Kristina's POV
"Good Morning Ma'am. Good Morning Sir."
Lumingon ako sa likod ko dahil nagtaka ako sa pagbati ni kuyang guard.
"Good Morning babe." Sabay kindat sakin na si William pala.
Hindi ako sumagot at sabay irap sa kanya. Bahala na kung napansin man ito ni kuyang guard. Wala akong paki! As if naman natamaan si William sa ginawa ko. Bato yun! Sobrang bato na kay sarap ibato sa malayo!
"Kay aga-aga ang sungit mo. Anyway, you look more beautiful. Mas lalo akong na iinlove sayo."
Huwag kang papadala. Huwag ka ding kikiligin! Kaso ang puso ko ibang t***k ang nararamdaman. Sa simpleng papuri niya. Ang lakas ng impact sakin.
"Pwede ba Will? Alam mo na ang rason bakit ang sungit ko. Kaya kung ayaw mo na ganito ako kasungit stop pestering me! Okay?! Nakakabwesit kana!"
Malalaking hakbang ang ginawa ko para hindi niya ako mahabol. Wala rin naman akong naramdaman na may nakabuntot. Kaya nakaginhawa na ako ng matiwasay.
Pagpasok ko sa opisina, laking gulat ko sa daming papeless ang nasa ibabaw ng lamesa ko. Ito na nga ba ang sinasabi kong kalbaryo sa buhay ko. Ang mamahala sa lahat ng problema ng kumpanya.
Ay mali! Hindi lang naman ako ang may-ari ng kumpanya kundi si William din kaya hindi ako nag-iisa sa problema ng kumpanya.
Matapos ang mga pinirmahan ko tinawagan ko sa intercom ang sekretarya ko. Para ibigay na ito kay William. Ayaw ko na ako pa ang magdadala nito sa kanya. May utak naman siya kaya ma intindihan niya anong laman ng mga papeless na ito.
"Kunin muna dito ang mga papeless. Pakihatid na lang kay William Mondragon. Kung magtanong siya tungkol sakin sabihin mo lang busy ako."
"Yes Ma'am."
"Good. Thanks Rita."
I was reading all emails in my laptop. Halos tungkol sa kumpanya ang mga email. Wala talagang takas kami. Hindi naman kami nagpa interview pero ang heading ay tungkol sa Cruise Ship Company.
Number one dito ay si William. Madami ang gustong magtanong kung totoo ba na Dalawang tao na ang may-ari ng kumpanya. May ilang email din akong nabasa na gusto nilang mag invest.
"Kung ganito karami ang gusto mag-invest hindi na ganoon kahirap maiahon ang kumpanya namin ni William."
Tumunog ang intercom kaya sinagot ko ito.
"Yes?"
"Miss Kristina pinapapunta po kayo ni Sir William sa office niya. May sasabihin daw po siya tungkol daw po sa kumpanya."
"Tell her na busy ako."
"Sinabi ko na po Miss kaso nagalit po. Kung hindi po kayo pupunta tatanggalin niya po ako sa trabaho."
"Fine! Humanda siya sakin. Nanakot pa talaga. Anyway, thanks Rita."
Tumungo kaagad ako sa opisina niya. Pagkadating ko sa tapat ng opisina niya binuksan ko ang pinto at malakas na isinara ito. Hindi naman siya nagulat subalit matatalim na tingin ang ginagawa niya sakin.
"Nangpipikon na ako sayo ha? Ganyan kaba sa ibang kumpanya mo? Na nanakot at basta na lang mangtatanggal ng empleyado?!"
"I can do whatever I want. Besides, may-ari din ako ng kumpanya. Remember that Sweetie."
"You! Y-you! Grr!! Nevermind! Anong kailangan mo sakin? At pakibilisan dahil madami pa akong tatapusin."
"Let's have an schedule. Schedule sa mga taong gustong mag invest. Alam naman natin malaki ang nawala sa kumpanya. Kaya mapapadali ang pag ahon nito kung madaming gustong mag-invest."
"Then go. Ikaw gumawa ng schedule." Sabi ko sa kanya na walang emosyon. Hindi rin ako makatingin ng deretso sa kanya.
Tumayo siya at kumuha ng alak at uminom ng kunti. Tumayo naman ako ng tuwid dahil papalapit siya sakin. "Ikaw ang haharap sa kanila. Ikaw na ang bahala sa lahat."
"Wait a minute. A-ako? Ako lang?"
"Yes. May angal ka ba?"
"Alam mo naman diba anong nangyari samin. At dahil sayo kaya sila mag-iinvest kaya dapat ikaw ang humarap sa kanila."
"So? Gawan mo ng paraan."
"William!"
"You can go. Busy pa ako."
Tumalikod na siya sakin at humarap sa malawak niyang bintana na halos kita ang mga gusali ng manila. Wala na rin akong nagawa pa. Ayaw kong makipagtalo. Pagod na rin ako.
Buong maghapon ako nakatapat sa laptop at panay ang perma sa mga papeless. Nireview ko din tungkol sa kumpanya namin. Ang totoo natatakot akong humarap sa karamihan sa mga taong gustong mag-invest dahil alam ko naman uungkatin nila ang nakaraan pano ito bumagsak.
Dahil kay William madami ang gustong mag-invest. Why not? Sikat si William sa lahat. Madaming kumpanya ang pinapalakad niya.
Pinauna ko na rin makauwi si Rita. Na tapos nama ang tungkulin niya sa trabaho. Ayaw ko na hinihintay pa niya ako.
Bago pa man ako makasakay ng sasakyan buti na lang ay sumagi sa isip ko aking anak. Kaya napagdesisyonan ko na dumaan muna saglit sa kanya.
Dumeretso ako sa bilihan ng mga bulaklak. Bumili rin ako ng isang cute teddy bear at baby bottle na nilagyan ko ng gatas. Masaya ako habang binibili ang dadalhin sa kanya. Ganito din siguro ako kasaya kung nabubuhay siya. Lahat siguro naibigay ko sa kanya except for his dad kung sakali.
Malalim na ang gabi hindi naman ako natatakot dahil may mga tao pa naman na dinadalaw din ang mga mahal nila sa buhay.
"Hello Baby. It's been so long. Ilang years na kita hindi na dalaw. Sana ay mapatawad mo ako sa aking paglayo. Alam ko naman maintindihan mo din. Gusto kong makalimot sa lahat. Kung pwede ko lang ibalik ang dati hindi ko hahayaan na mawala ka sakin."
Sumasakit na naman ang dibdib ko. Lumalandas na rin ang luha ko. Sobrang sakit ng mawalan ng anak. Kung alam ko lang na nagdadalang tao ako titiisin ko ang sakit na ginawa nila ma protektahan ka lang.
"Kung nabubuhay kapa siguro baby. Ilang taong kana ngayon. Sobrang likot mo siguro. Ni hindi man lang kita nahawakan, nakita ang mukha kung sino ang kamukha mo. Ang ugali mo kung saan nagmana. Lahat baby. Lahat-lahat. Pasensya kana rin kung hindi ko napapatawad ang Papa mo."
Nakaramdam ako ng patak ng tubig. Medyo kumukulog na rin papaulan na rin ito. kaya napagpasyahan ko na umuwi. Sa susunod na lang din ako dadalaw.
Tuluyan na ako nagpaalam sa munting anghel ko. Dumeretso na rin ako pauwi. Gusto ko mang mamasyal muna sa mall medyo na bobored din ako dahil ako lang mag-isa. Hindi ko rin tinawagan si Herald. Nakita ko kasi sa My day niya na may meeting siya. Alam ko busy na rin si Herald.
"Iha. Ready kana ba?"
Tanong sakin ni Dad habang kumakain kami. Nagtaka ako sa umpisa kaya alam niya na lutang ako sa tinutukoy niya.
Ano naman kaya ito. "About what Dad?"
"Tomorrow. William told me na may mga gustong mag-invest sa kumpanya. Kaya you set a schedule para sa mga taong gustong mag-invest. And I'm proud of you dahil kahit bagohan kapa lang you grab that opportunity."
Ngumiti na lang ako ng kaunti kay Dad. Wala akong alam na bukas na pala! That f*cking bastard! Humanda siya bukas! Mas lalo niya akong iniinis!
"Si-siguro. Don't worry Dad. I can handle this."
"That's my princess."
Hindi man lang nag update sakin. Padalos-dalos siya ng desisyon. Hindi naman siya ang haharap sa Investors kung maka schedule siya!
Sige lang ngumiti ka lang Kristina. Tiis ka lang muna sa ngayon. Bukas na bukas humanda talaga yang William sakin! Kumukulo palagi ang dugo ko sa kanya!