Kristina's POV
Bago pa man magsimula ang magaganap na investing. Heto ako ngayon kabadong-kabado. Mula kahapon hanggang sa paggising sa umaga kaba ang sumalubong sakin.
"Ma'am Kristina okay lang po ba kayo? Gusto niyo po ba ng maiinom? Ikukuha ko po kayo."
"Okay lang ako Rita. Don't worry about me. Paki prepare na lang ng mga outputs para pagdating nila ibigay mo sakanila."
Gusto ko mang uminom ng kape dahil ramdam ko rin ang antok dahilan ito kagabi na hindi ako masyado nakatulog. Kung iinom pa ako mas lalo lang yata ako nenerbyosin.
Magpapakita kaya dito si William? As far as I remember siya ang nag schedule neto. Kaya dapat siya mismo ang haharap sa mga taong gustong mag-invest.
Naku! Paghindi siya dumalo ngayon! Makakatikim talaga siya sakin!
Ilang minuto lang ay nagsidatingan na ang mga investor. Lahat sila mga pamilyar sakin. Pano naman hindi pamilyar ehh! minsan lumalabas sila sa News tungkol sa kanilang mga negosyo.
Apat na medyo may mga edad na. May dalawa ding mga bata pa. Siguro kasing edad ko lang din sila.
Natigil ang aking pag-iisip ng dumating si William. Damn! Ang gwapo! He's wearing a tuxedo, black leader shoes at mas nagpapaganda sa kanya ang kanyang rolex watch. Hindi! Mas lalong gumanda when he finally remove his sunglasses.
"Hey William."
Sabi ng babaeng investor na sinasabi ko na kasing edad ko rin. Magkakilala pala sila. The way she call William. Parang close na close. Lumapit pa talaga ito para halikan si William sa pisngi. Hindi man lang tumanggi!
"I thought you won't come Allysa."
"Ikaw pa? Malakas ka sakin."
"That's my baby."
Baby? So madami pala kaming tinatawag niyang baby! At dito pa tala sa kumpanya ko. I mean sa kumpanya namin! Kung alam mo lang babae ka! Asawa ko yan! Hindi pa nga kami tuluyang hiwalay kung makalandi parang wala ako! Naku Kristina? Bakit kaba nagpapa apekto sa kanya! He's just nothing okay? Bakit ba nagpapaapekto kapa sa kanya! Ang dapat kong gawin is to focus right now!
Pagmamaktol ko sa aking sariling pag-iisip. Nakakairitang pagmasdan silang dalawa. Hindi man lang nahihiya sa mga investor!
"And you are Kristina? Right? Mas maganda ka pala sa personal. Insanity beauty." Sabay lahad ng kanyang kamay na inabot ko naman at hinalikan niya ito. Gosh! Namumula na yata ang mukha ko sa papuring kay ganda. Medyo nabawasan ang inis ko dahil sa sinabi niya.
"Yes. And yo-you are?"
"I'm Axcel. But you can call me Ax para mas maiksi lang."
"Nice meeting you Axc-"
"Okay. Enough! Let's all sit. And start your report Kristina."
Ano na namang problema neto? Ang ganda ng mood niya kanina sa Allysa na yan tapos mag-iiba agad? Masama pa talaga ang tingin sakin. Ano naman ba ginawa ko?
"Hey? Did you hear me? Start Kristina."
"Bro don't act like that. She's not just an ordinary employee. Kayong dalawa ang may-ari dito. Don't forget that. Huwag mong igaya sa ibang kumpanya mo."
Hindi na ako nakapagsalita pa. Dahil sa tensyon ng dalawa. Si William na kay sama ang tingin kay Axcel.
"William!"
Saway ko sa kanya kaya siya na ang unang bumitaw sa mga titig nilang dalawa. Nakakahiya lang kasi dahil hindi lang kaya kami ang tao dito. Kung magsagutan silang dalawa.
"Start! Don't waste our time." He said in his low baritone voice. His voice sound so familiar the way he had s*x! Oh d*mn!
Bago pa man kami magsimula. We introduced each other first. Ang apat na medyo may mga edad na sila Romano, Igdalino, Felipe at Girardo. Sila Allysa naman napag-alaman ko na magkaibigan pala sila ni William at isa na rin si Axcel kaya naman pala gano'n na lang si Axcel kung makasagot kay William. Si Axcel at si Allysa ay magpinsan rin pala.
"Very well said."
Sabi ni Girardo sakin matapos akong magsalita sa harapan nila tungkol sa kumpanya namin. Na intindihan naman nila ang nangyari. Lahat naman sila ay mababait. Pati rin si Allysa minsan pumupuri rin sa ginawa ko. She's okay naman. Sa unang tingin akala mo maarte pero hindi naman pala.
Gano'n lang siguro sila ka sweet ni William. But I have a feeling, she likes William. Halata kasi. Malay mo diba magka developan sila. Why not? Maganda naman si Allysa. Ang tanong, payag kaba Kristina ang asawa mo magkakagusto sa iba? Ay!! Bat ba kasi yan iniisip ko.
"All clear? Raise your hand if you have question."
Sabi ni William habang nilalaro ang ballpen. Hindi rin ako tumitingin sa kanya lalo na kanina ng magsimula ako. Ayaw kong ma distract sa mga titig niyang nakakamatay. Hindi ba siya natatakot baka anong isipin ng iba? His looks so weird kaya. May mga pagnanasa, pagbabanta. Hindi ito isang simpleng pagtitig lang. Kundi parang gusto ka niyang angkinin, lamunin!
"Good! So Welcome in our Company. Hindi kayo magsisisi sa pag-invest."
"Thank you William and also to you Miss Kristina. Sana magtuloy-tuloy na ang pag-ahon ng Kumpanya ninyo."
"Makakaasa ka Mr. Girardo."
Matapos ang masasayang pagbati at maliit na kwentohan. Napagpasyahan ko nang bumalik sa opisina ko. Bago pa man din ako makalabas ng silid hinawakan ni Axcel ang kamay ko. Medyo nabigla ako sa ginawa niya. Hindi naman kasi ako sanay na may hahawak sa kamay ko lalo na kapag hindi ko ito kakilala ng masyado.
"I'm sorry. Ahm. Can I invite you? I mean let's have a coffee. Alam ko na stress ka kanina."
Ayaw ko naman may masabi siya o magmukhang bastos. Coffee lang naman. Wala namang masama diba kung sasama ako. Besides wala naman akong Boyfriend. Naku! Wala nga pero may asawa. Ano ba yan! Kailan ba ako ganito. Magtatago sa mga kasinungalingan.
"Su-sure."
"Great. Shall we?"
Malapit lang ang aming pinuntahan. Hindi ito gaano kalayo sa kumpanya. Imbes na magkakape lang kami. Heto at kumakain na kami. Hindi ko naman kasi alam na kain ang gusto niya. Sa daming pagkain ang nasa mesa. Ang totoo na tatakam rin ako. Hindi kasi ako nakapag almusal ng maayos dahil nga sa sobrang kaba kanina.
"Kaya ba natin itong ubusin? Look? Ang dami. At tayo lang naman ang kakain. I thought we were going to have coffee?"
"Sorry. Ang totoo gutom na kasi ako. Ilang araw akong walang kain. You know to maintain my body. Kaya sakripisyo ng kaunti."
"Ay oo pala. Modelo kanga pala. Buti hindi ka nagkakasakit sa ginagawa mo?"
"Hindi naman. Go ahead. Eat, huwag kang mahihiya. Mas masarap din kasi kumain pagmay kasabay."
"Sinabi mo pa! Yung tipong kumakain ka nga pero parang hindi nabubusog. Ahm. I have a question Ax."
"Sure. About what?"
"Matagal na baya kayo magkakilala ni William?"
"Yeah. Mga bata pa lang kami. Allysa is my cousin sa side ng father ko. Patay na patay nga si Allysa kay William. Pero si William hanggang aibigan lang ang tingin niya kay Lysa."
"Last question. Ahm... Bakit sa kumpanya namin. Dahil ba na hindi lang kami ang may-ari kundi pagmamay-ari na rin ni William? We all know naman gaano ka sikat na businessman si William. Lahat yata walang palpak sa kumpanya niya."
"It's not about Will. Habang tumatagal kasi tumatanda na rin ako. Hindi naman forever ganito ang look ko. Kaya habang may ipon ako mas mabuting mag invest sa iba. I'm planning to build my own company too. Pero i think matagal-tagal pa."
Nakikinig lamang ako sa kanya. Madaldal din pala si Axcel. Kalalaking tao kay daldal. Ako naman ay kain lang ng kain. Halos maubos ko na nga ang isang ulam sa sobrang sarap makinig sa mga kwento niya. Kahit papano nawala ang pagod ko. Na relax ng kaunti ang ulo ko.
"Ikaw? Mag kwento ka naman. Halos ako na yata panay ang kwento dito. Ginawa mo na akong story teller." Tawa niya ng malakas kaya tumawa na rin ako.
"Pano naman ako magsasalita ehh kung panay ang kwento mo. Wala naman rin akong ikwekwento sayo. My life is boring kaya huwag na. Masasayang lang ang pakikinig mo sakin."
"Oh? Come on! Try it. Please?"
Nagpuppy eyes pa talaga ang mukong! Kung di lang siya cute di talaga ako sasama at pagbibigyan siya.
"Fine. Hmm. Saan ba ako magsisimula?"
"It's up to you. What about ang kumpanya niyo. Ang alam ko ang Papa mo ang nagpapalakad dito. At may mga balita na mukhang pinagbebenta niyo. So, totoo pala ang balita?"
Tumango ako sa kanya. Alanganing tango. "But i convince my Dad na huwag na lang ipagbili. Then my Dad told me na may gustong bumili. Half of our company since gano'n din ang nawala samin. All investor pull out they're shares. Sayang naman kung ibebenta namin. Pinaghirapan din ito ng magulong ko."
"You're right! Atleast kayo parin ang may-ari ng kumpanya. Kayo ni Will. Buti hindi siya masungit sa mga empleyado?"
"I don't know. Minsan lang naman kami nagkikita." Wala rin akong pakialam sa kanya kung ano pakikitungo niya sa mga empleyado. Ayos na sakin ang hindi magcross ang landas namin sa kumpanya. "Minsan lang din siya nandito sa kumpanya kaya hindi kami nagkikita masyado." Pagdudugtong ko sa kanya.
"Ewan ko sa taong yun. He change a lot."
"Bakit mo naman nasabi?" Kinabahan ako bigla sa sinabi ni Ax. May connection ba ito sakin?
"Dati hindi naman siya ganyan. Noong una kasi lumayo siya sa magulang niya. Na tatandaan ko isang taon yata ang gusto niya. To be free. Pagkatapos siya na ang papalit sa magulang niya. Nagulat nga kami dahil bago pa mag isang taon umuwi na siya at inako na lahat ng responsibilidad. Halos hindi na nga yun umuuwi sa kanila. Panay pa ang lasing, palaging napapaaway. Halos tapusin na nga niya ang buhay niya. Tanong nga ng tanong sila Tita kung may alam ba kami ni Allysa. I know may pinagdadaanan si William that time. And I think babae. Lalaki din ako kaya sa ganong sitwasyon niya alam na alam ko."
Nanginig ako sa mga sinabi ni Ax. Kung babae nga ito walang iba kundi ako. Ako lang naman kasi ang sineryoso ni William sabi nila Samantha noon.
Speaking of them! Nasaan na kaya sila? Pwede ko naman itanong sa kanila kung anong nangyari kay William. Right! Ipapahanap ko ito kay Rita.
"Malay mo naman hindi babae. Financial kaya?"
"Financial? Malabong mangyari. Nasa kanila na ang lahat." Ngumiti ito ng pilyo. Oo nga pala. Bakit naman mang problema sa pera si William eh ang yaman-yaman na niya. Ang bobo lang Kristina?
"Basta 100% I'm sure na babae ang naging problema niya. Ang nagpabago sa kanya. Manyak yun dati. Tapos pagniyayaya namin, inom lang inaatupag. Madaming lumalapit sa kanya, naglalaway pero walang epekto sa kanya."
Wala na akong sinagot pa kay Ax o tinanong. Ayaw ko lang muna makarinig ng kung ano tungkol kay William. Mas mabuting sigurado ako sa mga malalaman ko. At walang ibang mkakasagot kundi sila Samantha lang. Alam ko ako ang dahilan ng lahat nangyari kay William. Na curious ako sa sinabi ni Ax na halos tapusin ang buhay niya. In what way? Gano'n ba siya ka desperado sakin Magpapakamatay para sakin?