Chapter 10—This Never Happened

2164 Words
May 5, 2020 Lexie’s Condo Unit 5:30AM Mahimbing ang pagkakatulog ni Lexie sa kanyang malambot na kama. Naalimpungatan siya nang marinig niyang tumutunog ang alarm ng kanyang cellphone. Pilit niyang inabot ito sa maliit na mesa na nakadikit sa ulunan ng kanyang kama kung saan naroon din nakapatong ang lampshade. Pagka-abot nito ay agad niyang pinatay ang alarm. Kinusut-kusot pa niya ang kanyang mga mata. 5:30 na pala ng umaga. Nagtataka si Lexie kung bakit napakasakit ng kanyang buong katawan, lalo na ng kanyang ulo. Hindi rin niya naalala ang ilang mga pangyayari sa nagdaang magdamag. Napahawak siya sa kanyang ulo. Wari’y sinusubukan niyang pagtagni-tagniin ang mga natitirang ala-ala sa kanyang isipan, ngunit anumang pagpupumilit niya ay wala siyang maalala. Nilibot niya ang kanyang mga mata sa paligid at sinubukang bumangon. Laking pagtataka niya ng mapansin niya ang isang braso na nakayakap sa kanya mula sa kanyang kanan. Ito pala ang dahilan kung bakit hindi siya lubusang makagalaw. Agad niyang sinipat ang kanyang paningin kung sino ba ang kasama niyang nakahiga sa kama. Laking gulat niya nang makita niya si James—mahimbing ang pagkakatulog, kasalo niya sa kumot at walang damit na pang-itaas. Bigla niyang sinilip ang ilalim ng kumot at nakumpirma niya na maging siya’y walang suot na kahit anong damit. Inalis niya ang mga braso ni James na nakapatong sa kanya at saka pilit na ginising ito. “James.....James! Gising!” Umuungol-ungol pa si James habang pilit na iminumulat ang mga mata. “W-what Lexie? I-It’s too early in the morning...” “James! W-What the hell just happened? B-Bakit nandito ako? Bakit magkasama tayo sa kama ko?” Sambit ni Lexie habang inaalug-alog ang nakapikit paring si James. “Can’t you remember?” tugon ni James. “Magtatanong ba ‘ko kung alam ko ang sagot? What the f**k James!? What just happened? Come on wake up and answer me!” Nayayamot na sambit ni Lexie sabay tulak ng malakas kay James. Biglang napabalikwas si James sa pagkakahiga. Bumangon siya at nakatalikod na umupo sa kabilang dulo ng kama. Gusto man niyang humarap ay wari’y hindi niya maipaliwanag ang hiyang nararamdaman nito sa kanyang sarili. Habang si Lexie naman ay pilit na hinihila ang natitirang bahagi ng kumot palapit sa kanya upang takpan ang kanyang hubad na katawan. Napabuntong hininga si James sabay sabi, “O-okay... What was the last thing you remembered?” Hinawakan ni Lexie ang kanyang ulo at pilit na kinokolekta sa kanyang memorya ang mga natitirang ala-ala niya sa nagdaang gabi. “I was at the resto bar... I got very drunk... to the point that I crawled down the stairs... then... suddenly I saw you?” “Yes. I was there. And you’re so very wasted. You can’t even stand alone. So I put you in my car, drove you here.” “Then...?” Muling nagbuntong-hininga si James saka muling nagpatuloy sa pagku-kwento. Si Lexie naman ay sige lang sa paghawak ng kanyang ulo, wari’y binubuo niya sa kanyang isipan ang mga pangyayaring binanggit ni James noong nagdaang gabi. “Inalalayan kita para makaakyat ka dito sa unit mo. You invited me to get inside the room with you... I-I was supposed to leave... You brought me a glass of water... Y-you fell on your feet. Then... All of the sudden I saw you in front of me...in...my...chest.... and... “A-and?” Ito lang ang nasambit ni Lexie na sa mga sandaling iyon ay hindi parin makapaniwala sa sinasambit ni James. “...We kissed... and we did it....” “We did what James?!” Biglang humarap si James kay Lexie at tinitigan ito nang malalim na animo’y tumatagos sa kailaliman ng kaluluwa ni Lexie. “Lexie, we had sex...” Halos pagtakluban ng langit at lupa si Lexie nang marinig niya ang mga salitang iyon mula kay James. Ilang sandali pa’y hindi na niya napigilang tumulo ang kanyang mga luha at tuluyang umiyak. “No...No no no no! This can’t be! This is impossible! This is insane! James what have we done?” Sambit ni Lexie habang patuloy sa pag hagulgol. Lumapit si James at hinawakan sa kamay si Lexie. “Lexie, calm down. I know it’s insane... pero nangyari na ang nangyari... Ginusto naman natin ‘to pareho, ‘di ba?” Nang marinig ito ni Lexie, napakunot-noo siya at nagalit kay James. “Shut up, James! Hindi ko ginusto to!” sigaw ni Lexie sabay pabiglang inalis ang kamay nito sa kanya. “We both know that that was not supposed to happen between us! How could you say that na parang ang simple lang gayong alam mong boyfriend ko ang bestfriend mong si Nick? Hindi mo ba naiisip kung anong pwedeng mangyari oras na malaman niya ang tungkol dito?!” Galit na pagtatanong ni Lexie. “I know, Lexie! He might be angry about this, of course! Pero anong gagawin natin? NANGYARI NA NGA ANG NANGYARI! We slept together... and... we made love out of it, right?” sabay muling hawak sa kamay ni Lexie. Hindi na nakapagtimpi pa si Lexie. Sinampal niya nang pagkalakas-lakas si James na halos ikatumba nito sa kama. “How dare you, James! How could say that?! How could you! You know I was drunk the whole night! Ano’ng sinasabi mong may pagmamahal doon?! Huwag kang mag-ilusyon at huwag na huwag mong iisipin na ginawa ko ‘yun dahil mahal kita! Nakakadiri ka!” Tumindig si James at kinuha ang kanyang polo na nasa lapag ng sahig. Isinuot niya ito at saka muling kinausap nang mahinahon si Lexie. “So... all of it. All what’s happened last night... was nothing?” ani James. “What were you expecting?” Pagtataray ni Lexie. Nanamlay si James at malungkot na tinitigan ang inis na inis na si Lexie. Si Lexie naman ay iniiwas lang ang paningin kay James dahil hindi niya ito matitigan nang deretso. “You know what? THIS NEVER HAPPENED! Don’t even dare to tell anyone about this! This is just a mistake! A big, big mistake!” wika ni Lexie habang patuloy na tumutulo ang mga luha. Napabuntong-hininga nalang si James sa lahat ng kanyang narinig mula kay Lexie. Alam niya naman sa sarili niya na kahit kailan ay hindi siya magagawang mahalin nito. Ngunit hindi niya maintindihan ang kanyang sarili kung bakit sa mga pagkakataong iyon ay umasa parin siya na marinig mula kay Lexie na mahal siya nito. “O-okay... I get it now. What happened last night... between us... was meaningless.” Ani James. Nakatulala lang si Lexie habang pinakikinggan ang mga salitang ito mula kay James. “But for the record... I will never... ever forget about it!” dugtong ni James. “Why? Why is it?” Mahinahong tanong ni Lexie. Tinitigan lang nang matagal ni James si Lexie. Titig na nakakatunaw. Hindi makagalaw si Lexie sa kanyang kinalalagyan. Wari’y naguguluhan kung ano bang ibig ipahiwatig ni James sa kanya. Inilapit ni James ang kanyang mukha kay Lexie. At saka sinabi... “It’s none of you business...” Pagkasabi nito, agad nang naglakad palabas ng unit si James. Naiwang nag-iisa si Lexie na patuloy lang sa pag-iyak dahil sa pagkakasalang kanyang nagawa sa boyfriend niyang si Nick. *** May 26, 2020 Lexie’s Mansion House 8:00AM Halos tatlong oras nang tulog si Lexie mula ng nagkaroon sila ng matinding sagutan ni James sa balcony. Bago siya nakatulog ay nai-kwento niya nang buo kay Iya ang buong pangyayari noong gabing magkaniig sila ni James. Ginawa ni Iya ang lahat ng kanyang makakaya para lang mapahupa niya ang nagsusumidhing damdamin ni Lexie. Hindi niya mapatawad ang kanyang sarili sa kasalanang pilit nitong inililihim kay Nick. “Lexie....Lexie Wake up! Bes!” Sambit ni Iya habang pilit na ginigising at inuugoy sa pagkakatulog ang umiiyak na si Lexie. Maya-maya pa’y nagising din si Lexie na patuloy lamang sa kanyang pag-iyak. Napanaginipan pala niya ang gabing may nangyari sa kanila ni James na lubos niyang pinagsisisihan. Agad niyang niyakap si Iya na sa mga sandaling iyon ay pilit siyang pinatatahan na parang bata. “Shhh... stop crying na bes... everything will be alright, okay?” Pilit na pag-comfort ni Iya kay Lexie habang hinihimas-himas ang likod nito. “What shall I do, Bes? I’m a cheater! Napaka-wala kong kwenta bes!” Sambit ni Lexie na unti-unti nang tumitigil sa pag-iyak. “Bes, you’re not a bad person, okay? Don’t be too hard on yourself! You’ve made a very big mistake, yes. Pero ang mahalaga ay alam mong nagkamali ka at handa kang ituwid iyon.” paliwanag ni Iya. “Pa’no ko gagawin ‘yun, bes? Paano ko itutuwid ang pagkakamaling ito?” tanong ni Lexie na kakikitaan ng pagkawindang sa kanyang sarili. Hinarap ni Iya si Lexie at hinawakan sa dalawang mga kamay. “You must tell him. Talk to him. Confess everything to him.” “Bes, hindi ko yata kaya. Hindi ko kayang makita si Nick na nasasaktan. Ala mo ba kung bakit pinilit kong kalimutan ang gabing iyon? It’s because of Nick! Hindi ko kayang harapin si Nick at saktan siya sa mga ipagtatapat ko sa kanya.” “Bes, that’s the only way. If you want to make things right between the two of you, and if you want to be clean, you must. Maybe James was right. You must have at least the guts to face Nick and tell everything about him. Before it’s too late.” “Paano kung hindi niya ako mapatawad? Paano kung... hindi na niya ako tanggapin? Bes, we are getting married. Paano ‘pag nalaman niya, tapos hindi na niya ako pakasalan?” Patuloy na paglalahad ni Lexie habang humahagulgol. “H-hindi ko rin alam, Bes. And that’s beyond our control. What’s more important though are the things that YOU can. Bes, you have to deal with it... You must.” Nasa kalagitnaan sila ng kanilang malalim na pag-uusap nang biglang kumatok ang isa sa mga maids ni Lexie sa pinto ng kanyang kwarto. Agad din naman itong pumasok. Nagulat sila na mayroon itong hawak-hawak na bouquet ng Rose na ubod ng pupula. “Ma’am Lexie, galing po kay Sir Nick” wika ng maid. Agad naman itong inabot ni Iya dahil hindi pa makatayo si Lexie dahil sa hangover nito. Inilapit niya ito kay Lexie saka pinaalis ang maid. Ilang segundo lang ang lumipas ay biglang tumunog ang cellphone ni Lexie. Inabot niya ito at nakita ang pangalan ni Nick sa screen. Tiningnan ni Lexie si Iya. “It’s Nick.” aniya. “Answer it!” Panghihikayat ni Iya. (over the phone) Lexie: Hi Babe! Good morning! Nick: Babe! Have you received my morning gift to you? Lexie: Yes Babe! T-thank you sa flowers babe! Nag-abala ka pa. James: It’s nothing, Babe. Alam mo naman na gagawin ko lahat para sayo. Sandaling natahimik si Lexie. Wari’y hindi niya malaman kung matutuwa ba siya o hindi dahil alam niyang hindi parin niya kayang sabihin sa kanya ang tungkol sa pagkakamaling kanyang nagawa. Nick: Ahm, Babe, are you okay? Bat bigla kang natahimik? Is something wrong? Lexie: wala, wala babe. Medyo... medyo kakagising ko lang kasi. Ano, medyo masakit pa ‘yung ulo ko... Nick: Naku ganun ba? Better siguro babe kung magpahinga ka muna all-day, okay? Don’t worry magbibilin ako sa mga maid mo na huwag ka na nilang pakilusin dyan sa mansion, okay? Then... magpapaluto ako nang masaraaaap na pagkain! Just for you! Sounds great? Lexie: Y-Yeah babe. Thank you so much. Don’t worry about me, okay? I’m alright. And, nandito naman si Iya lagi na umaalalay sa akin. Nick: That’s awesome! Ahm, babe, anyway before I even forget, I’ve set an appointment with our wedding coordinator on May 28th. That’s to finalize our wedding for next month. I hope pareho nating ma-clear yung schedule natin for that. Is that okay? Lexie: Sure, babe. No problem. Just tell me the time and the meeting place. I’ll be there. Nick: Alright Babe! That’s great to hear. Anyway Babe I have to go na ha? Mag-start na meeting ko with my business partners. Call nalang ulit ako later, okay? Lexie: Not a problem, Babe. Ingat ka dyan. Bye! Nick: I LOVE YOU!!! Lexie: (sandaling natigilan) I-I love you too Babe. (call drops) Pagkababa ng tawag, matamlay na tumingin si Lexie kay Iya. Si Iya naman ay patuloy lang sa pag-comfort nito dahil alam niyang hindi madali ang pinagdadaanan ngayon ng kanyang matalik na kaibigan. Concern din siya sa kung ano ang maaaring magawa ni Nick kay James oras na malaman niya ang totoo. “Bes, that’s your opportunity. Tell him about it on that day, okay?” pag-e-encourage nito kay Lexie. Si Lexie naman ay walang imik na pinagmasdan lang ang bouquet ng rose na galing kay Nick. Niyakap muli ni Iya si Lexie nang mahigpit at saka nagpaalam na lalabas muna siya ng kwarto para makapagpahinga si Lexie nang maigi. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD