-ANNA PEREZ POV-
Bata pa lamang ako ay alam ko na ang bawat hirap na pinagdadaanan ng mga magulang ko,wala kaming sapat na pera para pambili ng mga bagay na gusto namin sa buhay.
Kaya ako nagpasyang tumigil sa pag-aaral dahil na rin sa wala kaming perang pang bayad sa skwelahan na papasukan ko,kaya ang ginawa ko ay ang magtrabaho para makatulong sa magulang kong makakita ng pera na pangbili sa mga bagay na kailangan namin sa bahay.
Nangako rin ako sa aking sarili na kahit hindi ako makapagtapos ay mahalagang maiahon ko sila sa kahirapan sa abot ng trabahong makakaya ko.
Sobrang sakit kasi na makitang nahihirapan ang mga magulang mo na bugbog sa mga trabaho.
"Manong para" sambit ko kay Manong driver para ihinto niya ang sasakyan.
Galing kasi ako sa kompanya na pinagtatrabahuan ko,medyo napaaga ako ngayon ng uwi dahil sa ang amo ko ay nagbawas ng tauhan at isa ako sa naalis sa trabaho.
Pababa pa lamang ako sa sinasakyan kong tricycle ng bigla kong nakita si Nathan,ang pinaka cute kong kapatid na kasama ko sa lahat ng pangarap namin sa buhay.
Tumigil siya sa paglalaro at nagpaalam sa ibang batang kalaro niya bago tumakbo palapit sa akin.Natuwa pa ako dahil sa ngiti niyang nakita ko.
"Ohh bunso dahan dahan lang sa pagtakbo,ikaw talaga" sambit ko bago hinaplos ang kaniyang buhok.
"Ate bakit ang aga mo?" bungad at masayang mukang tanong ni Nathan sa akin,napangiwi pa ako ng hawakan niya ang aking kamay.
Nakanguso naman akong umupo para makapantay ko ang maliit at cute na kapatid ko.
"Wala lang" malungkot na sagot ko kasabay nun ang paggulo ko sa kaniyang buhok.
"Ate may pasalubong ba ako?" tanong niya pa na ikinangiti ko.
"Aba syempre naman makakalimutan ba naman kitang uwian ng pasalubong" ngiting sambit ko saka tumayo.
"Hehehe Salamat ate ikaw na talaga ang mahal na mahal kong ate" pinanliitan ko siya ng mata dahil sa sinabi niya sa akin.
Kinuha ko sa bag ang isang maliit na laruang binili ko kanina sa may isang ale, tsaka iniabot ito sa kaniya.
"Chaaaraaann isang car toy yeheeyy" parang batang turan ko bago inilahad ito sa harapan niya.
Dali dali naman niyang inabot iyon at niyakap ako ng sobrang higpit.
"Wow ate ang ganda ganda naman nito salamat ate ang bait bait mo talaga" tuwang tuwa na pasasalamat niya.
Ginulo ko muli ang kaniyang buhok at nginitian siya ng matamis.
"Oo na sige na balik kana sa mga kalaro mo pero uwi ka mamaya para makakain ha" sabay turo ko sa mga batang kalaro niya.
"Opo ate..Tiyak kong matutuwa sila dito" saad niya pa.
"Oum sige"
Tumango naman siya at agad na tumakbo palapit sa mga kalaro niyang bata.
Natawa pa ako ng makita kong ipinagmalaki niya ang dala niyang laruan.
Sinabi pa niyang galing iyon sa pinaka maganda at pinaka mabait niyang ate.
Mapagmahal at mabait ang kapatid ko kaya naman marami siyang kaibigan dito sa amin.
Makulit din siya kaya naman minsan na nasosobrahan siya sa paglalaro palagi siyang nakakapusan ng hininga lalo na kapag takbuhan ang ginagawa niya.
Napailing-iling nalang ako at tuluyang pumasok sa maliit naming bahay.
Wala ngayon si Papa dito sa bahay dahil nasa trabaho siya bilang contruction worker sa kabilang baryo.Iyon ang kaniyang kabuhayan habang si Mama naman ay dumidiskarte sa iba' t ibang trabaho na kaya niyang gawin.
Ibinaba ko ang bag ko sa ibabaw ng lamesa bago humikab.Hasyt grabe ang aga aga palang pero inaantok na ako!
Tumingin ako mula sa kusina para hanapin si Mama pero wala siya dito.Napakunot noo pa ako ng marinig ang pag-ubo niya mula sa likuran ng bahay namin, kaya dali dali akong naglakad patungo sa kinaroroonan niya.
"Ma?Diba sabi ko ako na ang maglalaba jan" pagsasalita ko ng makita ko siyang nakaupo sa maliit na upuan habang kinukusot ang mga damit.
"Ohh Anna nanjan kana pala bakit ang aga mo yata ngayon?" tanong ni Mama ng tuluyan akong makalapit sa kaniya.
Ngumuso naman ako na tila naiiyak habang inaalala ang mga nangyari sa akin na kamalasan ngayong araw,hasyt ewan ko pero ganito naman talaga diba,kung naalis ka sa trabaho na inaasahan mong makakapag paahon sa'yo sa kahirapan napapaghinaan ka ng loob.
"Mama kasi wala na po akong trabaho,si Boss kasi sabi niya kailangan niya daw magbawas ng tao tapos isa ako sa naalis dahil hindi naman daw ako graduated student" malungkot na boses na sagot ko.
"Hayy naku ganyan na talaga ngayon.Ang kinukuha nalang ay mga nakapagtapos ng pag aaral,hindi nalang nila inisip na mas may puso pa ang mga tulad natin kaysa sa mga edukadong tinuringan ngang matalino pero minsan mandurugas pala!" asik ni Mama bago ibinaba ang isang damit.
Mahigpit ko siyang niyakap na ikinatawa niya ng pagak.Sobrang close namin ni Mama kaya minsan lagi din kaming sinasabihan ni Papa ng madrama.
Kitang kita ko na ang mga sugat sa kamay ni Mama na mas lalo ring nagpaluha sa akin.Sugat dahil na rin sa dami ng mga damit na kaniyang nilabhan.
"Bakit ikaw pa kasi ang tinanggal eh ang sipag sipag mo kaya mag trabaho,Nakakainis naman yang boss mo" nanggagalaiting sambit niya.
Napangiti naman ako..Dahil sa lahat ng oras na kailangan ko si Mama palagi siyang nasa tabi ko para pakinggan at suportahan ako sa lahat ng bagay.
"Hasyt, maghahanap nalang po ako ng bagong trabaho at sa oras na makahanap ako ng mas deserving para sa akin,ipapakita ko sa kanila kung ano ang Anna Perez na pinakawalan at tinanggal nila sa trabaho" lakas loob na sambit ko.
Ngumiti naman si Mama sa akin at ngiting tumango bago inilihis ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa aking mukha.
"Tama yan anak, laban lang ng laban dahil sa huli makakamit din natin ang daan na babago sa buhay natin" pagpapalakas loob ni Mama sa akin.
Bumitaw ako sa pagkakayakap kay Mama saka kinuha ang labahin.
"Ngayon kailangan ko na munang maglaba dahil baka umiyak pa po tayong dalawa dito" natatawang asar ko.
"Ako na dito kumain kana muna tawagin mo na rin si Nathan para makasabay mo na siya" sabay agaw ng mga labahin sa akin.
"Ma,ako na po dito kayo na po ang maunang kumain,Tignan niyo nga po oh andami niyo ng sugat sa kamay.Sige na ma ako na dito" sabay turo sa kamay niya
"Ano kaba sugat lamang iyan magagamot at mawawala din yan" ngiting usal niya.
"Mama ako na po dito magpahinga kana po" pagpupumilit ko pa sa kaniya.
Agad naudlot ang pag aagawan namin sa labahin ng narinig namin ang malakas na sigawan mula sa labas.
Lumakas ang pintig ng puso ko dahil sa hindi ko malaman na dahilan.Kaagad ding tumayo si Mama na may halong kaba.
"Anak ano yun!Mukhang may nangyari sa labas.Halika baka kung napano na yung kapatid mo" saad ni Mama.
Sabay kaming nagpunta ni Mama sa labas.Napakunot pa lalo ang noo ko ng sa bandang kinaroroonan nila Nathan kanina nakapalibot ang mga tao habang ang isang babae ay humihingi ng saklolo.
"Diba anak ni Susan yan?"
"Naku kawawa naman"
"Tumawag kayo ng sasakyan"
"Dalhin niyo na sa ospital"
"Ayy ano ba yan..Susan yung anak mo inatake na naman sa sakit niya" sigaw ng isa naming kapitbahay.
"Ano..Si Nathan?" bakas sa boses ni Mama ang panginginig kaya dali dali din kaming lumapit.
Sari-saring sigawan at bulungan ang naririnig ko habang papalapit sa kinaroroonan ng pinagkakaguluhan nila.
"Nathan?" seryoso at malamig na boses na pagtawag ko sa pangalan ng aking kapatid.
Nanlamig ako sa kinakatayuan ko ng makita si Nathan habang nakahandusay sa harapan ng mga tao.
Nakahawak ito sa kaniyang puso habang hirap na hirap na sa paghinga.
"Anna si Nathan" sigaw ni Mama.
Napatingin ako sa gawi ni Mama kung saan buhat buhat na nila si Nathan pasakay ng Tricycle.
Kaagad akong sumunod sa kanila pero ramdam ko pa rin ang kaba,mas lalo na ang pagpatak ng luha ni Nathan sa kaniyang mga mata na ikinahina ko.
Nanginginig na hawak ni Mama si Nathan.
"Ano po bang nangyari?" tanong ni Mama sa isa naming kapit bahay na nakasakay rin ngayon dito sa tricycyle.
"Hindi ko alam basta masaya silang naglalaro ng bigla nalang siyang humandusay" sagot niya.
Mabilis ang pagpapatakbo ng sasakyan.
Nakangiti namang nakatingin sa akin si Nathan habang hirap sa paghinga.
"Nathan anong nangyari?" diretso pero nanginginig ang boses na tanong ko.
"A-ate a-ate an-ansakit ng pus-puso ko" hirap netong pag sasalita habang patuloy sa pag agos ng kaniyang luha.
"Bunso..Ssshh please malapit na tayo sa ospital wag kang bibitaw wag~" pagmamakaawa ko.
Huminto ang sasakyan at kaagad nilang pinagtutulungang ipinasok si Nathan.Maraming tao dito sa ospital..Mga buntis at nagpapa check up.Naidala na nila si Nathan sa Emergency room pero wala pa ring doctor na lumalapit papasok dun.
Humahagulgul na rin ako sa iyak dahil sa hirap na ang kapatid ko
"Doc unahin niyo po muna ang kapatid ko" nagmamakaawang turan ko,hinawakan ko pa sa braso ang doctor pero umiling siya sa akin.
"Miss pumila po kayo ng maayos dito,pare parehas po tayong nangangailangan ng doctor" sabat ng isang babae na nakahawak sa malaki niyang tiyan na tila magpapacheck up lang,itinuro niya pa ang napaka habang pila.
Naiinis na ako sa mga nangyayari lalo na at wala namang emergency sa mga pinipili nila,habang ang kapatid ko nasa loob habang hindi na kaya ang paghinga..
Takte..
Tangina..
"Anak saan ka pupunta" pigil ni Mama sa akin pero hindi ako nagsalita ng mabilis akong naglakad.
Lumabas ako at iniwan si Mama na binabantayan ang kapatid kong nahihirapan na sa paghinga.
May nakasalubong akong nurse mabilis kong inagaw ang dala niyang malaking injection.
"Maam b-bakit po yan?" takot na pagtatanong niya ng inis ko itong itinutok sa kaniya.
"Nasaan ang doctor?" madiing tanong ko.
Mabilis niyang itinuro kung nasaan ang doctor.
Dala dala ko ang malaking injection habang hinahanap siya.
Hinatak ko ang isang kurtina bumungad sa akin ang isang buntis at ang doctor.
"IKAW" sigaw ko.
"Maam bawal po kayo dito,maghin~" naudlot ang mga sasabihin niya sa akin ng bigla akong lumapit sa kaniya at tinutok ko ang malaking karayom sa kaniyang leeg.
"Gagamutin mo ang kapatid ko o papatayin kita dito" madiing pag babanta ko sa kaniya.
Lumaki ang mga mata niya,ganun na rin ang buntis na kaagad lumabas dahil sa takot.
Itinaas naman niya ang kaniyang dalawang kamay.
"G-gagamutin ko"
Binitawan ko siya..Takot siyang tumakbo papunta sa emergency room.
"Nurse hali kayo" sigaw niya sa mga nurse.
Isinara nila ang pintuan at nag hintay kami ni Mama dito sa labas.
Binitawan ko ang hawak ko saka naiinis na tumingin sa paligid.
Pabalik balik ako ng paglalakad habang si Mama naman malakas na humahagulgul habang nakaupo sa harapan ko.
Nagdaan ang mga oras hindi ako umalis sa kinakatayuan ko.
Hindi pa rin tumitigil si Mama sa pagkakaiyak.
"Doc kamusta po ang anak ko?" bungad na tanong ni Mama ng lumabas ang doctor.
Napatingin naman siya sa akin na may halong takot kaya naman napayuko ako.
"Stable na po ang lagay niya ngayon" sagot niya pero nasa akin parin ang bawat tingin niya.
"Doc ano po ang sakit ng kapatid ko" tanong ko saka ito akmang hahawakan pero agad siyang lumayo.
Mas lalo pa akong nahiya dahil sa ginawa kong pananakot sa kaniya kanina.Pero ginawa ko lang ang bagay na iyon upang magamot ang kapatid ko dahil naghihingalo na siya kanina.
"Doc sorry po sa nagawa ko" hinging patawad ko.Napabuntong hininga naman siya at ngumiti.
"Ayos lamang ija alam ko ang nararamdaman mo ganyan rin ang mga kamag anak ng pasyente ko dati" sagot naman niya..
"Base sa mga nakita ko ang inyong anak/kapatid ay may sakit sa puso.Dahil sa pagod niya lumala ang kaniyang kalagayan dahil din dito humina ang bawat t***k ng puso niya at kung mas tumagal at hindi ito nalunasan hihina ng hihina ang kaniyang puso na maaari niyang ikamatay" pagpapaliwanag ng doctor na mas lalong nagpahagulgul ng iyak kay Mama.
Tumingin naman ako sa salamin para dungawin si Nathan.
"Ano pong lunas ang maaaring gawin?" tanong kong muli.
"Ang tanging lunas na lamang ay ang operasyon..Hindi ko kayo pinipilit ngunit buhay na ng pasyente ang nakasaalalay dito dahil anumang oras ay maaari siyang tuluyang makapusan sa paghinga at tumigil ang pagpintig ng puso niya" saad ng doctor sa amin.
Halos manlumo ako sa mga narinig ko dahil wala kaming sapat na pera para sa pang operasyon na gagawin nila.
"Magkano po ang magagastos namin?" malakas na loob kong tanong kahit na alam namin ni Mama na wala naman kaming pera.
"Fifthy thousand"
"W-wala kaming pera na ganyan kalaki" naiiyak na sagot pa ni Mama bago ako niyakap.
Paano na ito.Wala na akong trabaho wala rin kaming ibang kamag anak upang mahiraman ng pera para sa operasyon ng kapatid ko,ayoko siyang mawala sa amin,marami pa kaming pangarap sa buhay.Ako pa ang magpapatapos sa kaniya sa pag aaral..
Tumango ako sa doctor.
"Doc,Gawin niyo po ang lahat para maging ligtas ang kapatid ko" tumango rin siya bago umalis.Pumasok na si Mama sa loob ng kwarto na kung nasaan nakahiga si Nathan.
Napaupo naman ako sa sahig habang tumutulo na mainit na likido ng luha sa aking pisnge.
Sumikip ang dibdib ko habang nakatingin sa kwarto na kung nasaan naroroon ang kapatid ko.
Saan ako kukuha ng ganung kalaking pera.?
Kaagad din akong tumayo at lumabas ng ospital ng hindi man lang nagpapaalam kay Mama.
Naglakad ako pauwi at patungo sa isang babaeng kinaiinisan ni Papa.
Ngunit siya lamang ang taong makakatulong sa amin ngayon para mailigtas ang kapatid ko.
Nasa isang malaking gate na ako kaharap ko na din ang malaking bahay na tinitirahan ni Aling Rose ang pinakamayaman dito sa bayan namin.
Siya ang takbuhan ng mga taong nangangailangan ng tulong.
Ngunit kilala siya bilang isang mapangahas na tao dahil na rin sa sama ng ugali niya.
Galit sa kaniya si Papa dahil si Aling Rose ang dahilan kung bakit naalis si Papa sa trabaho at nalubog sa utang.
Ilang beses ko ng pinindot ang doorbell para marinig ng kung sino mang tao sa loob.
Pero sana sa pag kakataon na ito bigyan niya ako ng tulong para maipagamot ko ang kapatid ko.
"Magandang araw po Manong nariyan po ba si Aling Rose?" tanong ko sa isang lalaking nagbukas ng gate,Nakataas ang kilay nito habang nanlilisik ang mga tingin sa akin.
Tinignan niya muna ako mula ulo hanggang paa.
Isang tingin na puno ng pang huhusga.
Siguro dahil na rin sa suot at ayos ko ngayon.
Pero wala na akong paki..!Ang mahalaga ay makausap ko ang taong pakay ko sa bahay na ito.
"Sino kaba?" masungit na tanong niya.
"Kailangan ko po kasi siyang makausap,parang awa niyo na po" sambit ko.
Pagak naman siyang tumawa at matalim akong tinignan..Hindi ko rin kilala ang taong ito,dahil ngayon ko lang siya nakita.Ang alam ko kasi ay asawa lamang ni Aling Rose ang kasama niya dito eh bakit ngayon meron pang isang lalaki.
"Wala siya dito umalis kana, Istorbo" asik niya sabay sarado ng gate.
"Honey ano ba yan?" malakas na sigaw na narinig ko mula kay Aling Rose sa loob ng kaniyang bahay.
Pero sino naman kaya ang sinasabi niyang Honey??...Ang pagkaka alam ko kasi wala dito ang asawa niya dahil abala sa trabaho sa Manila.
"Aling Rose Aling Rose" sigaw ko saka paulit ulit na kinakatok ang gate.
"Sino ba yan?" rinig kong tanong niya mula sa loob.
"Isang basurang babae" rinig ko namang sagot ng lalaking nag bukas ng gate kanina.
Grabe kung makapagsalita ng basura!Eh muka din naman siyang basura sa itsura niya..
"Si Anna po ito tulungan niyo po ako parang awa niyo na po kailangan ko ng tulong niyo" sigaw kong muli.
Bumukas ang gate at ibinungad sa harapan ko si Aling Rose at ang lalaking nasa kaniyang tabi.
Matalim ang tingin sa akin ng dalawa pero nananatili akong nakatayo sa harapan nila.
Inis na itinapon ni Aling Rose ang hinihithit niyang isang stick ng sigarilyo,mataray niya akong tinignan.
"Ano ang ginagawa mo dito?" masungit na pagtatanong niya.
"Tulungan niyo po ako nasa panganib po ang kapatid ko kailangan niya po ng pera niyo para sa operasyon niya." nagmamakaawang turan ko.
Malakas siyang tumawa at masamang tumingin sa akin.
"Sino ka?Sino ka para humingi ng tulong sa akin.Hindi mo ba alam kung anong kasamaan ang ginawa mo ng ama mo sa akin!" sigaw niya.
"Parang awa niyo na po" saad ko pa pero muli siyang tumawa, ganun na rin ang kasama niyang lalaki.
Isang tawa na maiinis ka.
Isang tao na tila ba minamaliit ka.
"Umalis ka sa harap ng pamamahay ko dahil kahit kailan hindi ako tumatanggap ng basura" sabay turo ng daan papalayo.
"Aling Rose alam kong may mabuti pa kayong puso..Sana kahit ngayon lang po bigyan niyo ako ng tulong,kailangan po namin ng pera para sa operasyon ng kapatid ko.Kung hindi po siya maoperahan ay baka kung anong mangyari sa kaniya." naiiyak na sambit ko.
"Arthur paalisin mo yan" madiing utos niya sa katabi niyang lalaki.
"Aling Rose parang awa niyo na po" sigaw ko.
Papalayo na siya dahil naglalakad na siya papasok.
"Umalis kana kung ayaw mong masaktan" bulyaw ng lalaking ito sa akin,bago ako madiing hinawakan sa braso.
Madiing hawak na sobrang sakit..Tangina hindi ba sila naaawa sa akin at sino ba ang lalaking ito at ang kapal ng muka niya!!Sino?
"Bitawan mo ako" sigaw ko..
Pilit akong kumawala sa kaniyang pagkakahawak bago ako tumakbo papasok at palapit kay Aling Rose.
"What the~" singhal niya ng bigla akong lumuhod at hinawakan ang kanang paa niya ng mahigpit habang nakaluhod na sa sahig.
"Parang awa niyo na po baka ano pong masamang mangyari sa kapatid ko kung hindi siya maoperahan" pagmamakaawa ko.
"Bitawan mo ang paa ko kung ayaw mong sipain kita" inis na pagbabanta niya.
Nanatili akong nakahawak sa mga paa niya habang nagsusumamong naka titig sa kaniyang mga mata.
"Handa po akong gawin ang lahat kung gusto niyo po gawin niyo akong kasambahay ng habang buhay at walang bayad o di kaya halikan ko nalang itong paa niyo" sabay tingin sa paa niya.
Unang beses kong ginawa ito ang lumuhod sa taong kaaway ng aking Ama.
Sinabi rin ni Mama na wag daw akong luluhod sa mga taong mapag mataas sa buhay.
Pero kailangan kong gawin ito upang maligtas sa kapahamakan ang kapatid ko.
"Bitawan mo nga ang paa ko at ano?Hahalikan mo ang paa ko No way?Bitawan mo ako at isa pa mas madumi kapa kaysa sa mga dumi sa kuko ng paa ko" singhal niya na ginawa ko naman kaagad.
Tumayo ako ng bigla niya akong hawakan sa magkabilang braso at tinulungang makatayo.
"Diba sabi mo gagawin mo ang lahat?" tanong niya pa na aking ikinatango.
"O-opo"
Kitang kita ko sa mga ngiti at nakakapangilabot na tingin niya ang kasamaan ngunit handa kong gawin ang lahat para lamang sa kaligtasan ng sino mang taong malapit sa akin.
"Edi magkakasundo tayo" saad niya.
Inutusan niya ang lalaking may pangalang Arthur na isara ang gate.Sinundan ko lang siya sa paglalakad papasok sa bahay niya.
Sobrang laki ng bahay niya,sobrang nakakamangha dahil sa ganda at aaminin ko na ngayon lamang ako nakapasok sa ganitong bahay sa buong buhay ko.
Nandito ako ngayon sa sala habang nakayukong nakaupo sa isang mahaba at malambot na sofa.
Kanina pa ako dito pero hindi pa rin bumabalik ang dalawa na sina Aling Rose at ang lalaking kasama niya dito sa napaka laking bahay niya.Nagpaalam kasi sila sa akin na mag uusap lang sila sandali,pero ilang minuto na yata ang lumipas eh wala pa rin sila.
Masama ang maghatol ng haka haka lamang ngunit batay sa aking mga nakita ko sa kaniya at kinakasama niyang lalaki ay may tago silang relasyon.
Mula kanina ng nasa gate pa lamang ako narinig kong tinawag niya ang lalaki ng 'Honey'.
Kaya alam ko na si Aling Rose ay patago niyang niloloko ang asawa niyang nasa ibang lugar na nagpapakahirap mag trabaho habang siya naman ay pasarap buhay lang dito sa probinsya at binahay niya pa talaga ang kalaguyo niya.
Maganda at masaya ang pagsasama nila nun mas lalo na si Aling Rose kilala siya dito sa bayan namin na napakapagbigay marami ngang tao ang humahanga sa kaniya dahil sa taglay niyang swerte na dala dahil siya ang napangasawa ng isang mayaman at masipag na lalaki...
Pero mula nang umalis ang kaniyang asawa lumabas din ang tunay na katauhan niya.
"Ija pinapatawag ka ni Maam Rose" rinig kong sambit ng isang kasambahay mula sa likuran ko.
Kaagad naman akong tumayo at hinanap ng mata ko kung nasaan ang dalawang taong iyon.
"Ahh manang asan po ba sila?" takang pagtatanong ko.
"Nasa garden ija pumunta ka na lamang duon" sagot ni Manang na ikinatango ko.
"Ahh sige po salamat"
Pagkatapos kong sabihin iyon naglakad na ako papunta sa garden.
Naabutan ko silang dalawa na nag uusap ngunit napatigil lang sila ng nakita na ako ng lalaking kasama niya.
"Maam b-bakit po?" tanong ko kay Aling Rose.
Malawak naman siyang ngumiti at unti unting naglalakad palapit sa akin.
"Handa ka ba talagang gawin ang lahat para sa kaligtasan ng kapatid mo?" bulong na tanong niya sa akin.
"Opo Maam handa po akong gawin ang lahat kahit na ikaka pahamak ko pa basta ang mahalaga mailigtas ko lamang sa bingit ng kamatayan si Nathan" sagot ko pa sa kaniya.
Naglalakad kami paikot sa garden habang ang lalaki naman ay nakatingin lamang sa amin.
Humiwalay sa pagkakaakbay si Maam Rose sa akin saka ako muling tinignan mula ulo hanggang paa.
"Umikot ka nga" madiing utos niya na ikinakunot noo ko.
"B-bakit po?" takang tanong ko.
"Bibigyan kita ng trabaho na tiyak kong kikita ka ng milyon" namangha ako sa sinabi niya.
Pero laking pag iisip ko kung bakit kailangan ko pang umikot sa harapan niya.
"A-ano po bang trabaho" utal na tanong ko pa sa kaniya.
"Basta magtiwala ka sa akin..Ang bayad sa ospital at anu mang gamot ng kapatid mo ay sasagutin ko na libre na iyon basta pumayag ka lamang sa gusto ko" ngiting sagot niya.
Halos lumundag sa tuwa ang puso ko sa mga sinabi niya.
Iniisip ko nalang na isang anghel siya sa amin na laking tulong ang mga ginawa o gagawin pa lamang.
"T-talaga po?" hindi makapaniwalang tanong ko.
Tumango siya at tinawag ang lalaking tiyak kong kalaguyo niya.
"Totoo ang lahat ng sinasabi ko at papatunayan ko mismo dito sa harap mo" sambit pa niya sa akin.
"N-naku po maam rose salamat po napaka laking tulong po neto. Bibigyan niyo na nga po ako ng pera tapos trabaho pa..Hulog po kayo ng langit sa akin"tuwang tuwang sambit ko.
Malawak lamang siyang ngumiti at may kung anong ibinulong sa lalaki.
"Heto ang patunay ko seventy thousand kasama na jan ang pang bili ng mga gamot at gamit na kailangan ng pamilya mo ngunit sa isang kondisyon" sabay bawi ng perang nasa harap ko.
"Ano pong kondisyon?" tanong ko pa sa kaniya.
"Ibibigay mo ito sa doctor ang perang hawak ko ngunit kailangan mong sumama kay Arthur sa manila upang samahan ka sa magiging amo mo sa trabaho" sabay tingin sa lalaki.
"Ngayon na po ba hindi po ba pwedeng bukas o kapag tapos na ang operasyon ng kapatid ko" sambit ko na ikinailing niya.
"Mas maganda kung ngayon na dahil bibigyan kapa ng maraming pera ng amo mo tiyak ko na mababago ang buhay mo." sabay hawak niya sa kamay ko.
"S-sige po papayag po ako pero magpapa alam po muna ako kina Mam~" hindi niya ako pinatuloy sa sasabihin ko ng bigla siyang umiling at binitawan ang kamay ko.
"Wag ka ng magpaalam sa mga magulang mo dahil uuwi ka rin naman eh at ayaw mo ba nun masusurpresa sila kung sakali na pagbalik mo dito ay mayaman kana" usal niya saka ngumiti.
"Tama para matuwa sila sayo at maiahon mo sila sa hirap" pag singit pa ng lalaki.
Hindi ko alam kung tama ba ang naging desisyon ko pero tumango na lamang ako.
Kasabay nun ang pagbigay nila ng napaka laking pera sa akin.
"Naku tiyak kong yayaman ka pagbalik mo dito" tuwang tuwa na saad niya.
Lumayo naman ang lalaki dahil inutusan siya ni Maam Rose na tawagan ang magiging amo ko sa telepono.
Tuwang tuwa ako ngayon dahil sa napakahalagang pera na hawak ko.
Mapapagamot ko na ang kapatid ko at magkakaroon pa ako ng trabaho.
"Ihatid mo na siya" utos ni Maam Rose sa lalaki.
Ngumiti lamang siya at naunang sumakay sa kotse.
Kaagad akong sumunod sa kaniya sa pagsakay.
Nagpunta ako sa ospital at naabutan kong wala sina Mama at Papa dito nagpa alam daw sila saglit para umuwi at kukuha ng gamit.
"Ako na ang magdadala ng pera sa doctor" sabay kuha ng lalaki sa hawak kong pera.
Naglakad ako papasok sa kwarto ng kapatid ko.
May kung ano ano nang dextrose ang nakatusok sa mga kamay niya.May oxygen na rin na nakakabit sa kaniya dahil hirap na nga siyang huminga.
Nanghihina akong lumapit sa kaniya at umupo sa kanang tabi nito.
"Bunso gagaling kana ohh may pera na si ate" naiiyak kong saad.
Hinaplos haplos ko ang buhok niya habang patuloy sa pagluha ang aking mga mata.
"Mahal na mahal kita bunso at ipapangako ko sayo na gigising kana ng magaling at walang sakit na iindahin,ipapangako ko rin na sayo na magttrabaho ako ng maayos para makabili ako ng maraming laruan mo at lilipat tayo sa magandang bahay tulad ng gusto mo" malungkot na sambit ko sa kaniya.
"Halika na kailangan na nating magbyahe" isang malakas na sigaw ng lalaki mula sa pintuan.
Kaagad akong nagpunas luha.
"Ngayon na po ba talaga?" tanong ko pa sa lalaki.
"Hindi kaba nakikinig? Ngayon na kaya bilis bilisan mo jan kung ayaw mong kaladkarin kita palabas" inis na pagbabanta niya sa akin.
Tumayo ako at tinitigan ng mabuti si Nathan.
"Mahal na mahal ka ni ate babalik ako pangako" isang salita na huling lumabas sa bibig ko bago tuluyang lumabas ng kaniyang kwarto.Bago ko sinundan ng lakad ang lalaki.