Chapter 2

2778 Words
-Anna Perez Pov- Nakarating kami dito sa manila ng wala manlang hintong nangyari. Nauna siyang lumabas ng kotse at sumunod naman ako. "N-nasaan po tayo?" tanong ko. "Wag ka ng maraming tanong" singhal niya. Pumasok kami sa isang lugar na maraming tao. Nauna siyang naglalakad na sinusundan ko naman. "Nasaan yung boss mo?" tanong ng lalaking ito sa isang babae. "Nasa loob" sagot niya. Naglakad muli ang lalaki pero sinadya kong magpahuli dahil ibang kaba ang nararamdaman ko ngayon. "Kukupad ka pa ha" sigaw ng lalaki at kinaladkad ako. "Aray ko po nasasaktan ako" sambit ko dahil sa madiing paghawak niya sa buhok ko. Maraming tao ang nakatingin sa amin pero walang sino man ang nagbalak na tulungan ako sa mapangahas na lalaking ito. "Siya na ba?" tanong ng isang bakla na nasa pintuan saka ako itinuro. Binuksan niya ang pintuan at itinulak ako. Nakita ko ang isang bakla na nasa pinaka sentro dito sa kwarto. May makapal na make up. Makapal na lipstick. At may isang napaka gandang gown na tila ba ikakasal. Malakas siyang humalakhak ng makita ako. *Clap Clap Clap* "Magaling oliver magaling ka talagang pumili pero wala bang nobyo ito" sabay turo sa akin. Tumayo siya sa upuan niya at lumapit sa akin. Marahas niyang hinawakan ang buhok ko. "Syempre ako paba" sagot ng walang hiyang lalaki. Tinignan lang ako ng baklang nasa harapan ko mula ulo hanggang paa. "Probinsyana ba ito amoy tinapa" sabay tulak sa akin. Ansakit na ng buhok ko dahil sa pagkakasabunot niya tapos sa pagkakatulak nila. "Pasensya kana probinsya yan eh pero okay naman diba?" sambit pa ng walang hiyang lalaki. Tumango naman ang bakla at may kung anong kinuha sa cabinet. "Gaya ng pinag usapan natin iyan ang pera maaari ka ng umalis" Ngumiti naman sa akin ang walang hiyang lalaki. "P-pakawalan niyo ako walang hiya ka sabi niyo pagttrabahuin niyo ako walang hiya kayo! Mga demonyo" malakas na sigaw ko. Umalis naman ang lalaki na may bahid ng ngiti at dala ang napaka laking pera. Tumingin ako sa baklang lider ng tindahan ng mga babae dito sa club na ito. "Dalhin niyo yan ang ingay at linisin niyo ang babaeng yan" sigaw ng bakla sa mga utusan niya. "WALANG HIYA KAYO!MGA DEMONYO MAS LALO KA NG DEMONYITONG BAKLA KA" malakas na sigaw ko sa baklang kaharap ko. Bigla namang umasim ang muka niya at lumapit sa akin. "Ano ang sabi mo?" madiing tanong niya pa. Mahigpit niyang hinawakan ang panga ko na ikinawalan ko din ng hininga. "P-pak-pakawalan niyo ako p-parang awa niyo na" nagmamakaawang sambit ko. Isang malakas na sampal ang dumampi sa kanang pisnge ko. Marahas niya akong binitawan at tuluyang kinaladkad ng mga kasamahan niya. --- "Bitawan niyo ako mga hayop kayo!" sigaw ko habang patuloy ang mga babae sa pagkaladkad sa akin papunta sa kung saan mang lugar. "Pwede bang tumahimik kana kanina kapa ingay ng ingay ha" sigaw ng isang babae. Binitawan niya ako at kumuha ng isang kahoy sa tabi. "Tatahimik kaba o papatayin kita" pagbabanta niya. "Tama na yan" awat naman ng kasamahan niya. "Maawa na kayo kailangan ako ng kapatid ko" hagulgul na pag mamakaawa ko. "Alam mo nakakarindi kana ha" sigaw niyang muli at malakas akong pinalo sa likod. Nakaramdam ako ng paghapdi at panghihina