Chapter 39—(Editing)

2518 Words
Wala na ngang nagawa pa si Claire kundi unti-unting pahupain ang kabang kanyang nararamdaman dala ng planong pagpapakilala sa kanya ni Ryan sa iba pa nitong mga kabarkada. Kahit naman kasi tumanggi siya ay hindi naman na niya mapipigilan ang mga pangyayaring tila itinakda na ng pagkakataon. “Bakit ba kasi ako kinakabahan nang ganito? Ipapakilala lang naman niya ako sa mga kaibigan niya. Dahil ba sa sinabi niya na itinuring na niyang pamilya ang mga ‘yun? Pero kahit na. Kung gayon nga, ‘e ano naman sa akin? Kaibigan ko lang naman si Ryan at wala naman akong naiisip na ibang rason kung bakit kailangan kong makaramdam nang ganito. Hay, ewan.” Sambit ni Claire sa kanyang sarili. Pinagsikapan niya na hindi ipahalata kay Ryan ang malalim nitong iniisip kaya hindi siya nagpakita ng kahit na anong emosyon sa kanyang mukha. Bagkus ay sinabayan lang niya ang paglalakad nito papasok ng Foodcourt. Samantala, nakahanap na ng puwesto si Iya kung saan sila maaaring magsalu-salo sa pananghalian. Sinigurado niya na may mauupuan silang apat na magkakaibigan, kasama ang espesyal ipapakilala ni Ryan na si Claire. Si James at Nick naman ay nagpaiwan sa food stall para pagtulungang bitbitin ang mga in-order nilang pagkain. Ilang saglit pa ay natanaw na ni Iya si Ryan sa ‘di kalayuan. Agad din niyang napansin ang babaeng kadikit ng kaibigan habang naglalakad papasok ng Foodcourt. Kinawayan niya ang dalawa upang hindi na sila mahirapan pang hanapin ang puwesto na kinaroroonan niya. “Ryan! Right here!” Pasigaw na sambit niya. Nilinga-linga ni Ryan ang paligid at pilit na hinahanap kung saan nanggaling ang boses ng tumawag sa kanya. Sa ‘di kalayuan sa bandang kaliwa ay natanaw niya nga si Iya na patuloy lang sa pagkaway sa kanila. Agad silang nagkangitian nang magtama ang kanilang mga paningin. “There you are!” Bulalas ni Ryan. Sumulyap si Ryan kay Claire at bahagyang tumango. Si Claire naman ay walang reaksyon na ipinakita kahit na alam niya ang gustong ipahiwatig ng binata. Tila wala nang magagawa si Claire kundi ihanda na lang ang kanyang sarili sa mga mangyayari. Walang pasabing hinawakan ni Ryan ang kanyang kanang kamay, anupa’t sa isang kisap-mata ay nakita na lang niya na magkadaupampalad na sila ng kaibigan. Unti-unti siyang hinatak nito paabante. Wala na nga siyang nagawa kundi bilisan ang paglakad para makahabol sa lakad ni Ryan na nasa kanyang unahan at nang hindi siya tuluyang madapa. Matapos ang ilang segundo, sa wakas ay narating na rin nila ang puwesto kung nasaan si Iya. “Hi, Ryan!” Pagbati ni Iya. Tumayo siya upang yumakap at bumeso sa kaibigan. “Ang tagal niyo naman, akala ko naligaw na kayo dito.” Dugtong niya. “Sus, na-miss mo naman ako agad. Kahit naman gaano kalaki ‘tong amusement park na ‘to, imposible naman kaming maligaw dito, ‘no.” Nakangiting sambit ni Ryan. Bahagyang natawa si Iya. Si Claire naman ay nakamasid lang kung paano mag-usap ang dalawa at wari’y nagulat sa ipinakitang closeness ng dalawa. “Super close nila. Sigurado ako na marami na silang pinagdaanan para maging ganito ka-close.” Wika ni Claire sa kanyang sarili. Hindi niya mawari kung ano ba ang nararapat maramdaman sa mga sandaling iyon. “Magugustuhan kaya niya ako bilang kaibigan ni Ryan? Parang sobrang clingy niya kay Ryan.” Dugtong niya. Tila hindi maubusan si Claire ng mga agam-agam sa kanyang loob. “Ahm, by the way, this is Claire. Best friend ko sa classroom. Claire, this is Iya. Isa sa mga matalik kong kaibigan.” Pagpapakilala ni Ryan. “Oh! Hi ate Claire! Nice to finally meet you po!” Pagbati ni Iya. Akma nitong lumapit kay Claire para bumeso. Si Claire naman, medyo naiilang man ay pinayagan na rin niya na gawin iyon ni Iya. Ayaw naman din niya na ipahiya ang kaibigan ni Ryan sa harapan niya mismo. “Tara upo tayo!” Pag-aaya ni Iya habang hatak-hatak ang kanang kamay ni Claire. Sabay-sabay naman silang nagsi-upo sa pabilog na upuan ng umbrella. “Ryan always talks about you po. Kapag magkakasama kami, lagi ka niyang nababanggit sa barkada. Kaya lumaki ang curiosity naming tatlo kung sino ba ‘yung tinutukoy ni Ryan na naging matalik niyang kaibigan sa classroom niya. And we’re very thankful na nandito ka na ngayon sa harap namin!” Kinikilig na sambit ni Iya. “Ah, gano’n ba? Naku, nakakahiya naman.” Ani Claire. Bahagya siyang napangiti dahil sa mga narinig niya mula kay Iya. “Opo!” Masiglang tugon nito. “Sa katunayan nga po ‘eh matagal na naming kinukulit ‘tong si Ryan kung kailan ka niya sa amin ipapakilala.” Aniya. “W-Wait. If you don’t mind, ilang taon ka na ba? A-Ang galang mo naman ‘ata masyado, Iya? Okay lang naman siguro kung wag ka na mag ‘po sa akin.” Sambit ni Claire. “A-Ah, okay lang po ba? Pasensya na po kayo sa akin. Nasanay po kasi ako na kapag hindi ko pa masyadong close ‘yung isang tao, kahit tingin ko magkasing-edad lang kami o ‘di naman kaya ay ‘di magkalayo ang edad, ‘eh gumagamit po talaga ako ng ‘po at opo. By the way I’m 13 years old po. Second Year High School po.” Ani Iya. “Oh? ‘E halos magkasing-edad nga lang tayo. 14 pa lang ako. Naku, tanggalin mo na ‘yang po at opo mo sa akin, okay? Nakakailang, ‘eh.” Mabilis na sagot ni Claire. “S-Sige po. Kung ‘yun po ang gusto niyo. Pero, sa isang kondisyon...” ani Iya. “Sige, ano ‘yun? Let’s see kung magagawa ko ‘yan.” Masiglang wika ni Claire. Hindi namamalayan ni Claire na unti-unti na pa lang sumisilay ang ngiti sa kanyang mga labi at unti-unti ay nagiging magaan ang pakikipag-usap niya kay Iya. “From now on, close friend na tayo!” Walang pag-aatubiling sambit ni Iya. “I-Is that it? A-Alright! Your wish is my command! Let’s be friends!” Nakangiting tugon ni Claire. Ginantihan naman ito ng matamis ding ngiti ni Iya kasabay ng pakikipag-apir nito sa kanyang bagong kaibigan. “Hay nako, Ryan. Bakit ngayon mo lang sa amin ipinakilala ‘tong si Claire. Sabi ko na nga ba at magki-click kami.” Wika ni Iya habang bahagyang kinalabit ang balikat ni Ryan. “W-Well, mabuti naman at nagkapalagayan na kayo ng loob ni Claire, kahit na wala pang limang minuto kayong magkakilala.” Natatawang sambit niya. “Ang hirap naman kasi, ‘no. Magkakaiba tayo ng schedule ng klase sa school. Mahirap humanap ng tiyempo. At saka, naniniwala kasi ako sa perfect timing. Katulad ngayon, ‘di ba? Hindi natin pinilit, pero kusa na lang pinagkaloob ng tadhana ang pagkakataong ito para magkakila-kilanlan kayo. Isn’t amazing?” Dugtong pa niya. “N-Nick? J-James? Kayo ba ‘yan?” Bulalas ni Claire. Nanlaki ang kanyang mga mata dahil sa labis na pagkagulat. “Yeah. Wala na ngang iba!” Mabilis na sagot ni Nick. Nakangiti pa rin ito at halos hindi ialis ang mga mata sa gulat na gulat na si Claire. “Unbelievable!” Ito na lang ang nasambit ni Claire sa pagkabigla. “Who would’ve thought na kaibigan niyo pala itong si Ryan?” Dugtong niya. “Teka, teka, teka.” Sabat ni Ryan. “So, magkakilala kayo? Tanong niya. “Oo, bro!” Siya yung kinuwento namin sa inyo 2 years ago. Siya ‘yung batang nakilala namin noong Grade 5 pa lang kami ni Nick sa may playground.” Pagkukuwento ni James. “Wait, kwinento niyong dalawa ‘yung pangyayaring ‘yon? Grabe kayo sa’kin!” Sambit ni Claire. Bahagyang namula ang kanyang dalawang pisngi dahil sa hiyang nararamdaman niya. Wala namang paglagyan ang tawa nina James at Nick. Hindi pa rin sila makapaniwala na ang ipapakilalang best friend ni Ryan ay matagal na rin pala nilang nakilala ilang taon na ang nakararaan. Biglang hinarap ni Ryan si Claire. Nakangiti siya habang unti-unting inilalagay ang kanyang braso sa balikat ni Claire. “So... ‘yung babaeng pinagtanggol nila James at Nick noon sa mga batang lalaking nambu-bully sa playground, ikaw ‘yun? Ikaw talaga ‘yun?” Muling pagkukumpirma ni Ryan sa kaibigan. Labis-labis ang hiyang nararamdaman ni Claire nang mga sandaling iyon. Halos hindi niya matitigan nang deretso sa mata ang matalik niyang kaibigan. “Ah...eh...” Hindi malaman ni Claire kung paano ba niya sasagutin ang tanong sa kanya ni Ryan. “Naku, huwag mo na kasing itanggi, Claire! Ikaw nga ‘yon! Ikaw ‘yung babaeng pagkatapos naming iligtas sa pambu-bully ng mga pasaway na batang ‘yun ‘e agad ding tumakbo! Ni hindi man lang nagawang magpasalamat sa kabutihang loob na ipinamalas namin sa kanya.” Patuloy na panunuya ni Nick. “Tinatanong lang naman namin kung anong pangalan mo. Hindi ka naman namin aanuhin, pero imbes na sagutin ang tanong namin, bigla ka nalang kumaripas ng takbo! Mabuti na lang at nahulog mo ang School ID mo. Kaya nalaman namin ang buong pangalan mo.” Dagdag na kuwento ni James. “Para hindi ka namin makalimutan, binigyan ka namin ng bansag. ‘Shy Girl’ ang tawag namin sa ‘yo kasi sa sobrang hiya mo, kahit simpleng pasasalamat sa amin, ‘di mo nagawa.” Patuloy na panunuya ni Nick. Dahil sa kanyang mga narinig, mas lalong kumabog ang dibdib ni Claire. Ngunit hindi na niya kaya pang hindi magsalita ngayon. Kaya nahihiya man ay hindi na rin napigilan pa ni Claire ang kanyang sarili na hindi sagutin ang nang-aasar sa kanyang sina Nick at James. Huminga siya nang malalim at saka nagsimulang magpaliwanag. “Oo na. Ako nga ‘yung babaeng ‘yon. At huwag kayong mag-alala dahil maski ako ay nainis sa sarili ko ‘nun. Hay naku. Ayaw ko na ngang maalala ‘yun, e! Sobrang nakakahiya ng ugali ko back then! I’m so sorry!” Nakayukong sambit ki Claire. Hindi niya alam kung ano ang kahihinatnan ng napaka-awkward na sandaling iyon. Basta ang inisip na lang niya ay kung ano ang tamang gawin. Nagkatinginan sina Nick at James. Nawala ang pagka-sarcastic na awra ng kanilang mukha at tila nababasa nila ang isip ng bawat isa. Agad na inihakbang ni Nick ang kanyang mga paa palapit sa kinauupuan ni Claire at bahagyang yumuko upang magpantay ang kanilang mga ulo. Magiliw niyang tinitigan si Claire na sa mga sandaling iyon ay wala pa ring lakas ng loob na sila’y tingnan nang deretso. “Well, I guess... destiny has brought us all here together. Pinag-krus muli ang ating mga landas. Let’s be friends, officially.” Masiglang sambit nito. Nagulat si Claire sa kanyang narinig. Ang buong akala niya’y totoong galit sina Nick sa kanya dahil sa hindi magandang nangyari sa pagitan nila noong una nilang pagtatagpo. Dahan-dahan niyang iniangat ang kanyang nakayukong ulo at agad na namasdan ang nakangiting si Nick. Naka unat ang mga braso nito sa harapan at akmang makikipag-kamay sa kanya. Hindi agad nagawang iabot ni Claire ang kanyang kamay. Sa halip ay sinubukan niyang iiwas ang kanyang paningin sa lalaking nasa harapan niya. Agad siyang sumulyap sa paligid. Lumingon siya sa kaliwa at sa kanan sa pag-asang kahit paano ay maiibsan ang kabog ng dibdib na kanyang nararamdaman at unti-unting makaipon ng lakas ng loob para muling kausapin si Nick. Ngunit, pinalibutan na pala siya ng buong barkada. Magkakaakbay na nakapalibot sina Ryan, Iya at James. Kitang-kita sa mukha nilang tatlo ang saya na kanilang nararamdaman dulot na rin ng nakaka-amaze na coincidence na nangyari sa kanila. “Don’t leave me hanging here.” Pabirong sambit ni Nick na sa mga sandaling iyon ay naghihintay pa rin na kamayan siya ni Claire. Tila pansamantalang tumigil ang oras kay Claire at nagawa pa niyang kausapin ang kanyang sarili. Sa kanyang pakikipag-usap sa sarili ay unti-unti na rin niyang napagtatanto ang katotohanan sa kung anong klaseng kaibigan mayroon ang kanyang best friend na si Ryan. “T-Totoo ba ‘tong nakikita ko? Ganito talaga ako ka-welcome sa kanila? Ngayon naiintintindihan ko na kung bakit ganoon nalang kung pahalagahan ni Ryan ang mga kaibigan niyang ito. Para na nga talaga silang isang pamilya. S-Sino ako para maging hesitant sa kanila? I want to be one of them.” Aniya sa kanyang sarili. Sa wakas tinapos na ni Claire ang matagal na paghihintay ni Nick. Kinamayan niya ito at magiliw na nginitian. “Alright. Let’s be friends from now on.” Sambit ni Claire. “Welcome to the family, Shy Girl, este, Claire.” Tuwang-tuwang pagbati ni James sa kanya. “H-Hindi ba kayo galit sa akin? Dahil hindi man lang ako nakapagpasalamat sa ginawa niyong pagtatanggol sa akin noong binu-bully ako ng mga batang lalaking ‘yun noon?” Pagtatanong ni Claire. Nagkatinginang muli sina James at Nick nang marinig ang tanong ni Claire. “Ano ka ba, Claire. We’re not the type of people na mabilis magalit sa mga bagay-bagay. At saka, wala ka namang ginawa sa amin para magalit kami sa ‘yo. ‘Yun nga lang, wala ka nga lang ding ginawa noon para matuwa kamo sa ‘yo.” Pabirong sambit ni James. Tumingin siya kay Nick at muli na naman silang naghagikgikan. “A-Ah, gano’n ba? ‘E kasi...” ani Claire. Hindi na natapos ni Claire ang gusto niyang sabihin nang biglang umentra sa usapan si Iya. “Claire. Masanay ka na sa amin, alright? Lalo na d’yan sa dalawang ‘yan. Mahilig talaga mang-trip ‘yang mga ‘yan. Basta, kapag from now on, kasama ka na sa circle of friends namin. Kaya alisin mo na ‘yang nararamdaman mong hiya. Okay?” Aniya sabay kindat kay Claire. “Itong dalawa naman kasi, akala mo naman talagang big deal ‘yung nangyari few years ago.” Sabat ni Ryan habang nakikisabay din sa tawanan ng dalawa niyang kaibigan. “Aba! Big deal ‘yun, no? Du’n kaya namin napatunayan na mga superheroes kami! Na hindi kami natatakot humarap sa mga sisiga-siga d’yan sa daan, para lang maipagtanggol ang mga naaapi!” Sambit ni James habang nag-aaktong lilipad na parang si Superman. Nasa ganoon siyang posisyon nang bahagya siyang itulak ni Nick, dahilan para mawalan ito ng balanse at unti-unting masubsob sa mesa ng umbrella, anupa’t muntik pa niyang madaganan ang mga pagkaing in-order nila. Hindi mapigilan ng lahat ang malakas na paghalakhak sa mga nasaksihan. “Tigil mo na nga ‘yang kalokohan mo, James!” Sambit ni Iya. “Mabuti pa nga’t kumain na tayo at talagang nagugutom na ako!” Ani Nick. Dali-dali silang umupo nang paikot sa umbrella at agad na ring sinimulan ang pagkain. Habang kumakain ay hindi sila magkandamayaw sa pagku-kuwento ng mga naranasan at naramdaman nila habang sumasakay sa iba’t ibang klaseng rides sa lugar na iyon. Samantala, napansin si Ryan na tahimik lang na nakikinig si Claire sa mga kuwento nila. Pinagmasdan niya ang mukha nito. Hindi niya maitago ang galak sa puso nang masilayan niya ang bahagyang pagngiti ng kanyang matalik na kaibigan habang kumakain at nakikisama sa barkada niya. “Bes, ano, ayos ba?” Bulong ni Ryan. “O-Oo naman, Bes! Napaka-welcoming ng kabarkada mo. Thank you sa pagpapakilala mo sa akin sa kanila.” Pabulong na sagot niya. “Sabi ko naman sa ‘yo, ‘e. Hindi ka mahihirapan na maging close ‘tong mga ‘to.” Ani Ryan. Pabulong pa rin ang pagbigkas niya upang hindi marinig nang mga kasama nila. “Again, welcome to the family!” Dugtong niya habang bahagyang inakbayan ang dalaga. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD