Chapter 1
Chapter 1
Zaina's POV
"Bibingka, suman at palamigggg! Bili na po kayo, mga sukiiiiii!" sigaw ko habang tulak-tulak ang maliit kong kariton na may takip na yero. Ang sikat ng araw ay dumidikit sa balat ko, pero hindi ko alintana—sanay na akong maglako.
"Bibingka, suman at palamigggg!" ulit ko habang patuloy sa paglakad.
Minsan ay napapahinto ako para lang huminga at painumin ng tubig ang sarili, pero pagkatapos ng ilang saglit, balik sigaw ulit.
Ako nga pala si Zaina Zamora, 25 years old. Sa paningin ng mga tao rito, isa lang akong simpleng babae na walang pinag-aralan—isang manininda ng kakanin. Pero ang hindi nila alam, isa akong exclusive agent na kasalukuyang nasa isang lihim na misyon. Ito ang dahilan kung bakit ako nagbabalatkayo bilang isang maglalako. Maging ang tita ko ay walang kaalam-alam sa tunay kong pagkatao.
Habang nilalakad ko ang isang tahimik na kalsada, napansin ko ang isang SUV na naka-park sa ilalim ng punong mangga. Dahil walang masyadong bumibili sa paninda ko, naisip kong baka may malunggay sa ngipin ko o baka naman hindi maganda ang hitsura ko kaya tinatablan ang suki.
Luminga ako sa kaliwa't kanan, siniguradong walang tao, saka ako lumapit sa bintana ng sasakyan para silipin ang sarili ko sa salamin. Hindi tinted ang bintana kaya malinaw kong nakita ang repleksyon ko.
Inayos ko ang dibdib ko—sakto lang naman ang laki, medyo bumaba lang ang bra ko kaya inayos ko rin ito. Tiningnan ko rin ang mga binti ko, inangat ko bahagya ang palda ko at nakita kong may langgam palang gumagapang doon. "Ikaw ha, may lakas ka pa talagang kumagat," bulong ko sabay pitik sa langgam.
Tiningnan ko rin ang ngipin ko sa salamin—baka may nakasabit na malunggay. Wala naman, kaya napabuntong-hininga ako sa ginhawa. Inayos ko ang buhok ko, saka agad na bumalik sa kariton ko.
"Bibingka, suman, palamig! Presko po! Mainit-init pa!" sigaw ko ulit habang naglalakad. Pero bigla akong napahinto.
Brrrrmmm!
Narinig kong biglang umandar ang makina ng sasakyan.
Napalingon ako.
Mabagal ang andar nito, tila sinusundan ang direksyon ko. Napakagat-labi ako. Hala... may nakakita kaya sa akin kanina?
Paglingon ko, nakita kong pinaandar ang sasakyan at tila papunta ito sa direksyon ko! Agad kong niliko ang kariton sa kabilang kalsada. Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi naman ako nasundan. At isa pa—hindi ko rin naman alam na may tao pala sa loob ng sasakyan! Kung alam ko lang, eh ‘di sana hindi na ako naki-salamin doon.
“Hay, ewan. Iba talaga ang tao ngayon. Makapaglako na nga ulit.”
“Bibingka, suman, at palamig! Para sa tulad kong malamig pa sa gabi, bili na po kayo, mga suki!”
Ilang sandali lang ay may lumapit na isang ali.
“Ineng, magkano ba ang suman?”
“Sampung piso lang po, Ali. Pero kung limang piraso ang bibilhin n’yo, may libre pa po kayong isa. Ilan po sa inyo?”
“Limang piraso akin, ineng.”
“Sige ho, Ali.”
Dali-dali kong binalot ang anim na suman. Inabot ko ito sa kanya, at iniabot naman niya ang singkwenta pesos. Nagpasalamat ako saka tinulak muli ang kariton at nagsimulang maglako ulit.
Ilang oras din akong nag-ikot hanggang sa makarating ako sa plaza. Maraming tao roon, tila may kasiyahan. Kumaway ako sa mga tao at saka tinulak ang kariton papalapit.
“Ate, gusto mo bang sumali?” tanong ng isang dalaga na nakatingin sa akin.
“May palaro po ate mamaya! Parang boxing. Ang premyo? 50k cash, groceries, at isang sakong bigas!”
Napanganga ako sa narinig. “Ha? Paano bang sumali?”
“Halika Ate, magpalista ka doon!”
Iniwan ko muna sandali ang paninda ko sa kanila at lumapit sa umpukan. Habang naglalakad papunta roon, narinig kong may nagsalita sa likod.
“Miss, hindi ito release ng ayuda. Umalis ka na.”
Lumingon ako. Isang lalaking medyo may edad na pala ang nagsabi.
“Ah, gano’n po ba, Kuya? Akala ko kasi relief goods. Eh ikaw Kuya, anong sadya mo? Ay, wag ka na magpalista ha, bawal daw ang senior citizen.” sabay ngiting-aso ako.
Nagpatuloy ako sa pila at binigyan ako ng papel ng nagrerehistro.
Name: Zaina Zamora
Age: 25
Birthday: December 25, 1997
Address: Alfonso St., Pasig City
Contact Number: 0975628****
Date of Sign: November 27, 2022
Binasa ko rin ang rules:
Game Rules:
1. Bawal magdala ng weapon
2. Matira, matibay
Note: November 30, 6:00PM – magkita-kita sa plaza
Medyo nagtaka ako sa rules—bakit parang laban talaga ng matibay? Pero sige na nga, game na ‘to. Pinasa ko ang form at nagmadaling bumalik sa paninda ko.
“Ate, tapos ka na?”
“Oo. Sumali ka rin ba?”
Napakamot siya sa batok at tumango.
“Wag ka na sumali. Hati na lang tayo sa panalo ko.”
“Pero Ate, naka-fill up na po ako.”
“Puntahan mo. Sabihin mong hindi ka na sasali.”
Tumango lang siya. Ako na lang ang sasali. Sanay naman ako sa laban. Bata pa lang ako, sinanay na ako ni Tita at Tito sa self-defense—lahat ng klase ng martial arts. Hindi ko rin alam kung bakit pero marunong silang pareho. Minsan nga, tatlong buwan na wala si Tito, tapos pagbalik niya, si Tita naman ang umaalis.
Pero ayos lang. Sa edad kong 25, sanay na ako sa gano’n.
At buti na lang—ubos na ang paninda ko! Makakauwi na rin ako!
Pag-uwi ko sa aming munting tahanan, papasok na sana ako nang bigla akong tinawag ng best friend ko.
“Best friend! Yuhooo! Sama ka?”
“Saan ‘yan?”
“Mag-hunting ng pogi, haha!”
“Sandali, magbihis lang ako.”
Dali-dali siyang pumasok sa bahay. Ilang saglit, lumabas na siya. Jogging pants, hapit na white shirt, at tsinelas lang. Simple pero maganda pa rin ang dating.
“Tara na!” yaya ko.
Naglakad kami papuntang pasyalan. Maraming tao. May isang sasakyan akong nakita na parang pamilyar… pero imposible. Maraming kamukha ‘yon.
“Doon tayo, kain tayo sa Lugaw ni Aming.” aya ni best friend.
Tumango ako. Habang papunta kami roon, nabangga ko ang isang lalake at napaupo ako sa kalsada.
“I’m sorry, Miss.” sabi ng lalake.
Hindi ako makapagsalita sa sakit—ang balakang ko!
“Okey ka lang, Zaina?”
Iling lang ang naisagot ko.
“Gusto mong dalhin ka namin sa ospital, Miss?”
Tumango ako.
Naku po... paano kung naapektuhan ang matres ko? Paano kung hindi na ako makaanak?!