dahil sa malakas na pagkapalo niyang iyon. "Kung gusto mo pang mabuhay sumunod ka" utos niya. Halos hindi ako makahinga ng bigla niyang inilublob ang mukha ko sa isang drum ng tubig. "Sa ayaw at gusto mo itong impyerno na ito ang magiging buhay mo" sigaw niya saka ako mas lalonh inilublob. Nagmamakaawa akong nakataas ang kamay upang tumigil na siya ngunit tila ba isang demonyo na wala siyang naririnig. "Ano ba tama na iyan baka mapatay mo pa siya" utos ng isa niyang kasamahan. Napatigil naman siya. Nagpaubo ubo ako dahil sa nawalan ako ng hininga dahil sa ginawa niya. "Bahala kana nga jan" sambit niya at iniwan kami ng isang babae. "Ayos ka lang ba" Napatango naman ako dahil sa tanong ng isang babae. "Bakit kaba pumayag sa ganitong trabaho hindi mo ba alam kaluluwa mo ang magiging kabayaran" malungkot na sambit ng babae sa akin. Huminga muna ako ng maayos bago seryosong tumingin sa babae. "Akala ko isang matinong trabaho ang ibinigay sa akin kapalit ng napakalaking pera para sa operasyon ng kapatid ko" sagot ko na ikinailing niya. "Lahat ng babaeng narito sa club na ito ay bayaran at parausan ng mga lalaking matatanda binabayaran ang pinaka lider ng napakalaking pera ngunit kakarampot lang ang ibibigay sa atin." sagot niya. Napatingin ako sa paligid at kaming dalawa lamang ang narito. "Ikaw bakit ka nandito sa lugar na ito?" tanong ko sa kaniya. Natigilan naman siya sa tanong ko. "Kagaya mo kailangan ko rin ng malaking pera para maipagamot ko si Mama sa sakit niya at ang pera na iyon ay ito ang magiging kabayaran" sagot niya. Napaupo siya sa tabi ko. "Napakadumi ko ng babae kung sino sino na ang lalaking nakagalaw sa akin kaya kung may punto man na dumarating para tumakas mas gugustuhin ko nalang na manatili dito kaysa lumabas ngunit ikakahiya na ako ng mga tao" malungkot na usal niya. Tumingin ako sa mga mata niyang may bahid na ng luha. "Magagaya rin ba ako sayo?" malungkot at seryosong tanong ko. Nagpunas siya ng luha at ngumiti sa akin. "Gusto mo bang makatakas?" tanong niya na ikinatango ko. "Makakatakas ako pero hindi ko alam kung paano ako makakabalik sa probinsiya namin" sagot ko pa sa kaniya. "Ang mahalaga ay makatakas ka sa impyerno na ito may pag asa kapa.." bulong niya at tumayo. "Ngunit paano?" tanong ko. "Halika" saka siya naglakad. Sinundan ko siya sa bawat paglalakad hanggang sa makarating kami sa likod ng club na ito. "Sino iyan mga yan?" tanong ko sa kaniya sabay turo sa tatlong lalaki. "Mga bantay yan at ang daan upang makatakas ay sa daan na iyan" sabay turo sa gate na may tatlong lalaki. "Paano baka mapahamak tayo" bulong ko. "Basta sa oras na makalabas ka sa lugar na ito wag na wag kang magpapaloko..Humanap ka ng magandang trabaho at wag mag papakita sa baklang lider dahil sigurado ako na hahanapin ka nila" bulong na sambit niya. "Tatakas ka rin ba" "Hindi..Isang tao lang sa atin ang makakalabas at titiyakin kong ikaw yun." sagot niya at may kung anong kinuha sa bulsa niya."Dalhin mo ito itago mo ito ng mabuti walang sino mang tao ang dapat maka alam niyan" iniabot niya sa akin ang isang papel. "Ano ito" takang tanong ko pa. "Basta pagbutihin mo ang pagtatago niyan jan nakapaloob ang mga taong sangkot sa sendikato..Mag iingat ka" saka ako hinawakan ng mahigpit sa kamay. Binitawan niya ang kamay ko dahilan para mapahiwalay ako sa kaniya. Nauna siyang naglakad at patungo sa tatlong lalaki. "Anong ginagawa mo dito diba bawal ka dito" singhal ng isang matandang lalaki sa kaniya. "Ha eh sabi kasi ni Boss pakibuhat daw muna yung nandun" sabay turo sa pinaka likod. "Bakit daw?" "Ewan ko basta buhatin niyo daw" Sumunod sa kaniya ang dalawang lalaki ngunit ang isa nanatili sa kinatatayuan niya. Binuhat nga ng dalawang lalaki ang timba. Lumabas ako sa pinagtataguan ko at lumapit sa babae. "Umalis na kayo dito kung ayaw niyong mamatay" sambit ng isang lalaki. Sinuntok ng babae ang lalaki kinuha ko naman ang b***l at itinapon iyon sa malayo. "Tumakbo kana bilisan mo" sigaw ng babae sa akin habang nakikipag agawan ng isa pang b***l. "Paano ka?" tanong ko pa. "Iwanan mo na ako tumakbo kana bilisan mo" sigaw niya pa. Tatakbo na sana ako pero hindi ko kaya.Tinulungan ko siya sa lalaking kaharap niya. "Sabi ko tumakbo kana bilisan mo makinig ka sa akin" sigaw niyang muli. "Huyy ano yan" sigaw ng dalawang lalaki. Naglabas sila ng b***l. Wala akong ibang nagawa kundi ang tumakbo at iwan ang babaeng tumulong sa akin para makatakas ako. "Yung babae tumakas" rinig kong sigaw ng lalaki pero patuloy lang ako sa pagtakbo. Isang malakas na putok ng b***l ang narinig ko. Gusto kong tumigil sa pagtakbo at balikan ang babae ngunit nasa likod ko ang dalawang lalaki. Madilim na ang lugar kaya naman ginusto kong magtago sa isang bodega na napaka dilim. "Nasaan na?" sigaw ng lalaki. "Hindi ko alam" sagot naman ng kasama niya. Nangangatog na ang tuhod ko at takot na takot na ako. Naglakad ako at muling tumakbo. "Ayunn siya" sabay turo sa akin ng isang lalaki. Paika ika na akong tumatakbo hanggang sa may mga tanod akong nakita. "Miss bakit ka tumatakbo at gabi na bakit kapa nandito?" tanong ng isang tanod sa akin. Habol hininga kong itinuro ang dalawang lalaking humahabol sa akin na ngayon ay tumatakbo na paatras. "Mga masasamang tao po iyong dalawang yun" turo ko sa dalawang lalaki. "Tara" tumakbo na ang mga tanod at hinabol ang dalawang lalaki. Naiwan akong mag isa at nanghihina. Naglakad pa ako papunta sa mga may kotseng nagdaraan. Nagpapasalamat ako sa isang babaeng tumulong sa akin. Hinawakan ko ng mahigpit ang papel at inilagay sa bulsa ko sobrang mahalaga ito sa babae kaya ito nalang ang daan para mapasalamatan ko siya sa ginawa niya. ~Peeeeeeeppp~ Isang mabilis na kotse ang nagpapatakbo na papalapit sa akin. Napatakip ako sa mata ko kasabay nun ang tuluyang panghihina ng katawan ko. "Miss are you getting crazy kung magpapakamatay ka wag mo akong idamay" isang salita na huli kong narinig bago ko isinarado ang aking mga mata. -Bryan Gonzales Pov- Nasa kalagitnaan ako ng pagmamaneho dahil galing ako kanina sa bakasyon nag aya kasi ng katuwaan ang mga kasama ko pero heto ako ngayon pauwi na ng bahay dahil hindi ko na kayang makipag pekehan ng ngiti sa mga taong naroroon dahil sa totoo lang naiinis ako kung bakit pa ako pumayag sa mga kalokohan na gusto nila mas lalo na kung sila naman ang nagmumukhang masaya. Nasa isang madilim at malawak na lugar na ako wala na ding halos mga tao at sasakyan na nandito kaya naman medyo nakakatakot ngunit mas pinili kong bilisan ang pagmamaneho para makarating na ako sa bahay at makapag inom na ng paborito kong alak. Napahinto ang kotse ko ng may kaba sa puso ko may isang babae kasi akong muntikang nasagasaan kaya naman agad akong lumabas ng kotse at nakita ang isang weirdong babae. Nagtataka siguro kayo kung bakit ko nasabing weirdo siya.? Well,dahil sa suot at kung bakit gabi na ay narito pa rin siya sa walang taong lugar..Bakas rin sa malakas na paghinga niya ang pagkapagod na animo'y hinahabol ng magnanakaw o r****t?! But speaking of r****t imposible na tangkain siyang gahasain dahil sa itsura niya baka naman pati ang mga lalaking tinaguriang r****t ay umatras kapag nakita na ang babaeng nasa harapan ko. "Miss are you getting crazy kung magpapakamatay ka wag mo akong idamay" malakas at inis na sigaw ko ngunit isang matamis na ngiti lamang ang iginanti niya bago mawalan ng hininga sa harap ng kotse ko. What the f**k!! Ano ba ang plano ng babaeng ito ang mapagkamalan ako ng mga taong sinagasaan ko siya or isa rin siya sa mga taong manloloko na hindi naman inaano ay iaaako sayo ang mga kasalanan para lamang maperahan ka. Unti unti akong naglakad palapit sa babaeng ito.Madungis at basang basa ang buhok niya hindi ko alam kung pawis ba ito o tubig? Mula sa kaniyang suot na maduming pajama nakita ko sa kaniyang bewang ang isang maliit na papel. "Miss, gising" sabay tapik ko sa kaniyang pisnge ilang beses ko na nga itong tinapik tapik pero wala pa ring malay itong babae. Mabilis kong kinuha ang papel na malapit nang mahulog mula sa kaniyang bewang na inipit sa pajama bago siya binuhat papasok sa kotse. Hindi ko rin alam kung saang lugar ko ba ito dapat dalhin kung sa ospital ba o sa bahay nalang.. Mabilis kong pinaandar ang kotse patungo sa bahay pero wala akong balak kupkupin ang babaeng grasa na ito. Pagkarating sa mansyon dalawang security guard ang nagbukas ng malaking gate..Ipinarada ko ang kotse sa garahe bago bumaba. "Manaangg" malakas at galit na sigaw ko habang inaalalayang ibaba ang babae na ito. "Sir" rinig kong sambit ng isang kasambahay.Itinulak ko ang babae ulit papasok at tumingin sa kasambahay.."Sir babae niyo na naman pero sir nakulam ba kayo?" tanong niya ng makita ang babaeng nasa loob ng aking kotse. "Tsk? Sa tingin mo ba papatol ako sa ganyang babae over my dead body..Buhatin niyo siya papasok ng bahay linisan niyo siya at bihisan pagkatapos ang kotse ko naman ang linisan niyo" malamig na boses na utos ko. "Sir sa kwarto niyo ko po ba siya dadalhin?" tanong niya na nagpa tigil sa akin sa paglalakad papasok ng bahay. "No patulugin niyo nalang siya dun sa pinaka last room sa bagsakan ng basura" utos ko sa kanila bago tuluyang naglakad papasok. Maliwanag ang bahay dahil sa dami ng ilaw na narito..Nakahanda na rin ang pagkain ko na inihahanda ngayon ng tatlong kasambahay. "Im not hungry iligpit niyo na yan" bungad na utos ko sa kanila dahilan para matigilan din sila sa ginagawa nilang pag hahanda. "Pero sir inihanda po namin ito para sa iny~" hindi ko na ginawang patuluyin sa pagsasalita ang isang kasambahay. "Narinig mo ba ako? Ang sabi ko hindi ako gutom kung gusto mo ikaw na kumain niyan o baka naman gusto mong matanggal ngayon sa trabaho mo" madiing pagbabanta ko. "Hindi po sir" "Tsk give me a one case of beer" utos ko sabay upo sa malambot at mahabang sofa dito sa sala at kaharap ng telebisyon. "Pero sir utos po ng inyong papa na wag daw po kayong uminom" takot ang boses na sagot ng isang katulong sa akin.Tumalim naman ang tingin ko bago hinubad ang sapatos na nasa aking paa at malakas itong ibinato sa kaniya. Nabigla naman siya sa ginawa ko dahil ang matigas na sapatos ko ay naitama mula sa likuran niya pero wala akong paki kahit na umiyak at umalis pa siya sa trabaho dahil iyon naman ang gusto ko ang isa isang umalis ang mga kasambahay na narito sa bahay. "I SAID GIVE ME A ONE CASE OF BEER NOW" madiin at malakas na sigaw ko. Lahat ng kasambahay ay nag una-unahang nagtungo sa ref para kumuha ng utos ko maliban na lamang sa binato ko ng sapatos. "Stop crying nakakabingi" singhal ko ng marinig ko ang paghikbi ng dalagang kasambahay ko..Tumigil siya sa pag iyak at pumasok sa maid's room na ikinangiti ko. "Eto na po sir" sabay abot nila ng beer sa akin.. Ngumiti naman ako ng matamis bago inilagay ang kanang paa ko sa maliit na lamesang nasa harapan ko. Ilang sandali ang nakalipas lumabas ang katulong na binato ko dala dala niya na ang bag niya at masama itong nakatingin sa akin. "Hindi ko na kayang magtagal dito napakasama mo" isang salitang iniwan niya bago umalis sa harapan ko. "Pssstt wait" pigil ko sa kaniya na ikinatigil naman niya sa pag lalakad palabas ng bahay ko. "May nakalimutan ka" sambit ko na ikinakunot ng kaniyang noo. "A-ano?" utal niya pang tanong sa akin. Walang imik na lumabas sa bibig ko ang tanging ginawa ko na lamang ay tumayo at lumapit sa kaniya. "Give me that" utos ko sabay turo ng suot niyang uniporme ngayon. "H-ha" "I said give me that" utos ko ulit sa kaniya. Mabilis niyang hinubad ang suot niya ang tanging natira na lamang ay sando at short niya na nagpabusangot sa kaniya. "Now leave" itinuro ko ang pintuan palabas na inis siyang nagpapadyak palabas. Tawang tawa ako habang pabalik sa sofa pero bigla akong natigilan sa pagtawa ng biglang pumasok ang dalawang kasambahay na dala ang babaeng muntikan kong nasagasaan kanina. "Pagka gising niyang babae na yan bukas paalisin niyo na" utos ko pa sa dalawa. "Y-yes sir" sagot naman nila. Btw im Bryan Gonzales isang binatang lalaki bilang napaka gwapo at sikat na Campus model Gangster sa University na pagmamay ari ng mga magulang ko.Isa rin ako sa hinahangaan ng mga kababaihan dahil na rin sa yaman na meron ako ngunit ang habuling babae na kagaya ko ay walang anumang amor sa babae simula nung lokohin ako. Galit ako sa lahat lalo na sa mga magulang at kaisa isa kong kapatid.Nasa ibang bansa sila ngayon habang nagpapakasaya para icelebrate ang mga nakuhang magandang work ni Dave sa kompanya habang ako heto narito sa pinas nag iisa at tanging mga kasambahay ang kasama. Galit ako sa kanila dahil palagi na lamang si Dave ang inuuna at mas binibigyan nila ng oras.Kaya ayaw ko sa mga kasambahay dahil gusto ko nalang din mabuhay na ako lang mag isa na walang sino mang kasama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD