Hindi alam ni Claire kung ano ang kanyang gagawin—pipigilan ba niya si Ryan sa pagkaka-halik nito sa kanya, o gagantihan niya ito.
“No. This isn’t right. Hindi totoo ang mga narinig ko mula sa kanya. He’s just too drunk. This kiss is meaningless! I should stop him!” sabi nito sa kanyang sarili.
Ngunit kahit ano pang pagkumbinse sa sarili ang kanyang gawin, hindi niya malaman kung bakit hindi niya magawang mai-alis ang mga labi ni Ryan sa kanya. Nagtatalo ang kanyang puso at isip. Alam niya sa sarili niyang mali ang mga pangyayaring iyon, ngunit alam din niya ang matagal nang isinisigaw ng kanyang puso.
Ang totoo, Matagal na niyang gustong marinig ang mga salitang iyon kay Ryan. Matagal na niyang gustong maranasan na mahalin din siya ni Ryan katulad ng pagmamahal niya sa kanya.
Maya-maya pa’y nanlambot ang kanyang katawan. Hindi na siya nakagalaw pa at hindi na rin niya nagawang itulak palayo si Ryan. Napapikit na lamang siya at unti-unti ay hindi niya namalayang sinusuklian na rin niya ng matatamis na halik si Ryan.
Habang nagaganap iyon, bumalik sa ala-ala ni Claire ang kanilang unang pagkikita.
***
June 15, 2008
Bonifacio High School
5:00PM
First day of school. Kakatapos lang ng buong maghapong klase. Naglalakad na palabas ng classroom si Claire na noo’y nasa 3rd Year High School na. Transfer student siya kaya wala pa siyang gaanong kakilala sa kanilang klase.
Dahil wala pa siyang kaibigan na maaari niyang makasabay pauwi, naisip ni Claire na magpa-iwan muna sa campus para maglibut-libot habang nagpapalipas ng oras. Tutal maaga pa naman at alas-sais pa ng hapon isasara ang gate ng bagong school na kanyang pinapasukan.
Sa kanyang paglalakad, napadpad siya sa likod ng Annex Building na sa mga panahong iyon ay tinatapos palang itayo ng pamahalaan ng eskwelahan.
“Ginagawa pa pala ‘tong building na ‘to!” pabulong na wika niya habang nililibot ng kanyang mga mata ang paligid. Masukal pa ang likod ng building at ni wala siyang nakitang ibang tao sa paligid. Bukod sa nag-uwian na ang karamihan sa mga estudyante ay talagang “off-limits” pa ang bahaging iyon ng school para sa mga estudyante dahil nga sa “on-going construction” nito.
“Oo. Ginagawa pa nga...”
Biglang napalingon si Claire sa likod at nagulat siya na may limang lalaking estudyante na ang asta ay mga gangster. Malalaki ang kanilang mga suot na uniform, naka “suprah” na sapatos, naka-gel ang mga buhok at ang ilan sa kanila ay naka itim na eyeliner.
“S-sino kayo?” tanong ni Claire.
“Hahaha! Tinatanong mo kung sino kami? ‘Di mo ba kami kilala?” Mayabang na sagot ng leader ng gang na nasa gitna ng lima.
“M-magtatanong ba ‘ko kung kilala ko kayo?”, matapang na sagot ni Claire.
“Aba, ang tapang ah?!” Kantyaw ng magto-tropa.
Humakbang palapit ang leader ng gang kay Claire at nakipagtitigan nang malagkit sa kanya. Hindi naman nagpatinag si Claire. Hindi niya inalis ang kanyang mga mata sa mayabang na leader ng gang.
“Hoy Miss! Transferee ka ‘no? ‘Di mo ba alam na nasa teritoryo ka namin? At pwede naming gawin ang anumang gusto namin sayo nang walang nakakaalam!”
Unti-unting nakaramdam si Claire ng takot. Lumakas ang kabog ng kanyang dibdib. Naramdaman niyang nanginginig ang kanyang mga tuhod. Natatakot siya na baka kung ano nga ang mangyari sa kanya sa kamay ng mga binatang estudyante. Mas lalong bumilis ang t***k ng kanyang puso nang nilibot niya ang kanyang paningin sa paligid at wala siyang ibang makitang tao para hingian ng saklolo. Ang tanging daan lang palabas ng pasilyo ay ang daan na kanyang dinaanan papasok. Ngunit imposible niya itong madaanan dahil hinaharangan ng limang lalaking iyon ang daanan.
“Miss... alam mo bang... pwede kitang... halikan...” wika ng leader ng gang habang patuloy silang naglalakad palapit kay Claire.
“Wag na wag mo ‘kong hahawakan! Sasamain ka saken!” pasigaw na sambit ni Claire. Pilit niyang ipinapakita na hindi siya natatakot ngunit halata parin ito dahil siya’y napapaatras sa tuwing humahakbang palapit sa kanya ang mga lalaki.
“Pwede kitang... yakapin... hubaran...” patuloy na panunuya ng lalaki habang sige parin sa paghakbang palapit sa kanya. Si Claire naman ay patuloy lang rin sa pag-atras.
Hindi namalayan ni Claire na wala na pala siyang mai-aatras pa dahil pader na ng building ang kanyang nasa likuran. Nagsimula nang tumulo ang luha ni Claire sa sobrang kaba at takot.
“O, pano ba yan, Miss? Na-corner ka na namin...? Oh Ba’t ka umiiyak? ‘Di bagay sayo ang ganyan.” Sambit ng leader ng gang sabay hawak sa pisngi ni Claire.
“Huwag mo ko hawakan!” Umiiyak na sabi ni Claire habang iniiwas ang mukha sa kamay ng binata.
“Alam mo... pwede naman natin ‘tong pag-usapan, eh...maganda ka... sexy...at... mukhang bagay tayo...”
“Patatawarin kita sa pagiging mayabang mo... at palalabasin kita nang buo dito sa lugar namin... kung... papayag kang maging syota ko?” wika ng lalaki habang inaangat ang mukha nito at itinutulak palapit sa kanya.
“Bitawan mo sabi ako!” Sigaw ni Claire sabay sampal nang malakas sa lalaki.
Napaatras ang mayabang na lalaki habang hinihimas-himas ang pisngi at halos mangiyak dahil sa sobrang sakit.
“Aba loko ka talaga ah!” aniya sabay senyas sa mga kasamahan niya. Lumapit ang tatlo sa kanyang kasamang lalaki at hinawakan si Claire sa magkabilang kamay. Hinablot ng isa pa ang bag nito. Sinubukang magpumiglas ni Claire ngunit mahigpit ang pagkakahawak ng dalawang lalaki sa kanyang magkabilang braso. Dahil sa sobrang lakas naman ng paghablot ng isa sa bag ay napigtas ito at bumalibag sa ‘di kalayuan. Nagkalat ang mga gamit na laman ng bag ni Claire sa sahig. Ang isa naman sa lalaki ay nagsilbing “look-out” para masiguro na walang tao sa paligid na maaaring mangialan
“A-ano bang kailangan niyo sa akin?!P-Pakawalan niyo ‘ko mga walang hiya!” umiiyak na sambit ni Claire.
“Inuubos mo talaga ang pasensya ko! Hindi ako papayag na hindi makaganti sayo babae ka! Ang lakas ng loob mong sampalin ako?! Hetong sayo!” Wika ng leader ng gang sabay akmang sasampalin si Claire.
Napa-pikit na lamang si Claire at hinihintay na lamang dumampi sa kanyang pisngi ang sampal ng lalaki. Ngunit nagulat siya nang hindi man lang niya naramdamang sumakit ang kanyang pisngi.
Iminulat niyang muli ang kanyang mga mata at saka tumambad sa kanyang harapan ang isang lalaki na hindi naman kasama kanina ng limang gangster. Hawak-hawak niya ang braso ng leader. Pinigilan pala niya ang aktong p********l nito sa kanya.
“Hay naku, unang unang araw ng klase, heto kayo’t umaariba nanaman... Kulot Gang, ‘di ba kayo nagsasawa sa pambu-bully niyo sa mga Transferee? Hay, taun-taon nalang...” wika ng ‘di kilalang lalaki.
Inalis ng Gang Leader ang kamay ng lalaki na nakahawak sa kanyang braso.
“Teka, sino ka bang umeepal ka? Hindi mo rin ba alam na nasa teritoryo ka namin? At ano bang pakialam mo kung ano’ng gusto naming gawin sa babaeng ‘to? Ano ba ang relasyon mo sa kanya?”
“Ang dami mo namang tanong. Nakakarindi. Pero wag ka mag-alala, isa-isa kong sasagutin ‘yun.” Confident na sagot ng ‘di kilalang lalaki.
“Sino ba ‘tong lalaking ito? Hindi ko siya nakita sa classroom ko kanina. At hindi ko rin siya nakitang dumaan sa pasilyo na pinasukan ko. Saan siya galing? Pero kung sinuman siya, mabuti nalang at dumating siya. Pero paano naman niya lalabanan ang lima? Ang tapang niya pero mukhang wala naman siyang ibubuga sa bugbugan.” Wika ni Claire sa kanyang isip na sa mga sandaling iyo’y naguguluhan parin sa mga nangyayari.
“Una sa lahat, hindi ako epal. KAYO ang epal. Ang sarap sarap ng tulog ko sa isang classroom. Nagising lang ako dahil ang iingay niyong lahat. Pangalawa, hindi niyo ‘to teritoryo. Technically ako ang unang dumating dito mula pa kaninang umaga. At pangatlo...”
Tumigil siyang sandali sa pagpapaliwanag at saka tumitig nang matagal kay Claire. Walang anu-ano’y nilapitan niya si Claire at tinulak ang dalawang lalaking nakahawak parin sa magkabilang braso nito. Pagkatapos ay hinawakan niya sa baywang si Claire. Si Claire naman ay hindi nakagalaw sa sobrang pagkabigla.
“Girlfriend ko ‘tong binu-bully niyo. Alam ko ang number 1 rule niyo sa Gang niyo. Kaya kung may natitira pa kayong respeto sa grupo ninyo, back-off!”
Nanlaki ang mga mata ni Claire at napatingin sa lalaking humawak sa kanya.
“A-ako? G-Girlfriend niya? Nagpapatawa ba siya? Ang kapal naman ng mukha ng lalaking to! Ni hindi ko nga alam ang pangalan niya? What the heck! Ano bang pinaplano mong lalake ka?” Patuloy na pagtatanong ni Claire sa kanyang sarili.
Napaatras ang leader ng Gang sa gulat.
“T-talaga bang Girlfriend mo ang transferee na ‘yan?” pagtatanong nito.
“Gusto mo ba ng pruweba?” Tugon ng ‘di kilalang lalaki.
Inilapit ng lalaki ang kanyang bibig sa kaliwang tenga ni Claire at saka bumulong:
“Thank me later...”
Agad-agad ay iniharap ng ‘di kilalang lalaki si Claire sa kanya. At sa isang kisap-mata’y hinalikan niya ito sa labi. Isang mariin at matamis na halik.
Nanlambot ang mga tuhod ni Claire at hindi na nakagalaw pa.
“Wait! What? Bakit niya ako hinahalikan?? May sira ba siya sa tuktok? This is so wrong!” Patuloy na wika ni Claire sa kanyang sarili.
Nang masaksihan ito ng Kulot Gang, bigla silang napa-atras at unti-unti ay nawala ang tapang sa kanilang mga mukha.
“Mga ‘tol, sibat na!” sigaw ng gang leader.
Agad namang nagsipag-alisan ang limang gangster na estudyante at naiwan na lamang doon si Claire at ang ‘di kilalang lalaki na humalik sa kanya.
Nang masigurado na ng lalaki na wala na sa paligid ang mga gangster, agad narin niyang itinigil ang paghalik kay Claire. Si Claire naman ay natulala at hindi parin makapaniwala sa mga nangyari sa kanya sa unang araw pa man din ng kanyang pagpasok sa eskwela.
“Ahm, Miss o-okay ka lang ba?”
“O-Oo. Okay lang ako...”
“Y-yung mga gamit mo...” pagpapatuloy ng lalaki at akmang pupulutin ang mga nagkalat na gamit ni Claire sa sahig.
“Teka, wait! Don’t touch my things!” sigaw ni Claire. Natigilan naman ang lalaki.
“What the heck just happened? ‘Di ko maintindihan pa’no...” pagtataka ni Claire.
“Sila ang Kulot Gang. Obviously yung leader nila is yung kulot ang buhok na nang-harass sayo. Mga 4th Year High School students na sila. And taun-taon ang trip talaga nila ay mam-bully ng mga babaeng Transfer students. They’ve been doing that stupid thing for three straight years.”
Napa-tulala lang si Claire sa pagku-kwento ng lalaki.
“Sa pakiwari ko, hindi aksidente ang pagmi-meet niyo. Lahat ‘yun ay planado. In short, inabangan ka talaga nila.” pagpapatuloy na wika nito.
“Pero pano...?”
“Pa’no ko sila napigilan? Simple lang. I used their own rule against them: NEVER TOUCH SOMEBODY’S GIRL. Kahit mga barumbado kasi ‘yung mga ‘yun, naniniwala sila sa prinsipyong ‘yun. Kaya never silang nakipag-sulutan ng babae sa kahit na sino. Kahit hindi nila ka-tropa.
“So that kiss...” ani Claire.
“...is actually my way of saving you....” Dugtong ng lalaki sabay ngiti sa kanya.
“So, now, pwede ko na po ba pulutin yung mga gamit mo, Miss?”
“O-oh! Thank you!” Pagpayag ni Claire. Agad namang yumuko ang lalaki at sinimulang pulutin ang mga gamit ni Claire.
“Hmm... about that kiss... I’m sorry kung ginawa ko ‘yun nang walang paalam, ha? I thought they wouldn’t believe me na Girlfriend kita kung simpleng hawak lang sa baywang o kamay ang gawin ko....I should act something na mas kapani-paniwala, para lubayan ka nila.”
“I-I understand...Just like you said, ginawa mo lang naman yun to save me...”
“Yeah, that kiss is meaningless...I hope you feel the same way. And, sa ganda mong ‘yan, sigurado akong hindi iyon ang first time mo...kaya I’m pretty sure that a simple kiss from someone who actually saved you won’t be a big deal. Please spare me...”
Biglang natigilan si Claire. Natulala siya at napahawak sa mga labi. At bigla niyang nasambit sa sarili...
“It was my first...He’s my...”
“Ahm, Miss... are you alright? pagtatanong ng lalaki. Did I offend you?
“Yes,, No... No, yes I’m okay....” magulong sagot nito.
Napulot na lahat ng lalaki ang mga gamit ni Claire sa sahig na agad naman niyang iniabot sa kanya.
“There you have it! Miss...Claire Mendoza?” sambit ng lalake habang nakatingin sa notebook nito kung saan nakasulat ang buong pangalan ni Claire at ang section nito.
“T-Thank you, mister...”
“Ryan... Ryan Salcedo...” wika nito sabay akmang makikipag-kamay kay Claire.
“O-okay...T-thank you, Ryan.” tugon ni Claire sabay abot ng kamay ni Ryan.
“O-oh! Can you believe it? Classmate pala tayo?? III-Sampaguita ka rin pala.” Masiglang turan ni Ryan sabay turo sa notebook ni Claire.
“Usually di talaga ako pumapasok ng first day ko. It’s kinda my personal ritual.” Nakangiti nitong sabi.
Tulala lang si Claire habang nakikinig lang sa nagsasalitang si Ryan.
“So, pa’no, friends na tayo ah?” ani Ryan.
“S-sure...”
“Mauuna na ‘ko, may basketball play pa pala kame ng mga friends ko. Ikaw, dumeretso ka na ng gate at lumabas ka na ng campus. Malapit na mag 6:00 PM. Bye, Claire! See you tomorrow in class!”
Tumakbo palabas ng pasilyo si Ryan habang kumakaway. Si Claire naman ay nakatayong naiwan na tila hindi parin makapaniwala sa mga nangyari. Muli niyang hinawakan ang kanyang mga labi. At sa di maipaliwanag na dahilan, siya’y napangiti at bahagyang uminit ang kanyang mga pisngi.
***
Bahagyang natigilan si Ryan sa paghalik nito kay Claire. Si Claire naman ay naghihintay lang na muling ibalik ni Ryan ang mga labi nito sa kanya. Hindi niya inalis ang pagkaka-hilig ng kanyang katawan kay Ryan.
“I Love you too.... Lexie... I love you too...” Paulit-ulit na sambit ni Ryan.
Nang marinig ito ni Claire, bigla niyang iminulat ang kanyang mga mata at tinitigan lang si Ryan habang patuloy parin ito sa pagbanggit ng pangalan ni Lexie.
“Lexie... M-Mahal K-kita... Mahal na Mahal kita Lexie....”
Napabalikwas si Claire sa pagkaka-hilig kay Ryan at saka umupo. Tinitigan niya si Ryan na noo’y sobrang lasing parin at tila nananaginip ng tungkol kay Lexie. Napaluha ito ngunit pinunasan niya ito agad at hindi niya hinayaang dumaloy pa sa kanyang mga pisingi.
Napa-tayo siya na tila baga nagising sa katotohanan. Hindi totoo ang mga narinig niyang salita mula kay Ryan na mahal din siya nito. At samakatuwid, hindi siya ang totoong nasa isip ni Ryan habang magkaniig ang kanilang mga labi.
Tiningnan ni Claire ang kanyang relo. 5:45AM na pala at malapit nang sumikat ang araw.
“Your kiss... It’s always meaningless.” sambit ni Claire na kakikitaan ng pagkadismaya sabay talikod at lakad palabas ng bahay ni Ryan.
***