan habang tinititigan lang ang babaeng lumabas mula sa glass door ng mansyon. Si Claire. "OMG Claire!" namamanghang sambit ni Lexie. Nagulat ang lahat nang makita nila si Claire na ubod ng sexy sa kanyang swimsuit na kulay dilaw. Hubog na hubog ang balakang nito at ang dibdib. "Sino ngayon ang mataba aber?" patuyang sambit nito habang naka-pose na parang model. "I hate you na Claire!" Ani Iya habang pinagmamasdan ang sarili niyang dibdib at tila nai-insecure sa kaseksihan na pinapamalas ni Claire. "Ikaw na ang sexy, Claire! Sayo na ang korona!” nakangusong sambit ni Lexie. Nakangiting lumakad si Claire at umupo sa gilid ng pool, malapit sa pwesto nila Lexie. Nilublob niya ang mga binti niya sa pool at nagkuyakoy na tila tinatantya kung kaya ba niya ang lamig ng tubig nito. Palihim niyang sinulyapan si Ryan na wari’y inaalam kung okay lang ba ito. "You know what, Ryan? Kung natuturuan lang ang puso, pipiliin kong si Claire nalang ang babaeng mahal ko at magiging Girlfriend ko." ani James na sige parin ang pagbukas ng bagong bote ng alak. "Ha? Talaga ba? Si Claire talaga?" nagtatakang tanong ni Ryan habang namumulutan. "Seryoso ako ‘tol! Tingin ko nga kung liligawan ko siya? Mapapasagot ko talaga eh!" "Sus, James. Masyado ka talagang bilib sa sarili mo. Ibahin mo si Claire sa ibang mga naka-flirt mo. I know her more than anyone else. Ako na nagsasabi sayo: You'll never stand a chance with her!" "Wow. Bakit? Kasi ikaw ang gusto niya? Yiiiiee!" "Anong ako? Naku James, di kame talo ni Claire nu! Mag bestfriend lang talaga kami. "Sus. ‘Yun ang di kapani-paniwala! Lagi kayong magkasama pero ‘di kayo nagkakagustuhan? Siguro ikaw, oo. ‘Eh siya? Sigurado ka bang wala siyang feelings para sa’yo?" Pagkasabi nito ni James, biglang napalingon si Ryan kay Claire na sa mga sandaling iyon ay nakikipag-kulitan kila Lexie sa pool. Napatigil siya ng ilang sandali at napagtanto niya na marahil ay tama ang sinabi ni James. Na hindi malabong magkagusto si Claire sa kanya lalo pa't alam niyang hindi close nang sobra si Claire sa mga lalake maliban sa kanya. Ngunit pilit niyang nilalabanan ang ideyang iyon sa kanyang isipan. "Shut up, Dude! Naku, kung gusto mo ligawan si Claire, just do it. Wala kang dapat ikabahala! Magkaibigan lang talaga kami ni Claire." Napangiti nang bahagya si James dahil sa sinabi ni Ryan. "Well, yun nga ay kung... natuturuan ang puso." Napabuntong-hininga si James matapos niya itong masabi. "Ryan, wala akong gusto kay Claire. I wish si Claire na nga lang, ‘eh. Parang mas possible pa mangyare ‘yun kaysa sa magustuhan ako ng taong never naman talaga ako mamahalin in the first place." "Aba, ang lalim ng hugot mo ah? Teka. Sino ba kasi ‘yan? Hanggang ngayon wala ka pang pinapakilala sa amin na babaeng nagugustuhan mo pero sagad sa buto ka naman kung makahugot?" "Mahalaga pa bang ipaalam? Kung... never namang nagkaroon ng pagkakataong maging kami? Kung never naman niyang nalaman na minsan sa buhay ko, minahal ko ang isang gaya niya? Napa-balikwas nang tingin si Ryan kay James dahil sa kanyang mga narinig. Hindi niya mawari'y ngunit parang nararamdaman din niya ang bigat ng pinagdadaanan ni James. "Alam mo, tama ka pre, eh. Parang hindi naman worth it i-share yung isang bagay na never naman talagang nangyari in the first place." ani Ryan. "At never talagang mangyayare..." dugtong ni James. Muli nanaman silang natahimik nang hindi alam ang dahilan. Napatitig si Ryan kay Lexie. Kahit na napaka-upbeat ng tugtog ng DJ noong mga oras na ‘yon, mababakas sa mukha ni Ryan ang labis na pagkalungkot. Nang mapansin ni James na tila hindi na kumikibo si Ryan, liningon niya ito at nasaksihan niya kung paanong ang mga mata ni Ryan ay unti-unting pumula at tila ‘di na mapipigil ang luha sa pagbagsak. Tiningnan niya kung ano ba ang tinatanaw ni Ryan sa malayo. Napa-kunot-noo siya nang madiskubre niyang si Lexie pala ang sinusundan ng tingin nito. Hindi niya lubos na maintindihan kung bakit nanlulumo ang mga mata ni Ryan habang pinagmamasdan si Lexie sa malayo. "Click!" Iniuntog ni James ang kanyang bote sa hawak na bote ni Ryan. Napa-balikwas si Ryan nang marinig ang tunog na iyon. Nakita niya si James, naka-abang sa kanya para sabay silang tumungga. "Bottoms-up?" pag-aaya ni Ryan. "Bottoms-up!" "Ahhhhhh!" Sarap talaga ng SanMig. Walang katulad!" Sambit ni Ryan. "Yeah, right! At mukhang... tumatama narin. Ani James. Umiling si Ryan habang tinatawanan si James na sa mga sandaling iyon ay nahihilo na. "Hey, guys! Come on! Tara na dito sa pool! Mamaya na yang inom!" Pasigaw na pag-aaya ni Lexie sa dalawa. Biglang tumayo si James at umunat. "Uhm, bro, lusong muna ako ha? Pampawala ng amats! Ikaw ba? "Sige pre, sunod ako maya-maya... inom lang ako isa pang bote." "Come on! Alam kong may tama ka narin kanina pa! Nakaka dalawang case na tayo oh? Wag kana magpanggap dyan!" "Di ako weak katulad mo ‘nu! Kaya ko pa! Sige na samahan mo muna sila." Pagyayabang ni Ryan. Umiling-iling si James habang pasuray-suray nang naglakad palapit ng pool. Si Ryan naman ay nanatili sa kanyang kinauupuan at patuloy parin sa pagbukas ng mga bagong bote ng SanMig. "O, bat ikaw lang ang lumapit? Anong drama ni Ryan?" tanong ni Nick. "Well...ayun gusto pa daw uminom." Naka- ismid na sagot ni James. "Hay naku... Sinumpong nanaman ng ka-emo-han yan. Claire mabuti pa't puntahan mo na doon sa table. Gamitan mo na ng charisma mo. Pag nadala mo dito itulak mo sa pool para makaganti ka sa amin!” Patuyang sabi ni Lexie sabay tawa nang medyo malakas. Dali-dali ay umahon si Claire sa pool. Pag-ahon niya, tumigil siya sandali at nilingon si Ryan. Batid niya sa kanyang loob kung ano ang tunay na dahilan ng paglalasing ni Ryan, ngunit ayaw niya itong ipahalata sa lahat. Huminga siya nang malalim at saka nagsimulang maglakad palapit kay Ryan na noo'y nakayuko at sige lang sa pagbubukas ng bote ng SanMig. "Care to hand me a drink?" Natigilan si Ryan ng pagbubukas ng bote. Iniangat niya ang kanyang ulo at tumambad sa kanyang harapan si Claire na sobrang lapit sa kanya. "W-What the heck? Lumayo ka nga ‘kaunti Claire! Ang sagwa!" Bahagyang iniwas ni Ryan ang kanyang