Chapter 1
Chapter 1
Chapter 1
Pitra POV
“TALABAAAAA—! Bili na po kayo! Suki, bili ka na ng talaba ko. Masarap, fresh, at makatas!” sigaw ko habang kumakaway sa lalaking pamilyar na pamilyar na sa pwesto ko.
Huminto siya at ngumiti ng may kakaibang ningning sa mata.
“Aba’y siyempre, bibili ako,” sabi niya sabay lapit. “Sa dami ng talabang natikman ko—” huminto pa siya, parang sinasadya, “—ang sa’yo ang pinakamasarap.”
Napapailing akong napatawa. “Kuya naman, umaga pa. Huwag ka masyadong malikot magsalita,” biro ko habang inaayos ang paninda.
“Hoy, seryoso ‘to ah,” depensa niya. “Limang daan pa rin ang bayad ko. Pero may kondisyon—”
“Ano na naman ‘yan?” taas-kilay kong tanong.
“Kapag talagang makatas,” diin niya sa salita sabay kindat.
Napabuntong-hininga ako pero di ko mapigilang ngumiti. “Naku, suki, maghanda ka na lang ng tissue. Siguradong mapapapikit ka sa sarap.”
“Gan’yan ka magsalita, kaya lalo akong bumibili,” tawa niya.
Sa isipan ko ay talaba lang ‘to… pero bakit parang ako pa ang namumula?
Pagkatapos niyang magbayad ay agad akong nagpatuloy sa pagtitinda. Kailangan kasing maubos ang tatlong batyang talaba ko bago lumubog ang araw—sayang naman kung may matira.
“TALABAAAA! Masarap, fresh, at makatas!” sigaw ko ulit na parang wala lang, kahit medyo paos na ang lalamunan ko.
Hindi pa man ako nakakaikot nang tuluyan ay biglang may humarang sa harap ko.
Si Boknoy.
Ang self-proclaimed manliligaw kong ayaw tantanan ang buhay ko.
“Pitra,” tawag niya na parang may hinanakit sa mundo. “Kung sinagot mo lang ako, matagal na kitang pinakasalan. Para hindi ka na nagtitinda ng talaba!”
Napahinto ako at tiningnan siya mula ulo hanggang paa.
“Hoy, Boknoy,” busangot kong sabi. “Kung ikaw lang din ang mapapangasawa ko, ‘wag na lang.”
Parang tinamaan ng kidlat ang itsura niya. “Bakit naman?”
Ngumisi ako. “Simple lang.”
Lumapit ako nang kaunti at ibinaba ang boses.
“Kasi kung ikaw ang mapapangasawa ko, siguradong talong mo ang ipatitinda mo sa’kin.”
Nanlaki ang mata niya. “Hoy! Ano’ng ibig mong sabihin?”
“Ayaw ko ng talong,” mabilis kong sagot sabay kibit-balikat. “Mas gusto ko ‘yung… makatas.”
Naghalakhakan ang ilang taong nakarinig. Si Boknoy naman ay namula hanggang tenga.
“Pitra naman!” reklamo niya.
“Tama na ‘yan,” sabi ko sabay buhat ulit ng timba. “Kung bibili ka ng talaba, welcome ka. Kung drama lang, doon ka sa kanto.”
Iniwan ko siyang tulala habang ako’y muling sumigaw.
“TALABAAAA! Masarap, fresh, at makatas!” sigaw ko ulit habang binabalanse ang timba sa balakang ko. “Hindi kayo magsisisi—pang-ulam, pang-pulutan, at pang-alis ng stress!”
“Hoy, iha!” sigaw ng isang ale mula sa tindahan. “Talaga bang makatas ‘yan?”
“Opo, Nay!” sagot ko agad. “Kapag hindi makatas, balik niyo po—papalitan ko ng mas makatas pa!”
“Ay, aba! Ang tapang ng babaeng ‘to!” tawa ng ale.
May isang jeepney driver na huminto sandali at sumilip.
“Miss, ‘yung talaba mo ba puwedeng i-take out?”
“Opo,” sagot ko sabay kindat. “Pero ingat lang po sa paghawak—madulas.”
“Madulas?” natawa siya. “Aba’y delikado ‘yan ah!”
“Mas delikado po kapag hindi niyo binayaran,” balik-kurot ko.
Naghagalpakan ang mga tao sa paligid. May isang binatang estudyante pa ang biglang sumingit.
“Ate, ilan po ang kilo?”
“Depende,” sagot ko seryoso kunwari. “Kung panglasa lang, kalahati. Pero kung pang-‘wow’—isang kilo na.”
Napakamot siya ng ulo. “Ate, ang hirap mo kausap.”
“Mas mahirap po ‘yung walang ulam,” sabi ko sabay abot ng supot.
Mula sa likod, may sumigaw na pamilyar ang boses.
“Pitra! Baka ubusin mo na naman lahat ng talaba mo, paano na ‘ko?”
“Eh kung bibili ka kasi, hindi ka maiiwan,” sagot ko nang hindi lumilingon.
“Ano bang sikreto ng talaba mo?” tanong ng isang matandang lalaki. “Bakit laging dinudumog?”
Ngumiti ako. “Simple lang po—inaalagaan, pinipili, at hindi minamadali.”
“Ay,” sabat ng isa, “parang relasyon ah!”
“Exactly,” tawa ko. “Kaya nga hindi basta-basta.”
Muling umalingawngaw ang tawanan sa kalsada. Sa gitna ng ingay, init, at amoy ng dagat, pakiramdam ko’y hawak ko ang mundo—kahit sandali lang.
Hindi ko pa man natatapos ang sigaw ko nang—
SKREEEECH!
Isang matinis na tunog ng preno ang sumabog sa tenga ko.
“HOY—!” sigaw ko, pero huli na.
Isang itim na mamahaling sasakyan ang huminto mismo sa harap ko, kasunod ang isa pa… at isa pa. Sa gulat ko, natapilok ako at—
PLAK! PLASH!
Nagkalat sa kalsada ang mga talaba ko.
“AY! MGA TALABA KO!” napasigaw ako habang nakaluhod sa gitna ng kalsada, pinupulot ang mga nagkalat na paninda na kanina lang ay maayos na nakasalansan.
Biglang bumukas ang pinto ng unang sasakyan.
Bumaba ang isang lalaki.
Matangkad. Broad ang balikat. Maayos ang suit. Mukhang masungit… pero nakakainis na gwapo.
Tipong kahit galit, parang gusto mong tanungin kung single pa siya.
Tiningnan niya ang paligid, saka ako—mula ulo hanggang paa.
Sumimangot siya bago nagsalita.
“Yeh kya hai? Tum andhi ho?” (Ano ito? Bulag ka ba?"