chapter 2:

2378 Words
... Miguel "Are you sure iha?" hindi makapaniwala ang kanyang ama sa kanyang pinagtapat. Alam ni Miguel na hati ang damdamin nito sa kanyang sinabi. She confessed that she wanted to enter the military. Pinaliwanag niya na hindi sa kanyang henerasyon matatapos ang dugo ng sundalo sa kanyang pamilya. Feeling niya tuloy siya si Vice Ganda doon sa movie nito na Praybet Benjamin, she googled that movie since Phytos kept on teasing her about that. Ang kaibahan nga lamang nila ni Vice, tutol ito sa ideya, samantalang siya gusto niyang maging sundalo. Hindi lamang mapapasaya ng desisyon na ito ang kanyang ama , kung hindi para na rin naman sa kanyang sarili. Patutunayan niya na hindi hadlang ang kanyang pagiging babae. Ang lalaki dapat na kanyang panganay na kapatid ay namatay sa isang sakit, isang linggo pa lamang mula ng ito'y ipinapanganak. Sobrang kalungkutan ang nadama ng kanyang buong pamilya dahil doon. Limang taon ba bago siya dumating sa buhay ng kanyang mga magulang, yun nga lamang babae siya. Hindi naman pinaparamdam sa kanya na mayroon siyang pagkukulang, pero kapag naririnig niya ang kwentuhan ng kanyang mga angkan habang pinagmamalaki ang kanyang mga pinsan na papasok din sa army ay hindi niya maiwasang malungkot para sa kanyang daddy.  Tahimik ito at walang maipagmalaki. Minsan nga niloko niya ang kanyang daddy kung may kapatid siya sa labas lalo na lalaki, sinabi niya na hindi naman siya magagalit kung ganoon man. She love her parents so much. Pero sa halip nagalit ito sa kanya at pinagdududahan niya raw ang pagmamahal nito sa kanyang mommy. She never doubted that at first but she started to, she was just a kid then hearing a lot of stories from broken families straight from her classmates mouth. Saan -saan kasi napupunta ang kanyang ama para ma-assign, kagaya ng kaklase niya rin na may sundalo na ama. She confessed that her father have two kabit. Hindi lang isa kung hindi dalawa, her classmate confessed that she often heard her parents fought that left her mother crying inside her parents room. Takot si Miguel na dumating sa punto na yun kaya naman tinanong niya mismo ang kanyang ama. Her mother loves her father so much, ang pangalan niya na Miguel ay dapat sa kanyang kuya, yet it was the same name given to her. Parang dalawang bata sa isang tao. She didn't mind it actually. She loves her name, she loves her older brother in heaven. Too bad he is not around, nakikita niya pa naman na magkakaroon sila ng magandang sibling relationship.  Sayang. "I am more than sure dad. I will finished my IT course first , tapos magpapa enlist ako." "Alam na ba ng mommy mo ang plano mo?" mabilis siyang umiling. "No. Ikaw po ang unang nakakaalam, aside from my friends of course, but they thought I was joking , definitely not." Napahilot ang kanyang ama sa sentido nito. Marahil kita nito ang kaseryosohan sa kanyang mga mata at ang katotohanan na aayawan iyon ng kanyang mommy. "Your mother will not like this." Her father hissed. She's seventeen now and she needs to have a solid plans for her future. "You will help me right?" sumilay na ang ngiti sa kanyang labi, lumapit na siya sa kanyang ama at mimamasahe ang sumasakit na ulo nito na siya ang dahilan. "You're mother will hate me. Aakalain niya na pinilit kita na sumuong sa panganib." "Dad, desisyon ko to saka may five years pa naman, hindi pa naman ako magsusundalo agad- agad. Sinasabi ko