prologue
...
Phytos
"Magandang araw ,sir Phytos, hinihintay po kayo ni sir Rojan sa swimming pool." Bati sa kanya ng isa sa mga kasambahay, kahit naman hindi sabihin sa kanya ay alam niya na kung nasaan ang kanyang kaibigan. Tinungo niya ang pool at nakakita niya nga ito doon na nakahiga , ang ulo ay nakaunan sa braso nito at ang paa hanggang binti ay nakababad sa swimming pool. Ang mga mata nito at nakatingin sa langit. Baliw talaga. Nalulunod na naman sa malalim na pag-iisip. Hinubad niya ang suot na slipper at ginaya ang pwesto nito.
"Nandoon na siya ngayong oras no?" tanong nito sa kanya.
"Oo, tumawag na si ate sa amin, nasundo na siya nina tita Shy at tito Mir." Sagot niya sa kaibigan. Hindi niya talaga sukat akalain na may gusto talaga ito sa ate niya, noong una kasi ay kumikilos lamang ito para daw inisin ang kuya Ron nito, bandang huli nagtapat na ito sa kanya. That was three years ago. Hindi niya iyon malilimutan kasi iyon ang araw na tinanong siya nito kung payag daw ba ito na maging bayaw siya? Syempre hindi siya pumayag agad, kahit pa magbestfriend sila.
"Paano kita mapapayag?"
"Pasuntok ka muna sa akin, wag kang iilag...kapag nasuntok kita sa mukha payag na akong maging magbayaw tayo!" alok niya rito, pinatunog niya ang mga kamao, nakita niya pa ang sunod -sunod na paglunok nito.
"Sige, pero sa left face ko na lang, best angle ko ang kanan eh."
"Na mimiss ko na agad siya." Maarteng sabi nito. He knew the feeling, iba talaga ang pakiramdam kapag nangungulila ka sa babaeng mahal mo. Ang kanya naman ay nasa Japan, malaking isyu naman para sa babaeng gusto niya ang edad nila. Pitong taon lang naman, mayroon nga dyan 40 o higit pa ang agwat pero hindi nagiging hadlang. Kailan niya kaya maipapamukha kay Aki na numero lamang ang edad? Hindi na siya makapaghintay na tumanda, sumapit lamang siya sa tamang edad, talagang gagawin niya ang lahat para maging totoo silang dalawa. Si Aki lamang talaga ang gusto niya, mula noon , ngayon at hanggang sa hinaharap.
"Mahirap kasi na ang dahilan ng pag-alis ng ate mo ay ang kuya ko pa, kuya ko pa ang kalaban ko sa kanya. Nakakainis talaga, bakit hindi ako ang unang ipinanganak?" Inis na wika nito.
Tumagilid si Phytos para humarap dito.
"Kung mas nauna kang pinanganak, baka hindi tayo maging magbestfriend, baka ang bestfriend ko ang kuya mong abnormal." Reklamo niya.
Bumangon naman si Rojan, tumingin sa kanya.
"Oo nga no, ang boring ng buhay mo , imbes na may kasama kang nanonood ng bold, nagbabasa ka ng libro kasama ni kuya."
"Exactly!" nabigla sila na may mahulog na mga baso sa kanilang gilid. Nakatayo doon ang kasambahay nina Rojan na bago pa lamang. Napasusmaryosep pa ang babae saka dinampot ang mga nahulog na inumin,nagpaalam itong umalis para kumuha ng bago.
Naupo na rin si Phytos, nagtawanan silang dalawa habang iniisip ang nabiglang hitsura ng kasambahay.
"Lagot ka isusumbong ka noon sa daddy mo, ang daldal mo kasi!" sinisi niya ito dahil hindi malabong maikwento iyon sa iba at ikukuwento sa mayordoma ng pamilya.
"Kung kay daddy ikukuwento, tatawanan lamang ako noon, pero kapag kay honey, nakakahiya." Pinamulahan pa ito ng mukha, hindi niya na ikukuwento kung anong grade nila napagkatuwaan na manood ng bold, hindi niya ikukuwento na noong grade three sila noon na minsan silang nagkaroon ng family trip ang Castro at Romualdez. Hindi niya ikukuwento na ang ginamit nila ang laptop ng kuya Ren ni Rojan. Hindi niya talaga balak ikwento.
"Alam mo, narealize ko, siguro masyado talaga tayong gwapo, hindi nila kaya ang kagwapuhan natin kaya iniiwan muna nila tayo,pero sa huli babalik din sila sa atin...malay mo pagbalik ni ate ikaw na ang gusto niya, kasi tatangkad na tayo noon, magiging perfect na ang katawan natin." Pinakita pa ni Phytos ang daga sa kanyang braso, yun daw ang tawag doon.
"You think so?" hindi kumbinsidong sagot ni Rojan.
"Oo, kaya steady lang tayo, enjoy enjoy muna sa buhay, kapag nagsimangot tayo lagi, mababawasan ng negative 1% ang kagwapuhan natin." Sulsol pa ni Phytos dito. Ilang sandali pa ay may narinig na naman silang ingay papasok. Boses iyon ng babaeng laging may maikling buhok.
"Si SM." Sabay pa nilang sabi ni Rojan, dumating nga si SM, naka suot ito ng ripped jeans, white rubbershoes at jersey na pang itaas. Ngiting ngiti ito kay Rojan samantalang nakasimangot naman sa kanya.
"Hi Rojan!" tumabi pa ito kay Rojan.
"Ako hindi mo babatiin?" nang-iinis na sabi ni Phytos dito, para kasing hindi siya nakita.
"Hi Phytos." Napipilitan na sagot nito. Ayaw talaga niya sa babaeng makapal na mukha na ito, singit lang naman ito sa pagkakaibigan nila ni Rojan. Classmate kasi nila ito at wala ng ginawa kung hindi ang bumuntot sa kanila.
"Why are you here SM?" dinig niyang tanong ni Rojan, nakatingin naman siya sa gitna ng pool.
"I figured, you need a company kaya here I am!" hindi din kasi lihim dito na gusto ni Rojan ang ate niya, well nabuko naman niya na gusto ni Miguel San Miguel si Rojan kaya lagi itong nakasunod sa kanila at inis ito sa kanya dahil lagi niyang sinasabi na wala itong pag-asa kay Rojan.
"He was fine earlier, ngayon hindi kasi may dumating na maingay, sino kaya yun?"pangaasar ni Phytos dito, dinilaan naman siya nito. May humawak sa kanyang balikat kaya naman napalingon siya roon. Nakangiting mukha ni Hyne ay sumalubong sa kanya.
"Tita Hyne." Nawala naman ang ngiti nito sa kanyang pagbati, bigla itong sumimangot.
"Don't call me tita, we're not relatives." Masungit na sagot nito. Gumagalang naman lang siya. Tita ito ng asawa ng ate ni Rojan and Rojan's kinda calling tita Hyne.
"Huwag mo na kasing tawagin na tita Hyne si Hyne, just Hyne, diba Hyne, she will feel old. Mukhang matanda na nga siya. Kaya nga Hyne lamang ang tawag ko sa kanya." Sagot ni Rojan, pero imbes na matuwa ay lalo pang nainis ito.
"No. Tita mo ako, we're relatives!" sagot naman nito kay Rojan, ang g**o ng babaeng ito.
"As far as I remember si ate lang ang relatives nyo, di naman tayo magkadugo." Nakangising sagot ni Rojan, para tuloy nakikita niya na ang usok na lumalabas sa ilong ni Hyne ang sama ng tingin nito sa kanya. Tumayo na siya para makalayo ng konti dito.
"Hyne, cool ka lang...don't be mad at Rojan, three years lang naman ang tanda mo sa amin. Why make it a big deal?" ang alam niya ninong ni Miguel ang father ni Hyne kaya magkinakapatid ang mga ito. That explain kung bakit magkasama rin ang dalawa.
"Shut up!" Hyne shouted, still glaring at Rojan, ang nakasimangot na si Rojan kanina ay mukhang nasisiyahan. Sasagot pa sana si SM ng hinawakan niya ang magkabilang balikat nito, nakapwesto kasi siya sa likod nito. Akma niya iyong itutulak pero hindi naman niya ito tinuloy.
"Bitawan mo nga ako!" sigaw nito, since masunurin siyang bata ay binitawan niya nga ito, kahit alam niya na mahuhulog ito sa pool. Lumikha iyon ng malakas na ingay, natigil sina Rojan at Hyne sa pagtatalo. Tawa naman siya ng tawa, natigil iyon ng hindi pa umaahon si SM sa pagkakahulog nito. Agad siyang kinabahan kaya napatalon na rin siya, bakit niya ba nakalimutan na nasa malalim na bahagi sila ng pool?
Nakita niya itong hindi gumagalaw sa ilalim , nilangoy niya ito at dinala sa gilid, inabot ito nina Rojan at Hyne na parehas na kinakabahan, siya ay doble ang kaba na nararamdaman. Tinapik tapik niya ang mukha nito.
"She's not breathing! Do the CPR!" Hyne shouted. Paano nga ba yun? Then he remembered , kailangan niya itong bigyan ng hangin!
Akmang ilalapit niya pa lamang ang bibig ng dumilat ito.
"Try to kiss me and I will kill you!" SM got that murderous look. Hindi siya agad nakabawi sa pagkabigla, hindi niya napaghandaan ang ginawang pagsipa nito sa kanya pabalik sa pool.
Pambihirang babae.
"Why did you push him?" sigaw ni Hyne kay SM.
"Do you wanna join him?" nakangisi pa ito , kaya naman hindi na siya nagulat ng tinulak nito si Hyne sa pool, inis sa una , pero ng sinabuyan niya ito ng tubig ay natawa na rin ito.
"What Rojan? Di ka sasali?" inis niya sa kaibigan, umuling ito saka hinubad ang suot na tee shirt , kitang kita niya ang gagang Miguel na nanlaki ang mata. Mas malaki kaya ang katawan niya ng konti kay Rojan, tumalon na rin si Rojan, sumisid...napahiyaw si Hyne ng hilahin ni Rojan ang paa nito. Ang masayang mukha ni SM kanina ay napalitan ng simangot, naghaharutan na kasi ang magtiyahin.
Napangiti siya sa sarili. Umahon siya at pumwesto sa likod nito. Hindi siya nito napansin, hinubad niya ang tee shirt at nilagay sa gilid. niyakap niya ang basang katawan niya dito.
"It's revenge time." Bulong niya sa tainga nito saka sila nagpatihulog sa pool.
Sinong mag-aakala na sa simpleng pangyayari na ito mag-uumpisa ang lahat.
Tinulak ni Phytos si SM.
Kaya naman sinipa ni SM si Phytos.
Dahilan para mag-alala si Hyne.
Na hindi naman matiis ni Rojan.
Dahilan kung bakit nalungkot si SM.
Kaya naman nagkaroon ng pagkakataon para makaganti si Phytos.
Kapag may isang lumingon, may mabubuo...
Pero sa kaso nila na ang lahat ay nahulog na....
Love speaks chaos
Love must comes with speed or else,
You will be left out in the wheel of,
Sonic Love.
...