upuan palayo kay Claire. Ibinaling din niya sa iba ang kanyang paningin dahil hindi ito sanay na makita si Claire na naka-swimsuit na sobrang lapit sa kanya. "Napabulalas ng tawa si Claire sa nakitang reaksyon ng mukha ni Ryan. "Ito naman. Para kang nakakita ng magandang multong naka two-piece sa reaksyon mo! Kaloka ka. Ako lang to!" Biro nito kay Ryan. Inabot ni Claire ang isang bote ng SanMig. "So... Tell me. What is this all about?" "Wala." "Anong wala naman? ‘Eh halos lango ka na sa alak, wala pang madaling araw! Sinukuan ka na nga ni James." Pagtataray ni Claire. "Wala nga. Bumalik ka na doon sa pool. Don't worry about me. Okay lang ako. "Sus. Drama King. Hinahanap ka na nga nila doon. 11:30 PM palang. Technically, it's still our Friendship Anniversary. Supposed to be kasama ka naming nagse-celebrate, hanggang sa huling segundo ng araw na ‘to. Kaso heto ka’t mukmok ng mukmok sa tabi. Naglalasing. Ano, kailangan ba kita ulit kilitiin nang bongga para makasama kita don?" Tinitigan lang siya ni Ryan. "O-Okay. Sige ganito nalang.’Pag naubos ko ‘tong SanMig sa isang tunggaan lang, papayag ka nang makilangoy sa amin? Ano game?" "Sira ka ba? Gagawin mo ‘yun para lang makasama ako doon? "You're cra..." Hindi pa man natatapos ni Ryan ang kanyang sasabihin ay tinungga na ni Claire ang bote at pilit na inuubos ang laman nito. Si Ryan naman ay walang kurap na nakatitig lang habang pinagmamasdang mabuti si Claire na halos mabilaukan na at mangiyak-ngiyak dahil sa pilit na pag-ubos nito ng alak. Maya-maya pa'y himalang naubos nga nito ang laman ng bote. "A-Ayos ba Ryan?" Sambit nito habang sumisinok-sinok pa. "U-unbelievable!" ani Ryan. Inilapag ni Claire ang bote nang medyo pabagsak sa table. Inilapit niya ang kanyang mukha kay Ryan na halos gadangkal nalang ay mahahalikan na niya ito at saka mapang-asar na tinitigan nang mata sa mata. Nagulantang si Ryan sa ginawang pangtutuya sa kanya ni Claire. Mas tumindi ang pamumula ng kanyang pisngi na tila baga naghalo ang epekto ng kalasingan at pagdaloy ng dugo nito sa mukha. "O-Okay fine! Tara na, bago magbago ang isip ko." "Yehey! There you are! I won again!” Tuwang tuwang sambit ni Claire na may kasama pang pagpalakpak. Hinawakan ni Claire sa kamay si Ryan at pabigla itong hinila hanggang sa makarating sila sa gilid ng pool. "Guys! He's here! Mission accomplished!" "H-hello... N-napasarap yung...yung inom ko.” Nahihiyang sambit ni Ryan sa buong barkada. Nakasimangot ang lahat kay Ryan. Walang umiimik at nakatitig lang nang matalim sa kanya. "I-Is there something wrong, guys? Ba't ganyan tingin niyo sakin?" Pagtataka ni Ryan. "You know what to do..." "H-huh?” Biglang tinulak ni Claire mula sa likod si Ryan. Na -out balance si Ryan at tuluyan na ngang nahulog sa pool. Sabay-sabay na nagtawanan sila Iya, Lexie, James at Nick. Si Claire naman ay nagsenyas ng 'peace sign' kay Ryan habang nakalabas ang dila. "That's your punishment, bro! Emo pa more!” Sambit ni Nick habang nilalapitan si Ryan para akbayan ito. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD