Episode 17

1383 Words
Kristina's POV Ilang araw na hindi ko nakita ni kahit anino ni William. Wala rin akong lakas loob itanong kay Rita kung nandito si William. Mula ng mangyari samin ni William ang naganap sa condo, si Rita na ang inuutusan ko magdala ng mga papeless para kay William. "Okay na Rita. Thank you. You may go. Mag lunch kana." "Thank you Ma'am. Ay Ma'am. Sabi pala ni Sir William na kung may kailangan po kayong idiscuss or may problema paki sabi na lang daw po sa sekretarya niya. Aalis po kasi siya mga ilang araw daw po." "Ilang araw? May sinabi ba saan siya pupunta?" "Wala pong nasabi Ma'am. Baka siguro sa ibang business niya?" "Okay. Thank you Rita." Okay! Mas mabuti nga ito. Ako na lang ang magplaplano sa naisip ko. We will make a celebration. Celebration sa para sa mva emplayadong hindi nawalan ng pag-asa para sa Cruise Ship. We need a rest, to relax. Kaya isuggest ko sana kay Dad na gaganapin ito sa Cruise. "Hello Dad?" "Yes Kristina? May problema ba?" "Wala naman Dad. Nasaan ka?" "Nasa Restaurant." "Saang Restaurant?" Pagkatapos niyang sabihin nagmadali akong kunin ang bag at susi ng sasakyan ko. "Okay dad papunta na ako diyan. I have something to tell. Bye." "Wait Princess." Hindi ko na ulit tinawagan si Dad kahit na rinig ko ang sinabi niya. I'm so excited lang kasi, alam ko naman kasi hindi ko na naman siya makakausap sa bahay. Baka late na naman sila umuwi. "Dad!" Kumaway ako sa kanya. Lumapit na din ako. "Hindi ko na nasabi sayo may ka meeting ako." "Ohh? I'm sorry Sir?" "William." "Ikaw?" Gulat na sabi ko sa kanya ng sinabi niya ang pangalan. "Bakit parang gulat ka Princess?" "Nothing Dad. Hindi ko alam siya pala ang ka meeting mo." "Binabaan mo ako ng tawag that's why hindi ko nasabi sayo. Ano bang gusto mong sabihin na hindi ka makapaghintay sa bahay? I'm sure importante sayo ito. Tungkol sa ano ito?" "You know me Dad. Maaga akong natutulog." "Hmmm. Maaga ba? Ka gabi anong oras kana umuwi. Narinig namin ang sasakyan mo. Nasaan ka kagabi?" "Sa kai-kaibigan lang po Dad. Nagkayayaan lang po." "Wearing Pajamas?" Singit ni William sa usapan namin ni Dad. Sinamaan ko siya ng tingin. Pero nginitian niya lang akong nakakaloko! "Pajamas?" "Nakita ko lang naman siya nakasuot ng Pajamas kagabi Mr. Diego." "Princess?" "Pajamas party po Dad. Nag pa-pajamas party po kami." "Hmm. Gano'n ba? Anyway ano bang pag-uusapan natin. At ng matapos na, nakakahiya kay William pinahihintay natin siya." "Sakto lang Dad na nandito siya. Tungkol naman ito sa kumpanya. Sorry, sabi kasi ng sekretarya ko ilang araw ka wala kaya kay Dad na ako kumunsulta" "I'm here kaya pwede munang sabihin sa akin." "Listen Dad, William. Okay? Im planning to celebrate.To celebrate para sa mga emplayado." "Bakit naman?" Tanong sakin ni William. "Why? Because they deserved to relax. Pagpapasalamat na rin dahil hindi sila basta-basta umalis sa kumpanya kahit na palubog na ito sa nakaraang buwan. I guess, dalawang araw? What do you think Dad?" "Wala namang problema. What do you think William?" "Let me think of that. If you don't mind Mr. Diego." "What?! Seriously William?!" "Princess calmdown. Hindi rin natin hawak ang schedule ni William." Tinarayan ko siya ng matalim. Pero nginisian niya lang ako. "Fine! Anyway alis na ako. Sorry to interrupt your business meeting. Bye Dad." "Bye Kristina." Sabi ni William. Pero nginitian ko lang siya. Ngiting plastik! Kainis! Pag-iisipan? Hindi naman siya kasali sa party kasi nga aalis siya ng ilang araw. Tapos pag-iisipan pa talaga niya? Kapikon ka talaga! I heard my phone's beep. Unregistered number. Tanda ko rin ang numero na ito. Kay William. William: I'm okay with it. In one condition? Ako: Ano? Hindi na siya nagreply pa. Hindi na rin ako nag-aksaya hintayin ang reply niya. Basta pumayag na siya kaya go na go na bukas magpapa meeting ako by department. **** "All clear? Mrs. Mijares?" "Yes iha? I mean Ma'am" Ngumiti ako sa kanya. Wala namang kaso sakin kung tinatawag ako ng ganyan. Isa pa matanda siya kaya normal na lang sakin ang tawaging Iha. "It's okay Mrs. Mijares. Ahm. Ikaw na lang po bahala kung anong mga kailangan. Patulong na lang po kay Van." "Don't worry about it Ma'am. Kami na po ang bahala sa lahat. Yakang-yaka na po namin!" "Good. Alam ko excited na kayo. Gano'n din ako." Success meeting ang nangyari. They all agreed. Gusto na rin nila makapag relax. Ang iba sobrang saya dahil first time nila makakasakay sa Cruise. Nakakalungkot mang isipin dahil empleyado sila sa kumpanya namin pero ni isa hindi man lang nakaranas makasakay man lang. Tawagan ko narin si Herald. Gusto ko sanang may makakasama. Baka naman free siya sa araw ng okasyon. "Hello Herald? Kamusta kana?" "Busy. Sobrang busy. Pasensya kana sweetie hindi kita nadadalaw o natatawagan. Ilang araw na din ako dito sa California." "I see. Anyway, I like to invite you. We have a party. Kunting selebrasyon lang ng kumpanya. Sa cruise. Dalawang araw this coming weekends." "Great! Friday ang dating ko sa pinas. God! I need to relax din. Tamang-tama lang yan." "Oh diba? So go?" "Ikaw pa! Go! Sunduin na lang kita sa bahay niyo." "Okay. Hinahanap kana rin nila Mom." "Pakikamusta na lang sa kanila sweetie." "Okay. Bye." "Bye." Habang nagbabasa ako sa mga papeless bigla na lang sumagi sa isip ko si William. Nasaan kaya siya? Sobrang busy din niya. Iniisip ko tuloy ano bang condition ang sinasabi niya. Bahala na! Kung ano man ito. The important now is natuloy na ang gusto kong okasyon. Wala namang ding trabaho masyado kaya pupunta na lang ako sa Mall to buy some clothes to wear sa party. Uso ngayon ang Floral Dress. Gusto ko rin ang maginhawang suot para naman makarelax ang katawan ko. Pinindot ko ang intercom para itanong kay Rita kung may mga dapat pa ba akong permahan. Buti naman at wala na. Kaya nag-ayos na ako para hindi ako gabihin sa pamimili. "Kristina?" Lumingon ako sa likod. Si Axcel ang tumawag sakin. "Ax. Kamusta? Natanggap mo ba ang imbitasyon?" "Yeah. May ka date kana ba?" "Sira! Uso pa ba ang date sa party?" Tumawa ako ng kaunti. "But I'm with someone." "May Boyfriend kana?" "Wala. I'm with my Ex-boyfriend." "Nice! Pwede pala maging magkaibigan ang mag Ex?" "Oo naman. Bakit?" "Wala naman. Hindi lang ako makapaniwala na may gano'n." "Matagal ko na siyang boyfriend at matagal ko na rin siyang Ex. Kaya wala na sa akin kung close pa rin kami kahit Ex ko na siya." Sabay taas at cross ng dalawang kamay ko sa pagsabi ko ng EX. Tumango lamang siya. "Let's have a drink? Okay lang ba?" "Sure. Gutom na rin ako. Kain tayo?" "That's better. Nagutom din ako." Tumawa na lang kaming dalawa. Habang papasok sa isang fast food. "Kristina, about William." Bakit ba sa tuwing magsasama kami panay William pinag-uusapan namin. Palagi tuloy sumasakit ang dibdib ko pag pangalan niya pinag-uusapan. Ano naman kaya ang tungkol dito. Aatakehin yata ako sa puso kay William. "What a-about him?" Naku! Huwag kang pautal-utal Tin! "Matagal na ba kayong magkakilala?" "Ka-kami? Sino?" "William I guess? Wala namang ibang pangalan na binanggit ko?" "Sabi ko nga si William." "Allysa told me na nagkasama daw kayo, kasama mga kaibigan ni William." "Ahm. Ye-yeah! Ma-matagal ko na silang kaibigan. Si William naman nga-ngayon ko lang nakilala." "Really?" "Oo naman." Sh*t! Ang hirap magsinungaling! "Okay. Akala ko matagal na rin kayo magkakilala." "Hindi! Teka punta lang ako sa counter. Parang gusto kong kumain ng ice cream. You like Ice cream?" "No. I'm okay. Ikaw na lang kumain." "Okay." Tinalikuran ko na siya. Bakit ba kasi matanong si Ax. Misan na curious ako sa mga tanong at kwento niya kay William. Parang may laman kasi. Parang gustong may ipahiwatig. O baka OA lang ako. Kaya kung ano-anong iniisip ko. "Thanks sa treat Ax." "Welcome Kristina. Thanks too." "Bye Ax." "Wait one more thing. I'd like to know you more Kristina. I wish this is not the last time." Sabay kindat sakin at talikod. Natulala na lang ako sa sinabi niya. To know me more? Bakit kaya? Na we-weirdohan na tuloy ako kay Ax. Tama bang pakisamahan ko siya? Or iwasan sa tuwing nagtatagpo ang landas namin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD