Chapter 3
Aldrin POV
Habang nasa daan na kami paalis, doon ko lang biglang na-realize ang nangyari.
Napabuntong-hininga ako habang nakatingin sa tatlong batya ng talaba na nakapwesto ngayon sa likod ng aking mamahaling sasakyan.
“Wait…” Bahagya akong napakunot ng noo. “Na… nautakan ba ako ng tindera na ‘yon?”
Saglit na katahimikan ang bumalot sa loob ng kotse.
Pagkatapos ay napansin ko ang aking driver sa rearview mirror.
May nakapaskil na ngiti sa kanyang labi ay halatang pinipigilan lang niya ang sarili niyang tumawa.
“Ano?” malamig kong tanong.
Mabilis siyang umubo, kunwari’y nag-aayos ng lalamunan.
“Wala po, sir.”
Napailing ako at muling napatingin sa mga talaba.
Isang street vendor na isang makulit na babae sa gilid ng kalsada.
At ako si Aldrin Valdez, isang bilyonaryo na sanay sa malalaking negosasyon ay napapayag niyang bumili ng tatlong batya ng talaba.
"Tsk! mautak na babae."
Hindi ko mapigilang mapangiti nang bahagya.
“Interesting…” bulong ko sa sarili.
Sa dami ng taong nakilala ko sa buhay ay
siya lang ang babaeng may lakas ng loob na kindatan ako, asarin ako, at pagkatapos ay utakan ako sa harap ng maraming tao.
Napatingin ako sa bintana ng sasakyan.
Hindi ko alam kung bakit, pero gusto ko siyang makita ulit.
At kung sakaling magkita muli sa pagkakataong iyon, sigurado akong hindi na siya ang mananalo sa negosasyon.
“Sir, didiretso po ba tayo sa hacienda o sa company ninyo?” biglang tanong ng aking driver.
Saglit akong napabuntong-hininga at napatingin sa mga batya ng talaba sa loob ng sasakyan.
“Pumunta muna tayo sa hacienda,” seryoso kong sagot. “Ipamigay mo na lang ang mga talabang nasa kotse at pati na rin yung nasa kabilang sasakyan.”
Bahagyang natahimik ang driver bago sumagot.
“Opo, sir.”
Napailing ako habang nakasandal sa upuan. Alangan namang magbabaon kami ng talaba sa meeting sa company.
Isipin mo na lang ang itsura ng board of directors kapag nakita nila akong dumating na may dalang tatlong batya ng talaba.
Napahawak ako sa noo ko.
Sa dami ng negosyong nahawakan ko sa buhay, isang makulit na tindera sa gilid ng kalsada lang pala ang makakagawa sa akin ng ganito.
At mas nakakainis pa ay parang hindi naman ako galit. Sa halip ay napapangiti pa ako.
“Mang Tomas,” bigla kong tanong habang nakatingin sa bintana ng sasakyan, “sa palagay mo ay yung babaeng nagtitinda kanina, may kakayahan kayang manghikayat ng mga investors para sa bago kong itatayong negosyo?”
Saglit na natahimik si Mang Tomas habang nagmamaneho. Sa rearview mirror, nakita kong bahagya siyang napangiti.
“Bakit hindi n’yo subukan, sir?” sagot niya.
Napakunot ang noo ko.
“Subukan?” ulit ko.
“Opo,” kalmado niyang sabi. “Sa dami ng investors na nakausap ko kasama kayo sa meeting, sir… wala pa akong nakitang napatawa kayo nang gano’n.”
Napahinto ako sa sinabi niya at napabuntong-hininga ako at napasandal sa upuan. Kung tutuusin ay tama siya.
Sa loob ng ilang minuto lang, nagawa ng babaeng iyon ang hindi nagagawa ng karamihan ay napatawa ako at utakan pa ako. Napangiti ako nang bahagya.
“Interesting…”
Kung kaya niyang paikutin ang isang bilyonaryo sa simpleng talaba…
siguro kaya rin niyang paikutin ang mga investors.
At kung gano’n nga ay mas lalo ko siyang gustong makita ulit.
Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa hacienda.
Hindi na ako bumaba ng sasakyan. Si Mang Tomas na lamang ang lumabas at tinawag ang guard sa may gate upang tulungan siyang ilabas ang mga talaba mula sa kotse.
Tahimik lang akong nakaupo sa loob habang pinapanood sila sa bintana. Isa-isa nilang inilabas ang mga batya ng talaba, at naririnig ko ang usapan ng mga guard na tila nagtataka kung saan galing ang mga iyon.
“Para po sa inyo na ‘yan,” sabi ni Mang Tomas sa kanila. “Ipinapamigay ni Sir.”
Halos hindi makapaniwala ang mga guard.
“Talaga po, sir?” narinig kong sabi ng isa.
Tumango lang si Mang Tomas. “Utos ni Sir.”
Napailing ako nang bahagya habang nakasandal sa upuan.
Kung iisipin ay isang makulit na tindera lang sa gilid ng kalsada ang dahilan kung bakit ngayon ay may pista ng talaba sa hacienda ko.
Napabuntong-hininga ako. Hindi ko alam kung maiirita ba ako o matatawa.
Pero isang bagay ang sigurado na hindi ko basta makakalimutan ang babaeng iyon.
“Kay Pitra ba ‘to galing? Aba’y masarap ang kanyang talaba—makatas pa!” rinig kong sabi ng isang guard habang tinitingnan ang laman ng batya.
“Hahaha… tumpak!” sagot naman ng isa pang guard. “Kalain mo, ‘yung babaeng ‘yon napakaganda magsalita. Kaya napabili ang amo natin.”
Napakunot ang noo ko sa loob ng sasakyan.
Iyon pala ang pangalan niya.
Hindi ko namalayang napangiti ako nang bahagya.
Mukhang hindi lang ako ang napansin ang kakaibang charm ng babaeng iyon. Napatingin ako sa mga guard na masayang nag-uusap habang nagdadala ng mga batya ng talaba papasok sa loob ng hacienda.
“Pitra…” bulong ko sa sarili.
Parang simpleng pangalan lang, pero hindi ko maipaliwanag kung bakit hindi ito mawala sa isip ko.
Napailing ako at napasandal sa upuan.
Mukhang tama si Mang Tomas.
Kung kaya niyang hikayatin ang mga tao gamit lang ang talaba at ilang biro at siguro kaya rin niyang paikutin ang mga investors sa bagong negosyo ko.
At kung gano’n nga ay kailangan ko talaga siyang mahanap ulit.
Pero saan ko naman siya hahanapin?
"Saka na siguro kung kailangan ko talaga ng tulong nito!" bulong ko sa sarili.
Habang busy sila sa kakahati hati at pagtawag sa mga kasamahan nito ay di ko maiwasang napailing.
Dahil sa babae nayun ay di naman masayang ang binili kong tabala. Napasaya pa ako ng mga trabahador ko sa hacienda.
Bakas sa mga tao ang saya sa kanilang mukha lalo na ang mga magsasaka.
"Nako, masarap tong gawing adobong talaba!"
Masaya pang sabi sa isang magandang babae na sinang-ayunan naman ng mga kasamahan doon.