โ๐๐ก๐ ๐ก๐๐ ๐จ๐ง๐ฅ๐ฒ ๐๐๐ ๐๐๐ฒ๐ฌ ๐ญ๐จ ๐ฅ๐ข๐ฏ๐โฆ ๐ฎ๐ง๐ญ๐ข๐ฅ ๐ฌ๐ก๐ ๐ฆ๐๐ญ ๐ญ๐ก๐ ๐ฆ๐๐ง ๐ฐ๐ก๐จ ๐ฆ๐๐๐ ๐๐ฏ๐๐ซ๐ฒ ๐ฌ๐๐๐จ๐ง๐ ๐ฐ๐จ๐ซ๐ญ๐ก ๐ข๐ญ.โ
"Miss Cathy, ayon sa resulta ng laboratory test, ikaw ay may sakit na cancer stage 4. May 100 araw ka na lang na natitira ay katumbas ng humigit-kumulang tatlong buwan at sampung araw. "Yan ang umalingawngaw sa isipan ni Catherine "Cathy" Santiago habang naglalakad papasok sa isang bar. Isang simpleng dalaga, 26 na taong gulang, walang naging kasintahan, at nananatiling birhen. Sa halip na malugmok sa kanyang taning, pinili niyang harapin ang nalalabing araw sa paraang hindi pa niya kailanman naranasan nang buong tapang, may halong pait at pag-asang maranasan ang tunay na kalayaan, pagmamahal, at lahat ng hindi niya nagawa. Sa gitna ng paglipas ng bawat araw, may makikilala kayang magpapabago ng kanyang kapalaran?
โMASARAP, FRESH, AT MAKATAS.โ
Iyan ang araw-araw kong sigaw habang nagbebenta ng talaba sa gilid ng kalsada ang tanging ikinabubuhay ko para makaraos sa bawat araw.
Ako si Pratesia, mas kilala bilang Pitra. Isang ulila na lumaki sa hirap, ngunit may matibay na pangarap na makaahon sa buhay. Walang trabaho ang aking tinanggihan, walang pagod ang aking ininda, bastaโt may pag-asang maiahon ko ang sarili sa kahirapan.
Ngunit isang iglap ang nagbago sa lahat.
Isang convoy ng magagarang sasakyan ang dumaan at sa isang kisapmata, nagkalat sa kalsada ang aking mga panindang talaba. Nabundol. Nawasak. Kasabay ng galit, panghihinayang, at takot sa bukas.
Hindi ko alam na ang araw na iyon ang magiging simula ng isang hindi inaasahang kapalaranโisang kwentong maglalapit sa akin sa mundong kailanman ay hindi ko inakalang aking mararating, isang mundong puno ng panganib, tukso, at lihim na maaaring magpabago sa takbo ng aking buhay magpakailanman.
Sa mata ng mundo, si Zaina Zamora ay isang simpleng babaeโwalang boyfriend mula pagkabata, nagtitinda ng kakanin, at tahimik ang buhay. Pero sa likod ng kanyang ngiti ay isang lihim na ahente na sanay sa pagpatay, paglusob, at pagsira ng mga sindikato.
Isang araw, sa kagustuhang maging ina, nagpasya siyang maghanap ng sperm donor. Pero hindi niya inasahan na ang lalaking sasagot sa ad niya ay walang iba kundi si Red Parisโisang guwapong billionaire na siya mismong iniimbestigahan sa isang mapanganib na cybercrime case.
Habang lumalalim ang misyon, mas nagiging malabo ang hangganan ng tama at mali, ng trabaho at damdamin. At sa pagbabalik ng madilim na nakaraan, matutuklasan ni Zaina ang kanyang tunay na pagkataoโang prinsesa ng isang assassin at mafia empire.
Ngayon, haharapin niya ang pinakamahirap na misyon: ang magmahal habang nilalabanan ang kapalaran.
KAMBAL, iyan ang naiwan ni Dave kay Anastasia, matapos siya nitong pagtaksilan.
Nilisan ni Anastasia ang dati niyang buhay bilang assassin ng organisasyong Dark Moon at tagapamahala ng mga ari-arian ng pamilya Clinton bilang nag-iisang tagapagmana kapalit ng buhay sa piling ni Dave.
Ang buong akala ni Anastasia ay nahanap na niya ang labis na kasiyahan dahil sa naging relasyon nila ni Dave pero may nangyaring hindi inaasahan.
Natunghayan mismo ng mga mata ni Anastasia na katalik ni Dave ang best friend niyang si Katrina, na labis na nagpadurog sa puso niya.
Simula noon ay pinili ng dalaga na mangibang bansa at buhaying mag-isa ang kambal niyang supling. Inilaan ni Anastasia ang buhay niya pag-aalaga sa dalawa. Nagbalik-loob din ang dalaga sa dati niyang buhay bilang tagapamahala ng ari-arian ng pamilya Clinton at bilang isang assassin.
Ilang taon ang lumipas ay nagbalik si Anastasia sa Pilipinas kasama ang kambal niyang anak matapos siyang pagnakawan ng mga kasosyo niya sa negosyo. Sa muling pagkakataon ay nagkita rin sila ni Dave.
Hahayaan pa kaya ni Anastasia na kumatok sa puso niya ang binata matapos siya nitong labis na sinaktan?
Manumbalik pa kaya ang naudlot nilang pag-iibigan?
Makuha kaya ni Dave ang loob ng kambal niyang anak?
Paano kung malaman ni Dave ang tunay na pagkatao ni Anastasia?