May 4, 2020
Makati Resto Bar
10:00PM
Tulalang naglalakad si James papunta sa isang kilalang Resto Bar sa Makati. Ang resto bar ay nasa second floor ng isang building kaya’t kailangan niyang umakyat ng hagdan para makarating sa entrance hall nito.
Nang papalapit na siya sa hagdan ay napansin niya ang isang babaeng nakasalampak dito, nakayuko at sumusuka sa sobrang kalasingan. Hinaharangan ng babae ang daanang paakyat kaya minabuti ni James na kausapin ang babae para makadaan siya,
“Miss, are you alright? You need help?” Ani James.
“No, thank you. And besides, hindi mo naman ako kayang tulungan sa problema ko!Just get away!” paliwanag ng babae habang patuloy na nakayuko, umiiyak at pilit na pinipigilan ang kanyang pagsusuka.
Nang magsalita ang babae, tila nabosesan siya ni James. Ngunit hindi niya masiguro dahil hindi niya maaaninag ang mukha nito sa sobrang dilim. Naintriga si James kaya’t humakbang siya palapit sa babae at pinagmasdang mabuti ang hitsura nito. Laking gulat niya nang makumpirma niya na ang babaeng super wasted na nakasalampak sa hagdan papuntang bar ay walang iba kundi ang kanyang kabarkadang si Lexie.
“Lexie? W-what are you doing here? Hindi mo ba kasama si Iya? My God look at you you’re so wasted!”
Inangat ni Lexie ang kanyang ulo. Kinusot-kusot pa niya ang kanyang mata para makita nang malinaw kung sino ba ang lalaking kumakausap sa kanya. Napangiti ito nang makumpirma niyang nasa harapan niya ang kaibigang medyo matagal-tagal na niyang hindi nakikita.
“Oh, hi! There you are! Akalain mo ‘yun dito lang pala kita ulit makikita? Tara inom?”
“Come on, Lexie! Lakas ng loob mo mag-aya ‘eh sa kondisyon mo ngayon sa tingin ko hindi mo na nga kayang umuwing mag-isa! ‘Asan ba kasi si Iya? Bakit hindi ka niya sinamahan? Get yourself up and I’ll drive you to your house!” Naka-kunot noo na sambit ni James sabay hawak sa balikat ni Lexie para alalayang tumayo.
“Wait, what? Ihahatid mo ‘ko? Diba, diba nandito ka rin para magwalwal? Tara akyat tayo! Samahan kita uminom!” Pangungulit ni Lexie habang pilit na tumatayo.
“No, hindi na bale. Nawalan ako ng ganang uminom when I saw you this way!”
“Sus, kahit kailan talaga James napaka-KJ mo! Hindi mo talaga ako mapagbigyan kahit minsan lang!”
Napabuntong hininga si James at pilit na inakay ang lasing na lasing na si Lexie patungong parking lot kung saan niya iniwan ang kanyang sasakyan. Isinakay niya si Lexie sa passenger seat at ikinabit ang seatbelt nito. Isinara niya ang pinto at saka siya umikot sa kabilang side ng sasakyan para pumasok sa kotse at magmaneho.
“You know what, James? I can sue you! k********g ‘tong ginagawa mo! This is against my will!”
“What the heck, Lexie! I-uuwi lang naman kita sa mansyon mo. Wag ka mag-alala. You’ll thank me tomorrow. Just stay still for a moment until we arrive on your house, okay?”
“No no no no! Don’t! ” pagpigil ni Lexie sabay hawak sa braso ni James.
“What, Lexie?” Napatitig si James kay Lexie na halatang napipikon na.
“Wag mo ‘ko iuwi sa mansyon... Take me to my condo instead...” sabi ni Lexie habang pilit na ini-hihilig ang kanyang nahuhulog na katawan sa sandalan ng kanyang inuupuan.
“You have a condo? Since when? Bakit hindi namin ‘to alam?” pagtataka ni James.
“Eh bakit ko pa ipapaalam sa inyo? Eh malapit narin naman akong mapalayas dun? Come on, hanapin mo yung business card ng condo dito sa bag ko then type mo yung address sa Waze mo para mai-drive mo ‘ko dun.”
Agad namang hinalungkat ni James ang bag ni Lexie at nahanap nga niya ang tinutukoy nito na business card. Agad niyang ti-nype sa Waze ang address at nagsimulang magmaneho.
“You said na mapapalayas ka na dun. Bakit? Ano bang nangyari?” tanong ni James.
“Hay nako James... Hindi ba obvious? Mapapalayas ako kasi wala na akong pambayad!” pasigaw na sagot nito.
“4 months na akong hindi nakakabayad ng rental ko doon. Nahihiya na rin ako humiram kay Nick. Alam kong may pinaglalaanan siya ngayon ng pera niya.”
“So kaya ka naglasing ng sobra? My God Lexie! Dahil lang doon papakalasing ka nang sobra? What’s into you?! First and foremost, bakit ka ba kasi kumuha pa ng condo? May mansyon ka naman? Isn’t enough already na magkaron ka ng sariling mansyon? Masyado bang maliit para sayo ang mansyon mo para pahirapan mo pa ang sarili mo sa pagkuha ng condo? God, Lexie!” Sermon ni James.
“Di mo kasi naiintindihan James. Yung condo unit ko na ‘yun. ‘Yun lang ang kaisa-isang property na ipinundar ko sa sarili ko. As you all know, hindi naman ako ang gumastos sa mansyon na tinitirhan ko. It was Nick. It was all his.”
“So what, Lexie? Ano bang pagkakaiba ng pag-aari niya sa pag-aari mo? Pasasaan ba’t magpapakasal din naman kayo. And besides, alam mo naman na from the very start, ginawa niya lahat ng ‘yun out of his immeasurable love towards you. So what seems to be the problem?”
“Oo nga, I accepted his gift dahil alam kong mahal na mahal niya ako. At mahal ko rin naman siya. Walang duda. Pero James, iba parin yung saya na naibibigay ng bagay na nakuha mo dahil pinaghirapan mo. And that is something na hindi kayang ibigay sa akin ni Nick. Ako lang. Sarili ko lang ang pwedeng makapagbigay ‘nun sa akin. Kaya naman, naisipan kong mag rent-to-own ng condo unit. Kaso akala ko kaya ko na sa sarili ko pero ang saklap lang. Kasi hindi ko pa pala kaya.”
“Hay. Ewan ko ba sayo Lexie. Kung bakit kasi hindi ka nalang maging lubusang masaya sa buhay mo. Nasa sayo na ang lahat...”
“Nasa akin na ang lahat... hindi dahil sa akin. Kundi dahil kay Nick. That hurts!”
Natigilan si James sa pagsasalita at umiling-iling. Gusto niyang i-comfort si Lexie pero hindi niya alam kung paano. Lalo na’t mayroon din siyang personal na pinagdadaanan.
Napansin ni Lexie na hindi na umimik si James. Kaya siya nalang ulit ang nagbukas ng usapan.
“Teka, ikaw ba. Bakit ka naman napadpad sa bar na ‘yun sa ganitong oras? Ano bang plano mo? Magpapaabot ka ng umaga sa pagwalwal?” tanong nito.
Napa-buntong hininga si James at nagpatuloy lang ito sa pagmamaneho.
“Come on, James! Distract me! Magkwento ka naman! Sige na!” Sambit ni Lexie habang kinakalabit si James sa braso nito.
“Tsk! Wag ka nga magulo! Nagda-drive ako gusto mo ba mabangga tayo???” ani James.
“Dali na, magkwento ka na kasi. May problema ka rin noh? Anong problema mo’t nagbalak kang maglasing magdamag ha?”Pangungulit ni Lexie.
Ayaw siya tantanan ni Lexie sa pangungulit. Ilang sandali pa’y hindi namalayan ni James na nagsimula na pala siyang magkwento kay Lexie tungkol sa problema niya sa kanyang trabaho.
“Mukhang matatanggal na kasi ako sa trabaho, Lexie.”
“Wait, what? Bakit ka naman nila tatanggalin? Eh ikaw nga yung isa sa pinakamahusay na photographer na meron sila diba? Is something happened between you and your boss?”
“Actually, yes. It had. We got some argument yesterday. Nagkaproblema kasi yung isang upcoming event namin. ‘Yung event ni IU dito sa Philippines na supposed to be ico-cover ng company namin? Baka hindi na kami ang maging official photographer sa event na ‘yun.
“Why? What happened?”
“Ako kasi yung isa sa contact person ng managers ni IU. Contact person lang ako. Pero hindi ako ang decision-maker. I’m just making bridge para magkaroon ng coordination about sa event. Alam mo ang masaklap? Sa akin sinisi ng boss ko ang lahat. Kesyo hindi ko daw ginagawa ang trabaho ko. Samantalang siya naman ang dahilan kung bakit hindi umusad ang proposal sa next process. Nag-leave ba naman siya ng almost 2 weeks. At sa loob ng 2 weeks na ‘yun, hindi man lang namin siya ma-contact?! What the heck ‘diba?”
“Naku, that’s ridiculous.”
“I know. Kaya yun. Hindi na ako kinakausap ng boss ko since yesterday. Ipa-fire na yata nila ako. Hindi pa naman ako pwedeng mawalan ng trabaho ngayon dahil nasa ospital ang pinsan ko at ako ang inaasahan ng pamilya na tumulong sa kanila.”
“Ganun ba? Why don’t you try to borrow from Nick? I’m sure hindi ka pahihindian nun?”
“No. No. Not this time. Kasi katulad mo, ayoko na ring umasa sa iba. Tsaka ayoko kasi magkautang. Yung pera pwedeng mabayaran. Pero yung utang na loob mo sa taong tumulong sayo, iyon ang hindi madali.”
“Wow! Now you’re talking! It seems that I’m not the only one who has issues here...” patuyang wika ni Lexie.
“Yeah. I think so.” tugon ni James.
“So that’s why. That’s why willing kang i-spend ang buong magdamag mo na wala kang gagawin kundi magwalwal lang?
“Well, unfortunately I never got a chance to get drunk tonight, because of you being so wasted. Tsk. Tsk.
Nagkatinginan ang dalawa. At sabay nagtawanan.
Ilang minuto pa ang lumipas ay nakarating na rin sila ng condominium. Nag-elevator sila papuntang 36th floor kung nasaan naroon ang unit ni Lexie. Hawak-hawak ni James ang shoulder bag ni Lexie sa kanyang kaliwang kamay habang ang kabila nama’y nakahawak sa baywang ni Lexie dahil hindi na ito makapaglakad nang deretso.
Paglabas nila ng elevator, inalalayan ni James si Lexie na maglakad. Ilang saglit pa’y nakarating na sila sa tapat ng pinto ng condo unit ni Lexie.
“Ahm, James, can you get my keys? It’s in my bag.
“Oh, sure!”sagot ni James sabay halungkat sa bag nito.
Iniabot niya ang susi kay Lexie para buksan ang pinto.
“Welcome to my unit!” sambit ni Lexie sabay hatak sa kamay ni James papasok ng bedroom. Si James naman ay nabigla’t halos matapilok sa paghatak na ginawa sa kanya ni Lexie.
Binuksan ni Lexie ang maliit na lamp shade at saka pabagsak na inihiga ang sarili sa kanyang napakalambot na kama. Si James naman ay nilibot ang mga mata sa paligid para pagmasdan kung ano bang hitsura ng condo unit ni Lexie.
“Whoah! Ansakit ng ulo ko grabe!” ani Lexie.
“Ahm, gusto mo bang timplahan kita ng coffee?” pag-aaya ni James.
“No, thank you. Okay lang ako dito. Huhupa din ang sakit ng ulo ko.”
Pinagmasdan ni James si Lexie habang nakasalampak na nakahiga sa kama. Palihim din niyang sinulyapan ang mukha nito na natatakpan ng mahabang buhok.
“Napaka-angelic talaga ng mukha mo, Lexie.” pabulong na sambit ni James.
“May sinasabi ka ba, James?” pagtataka ni Lexie habang nakapikit at ipinapahinga ang kanyang masakit na ulo.
“H-ha? W-wala. Ang sabi ko magpahinga ka lang dyan...” tugon nito.
Biglang bumilis ang kabog ng dibdib ni James na parang sasabog na hindi niya maintindihan.
“A-ano ba tong nararamdaman ko? Bakit hindi ako makagalaw? Bakit hindi ko mai-alis ang paningin ko kay Lexie? What the heck is going on with me?” Sambit nito sa kanyang sarili.
Para humupa ang kanyang di maipaliwanag na nararamdaman ay nagpasya siya na magpaalam na kay Lexie para umuwi sa kanyang sariling bahay.
“Ahm, Lexie, I guess I have to go...” wika ni James. Sinikap niyang maging mahinahon sa pagsasalita ngunit hindi parin niya naiwasang magkaroon ng kaunting tensyon ang kanyang boses.
“You sure? A-ayaw mo ba muna magpahinga sandali?”
“A-ahm, tubig nalang siguro Lexie? Medyo napagod ako sa biyahe, eh. Nasaan ba yung switch ng ilaw mo? Ako nalang ang kukuha para ‘di ka na maabala sa pagpapahinga mo, then I’ll leave narin in a minute.
“N-no... ako nalang kukuha... huwag mo na buksan ang ilaw, masakit kasi sa mata lalo...”
Pinilit ni Lexie na makabangon mula sa kanyang pagkakahiga. Pumunta siya sa may bandang kusina para ikuha si James ng kanyang maiinom, habang si James naman ay nanatili lang na nakatayo’t nag-aabang kay Lexie.
Kinuha niya ang pitsel sa ref at nagsalin ng tubig sa baso. Agad din itong naglakad pabalik ng kwarto para ibigay kay James ang baso ng tubig na dala-dala niya.
Ngunit dahil sa madilim ang paligid at pasuray-suray pa maglakad si Lexie dulot ng kanyang pagkalasing, hindi niya napansin na may kung anong bagay ang nakaharang sa kanyang paanan. Bahagya itong nadulas at na out-of-balance.
“Argh”
Narinig ni James ang tinig ni Lexie kaya lumingon ito sa kanyang likod na siya namang saktong pagbagsak ni Lexie sa kanyang dibdib. Tumapon ang baso na may lamang malamig na tubig sa sahig. Habang sina James at Lexie naman ay kapwa natumba sa kama na magkapatong.
Napa-balikwas si Lexie nang mapagtanto niyang naka-hilig pala siya sa matipunong dibdib ni James. Iniangat niya ang kanyang ulo at nakita niya si James na walang kurap na nakatitig lang sakanya.
Muling bumilis ang t***k ng puso ni James. Ramdam na ramdam naman ito ni Lexie dahil sa pagkakapatong ng katawan niya rito.
Ilang sandali silang nagtitigan at hindi kumikilos. Tahimik ang paligid ngunit malinaw nilang naririnig ang kabog ng dibdib ng bawat isa. Maya-maya pa’y biglang naramdaman ni Lexie ang pag-init ng kanyang buong mukha na wari’y nag-aapoy.
Bumangon si James at itinulak pa-kaliwa si Lexie. Pagkurap ni Lexie ay siya na ang nasa ilalim nito.
Hinawi ni James ang buhok ni Lexie at hinaplos ang malambot na pisngi ng dalaga. Sa isang kisap-mata ay biglang hinalikan ni James si Lexie nang dahan-dahan.
Hindi na kontrolado ni Lexie ang kanyang sariling isip at katawan. Hindi niya maipaliwanag ang init ng katawan na naiipon sa kanyang buong mukha.
Walang anu-ano ay ginantihan niya si James ng maririing mga halik habang hinahaplos ang matitigas na mga braso nito. Si James naman ay hindi nagpatalo’t hinandugan siya ng matatamis na mga halik, mula labi, pababa ng kanyang leeg habang unti-unting tinatanggal ang butones ng blouse na suot ni Lexie.
Napapapikit na lamang si Lexie at bahagyang napapa-ungol habang patuloy na sinisiil ng halik ni James ang bawat bahagi ng kanyang katawan na lumalantad sa bawat pagtanggal nito ng mga butones ng kanyang damit. Palalim nang palalim ang naaabot ng mga halik ni James. Ilang saglit pa’y natanggal na niya ang huling butones ng damit ni Lexie. Bahagya siyang natigilan sa paghalik dito. Tinitigan niya sa mukha si Lexie na sa mga sandaling iyo’y nakatingin lang din sa kanya na animo’y naghihintay ng susunod niyang gagawin. Ibinuka ni James ang blouse ni Lexie at tumambad sa kanyang dalawang mata ang napakagandang katawan ng dalaga. Lalong bumilis ang t***k ng kanyang puso na parang bombang sasabog sa kanyang dibdib anumang sandali.
Hinubad ni James ang kanyang suot na polo at sinunod niya ang kanyang sinturon. Huhubarin na rin sana niya ang kanyang suot na pantalon nang bigla siyang hatakin ni Lexie palapit sa kanya.
Nasubsob si James at napakapit sa malusog na dibdib ni Lexie. Bahagyang nangiti si Lexie at winika,
“Don’t keep me waiting, James!”
Nang marinig ito ni James. Agad niyang inundayang muli ng maririing mga halik ang labi ni Lexie habang niyayapos ang dibdib nito. Si Lexie naman ay walang humpay sa pagkiskis ng kanyang mga kamay sa likuran ni James.
Magdamag nilang pinagsaluhan ang ‘di malilimutang sandali na iyon. Nagniig ang kanilang mga katawan at malaya nilang pinakawalan ang apoy na nagngangalit sa kanilang mga puso at diwa. Naging piping saksi sa kanilang romansa ang liwanag na nanggagaling sa maliit na lampshade ng kwarto ni Lexie.