Chapter 3

2516 Words
—Bryan Gonzales Pov— Nagising ako ng bigla akong nakaramdam ng sakit sa katawan na tila ba ito ay namamanhid kaagad akong dumilat at napagtanto ko na nalaglag pala ako sa kinahihigaan kong sofa dito sa sala. Napamura ako sa aking isipan at kaagad na tumayo mula dito sa malamig na sahig..Gusto ko pa sanang bumalik sa pagkaka tulog ngunit may araw na sa labas. Naglakad ako papunta sa harapan ng Ref at nanguha ng malamig na tubig para inumin iyon,sobrang uhaw na kasi ang nararamdaman ko dumagdag pa ang pagkasakit ng ngipin ko. “Magandang umaga po sir” pagbati ng isang kasambahay sa akin ngunit hindi ko manlang siya binalikan ng magandang pagbati sa umaga. “Handa na ba yung agahan ko?” masungit na pagtatanong ko sa kaniya kaagad naman siyang ngumiti ng matamis at tumango. “Opo sir nakahain na po sa lamesa” sagot naman niya. Ibinalik ko ang baso sa loob ng ref at maglalakad na sana patungo sa lamesa upang kumain dahil gutom na gutom na rin ako hindi pa ako naghapunan kahapon eh kaya naman heto ako ngayon takam na takam na sa mga masasarap na pagkain na nasa ibabaw ng mahabang lamesa. Paupo na sana ako pero bigla kong naalala ang muntikan kong nasagasaan na babae kagabi. Mabilis akong tumakbo patungo sa aking kwarto para tignan ang bawat laman ng cabinet pati na rin sa kwarto ni Papa. “Sir ano po ang hinahanap niyo?” tanong ng isang kasambahay sa akin ng makita niya akong naghahalungkat na tila ba may hinahanap. “Yung babaeng dinala ko dito kagabi nasaan na?” tanong ko sa kaniya. “Nasa kwarto pa rin po na inutos niya mahimbing pa rin po ang tulog niya” sagot naman niya. Tumigil ako sa paghahalungkat at tumayo para pumunta sa kinaroroonan ng babaeng iyon. Maingat kong binuksan ang pintuan bumungad sa akin ang babaeng mahimbing na natutulog sa isang lumang kama na pagmamay ari ko ng bata pa lamang ako. Pinagmasdan ko rin ang mga bagay na narito sa loob ng kwarto dito kasi ang tambakan ng mga bagay na hindi na ginagamit o napaglumaan na. Naglakad ako papasok habang abala ang mga mata ko sa mga larawan na sabay naming ipininta nung bata pa kami ng nakakatanda kong kapatid na si Dave. Isang Pinta na buong puso naming ginawa ang isang masaya at buong pamilya na nasa isang malaking board. Sabay kaming nangarap ni Kuya Dave dati na gagawin namin ang lahat ng aming makakaya upang maging proud sa amin sina Mama at Papa. Ngunit nabago ang samahan namin ng tumanda na kami palaging siya ang nabibigyan ng oras at atensyon nina Mama at Papa. Siya rin palagi ang nasa top sa University na matalino at magaling kaya ako naman ang palaging naiitswapera sa pamilya. Siya palaging nasasamahan sa harap ng hapagkainan at nasasama sa ibat ibang bansa dahil sa taglay niyang katalinuhan sa pagnenegosyo. Naging masama ang tingin ko sa ipininta namin at binitawan ko ito. Unti unti akong lumapit sa babaeng nakahiga sa kama malinis na siya ngayon hindi tulad ng kagabi na madungis at basang basa siya. Hindi ko rin alam kung saang lugar ba siya galing dahil gabing gabi na nasa kalagitnaan pa rin siya ng daan. Kaya ko din hinahalungkat ang mga gamit ko kanina upang siguraduhin kong may nawala ba sa mga alahas at pera ko baka kasi isa siyang takas ng mga sendikato na magnanakaw. Umupo ako sa kanang bahagi ng kaniyang kama habang nakatitig pa rin sa kaniyang maamong mukha. Maganda ang damit na nakasuot sa kaniya dahil damit iyon ni Mama ngunit hindi bagay sa kaniya dahil mukha talaga siyang probinsiyana pero kung taga probinsiya siya bakit narito siya sa manila at ano ang ginagawa niya dito.? Muli akong tumayo at nagpunta sa bintana..Unti unti kong inaalis ang polo ko na nakadoble sa isang t-shirt ko..Sobrang init na kasi ng pakiramdam ko at dumagdag pa ang napakaraming damit na suot ko. _ _ ?????’? ????? ???? Napamulat ang mata ko sa isang lugar na hindi kilala ng mga mata ko.Isang lugar na sobrang lawak at puno ng mga gamit. Kinusot kusot ko pa ang mga mata ko iniisip na nasa isang panaginip lamang ako ngunit hindi ako nagkamali nakahiga ako ngayon sa isang malambot na kama. Napatingin pa ako sa damit ko na ngayon ko lang nakita..Napaupo ako sa kama at kinakabahang inilibot ang aking mga mata. Sa isang kanang bahagi nakita ko ang isang binatang lalaki na nag aalis ng polo malapit sa bintana,muli kong tinignan ang sarili ko ibang iba na ang suot ko hindi ganito ang damit ko. Nirape ako? “Rapissstt tulungan niyo ako may r****t dito” malakas at madiing sigaw ko habang nakatingin sa lalaking nasa harapan ko. Dali dali naman niyang ibinalik ang kaniyang hinuhubad na damit at tumingin sa akin ng nakataas ang kilay. “What the f**k are you crazy hindi kita nirape” sigaw niya at lumapit sa akin ngunit patuloy lamang ako sa pagsisigaw. “r**e tulong tulungan niyo ako” sigaw kong muli. “Tumigil ka sa pagsisigaw mo jan kung ayaw mong palayasin kita dito sa bahay ko” banta pa niya na ikinainis ko. Tumayo ako sa kama at humarap sa kaniya tinitigan ko siya ngunit tumulo na ang aking mga luha. Isang malakas na sampal ang ginawa ko sa kanang pisnge niya. “What the hell” sigaw at nanlalaking matang sambit niya. “Masakit?Walang hiya ka mas masakit ang ginawa mo sa akin kinuha mo ng walang paalam ang kinaiingatan ko.Paano na ang mga pangarap ko para sa kapatid ko paano na ako?Paano na ang mga sasabihin ng tao na isa akong maruming tao?” naiiyak kong pagddrama sa harapan niya habang taas kilay lamang siya. “Pwede bang umalis ka bahay ko at itatak mo sa kokote mo na hindi kita ginahasa at wala akong planong gahasain ka dahil hindi ikaw ang gusto kong babae” inis na singhal ko sa kaniya. “Ganyan kaba kadesperado ang itanggi mong hindi mo ako ginalaw ha bakit ha dahil ba sa isa akong probinsyana ha” sigaw kong muli kaya naman napahawak na siya sa kaniyang ulo. “Crazy” Pagkatapos niyang sabihin iyon binangga niya ako at kaagad na lumabas mula sa kwarto.Inis ko naman siyang sinundan. Halos hindi ako makapaniwala ng makalabas ako.Nasa isang malawak at magandang bahay ako ngayon. “Hoyy walang hiya ka r****t ka isusumbong kita sa pulis at titiyakin kong mabibilanggo ka ng ilang taon” sigaw ko ng pababa siya sa hagdan. “Ija gising kana pala naku! Tignan mo oh bagay na bagay talaga yang pinasuot kong damit ni Maam Dianne” bungad ng isang matandang kasambahay sa akin. “Ano po?” “Ang sabi ko napakaganda at bagay na bagay sayo iyang damit na kay Maam Dianne” sambit niyang muli na ikinakunot ng aking noo. “Kayo po ba ang nagbihis sa akin kaya ganito ang suot ko ngayon” takang tanong ko pa “Oo ija ako nga iyon kasi ang utos ni Sir Bryan siya ang nag dala dito pinalinis ka niya at pinahiga sa kwarto para maka pagpahinga” sagot niya sa akin. “Anak niyo po ba siya?” “Hahaha hindi amo namin siya..Siya ang kaisa isang anak na nagmamay ari ng napaka laking bahay na ito” napatampal ako sa aking noo dahil sino ba namang ina ang tatawagin ang anak niya na ‘Sir’. Nanlaki pa ang mga mata ko dahil sa kagagahan na ginawa ko ang pagsampal sa kaniya at ang pagsabing r****t siya at ginahasa ako. Bumaba ako ng hagdan dahil inanyayahan ako ni Manang na mag agahan bago umalis dito sa bahay ng amo niya. Naabutan ko sa napakalaking lamesa ang amo niya na si Sir Bryan. Inis siyang tumigil sa pagkain at tinignan ako bakas pa rin mula sa kaniyang pisnge ang pagka pula dahil na rin sa ginawa kong pagsampal sa kaniya kanina. “Sir gising na po siya” sambit ni Manang sa amo niya. “I know nakatikim na nga ako ng malutong na sampal sa kaniya right” binalingan niya ako ng masamang tingin. “Ahh ehhh p-pasensya na po p-pala sa pagsampal ko sa inyo at pag akusa na ginahasa niyo ako a-akala ko po kas~” hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng malakas na tumawa ang isang babaeng abala sa paglilinis sa pinaka sala. “Gagahasain ikaw? Hahahaha gagi hindi yan kumakain ng tinapa” malakas na pang aasar ng babae sa akin na ikinatahimik ko. “Oo nga teh mangarap ka nalang at kung dumating man na gahasain ka ni Sir swerte mo nalang umay ka” sabat naman ng katabi nung isa. Kumunot naman ang noo ko.. Ang weird naman nila so kapag ginahasa ako ng lalaking ito swerte na ako?! Tsk tsk tsk! “Shut up at ikaw kumain kana at umalis kana sa pamamahay ko” singhal niya at itinuro ako bago ipinagpatuloy ang pagkain. Umupo ako sa isang upuan habang nakatingin sa akin ang mga kasambahay. “I said kumain kana wala akong sinabing jan ka kumain” singhal muli ng lalaking ito. “H-ha saan ba dapat ako kumain?” takang tanong ko pa. “Kahit saan basta wag mo akong sabayan sa pagkain sa iisang lamesa stupid” inis niyang usal na ikinatango ko na lamang. Masyado siyang highblood ha. Umalis ako sa harapan niya at nagpunta sa sala.Pero bumalik din ako dahil nanguha ako ng ulam ko. Nakatitig lamang ako sa mga ulam. Mukhang masarap pero hindi siya gusto ng tiyan ko. “Ahh sir wala po ba kayong itlog at tuyo dito? o kaya kamatis na may bagoong?” tanong ko sa kaniya. “What the hell? anong pinag sasabi mo?” tanong niya sa akin. “Ayy wala po ba sige mantika at soy nalang ulam ko” sagot ko pa at bumalik sa pinaka sala para manguha ng magiging ulam ko. “What is that” sabay turo niya sa ginagawa ko. “Ulam” tipid kong sagot. “Are you crazy may mga masasarap na ulam sa lamesa kunin mo ang gusto mo dun” utos niya sa akin pero umupo na ako. Naghugas ako ng kamay umayos ng upo. “Salamat nalang sir pero sapat na sa akin itong pagkaing pang probinsya” sagot ko saka nag umpisang lumamon ng nakakakamay. “Bakit hindi ka magkutsara?" tanong niya pa. “Mas masarap kumain kapag nakakamay ka” sagot ko pa sa kaniya. “Crazy?” bulong niya at umalis sa tabi ko. —Anna Perez Pov— Masarap ang bawat pagsubo ko ng kanin kahit na ganito lamang ang ulam ko.Nagiging masama ang tingin ng ibang kasambahay sa akin ngunit hindi ko lamang sila pinapansin. “Ayaw mo ba talagang mag kutsara?” tanong ng isang may katandaang kasambahay sa akin. “Hindi po sanay po ako sa pagkakamay” ngiting sagot ko naman at sumubo muli ng isang kutsarang kanin na sinabawan ko ng mantika at soy kanina. Napatingin naamn ako sa likuran ko tapos nang kumain ang lalaking si Bryan.Nahuli niya akong nakatingin sa kaniya ngunit umiwas naman kaagad ako. “Ano bang pangalan mo ija?” tanong muli sa akin ng babae nilunok ko muna ang kanin at uminom ng isang basong tubig bago ko napagpasayahang sagutin ang katanungan niya. “Anna Perez po ang pangalan ko kayo po?” magalang na tanong ko sa kaniya ngumiti naman siya at umupo sa isang upuan na katabi ko. “Ako si Manang Cora ang pinaka matandang kasambahay sa bahay na ito” sagot naman niya na ikinangiti ko. “Ahh ganun po ba kumain na po ba kayo” tanong ko sa kaniya. “Mamaya kami pagkatapos ni Sir Bryan ayaw niya kasing sinasabayan namin siya sa bawat pagkain niya o mga bagay na ginagawa niya..Teka matanong nga kita kaano ano mo ba si sir bryan?” tanong niya pa sa akin. Tumingin muli ako sa lalaking nasa likuran ko ngunit napag tanto kong palapit siya sa kinaroroonan ko.“This is yours?” rinig kong pananalita niya sabay lahad ng isang asul na papel sa harapan ko. Nanlaki naman ang mga mata ko ng maalala ang mga nangyari sa akin kagabi isama na natin ang asul na papel na ibinigay sa akin ng babaeng tumulong sa akin.Naalala ko na napaka importante daw ang bagay na ito dahil nakalista ang bawat pangalan ng taong nakasama sa sendikato. “Akin yan! Bakit nasa iyo yan? Binasa mo ba?” sunod sunod na pagtatanong ko sa kaniya. “No,Isinama ko lang yan dahil muntikang nalaglag yan kagabi sayo at wala akong ginawa o binasa sa papel na yan” sabay hagis sa mukha ko ng papel. “Araayy wala kabang manners ha hindi mo ba kayang iabot sa akin ng maayos” singhal ko sa kaniya na ikinataas ng kaniyang kilay. “Sino kaba?” taas kanang kilay na pagtatanong niya,tumigil ako sa pagnguya at tumayo sa aking kinauupuan sinamaan ko siya ng tingin at tinaasan din ng kilay. “Ako lang naman si Anna Perez” singhal at madiing sagot ko. “I dont care” sagot niya kaya naman kaagad akong napaismid “Tinatanong mo ako kung sino ako tapos sasabihin mo ‘i dont care’” singhal kong muli. Pinitik naman niya ang aking noo dahilan para mas lalo akong mainis, sino ba ang lalaki na ito para pitikin ang noo ko..Close ba kami?! “I mean sino kaba sa buhay ko para maayos kong harapin o abutan ng mga walang kwentang bagay na iyan” singhal niya. “Hindi naman importante kong magkakilala tayo or hindi basta ang sinasabi ko baka pwede mo namang iabot sa akin ng maayos ang papel” singhal kong muli. “Bakit ko pa iaabot sayo eh ibinulsa mo na nga...Tsk Stupid” halos mapasigaw ako dahil sa kapilosopohan ng lalaking nasa harapan ko ngayon. “Alam mo nakakainis kana.Alam mo din sa probinsiya namin nanununtok ako ng gwapo” ngiting usal ko inilapit niya sa akin ang mukha niya. “Suntukin mo nga kung kaya mo” mapaghamon niyang usal. Napangiti naman ako at inilapit ang mukha ko sa mukha niya.Pero nakayuko siya dahil mas matangkad siya sa akin..Rinig na rinig ko na ang bawat paghinga at pagtibok ng puso niya. Mas malapitan ko na ding nakikita ang mapupula niyang labi at ang mapupungay niyang mga mata. “Bakit gwapo kaba?” mapang asar na sagot ko pabalik sa kaniya. Lumayo naman siya at tumayo ng maayos inis siyang tumingin sa akin..Pero deep inside he's very cute and handsome pero hindi naman ako tanga para sabihin iyon sa kaniya ano siya sinuswerte...Tsk “Alam mo humahalik ako ng mga magagandang babae” kamot babang sagot niya. Inis namang napataas ang kilay ko..Mas lalo pang nakakainis ang mga malalagkit na tingin niya para akong hinuhubaran umay.. “Anong akala mo sa akin easy to get para mahalikan mo” inis na sagot ko na ikinatawa niya. “Easy ka lang hindi ka maganda para halikan ko” sagot niya sa akin. “Hoyyy maganda ako noh ikaw napaka panget mo” sigaw ko sa kaniya. “Saan ang ganda mo? Nasa pwet ba o nasa talampakan” natatawang pang aasar niya. “What if suntukin kita jan ng mangisay ka ng bwesit ka” sabay yukom ng kamao ko. “What if halikan kaya kita jan gaganti kaba?” seryosong tanong niya na ikinakunot noo ko. “Hoyyy hoyy hoyyy” inilayo kami ni Manang Cora sa isa't isa. “Manang amo niyo po ba talaga yan wow ha napaka demonyo” singhal ko pa. “What the f**k!! Manang pag katapos kumain niyang babae na yan paalisin niyo na ha stupid” sigaw niya saka tumalikod. “What the fuck..Fuck you demonyo ka” sigaw ko pero hindi na niya ako binalingan pa ng tingin. “Tama na ija kumain kana” mahinahong saad naman ni Manang kaso lang nawalan na ako ng ganang kumain dahil sa lalaking iyon. Baka sabihin niya pa na uubusin ko yung bigas niya.Umupo ako at uminom ng tubig. “Saan ka nga pala nakatira ija?” tanong ni Manang sa akin, bigla naman akong napaseryoso at napatingin sa malayo dahil sa katanungan niyang iyon. “Sa Probinsiya po” “Kaano ano mo ba si Sir Bryan at tila aso't pusa kayong nag aaway” tanong pa ni Manang sa akin. Hindi ko nga rin alam kung bakit naiinis ako sa lalaking iyon..Oo nga siya ang tumulong sa akin. Siya ang dahilan kung bakit naalis ako sa madilim na lugar na iyon pero kainis kasi yung ugali niyang iyon..Nakakainis. Ipinaliwanag ko kay Manang ang lahat ng nangyari sa akin ngunit hindi ko sinabi sa kaniya ang tungkol sa papel na kaninang hawak ko dahil nga sa ayaw ng babaeng iyon na malaman ng ibang tao ang tungkol sa papel na iyon. Nagpunta muna ako sa pinag higaan kong kama at kwarto kagabi. Tambakan daw ito ng mga lumang gamit kaya naman napaka dumi at napakadaming mga bagay na narito...Isang bagay ang nakaagaw ng pansin ko ang isang buong pamilya na pinta ng ibat ibang kulay..Napaka ganda at tunay ngang kahanga hanga ang taong gumawa ng pintang ito. Hinawakan ko ito pero agad ding binitawan napatingin ako sa paligid..Maraming alikabok at mga duming nakadikit sa mga bagay. Napagpasyahan kong linisin ito upang bayad sa ginawang pag tulong sa akin ng lalaking iyon. Sinimulan kong pinagpag ang cotton ng kama.May mga bagay din akong inilipat. “Ano ito?” bulong na tanong ko sa aking sarili ng makita ang isang basag na larawan. Nahati ang mukha nito dahil sa basag.Isang napaka gwapong mukha. “John Dave Chan” pagbasa ko isang sulat na nasa likuran ng larawan. Iniwan ko na lamang ito at ibinalik sa kinaroroonan niya. Nagbigay ako ng mga ilang oras para malinisan ang kwartong ito. —Bryan Gonzales Pov— “Umalis na ba yung babae?” tanong ko kay Manang Cora ng pumasok siya dito sa aking kwarto. Abala ako sa paglalaro ng dota habang si Manang naman ay hinatidan ako ng meryenda dito sa loob. “Nasa pinakalast na kwarto sir hindi ko nga rin alam kung ano ang ginagawa niya dun kasi ilang oras na siyang naroon at hindi lumalabas” sagot niya na ikinakunot ng noo ko. “Diba ang sabi ko pagkatapos niyang kumain paalisin niyo na siya dito sa bahay” singhal ko. Ibinaba niya ang dala niyang meryenda sa isang maliit na lamesang nasa harapan ko. “Sinabi ko po kanina sir pero~” Hindi ko siya pinatuloy sa mga sasabihin niya..Malakas kong inihagis sa kama ang remote control at kaagad na lumabas ng kwarto. “WHAT THE HELL ARE YOU DOING?” inis at malakas na tanong ko. Gulat namang napatingin sa akin ang babaeng nasa harapan ko. Binitawan niya ang hawak niya at ako naman ang nagulat sa nasilayan ko. Gusto kong matuwa sa ginawa niya but i don't care. Mabilis kong kinuha ang painting at matalim siyang tinignan. “Sino ba ang nagsabi sayo na paki elamanan mo ang mga bagay na nandito” sigaw na tanong ko. Napayuko naman siya sa harapan ko. “Sorry pero inayos ko lang ang kwarto para sana bayad sa ginawa mong pagtulong sa akin” takot na sagot naman niya. “I dont care..Inayos ba o may hinahalungkat ka lang na mga bagay na pwedeng ibenta at para magkapera ka” sigaw at mapangahas na sigaw ko. Kunot noo siyang tumingin sa akin na tila ba nagtatanong. “H-hindi ko magagawa iyon" sagot niya na ikinabuga ko ng hangin. “ANONG HINDI HULING HULI KANA NGA EH UMALIS KA SA PAMAMAHAY KO NAPATULOG AT NAPAKAIN NA KITA KAYA GET OUT” sigaw ko sabay turo ng pintuan palabas. “Pero hindi ko talaga bal~” “I SAID GET OUT” sigaw ko ng malakas. Napayuko naman siya at mabilis na tumakbo palabas habang may tulong lumuluha sa kaniyang mga mata. Mabilis siyang tumakbo pero hinayaan ko na lamang.Bumaba ako ng hagdan pero laking gulat ko ng~ “WHAT ARE YOU DOING HERE I SAID GET OUT HINDI KABA NAKIKIN~” naputol ang sasabihin ko ng biglang bumungad sa harapan ko si Papa. “Bryan we need to talk” madiing sambit niya. “What are you doing here” mahinahong tanong ko. “I said we need to talk follow me in my office now” sambit niya pa. “Get out” banta ko sa babae ngunit tinaliman ako ng tingin ni Papa. The hell...Arghhh b*llsh*t.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD