Chapter 11—It’s Way Better

2143 Words
May 26, 2020 Ryan’s House 9:00 AM Mataas na ang sikat ng araw. Unti-unting dumungaw ang liwanag sa bintana ng bahay ni Ryan. Ang sinag ng araw na pumapasok sa bintana nito ay nagmistulang “spotlight” na dumi-diretso sa mukha niya. Maya-maya pa’y naramdaman ni Ryan ang mainit na pagdampi ng liwanag sa kanyang mukha. Ito’y mahapdi at tila nakasusunog. Sinubukan niyang buksan ang kanyang mga mata ngunit dahil sa sobrang liwanag ay hindi niya lubusang maimulat ang mga ito. Naanigan niya nang bahagya ang sikat ng araw. “Is it morning already?” sambit nito sa kanyang sarili habang pilit paring ibinubuka ang kanyang mala-chinito na mga mata. Kinapa niya sa kanyang kanang bulsa ang kanyang cellphone, ngunit wala ito roon. Bumangon siya mula sa pagkakahiga sa sofa at umupo. Nilinga-linga niya ang kanyang paligid upang hanapin ang kanyang cellphone. Napayuko siya at doon niya nakita ang cellphone na nasa sahig na pala. Naisip niyang marahil ay nahulog ito nang hindi niya namamalayan dahil sa mahimbing niyang pagkakatulog dulot ng kanyang sobrang kalasingan. Tiningnan ni Ryan ang screen ng kanyang cellphone. Alas-nuwebe na pala impunto ng umaga. Nakita rin niya sa screen ng kanyang cellphone ang pangalan ni Claire. Nag-iwan pala ito ng isang voicemail. Muling nilinga ni Ryan ang kanyang paligid at nakumpirma nga niya na hindi na pala niya kasama si Claire sa loob ng kanyang bahay. Kinusot niya ang kanyang mga mata at saka pinakinggan ang voicemail na galing kay Claire. (Voicemail) Claire: “Hi Ryan! Wazzup? I bet kakagising mo lang. I’m so sorry if hindi na ako nakapagpaalam sayo bago ako umalis. Ang sarap na kasi ng tulog mo. Hindi na kita ginising baka sumakit pa lalo ulo mo. Ahm... okay na ba ang pakiramdam mo? Just text or call me if there seems a problem or if may concerns or update ka regarding our next vlog. Okay? I-I’ll update you ‘pag nakarating na ako ng house. Bye. Take care.” (End of voicemail) Agad ding pinatay ni Ryan ang kanyang cellphone pagkarinig ng voicemail. Sandali siyang natulala, wari’y iniisip kung ano ang gagawin niya sa buong araw. Tumayo siya at dahan-dahang umakyat sa hagdan patungong second floor ng kanyang bahay. Medyo kumikirot parin ang kanyang ulo dala ng hangover. Para hindi siya malaglag ng hagdan sa pag-akyat, tinindihan niya ang pagkapit sa hawakan nito habang humahakbang. Nang makarating siya ng second floor, dumiretso siya sa kanyang “Vlog Room” kung saan naroon ang lahat ng kanyang equipment na ginagamit sa pagba-vlog. Doon din siya nag-e-edit at kung minsan ay nagsu-shoot ng video na agad din naman niyang ipino-post sa social media. Sa right side ng kwarto ay makikitang nakadikit sa pader ang sandamakmak na mga pictures nina Ryan at Claire na magkasama sa iba’t ibang lugar na kanilang napuntahan at kanila nang na-feature. Sa sobrang dami ay halos wala na itong paglagyan at halos sakupin na ang buong pader sa side na iyon. Lumapit doon si Ryan at siniping mabuti ang mga larawan. Bahagyang gumuguhit ang ngiti sa kanyang labi sa tuwing nakakakita siya ng kuha ng litrato ni Claire na nagpapakita ng sobra nitong kakulitan at kakeng-kuyan. Sa bawat pagtingin niya sa mga larawan ay wari’y bumabalik sa kanyang ala-ala ang mga nakapananabik na sandaling iyon, kasama si Claire. Ilang sandali ang lumipas at nabaling naman ang atensyon ni Ryan sa kabilang side ng kanyang kwarto. Sa left side ay makikita ang koleksyon niya ng mga camera. Naka-cabinet ang mga ito. Mayroon siyang mga vintage camera na hindi na gumagana ngunit maayos parin niyang itinatago. Katabi ng cabinet ay ang kanyang maliit na office table kung saan nakapatong ang laptop, ring light at ang DSLR Camera na ginagamit nina Ryan at Claire sa pagba-vlog. Kinuha niya ang camera at tinignan ang ilan pang mga litrato na naka store sa memory card nito. Muling gumuhit sa kanyang mga labi ang ngiti nang makita niya na marami pa palang mga magagandang kuha sa camera ang hindi pa niya naipi-print, partikular ang mga kuha nila sa Davao noong binisita nila ang isang grandyosong paaralan doon. Ngunit laking pagtataka niya nang makita na hindi lang pala mga kuha ng eskuwelahan na kanilang dinokumento ang laman ng camera. Nakita niya ang sandamakmak na “stolen shots” na si Claire ang kumuha. Hindi niya maitago ang tuwang kanyang nararamdaman dahil palihim pala siyang kinukunan ng litrato ni Claire. At hindi niya maisip kung paanong hindi niya ito nalaman samantalang hindi naman sila halos naghihiwalay ni Claire. At sa pakiwari niya’y walang anumang pwedeng gawin sa kanya si Claire na hindi niya pwedeng malaman. “Ibang klase ka talaga, Claire.” mahinang sambit nito sa kanyang sarili habang pilit na pinipigilan ang kanyang pagtawa. Sa mga pagkakataong iyon ay pansamantalang nalimutan ni Ryan ang bigat na kanyang dinadala sa dibdib. Sa simpleng mga kuhang litrato sa kanya ni Claire ay nakamamanghang nagawa nitong lusawin kahit sandali ang matinding kalungkutang lumulunod kay Ryan dulot ng planong pagpapakasal ni Lexie kay Nick. Patuloy lang si Ryan sa pagtingin ng mga larawan. Sa sobrang pagka-aliw nito ay hindi niya napansin na low battery na pala ang camera. Maya-maya pa’y biglang nag-shutdown ang camera. Binuksan niya ang drawer sa ilalim ng kanyang office table para hanapin ang mga extra batteries ng kanyang camera. Bahagyang napakunot-noo si Ryan. “s**t. Nasaan na ba ‘yung extra battery ko? Hay. Mukhang nasa sala nanaman at naiwan ko doon.” pagkausap nito sa kanyang sarili na tila nababaliw. Dahan-dahan siyang lumabas ng kwarto habang patuloy na sinusubukang paganahin ang lowbat na camera. Muli niya itong napagana kahit super lowbat na. Ilang segundo lang ay nakapaglakad na siya sa bungad ng hagdan. Hahakbang na sana siya pababa nito nang biglang kumirot muli ang kanyang ulo. Nahilo siya at bigla niyang nabitawan ang DSLR Camera na hawak niya. Deretsong gumulong pababa na parang isang bolang tumatalbog-talbog pa sa bawat baitang ng hagdan ang camera ni Ryan. Sinubukan ni niya na kumapit sa hawakan ngunit tuluyan na ring nanghina ang kanyang mga tuhod kaya’t padapa itong dumausdos sa baba ng hagdan. Halos katabi lang niya sa kanyang kinabagsakan ang camera na naunang nahulog sa kanya. “Oh s**t! Bwiset na hangover ‘to! Hanggang ngayon hindi pa rin mawala-wala.” sambit nito habang dahan-dahang bumabangon mula sa pagkakahulog nito. Agad din niyang pinulot ang camera na isang dipa lang ang layo sa kanya. Sa unang tingin pa lang niya ay alam na niyang nagtamo ito ng malubhang pinsala dahil sa malakas na impact ng pagkakahulog nito. Nang kanya itong i-check, nalaman niya na basag ang lente nito sa harap at wala na rin ang shutter nito. Tumalsik din sa kung saan ang dalawang baterya nito. “Ngayon ka pa talaga nasira!” Napakunot-noo si Ryan sa sobrang pagkadismaya. Akma niya sana itong ihahagis ngunit napansin niya ang maliit at makulay na papel na nakadikit sa bandang puwitan ng camera. Tinitigan niya itong mabuti at nakita niyang may nakasulat dito. Dahan-dahan niya itong binasa: “Ryan, ...congratulations for reaching 1 Million Subscribers! Take this as my gift! Take lang ng take ng picture habang buhay pa! Hehe. More travel and more memories with you! Xoxo.” —Claire Biglang natigilan si Ryan sa kanyang mga nabasa. Bumalik sa kanyang alaala na ang camera na hawak niya ay regalo pala sa kanya ni Claire noong nakaraang taon. Malungkot niyang pinagmasdan ang camera. “Ni hindi ka man lang tumagal sa akin kahit dalawang taon lang. Paano ko naman sasabihin sa nagbigay sayo na nasira ka dahil bumagsak ka nang ganun-ganon lang mula second floor?” nakasimangot na sambit nito. *** Samantala, nakauwi na rin sa kanyang tinutuluyang apartment si Claire. Sinubukan niyang matulog ngunit kahit anong gawin niyang pagpikit at pag-ikot sa kama ay sige parin ang pagtakbo ng kanyang isip tungkol sa mga pangyayaring katatapos lamang. Bumabalik sa kanyang balintataw ang mga sandaling magkaniig ang mga labi nila ni Ryan. Kumirot ang kanyang puso nang muli niyang maalala na sa likod ng matamis na sandaling iyon ay ang katotohanang hindi naman siya ang babaeng pinapangarap ni Ryan. Ilang minuto ang lumipas, narinig niyang tumutunog ang kanyang cellphone. Kinuha niya ito sa loob ng kanyang bag. Biglang bumilis ang pagtibok ng kanyang puso nang makita niya ang pangalan ng taong tumatawag sa kanya. Si Ryan. Huminga muna siya nang malalim bago niya sinagot ang tawag na iyon. (On the phone) Claire: Hello, Ryan? Ryan: Oh, Hi! What’s up? Claire: O-Okay naman ako. Ryan: Nakauwi ka na ba? Claire: Y-Yeah. Mga 8:30 nung nakarating ako dito sa apartment ko sa may BGC. Ryan: I’m sorry Claire, hindi na kita naipagdrive pauwi dyan sa apartment mo. Claire: No, it’s okay. Umaga na rin naman ‘yun. Hindi naman ako nahirapang magbook ng Grab. And you see, safe naman akong nakauwi ng bahay. Ryan: Thank God! Claire: Hmm, napatawag ka? Is there a problem? Ryan: A-Actually tsinek ko lang talaga kung safe kang nakauwi dyan sa apartment mo. Ang layo kasi ng biniyahe mo, eh. And... Claire: And...? Ryan: And... mayroon kasi akong kasalanan sayo... Sandaling natigilan si Claire. Muli nanaman niyang naramdaman ang malakas na kabog sa kanyang dibdib. “A-anong ibig sabihin ni Ryan? Ano ‘yung tinutukoy niya na kasalanan niya sa akin? Naalala kaya niya na hinalikan niya ako kagabi? God! Please no!” pagkausap nito sa kanyang sarili. Ryan: C-Claire? Are you still there? Claire: A-ah... Oo. Sorry, may bigla lang akong naalala. Hmm, ano ba ‘yung tinutukoy mo na kasalanan mo sa akin? Ryan: Ahm, naalala mo ba yung DSLR Camera na ginagamit natin sa travel vlogs natin? ‘Yung niregalo mo sa akin last year? Claire: Oh, what about that? Anong problema? Ryan: Sorry Claire, pero I think it’s damaged now. Claire: ... Ryan: Nitong morning lang pagkagising ko, nagpunta kasi akong taas sa may Vlog Room. I was gonna go back sa baba para i-check yung mga extra batteries. Then all I remember, biglang sumakit nang matindi ‘yung ulo ko, nabitawan ko ‘yung camera at nalaglag ito pababa ng hagdan. Seconds later, I found myself on the floor, too. ‘Nung i-check ko yung camera, it’s already damaged. Claire: G-Ganun ba? Hindi na ba siya maaayos? Ryan: I don’t think mare-repair pa ‘to, Claire. Basag na ‘yung lens niya sa harap and ‘yung shutter, tumalsik, hindi ko na alam kung saan. I’m so sorry, Claire. It was all my fault. I should’ve taken care of it more. Claire: No worries, Ryan. Gamit lang naman ‘yan. Pwedeng palitan. What’s more important is you. Were you hurt? Okay lang ba lagay mo? Ryan: I’m fine. It’s just the hangover. I’ll be totally okay kapag humupa na ito. But are you sure hindi ka galit sa akin? Claire: Of course not. Aksidente lang naman ‘yun. It happens. Pero ang concern ko lang, papaano yung planned trip natin next week sa Daranak Falls? May magagamit ba tayong camera pang-document? Ryan: Actually, iyon nga ang isa pa sa pinoproblema ko ngayon. ‘Yung camera lang kasi na ‘yun ang meron ako ngayon na gumagana. Then baka by next month ko pa makuha yung next paycheck natin sa vlogs natin. Hay. Claire: Ganun ba? Hmm. Sige, ganito nalang. Ako nalang muna bahala. Punta ako by afternoon sa SM Megamall, bili na ‘ko ng bagong DSLR Camera. Ako nalang muna bahala sa expense, may naitabi pa naman ako. Then... balikan mo nalang ako kahit kalahati ng magagastos ko kapag dumating na yung paycheck, okay lang ba? Ryan: Naku, thank you talaga Claire! Claire: Not a problem. Ang mahalaga matuloy tayo sa planned trip natin. Para tuloy-tuloy lang ang paycheck natin. Ryan: Thank you so much, Claire. You’re such a blessing. Claire: No need to mention it. Travel Vlog partner mo ‘ko ‘di ba? Natural lang na tulungan kita kung may problema. So... Pa’no? Update nalang kita mamaya kapag nakabili na ako. Ryan: Alright! Bawi ako sa’yo soon! Claire: Nah! No need. Sige na. Ibaba ko na ito at para makapagpahinga ka ‘din muna. Okay? Ryan: Bye! Claire: Bye! (End of call) Malalim ang buntong-hininga ni Claire habang ibinababa ang tawag ni Ryan. Nabunutan siya ng tinik sa dibdib dahil sa pakiwari niya’y hindi naman naalala ni Ryan ang ginawa niyang paghalik sa kanya. “Mabuti na itong ganito. It’s way better kung hindi nalang niya maaalala pa kung ano ang mga nangyari kagabi. Mas magiging kumplikado lang ang lahat kapag nagkataon...” wika nito sa kanyang sarili habang pilit niyang pinapahupa ang matinding kabog sa kanyang dibdib. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD