June 25, 2020
Nick and Lexie Nuptial
9:52PM
(Few minutes before Ryan’s encounter)
Kakatapos lang ng programme sa reception ng kasal nina Nick at Lexie. Nakita ni Iya si Lexie na pumasok ng corridor patungong CR. Sinundan niya ito para personal na i-congratulate at pasalamatan sa pagkakakuha sa kanya nito bilang Maid of Honor.
Hindi pa man siya nakakarating sa huling pasilyo papasok ng Ladie’s Room ay may narinig siyang tinig ng isang babae at lalake na nagtatalo. Dahan-dahan siyang naglakad at sumilip sa kanto ng huling pasilyo kung saan nanggagaling ang mga boses na narinig niya. Laking gulat niya nang makita niya si Lexie at James na nag-aaway.
“We're done talking, James! Nag-usap na tayo regarding this and I said no! Pati ba naman ngayong kasal ko guguluhin mo ko?!Tigilan mo nako James! Hindi ako papayag sa gusto mo!"
Walang anu-ano'y naglabas ng patalim si James at itinutok kay Lexie. Itinulak niya si Lexie papasok ng pinto ng Ladies' room. Natapilok si Lexie at bumagsak sa sahig.
Nagulantang si Iya sa kanyang mga nasaksihan. Hndi niya mawari kung paanong magagawa ni James na tutukan ng patalim si Lexie sa mismong araw ng kasal niya.
Marahang tumakbo si Iya palapit ng Ladies’ Room at palihim na sumilip sa maliit na siwang ng pinto.
"KUNG HINDI KA MAPAPA-SA AKIN, HINDI KA RIN MAPAPA-SAKANYA!" wika ni James na sa mga sandaling iyo’y nanginginig sa sobrang galit.
Nagpatuloy lang sa pagtatago sa pinto si Iya at lihim na pinagmamasdan at pinakikinggan ang ma-emosyon na pakikipag-usap ni James kay Lexie. Maya-maya pa’y isang kahindik-hindik na pangyayari ang tumambad kay Iya.
Kitang kita niya sa kanyang dalawang mata ang pagkaka-saksak ni James kay Lexie sa dibdib. Ilang sandali pa’y umagos ang napakaraming dugo sa sahig ng CR.
Hindi makapaniwala si Iya sa kanyang nasaksihan. Hindi niya napigilan ang sarili sa pag-iyak. Ngunit tinakpan niyang mabuti ang kanyang bibig upang hindi siya marinig ni James na sa mga oras na iyon ay nakatayong pinagmamasdan lang si Lexie habang naliligo sa sariling dugo at unti-unting nawawalan ng malay.
***
May 26, 2020
Lexie’s Mansion House
5:45AM
Nasa garage si Nick kasama si Iya. Tinulungan siya nitong mag-maneobra ng kanyang sasakyan palabas ng garahe.
“O pano, Iya? Kayo na ang bahala dito nila ni James ha? Si Lexie paki-alalayan”
“Don’t worry, Nick. Nasa mabuting kamay si Lexie. Wika ni Iya sabay bungisngis.
“Pero sigurado ka bang aalis ka na? Pwede ka naman mag-stay pa dito hanggang magliwanag. Mas safe parin magdrive pag umaga.
“No, thank you. I need to arrive at Tagaytay before 8. May meeting kasi kami ng mga business partners ko, eh. As much as I wanted to stay here a little longer, hindi talaga pwede. We talked about it already naman na ni Lexie.
“Well, okay. Wag ka mag-alala. Kami na bahala ni James dito. Yung mga gamit nalang naman ng sound system ang kailangang mai-pack-up then matutulog narin kami ni Lexie. Si James naman tingin ko makakapag-drive narin pauwi mamaya, nawala yata yung kalasingan nung tinulungan niyang magbuhat ng mga equipments yung sa sound system.” Pabirong wika niya.
“Good to hear! O siya, I’ll go ahead! I-kiss mo nalang ako kay Lexie!”
“Okie dokie! Ingat sa biyahe!”
Agad na isinara ni Iya ang gate ng garahe. Pagkatapos ay naglakad ito patungong sala para tingnan kung ano pa ang mga dapat i-pack-up at iligpit na kalat dulot ng katatapos lamang na magdamag na party ng barkada.
Samantala, nasa balcony naman sa second floor si James, nakaupo lang na wari’y nagtatanggal ng hang-over.
Maya maya pa’y dumating si Lexie. May dala-dalang kape para kay James.
“Coffee? Pampatanggal hang-over.” pag-aaya nito.
“Sure, thank you.” Tugon ni James Sabay abot sa tasa ng kape.
Sinamahan ni Lexie si James sa round table. Magkasama sila noong mga sandaling iyon, ngunit hindi nila magawang tumitig sa isa’t isa. Ilang minuto din ang lumipas na walang kumikibo at pareho lang silang nakatanaw sa langit. Wari’y hinihintay lang ng bawat isa na may magbukas ng conversation.
Maya-maya pa’y hindi na natiis ni Lexie ang nakabibinging katahimikan.
“So...Anong oras ka ba-biyahe pauwi, James?” pagtatanong ni Lexie.
“Mga around 6:30 AM siguro?”
“Kaya mo na ba? Kung wala ka namang gagawin today, pwede ka namang mag-stay muna dito. You know, lagi kayong welcome dito sa bahay.”
“N-No. Thank you. Don’t worry too much about me. And besides... kailangan ko na sigurong masanay na wala ka lagi sa tabi ko...”
“W-what do you mean, James?”
“You’re getting married, aren’t you?
“So what if I am? May kailangan bang magbago?”
Napalingon si James kay Lexie at tinitigan ito nang malalim na animo’y tumatagos sa kaluluwa nito.
“Wala nga ba, Lexie?”
Napayuko si Lexie at tila iniiwasan na magpanagpo ang kanilang mga mata.
“See? You know it in yourself. Deeply. Whether you like it or not, may kailangang magbago... May kailangang mawala. May kailangang iwanan...”
Napakunot-noo si Lexie at di napigilang taasan ng boses si James.
“Ano ba kaseng gusto mong sabihin?”Pagtatanong ni Lexie na sa mga sandaling iyon ay naiirita na sa kung paano siya ituring ni James.
“Bakit hindi mo pa sabihin ng deretso?!” Huwag mo kong daanin sa mga palipad-hangin mo!
“Yan ang hirap sayo. Sa inyong mga babae. You know why ever since, I don’t involve myself in serious relationships? It’s because, kayong mga babae, masyado kayong selfish. Sarili niyo lang ang iniisip niyo! Ang concern niyo lang ay kung ano ang gusto niyo at kung saan kayo magbe-benefit.”
Habang tumataas ang tensyon sa pagitan nina Lexie at James, si Iya naman ay nagsimula nang magtaka kung nasaan ba ang dalawa niyang kaibigan. Sinilip niya ang pool, ang dining room maging ang kitchen ngunit hindi niya sila makita.
Nagpasya siyang umakyat ng second floor sa may balcony dahil wala naman siyang ibang maisip na pwede pang puntahan ng dalawa bukod doon.
Habang siya’y pumapanik, narinig na niya nang kaunti ang boses ni James. Ngunit laking pagtataka niya kung bakit tila galit ang boses nito.
Maya-maya pa’y nakarating na sa tapat ng pinto papasok ng balcony si Iya. Bubuksan na sana niya ang pinto nang marinig niya ang boses ni Lexie.
“James, you’ve gone too far! Nakakasakit ka na!” ani Lexie.
“Bakit ka nasasaktan? Dahil ba totoo?! Just admit it, Lexie! You’re selfish!”
Napatayo sa upuan si Lexie at nagngingitngit na hinarap si James na sa mga sandaling iyo’y patuloy lang sa paghigop ng kape.
Samantala, si Iya ay nanatili sa pinto ng balcony at piniling palihim na makinig sa diskusyon ng dalawa.
“Ano bang problema mo James?! Kailan ba ako naging selfish sayo?”
Inilapag ni James ang tasa ng kape sa round table at saka ito tumayo. Tumapon ang ilang patak ng kape dahil sa pabiglang pagkakababa ni James dito.
“Limot mo na ba agad, Lexie? Well, sige ipapa-alala ko sayo...”
“Just tell me, James! Huwag mo akong gawing tanga!”
“What about that night, Lexie? Ganun ganun na lang ba ‘yon?”
Nagulat at bahagyang natigilan si Lexie sa sinabi ni James. Napa-singhal siya sabay harap ulit sa kanya.
“So that was it all about? God! James, you still have an issue about it?”
“Why haven’t I?” mabilis na tugon ni James.
“James! We talked about this already! Pinag-usapan na natin to the moment we figured out na may mangyari sa atin! It was just a mistake! It wasn’t suppose to happen!”
“But it did! You cannot blame me if hindi ko magawang makalimutan ‘yon agad!
“Why not, James? Why don’t you just forget about it like I did?
Napayuko si James at nanamlay ang mga mata. Wari’y nawalan ng ganang makipagtalo sa kanya.
“So... kinalimutan mo lang talaga nang ganun-ganon lang, Lexie?
“James, you know I don’t love you! Wala ka rin namang dahilan para bigyan ng malalim na kahulugan ang nangyari sa atin, tama? That night was just a big, big mistake for the both of us. And I regretted it since then! I wish it never happened.”
“You don’t understand me, Lexie. You don’t understand me at all!”
“Then make me!” frustrated na sagot ni Lexie.
Biglang tumahimik si James. Wari’y napagod magpaliwanag ng kanyang saloobin. Umiling-iling lang ito habang humihinga nang malalim.
“You never told him about it, didn’t you?” tanong ni James.
“Why would I? What’s the point? I don’t want to hurt him!”
“f**k, Lexie! You’re too selfish! If you really love him, then at least have a decency to tell him about us!
“There’s no ‘us’, James! Come on! Alam natin ‘yan pareho! Pwede ba itigil na natin ‘to? I’m sick of it! Let’s forget about it nalang then move on!
“No. You know what? Ang dapat na itigil dito ay ‘yung wedding niyo. Call it out! Magpapakasal ka sa kanya samantalang hindi mo man lang magawang maging honest? Be accountable for once, Lexie!”
“How dare you! Alam mo kung gaano kahalaga sa akin ang kasal! Paano mo nasasabi sa harapan ko na basta-basta ko nalang bitiwan ang pagpapakasal namin?!”
“Whatever, Lexie! Pagod na ‘ko magpaliwanag sayo! You know what? Let’s settle this this way: You tell him about that night, what happened to us, or I will. End of conversation!”
Pagkasabi nito, tumalikod siya at padabog na naglakad palayo kay Lexie.
“James, wait!” pagpigil ni Lexie. Ngunit nagpatuloy lang sa paglalakad si James hanggang sa makarating sa pinto. Binuksan niya ang pinto at natigilan siya nang bumungad sa kanya sa labas si Iya. Ilang sandali silang nagkatitigan. Binawi ni Iya ang kanyang paningin at sabay gumilid para bigyan ng daan ang nagmamadaling si James. Agad namang naglakad papuntang garahe si James, kinuha ang sasakyan at saka tuluyang umalis ng mansyon.
Samantala, pumasok si Iya sa balcony at hinarap si Lexie na noo’y pinagpapawisan nang malamig, kahit hindi naman mainit. Kumuha siya ng bimpo at pinunasan ang butil-butil na pawis sa noo nito. Iniupo niya sa Lexie sa round table, hinawakan ang dalawang kamay, at saka kinausap.
“I heard everything, bes. Now, you can tell me. You can trust me. And you know from your heart, never kitang ji-nudge sa mga desisyon mo sa buhay. Just please tell me the truth. The whole truth.”
Pagkarinig nito, wari’y nagising ang ulirat ni Lexie. Nangilid ang kanyang mga luha at ilang sandali pa’y hindi na niya napigilan ang pag-iyak.
“Bes!”
Niyakap niya si Iya habang patuloy sa pag-iyak.
“I slept with James, Bes! I slept with him! I’m a cheater! I’m totally regretting this! What should I do, bes? Anong dapat kong gawin? I’m so stupid! I’m so, so stupid!”