lamang ang plano ko as early as now para hindi kayo mabigla. Sa ganoong tagpo pumasok ang kanyang mommy. The woman gave them a questioning look. Alam na alam na may niluluto silang bagay na hindi nito magugustuhan. "What is it this time?" she placed the cup of coffee that her husband requested. Nagtinginan silang mag-ama, SM figured na siya ang dapat magsabi. "Mommy, sinabi ko kay daddy na gusto kong magsundalo." Naibagsak na ng kanyang mommy ang hawak na tray sa pagkabigla. Nanlaki ang mga mata nito at galit na tumingin sa asawa na nakataas ang dalawang kamay. "Darling, labas ako dyan. I did not convince her or anything kaya wag ka sa aking magalit." Muli namang bumaling ang kanyang mommy sa kanya. "Paano na lamang ang pang-aakit mo kay Rojan kung papasok ka sa army anak? Lalo kang magiging tomboy doon!Mawawalan ka ng poise anak!" Imbes na magalit ay natawa siya sa reasksyon at sinabi ng kanyang mommy, hindi naman kasi lingid sa magulang niya na may gusto siya sa kaibigan na Romualdez. Hindi naman kunsintidor ang mga ito, alam naman niya ang kanyang limitasyon bilang isang babae. Saka madalas, napagkakamalan talaga siyang tomboy at one of the boys, pero hindi talaga, ang gwapong si Rojan lamang talaga ang nagpapaihi sa kanya sa kilig at nagpapalabas ng kanyang babae feels. "Mommy, maaakit ko pa rin yun. Kami pa rin noon hanggang sa huli no. Saka mas advantage kapag nagsundalo ako, kayang kaya kong protektahan ang puso niya laban sa mananakop!" sagot niya pa. "Anak , iyan ba yung sikat ngayon na mga hugot line?" natatawa naman siyang bumaling at tumango sa kanyang ama. Tumango tango naman ito. "Dahan dahan sa kahuhugot anak...dumadami ang populasyon ng Pilipinas dahil sa mga ganyan." She rolled her eyes and called her daddy awkwardly. Hindi pa gaanong kumbinsido ang kanyang mommy sa kanyang desisyon, pero eventually alam niyang susuportahan din siya nito. She went to her room after that moment with her parents. Kinuha niya ang kanyang phone para ibalita ang lahat kay Rojan. Nakaugalian niya na rin ito. How can she not fall in love with him, mabait, gwapo, good listener at saka may future ang katawan. Yung tipong pwede mong ipagmalaki. Alam niyang magiging mas gwapo pa ito sa mga kuya nito. And that will make her and Rojan's union to have pretty and handsome babies. Pero imbes na si Rojan ay operator ang sumagot sa kanya. She tried that for three times before she decided to call the Rojan's jerk of a bestfriend Phytos. "Piatos nasaan si Rojan?" she teased him, using the name of the famous junkfood in the country. "Ganyan ang hello mo talaga no? Bakit hindi mo subukan maging magalang kasi ikaw ang may kailangan sa akin? Try mo minsan, Gagang GEGE." Sinabayan pa nito ng malademonyong tawa, siya nga ay Piatos lamang sinabi, samantalang ito ay nilait at inunsulto pa siya. Naaan ang hustisya sa diksyunaryo ng lalaking ito. "Sabihin mo na kasi, nasaan ba kayo? Naghahanap ka na naman ba ng kakaskasan? Ang baboy mong gago ka!" hiyaw nya dito , nanggigil na siya sa galit. Ito kasing malibog na ito ang dahilan kung bakit hindi na virgin si Rojan, malandi kasi ito tapos hinahawaan si Rojan. "Kaskasan talaga? Grabe siya sa akin oh?" "Saan nga kasi kayo, punta ako diyan! Ilalayo ko si Rojan sa'yo!" banta niya dito. "Kung malalaman mo, bye tomboyie!" at binabaan na siya ng linya ng gago. She thinks of ways to locate them, she called some of their friends pero walang may alam at ang iba'y hindi sumasagot. She opened her social media accounts that made her smirk. "Got you my boy and unggoy." Syempre ang unggoy ay si Phytos. Nagtungo siya sa closet para magbihis. Sa veranda na rin sya dumaan sa pag-aalala na nandoon ang kanyang mga magulang paglabas niya ng kwarto. It's past nine in the evening. She's wearing a skinny jeans and fitted blouse. Sandali lang naman siyang nakalabas , hindi sa hindi napansin ng kanilang mga bantay, sadyang alam niya na lamang talaga ang pasikot sikot sa kanilang bahay. Mabilis siyang pumara ng taxi at tinungo ang bar kung saan dinala ng gagong Phytos si Rojan, wala na siyang balak tawagan si Hyne. College is making her busy, at isa pa ayaw niyang magsama ng maarte sa lakad na ito. She felt like a wife catching her husband's affair. Basta tama na ang minsan na nakipag s*x si Rojan, hindi na dapat yun maulit pa. At kung mangyayari yun dapat sa kanya lang. "Kuya pakibilis naman!" paki-usap niya sa driver. "Miss, baka mahuli ako, mahirap pa naman ngayon," kung ano ano pa ang sinabi ni manong. Sa wakas ay nakarating na rin sila. Inabot niya ang limang daan saka mabilis na umibis, humiyaw pa ito ng pasasalamat dahil hindi niya na kinuha ang sukli. Hinintay niyang may makasabay na grupo ng magkakaibigan, sumabay siya doon, umakbay pa siya sa isang babae doon na animo nakikipagkwentuhan para makapasok sa loob. No sweat. Ngapasalamat naman siya sa inakbayan bago nilibot ang mata para hanapin ang isang mahilig at ang isang naiimplwensyahan. Nakita niya si Phytos na may kasamang babae, at ilang mga kaibigan ng mga ito, pero hindi niya makita si Rojan doon. Mabilis siyang lumapit doon at hinambas ang kanyang dalang bag sa ulo ni Phytos. "Aray ano ba!" ang loko, hindi man lamang inilag ang babaeng katabi, kaya naman kahit hindi niya sadya ay natamaan ito. Nagalit tuloy ito sa kanya. "You b***h!" "b***h ka dyan. Wala akong kailangan sa'yo, umiwas ka sa malibog na ito kung ayaw mong mabuntis!" she glared at the woman. Tumayo naman ito sa pwesto. "Never heard of safe s*x? Saka problema ko na yun!" ganti nito sa kanya. Bakit nga ba kinakausap niya pa ito. "Phytos paalisin mo na nga ito!" maktol niya kay Phytos, kapag hindi ito sumunod susuntukin niya talaga ito. Masakit pa naman siyang manuntok. Ang loko ay nangingiti pa bago tumayo at humarap sa babae. "Sorry babe, it's my sister's time of the month." Hinalikan pa nito ang babae sa pisngi na muling tumingin sa kanya saka umalis. Gusto niyang masuka dahil sinabi na magkapatid daw sila as in yuck! Wala siyang kapatid na malibog at nilulumot na ang utak. "Umalis na siya mahal na reyna." Pang-uuyam nito. "Nasaan si Rojan? Dali sabihin mo na baka nakikipag jug na yun. I need to stop him!" she pull his collar, tawa naman ito ng tawa, may kaunting tama na ang loko. Ang mga kaibigan naman nito na nasa mesa ay mga nagwawala na ngayon sa dance floor. Sawa na rin kasi ang mga ito sa walang katapusan nilang pagtatalo ni Phytos. "Sasabihin mo ba o hindi!" banta niya dito. "What will I get if i tell you?" she was taken aback, hindi siya makasagot." Ano ang pwede mong ibigay kapag sinabi ko kung nasaan siya?" She then glared at him upon further thinking. She will not buy it, napanood niya na to, narinig niya na ito. "I will find him myself." She turn her back and look around. Lakad dito, lakad doon, she even searched the crowded bathroom filled with people kissing here and there. Nakakainis. Wala doon si Rojan until she saw a hallway , may hagdanan doon, hindi siya nagdalawang isip at tinungo iyon. May isang kwarto na nakaawang at nanlaki ang kanyang mata na marinig ang ungol mula doon. "Oh Please rich boy, make it hard!" ungol ng babae na parang baliw. Nagliliyab na siya sa galit dahil sa langitngit ng kama at pagsigaw ng dalawang katawan na magkaugnay sa isang mundong puno ng pagnanasa. "Masama yang manood ng walang pahintulot." Napabalikwas siya sa nakakalokong bulong na yun! Ang walang hiyang si Phytos ay sumunod na sa kanya. She wanted to cry and kill this guy , kasalanan nito, kung hindi nito inumplewensyahan si Rojan niya sana inosente pa rin si Rojan ngayon. "Kasalanan mo to! Susugurin ko sila!" Akmang papasok siya ng pigilan siya nito at isandal sa pader sa tapat ng nakaawang na kwarto. "Don't. Don't make fun of yourself." Hindi pa rin maalis ang ngisi sa mukha ng baliw na ito. Sa isip niya ay matagal nang pinaglalamayan ang lalaking kaharap. "Dapat, dapat ako yun. Dapat sa akin kasi para kay Rojan ang first kiss ko!" she hissed back. "You wanna get even? Ibigay mo rin sa iba ang first kiss mo at kung ano pang first na nasa isip mo." Napanganga ang kanyang bibig kaya naman nagulat siya ng bigla siya nitong halikan. Nalasahan niya pa ang masagwang lasa ng alak sa bibig nito. Nang matauhan ay tinulak niya ito at sinapok sa mukha. "Gago ka talaga!" nanggigigil siya sa galit! Kahit kailan talaga napakabaliw ng kaharap. "First kiss ko yun, sayo lang napunta?!" She wanted another hit kaya naman lumipad muli ang kanyang kamao,kaya lang  ay mabilis nitong nasapo. "Tama na ang isa. Ang arte mo talaga, hindi naman masarap ang labi mo. Hindi ka nga marunong humalik, ako pa nga ang lugi sa'yo!" Reklamo nito na nagdagdag pa sa kanyang inis. "Wow, naman sorry ha? Hindi pala masarap ang labi ko, bakit yung sa'yo? Masarap ba? Lasang alak kaya , nakakasuka...hiyang- hiya naman ang labi ko sa'yo!" "Hindi ko nga nalasahan eh, parang lasang tubig dagat ang alat, naalala ko noong minsan na nalunod ako, ganoon ang labi mo, maalat kaya ayaw ni Rojan ng ganyan." Insulto nito sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa kanyang isip at hinila niya ang batok nito saka hinalikan ang labi. Ah oo nga pala. Para patunayan dito na hindi lasang dagat ang kanyang labi. Her lips is so sweet at patutunayan niya doon. Plano niya ng bumitaw kaya lamang ay naramdaman niya ang kamay nito sa kanyang beywang. What is happening? Nalilibugan na ba sa kanya ang gago na ito. "What a show!" mabilis niyang tinulak si Phytos nang lumabas mula sa kwarto ang kanina lamang ay balak niyang sugurin. Nakita sila ng mga ito na naghahalikan! Tumingin siya kay Phytos na nagkibit balikat habang nakahawak sa labi. May ngiti sa labi ang ulol.  "You can use the room if you want?" Tukso ng babae. Ingudngod kaya niya ito. Umalis na ang dalawa na magkayakap pero siya ay natulala pa rin. "Sabi ko diba wag mong sugurin, buti na lamang nakinig ka sa akin." She glared at Phytos. Alam ng gago na walang Rojan sa loob. Sa bwisit ay sinipa niya ang p*********i nito. Napayuko ito sa sakit. Sana mabugok. Sana hindi na makapagkalat ng lagim. Umalis na siya sa lugar na yun kung saan nawala ang kanyang first kiss, kung saan wala naman pala siyang makikitang bakas ni Rojan. Si Phytos talaga! Gago! Ulol!Tarantado! Lahat-lahat na!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD