Kristina's POV
"Kristina anak? Tapos kana ba? May bisita ka."
"Yes Mom! Pakisabi na lang sandali lang po."
"Okay. Huwag ka nang magtagal pa. Nakakahiya pinapahintay mo yung tao."
"Opo Mom" Mahihiya? Parang hindi naman sanay si Mom kay Herald. Kahit ilang oras pa yan maghintay wala lang yan sa kanya.
"Mom? Si Dad po?"
Tanong ko kay Mom habang pababa ako ng hagdan.
"Ang tagal mo anak. Ang Papa mo nasa trabaho na. Alam mo naman maaga palagi."
"Wait? Ikaw?" Nanlaki ang mata ko. Ano naman ang ginagawa niya dito? Akala ko ba ilang araw na wala siya.
"Let's go. Kanina pa tayo hinihintay ng mga empleyado. Tita, salamat pala sa kape. You remind me of someone."
"Really? Dahil sa kape niya na inlove ka noh?"
Tumawa lamang si William. Panay pa ang pa cute. Parang tuta na kay bait sa Mom ko. Ang galing mambola.
"Sige na. At baka ma traffic pa kayo."
"But Mom hindi-"
"Go na anak. Pinahintay mo ng matagal si William. Sige na Will. Have fun! Ingat kayo."
"I will Tita. Bye."
"Teka nga!" Hinawakan niya ang kamay ko at hinila palabas ng bahay. Hindi na ako nagprotesta pa. Sobrang sakit ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
"Get in."
"Teka nga! Hindi ikaw ang dapat susundo sakin. Wala tayong pinag-usapan Will."
"Papasok ka ba o kakaladkarin kita papasok? Ayaw mo naman yata makita tayo ng Mom mo? Or should I say our Mom. Mas bagay."
"Ang sama mo! Huwag ka ding assuming!"
Padabog akong pumasok sa loob at sinara ang pinto ng sasakyan niya. Wala akong paki kung malakas ko itong sinirado. Bahala na masira. Wala akong paki!
"Baka nakakalimutan mo may condition tayo?"
"Hello? Nagtanong kaya ako sayo kung ano. Ikaw ang hindi nagsabi sa condition mo na yan! Kaya huwag mo akong artehan!"
"Are you done? Are you done sa putak ng putak ng bunganga mo?"
"Huwow! Hindi bagay sayo Will."
"Okay. Tawagan ko na lang sila Mrs. Mijares to cancel that occasion."
"Eh di tawagan mo!!! Sinong tinakot mo!"
"Really huh? Okay."
"Hello Mrs. Mijares. Yes, kasama ko na siya. Paumanhin pero baka-"
"Wait!!!" Sigaw ko sa kanya ng malakas. "Mrs. Mijares we're on our way na po."
"Okay Miss Kristina. Ingat po kayo ni Sir. Bye."
"Thank you."
"You!!! A monster! An evil!"
"My condition Babe. Handa kana ba?"
"Ano ba ang condition na yan para matapos na ito!"
"Sleep with me. Hanggang sa matapos ang okasyon sa Cruise."
"What?!" May sira yata sa utak ang taong ito. "N-no! Hibang kaba?"
"Yes. Hibang sayo! Wala ka ng magagawa nag OO ka sa condition ko."
"Dati! Kung alam ko lang na ganito ang condition mo hindi na sana ako papayag pa!!"
"It's to late My Wife. Hmm. Seatbelt babe. Ayusin mo."
"Paki mo!"
"Tigas ng ulo mo." Inayos niya ang seatbelt ko. Bakit ba ang bango niya. This scent nakakamiss.
"Baka maubos ako sa pag-amoy mo."
"Hu-huwag ka ngang assuming diyan!"
"Sus! Nahiya pa. Don't worry. Magsasawa ka sa amoy ko mamayang gabi."
"Tignan lang natin Will."
Sige tumawa ka lang! Magsaya kang gago ka! Humanda ka talaga sakin!!!
***
Hinanap ko si Herald pagkadating namin sa Cruise.
"Sino bang hinahanap mo? Nandito lang naman ako."
"Shut up Will!" Mahinang sabi ko sa kanya. Kung wala lang tao baka nasigawan ko na siya kanina pa. "Yun! Herald. Over here." Kaway ko sa kanya. Buti naman ay nakita niya ako.
"Sorry pala. May nangyari kasi. Buti na lang na received mo agad ang text ko."
"It's okay. Don't worry. Shall we?"
"Sure."
"Hey young woman! Where do you think you're going?"
"Ano na naman ba?" Napipikon na talaga ako. "Herald can you give me a second?"
"Sure. Go ahead."
Hinawakan ko si William at lumayo kami ng kaunti para hindi kami marinig ni Herald.
"Ang sinabi mo lang matulog sa tabi mo. Hindi mo sinabi na buong magdamag magkasama tayo. Kaya chupe kana! Bye! Tsaka nandiyan na ang babae mo!"
"How many times do I have to tell you, she's not my-"
"Ohh come on! Sino niloloko mo? Bye"
Kinindatan ko siya at tumalikod na ako ng tuluyan. Kahit rinig ko pa ang pag tawag niya hindi ko na siya nilingon pa. Totoo naman nandiyan na si Allysa. Ang babae niya! Ako pa ang niloko niya. Kitang-kita naman kung makahawak sila sa isa't-isat parang mga pugita.
"Okay ka lang ba? Bakit nakasimangot ka?"
"Oo naman. Wala. Pinag-usapan lang kami tungkol sa kumpanya. Sabi ko huwag na munang pag-usapan sa ngayon. Nandito kami para mag enjoy hindi para sa problema."
"Workaholic talaga siya noh?"
"Ewan! Tayo na at ng makapag relax na tayo. Magsisimula na rin ang party any minute."
"Let's drink?"
"Good idea!"
"Hey? Behave Kristina okay?"
"Don't worry. Nandiyan ka naman."
"Ang sama mo. Kaya siguro sinama mo ako para may chaperon ka noh?"
"Oy!! Hindi ahh. Ikaw naman. Syempre sanay lang talaga ako na ikaw kasama ko. Lalo na sobrang busy na natin. We don't have time to ourselves kaya mas mabuti na ito mag enjoy karin pa minsan."
"Oo nga. Parang kailan lang nasa states pa tayo dati. Tapos ngayon may kanya-kanya na tayong pinapalakad na kumpanya."
"That's why I invited you to the party to relax."
"Thanks Kristina."
"Welcome" ngumiti lamang ako ng matamis sa kanya. Nahagip ko naman ang masamang tingin ni William sakin. Inirapan ko lamang siya. Maglaway ka ngayon! Kala mo? Sa sobrang inis nag F*ck you sign pa ako sa kanya!
I know napamura siya. Tumawa na lamang ako sabay hablot kay Herald.
William's POV
Sige lang! Enjoy yourself with that bastard! Sisiguraduhin ko mamayang gabi kung makalakad kapa! F*ck!
"Babe? Tara na? Nandoon si Axcel hinihintay tayo."
Nagpatangay na lang ako kay Allysa. Isa pa itong babae, dikit ng dikit. Minsan sumusulpot na lang bigla. Kagaya noong isang araw. Hindi ko alam na magkikita sila Kristina at Samantha. Wala naman akong magawa kasi nga pumunta siya sa condo ko sakto naman na paalis ako kaya sumama na siya. Hirap pa naman pagsabihan. Akala tuloy ng iba na magsyota kami!
"Saan pala ang room mo? Can I sleep with you tonight? Hindi kasi ako sanay na walang kasama."
"It's a no Allysa."
"Bakit naman? Wala naman magagalit satin? Right?"
"Please Allysa? Ayaw kong pagtalunan ang bagay na yan."
"But-"
"Listen, I respect you Allysa especially your parents. I know hindi ka kaladkaring babae. So don't act like that para lang sakin! And please Allysa? Hanggang kaibigan lang ang tingin ko sayo alam mo yan dati pa."
"Fine! Sorry."
Huminga ako ng malalim at kumalma ng kaunti. "Doon ka muna kay Axcel. Ako na ang susunod na sasalang sa stage."
"Okay." Tipid niyang sagot. Ewan ko ba sa kanya kahit anong sabihin ay heto parin sunod ng sunod.
Habang nagsasalita ako sa intablado hindi ko magawang umigting ang panga. Sarap suntukin ni Herald. I want to punch him really hard! Kung makahawak sa baywang ng asawa ko! Parang sa kanya na!
When my Speech end, pumunta ako sa gawi nila Mr. Girardo. May kanya-kanya silang pagbati sakin at kay Kristina.
"Buti naman at napag-isipan niyo ang ganitong okasyon?" Sabi ni Girardo. Tumango naman sina Mr. Romano.
"Well, Idea ito ni Kristina."
"Well done Kristina. Dahil sayo lalabas sa media ang Okasyon na ito. Malay natin mas madami pa ang mag invest."
"It's not about to impress others para mag invest sila Mr. Girardo. Nararapat lang naman din ito sa mga emplayado natin. Hindi sila sumuko, bumitaw like what I said to William. Parang pamilya na rin ang turing ni Dad sa kanila. Kaya hindi nila iniwan ang Cruise Ship Company."
Tumango lamang sila sa sinabi ni Kristina. Napag-usapan din namin ang ibang business. Balak na nga din namin magdagdag ng isa pang Cruise. Dumadami na rin kasi ang mga turista lalo na ngayon papalapit na ang Summer Vacation.
Kristina's POV
"Ohh!! Ang saya!"
"Hey careful sweetie."
"Ano ka ba Herald, Chill! Hindi ako lasing okay? Alam mo kanina ko pa napapansin panay ang tingin sayo ni Rita. Gusto ka yata ng sekretarya ko."
"Hey! You're mouth sweetie."
"Aysus! Dapat mag girlfriend kana Herald. Baka lumampas kana sa kalendaryo."
"Ako? Bakit ako lang? Tayong dalawa Kristina."
"Dinamay mo pa ako." Inisang lagok ko ang hawak kong inumin. Kaya napangiwi ako ng kaunti.
"Ang totoo umaasa parin ako Kristina."
"Umaasa saan?"
"Sayo."
Para akong nabingi sa sinabi niya. Huminto din ako sa pagsayaw. Kaya hinawakan niya ang mukha ko. Tinititigan ang labi ko. Sunod na ginawa niya ang halikan ako sa labi.
Sh*t! Is this real? Tumutugon ako sa halik niya? No! No! No! Tinulak ko siya ng kaunti. I know my face is turning red.
"I'm so-sorry Herald."
"No. I'm sorry Tin. Hindi kita dapat hinalikan."
"May kasalanan din ako. Dala lang siguro ito ng alak. Ikaw kasi! Mag girlfriend kana kasi para makalimutan mo ako."
"Wala naman akong mapusuan."
"You're not trying kasi. Ay ewan ko sayo. Teka CR lang ako."
"Samahan na kita."
"Ano ka ba? Matanda na ako. Sumayaw ka nalang muna diyan o di kaya lapitan mo si Rita. Hmm?"
"Fine! Para naman akong aso na tinataboy mo."
"Baliw! Sige na diyan ka muna."
Matapos akong mag CR. Pinasadahan ko muna ang sarili ko sa salamin. Medyo natamaan na ako ng kaunti sa iniinom ko. Mapula na rin ang mukha ko lalo na ang katawan ko. Ganito talaga ako kapag umiinom ng alak.
"Ang init naman! Naka off shoulder na nga ako pero ang init pa rin. Kay sarap maghubad."
"Gusto mo bang ako ang maghubad sayo?"
Nagulat ako sa narinig ko. Si William habang umiinom ng alak.
"What are you doing here? CR pambabae ito."
"So? Masama bang samahan ko ang asawa ko? Sinasamahan lang kita baka may mangyari sayo."
"No need. Kaya ko na ang sarili ko. Tabi ka. Ouch! Ano ba masakit! Bitawan mo nga ako!"
"Akala mo ba hindi ko nakita? Naghalikan kayo ng lalaki mo!"
"Huwow lalaki? Lalaki ko? For your information hindi ko siya lalaki. At isa pa!!! Baka nakakalimutan mo hiwalay na tayo. Kaya kahit sinong lalaki ang pwede kong halikan!"
"Kaya pala pati si Axcel kinakaibigan mo. Tell me? Gusto mo rin ba siyang halikan? Tell me!!!"
Isang sampal ang ginawa ko sa kanya. Kahit masakit ang palad ko tiniis ko ito.
"Ano ba ang gusto mo?! Ha!"
"Ikaw!!! Ikaw lang naman ang gusto ko!!!"
"Kahit kailan hindi muna ako mababalik sa dati. Hindi na rin ako babalik sayo."
"OKAY! Remember Kristina. Mamayang gabi. Maghihintay ako. Sa iksaktong alas otso. Huwag mo akong paghintayin kung ayaw mong kaladkarin kita, wala akong pakialam kung may makakita sa atin!"
"F*ck you!"
"Oh yes I am babe. I'm f*cking so inlove with you. Can't wait to f*ck you hard!"
"D*mn you!"
"Bye My Wife. See you later."
Boysit! Imbes na mag-enjoy ako. Heto pinipesti ako ni William. Kailan ba niya ako lulubayan! Sumasakit palagi ang ulo ko!
"Sorry baby ha. Sakit talaga sa ulo ang Papa mo"
ILANG minuto na lang mag aalas otso na. Gusto ko na lang tumalon sa Cruise para makalayo sa kanya. Kahit naman siguro gawin ko yun gagawa at gagawa ng hakbang si William.
"Herald is it okay to you? Gusto ko ng magpahinga. You can enjoy pa naman kahit wala ako. Kasama mo naman sila Axcel."
"Hatid na kita."
"Huwag! I mean huwag na. Kaya ko naman."
"You sure?"
"Oo naman. Sige na. Bye Ax, Herald."
Lumayo ako ng mabilis na sa kanila. Ayaw kong may itanong sila lalo na kay Axcel. Matanong na tao si Axcel.
Saktong alas otso nandito na ako sa tapat ng kwarto ni William. Tatlong beses akong kumatok at dahan-dahan na binuksan ang pinto. Bago pa man ako pumasok sinigurado ko na walang tao sa paligid. Tiyak ma Hot issue kami ni William.
"Perfect timing. Sakto lang tapos na akong maligo."
"Wi-william? Pwede bang sa room muna ako? Maliligo."
"Dito kana sa kwarto ko. Don't worry. I have clothes. Nasa CR lang. You can borrow my clothes." I heard him sight. "Don't worry wala akong gagawing masama sayo."
"Tss.. Maniwala sayo.!"
Hindi ko na hinintay pa ang sinabi niya. Pumasok na ako sa loob ng CR. Sobrang lagkit ko. Gusto ko din mawala ang init sa katawan. Para akong nasa impyerno na lumiliyab sa init. Tama nga naman nasa impyerno nga ako. Sa kwarto ni William.
Matapos akong maligo. Sinuot ko ang sinasabing damit niya. Ang awkward naman magsusuot talaga ako ng boxer niya? Bakit ba kasi hindi mo naisipang magpalit muna bago tumuloy dito! Hays! Wala na akong magagawa pa ehh nandito na ako. Aatras pa ba ako. I clear my throat bago ako lumabas ng CR.
"Akala ko sa loob kana matutulog sa sobrang tagal mo."
"Magtiis ka!" Pumunta ako sa kabilang kama para umupo. Sinusuklay ko ang buhok ko gamit ang daliri ko. Ramdam ko din ang mga pagtitig niya sakin. Nakakapasong titig.
"Matutulog na ako. And please! Don't disturb me. Okay?"
Humiga na ako at nagtalukbong ng kumot. Bahala ka sa buhay mo! Basta ako matutulog na. Sobrang pagod ko kaya wala akong gana makipag bangayan pa sa kanya.
"I'll remember hindi ka ganyan kung matulog. Ayaw na ayaw mo na walang niyayakap. So tell me, sa mga panahon na wala ako sino naman ang kayakap mo?"
"Paki mo ba?"
"May paki ako asawa mo ako kaya dapat lang malaman ko kung may-"
"May ano? Na may lalaki ako?"
Hindi ko na siyang narinig pang magsalita. Kaya humiga na lang ulit ako at tumalikod sa kanya.
"Kung ayaw mo matulog bahala ka sa buhay mo. Basta ako matutulog ako. Pagod ako William. Kaya huwag ka ng dumagdag pa sa pagod ko. Please lang."
Mahinang sabi ko na maririnig pa din niya. Naramdaman ko ring lumubog ang higaan kaya alam ko na humiga na rin siya. Nagulat na kang din ako sa ginawa niya. Niyakap niya ako. Gusto ko sanang mag protesta dahil may bukol akong nararamdam bandang pwetan ko. Hindi naman ako manhid para hindi maramdaman ang p*********i niya. It was huge and d*mn! Matutulig na lang ako kung ano pang naiisip ko.
"It's enough for me to have you tonigh my wife. Sleepwell baby."
May kunting kirot akong naramdaman. Ayaw ko mang umiyak kaso traydor itong mga mata ko. Kusang lumuluha.
Dinama ko na lamang ang mga yakap niya. I feel so relieved, relax beside him. Sana ganito na lang kami palagi. Ang totoo I miss him so much! Pero bumabalik ang lahat kapag naaalala ko ang maliit na anghel na nawala samin. Bumabalik ang sakit, galit sa dibdib ko.