—ANNA PEREZ POV—
Mabilis akong tumatakbo palabas ng bahay ng bastardong lalaking iyon ngunit napahinto ako at napatumba sa sahig ng biglang may kotseng mabilis na pumarada sa harapan ko.
Napahawak ako sa bandang dibdib ko dahil sa kaba at takot na nararamdaman ko.Hindi ko pa gustong mamatay dahil nais ko pang makita at makasama ang mga magulang ko.
Itiningala ko ang aking tingin ng biglang bumukas ang pintuan ng kotse.Lumabas dito ang isang may katandaang lalaki..“Ayos ka lang ba ija?” tanong niya sa akin.
Agad naman akong tumango at tumayo sa kinabagsakan ko.Napangiti naman siya sa akin “Pumasok ka muna” mahinahon pero may nakatagong inis sa kaniyang boses.
“Pero hin~” hindi ko nagawang ipagpatuloy ang mga sasabihin ko ng mabilis niyang hinawakan ang kamay ko ng mahigpit.Isang hawak na sobrang nakakatakot dahil sa lamig.
“Pumasok ka muna may pag uusapan lang tayo” saad niya ng mahinahon na ikinatango ko naman.
Pumasok akong muli sa bahay at bumungad sa harapan ko ang bastardong lalaki na kakababa lamang sa hagdan.
Bakas sa mukha niya ang pagkainis dahil nakita niya sigurong narito pa rin ako sa kaniyang bahay.Yumuko ako at hindi siya pinansin.
“WHAT ARE YOU DOING HERE I SAID GET OUT HINDI KABA NAKIKIN~” malakas na sigaw niya sa akin ngunit naputol ang mga salitang lumalabas sa bibig niya ng pumasok ang matandang lalaking bagong dating sa kaniyang bahay.
“Bryan we need to talk” madiing sambit ng matandang lalaki kay bryan.
Kitang kita ko sa mga mata ng bastardong lalaki na ito ang pagkatakot sa lalaking kaharap niya tila ba ang isang demonyong ito ay himalang naging isang maamong tupa.
“What are you doing here” mahinahong niya.Ibinaling ko naman ang tingin ko sa matandang lalaki na wala manlang makikitang emosyon sa kaniyang mukha.
“I said we need to talk follow me in my office now” sambit ng matandang lalaki na ngayon ay alam ko na kung sino siya sa buhay ng bastardong lalaki..Parehasna parehas sila ng mga mata kaya tiyak kong mag ama silang dalawa.
Matalim na ibinaling sa akin ng bastardong lalaki na si Bryan ang tingin niya.Isang marahas na tingin na animo'y mapapatay na ako nito.
“Get out” madiin pero mahinang utos niya..Peke naman niyang ginantihan ng ngiti ang ama niya ng marinig ang sinabi nito sa akin..“Pa susunod lang ako sa opisina niyo kung mapapalayas ko itong babae na ito” marahas niyang utos sa akin.
“No hindi siya aalis! Manang pakibantayan siya and Bryan follow me in my office NOW!” singhal at nakakatakot na utos ng kaniyang ama sa kaniya.
Mabilis naman siyang naglakad na sinundan ni Bryan papunta sa taas at sa isang kwarto.Hindi ko alam kung ano nga ba ang gagawin ko pero ang nais ko lang ngayon ay maka alis sa pamamahay ng bastardong lalaking iyon.
Nakabawi naman na ako sa magandang bagay na ginawa niya sa akin ang tinulungan niya ako na maka alis sa madilim at nakakatakot na lugar na iyon.Sa tingin ko nga sobra sobra pa ang masasakit na salitang ibinato niya sa akin.
“Anna ano ba ang tunay na nangyari at bakit sumama yata ang mood ni sir Bryan?” tanong ni Manang cora sa akin saka ako inabutan ng isang tasang malamig na tubig.
Ininom ko muna ito bago ako umupo sa isang mahaba at malambot na sofa dito sa sala.Ayos na ang pakiramdam ko ngayon pero hindi pa rin naaalis sa isipan ko ang mga ibinato niyang mga salita sa akin.
“Manang ano po ba ang meron sa pinta o gaano po ba kahalaga kay Sir Bryan ang pintang nasa lumang kwarto?” seryosong pagtatanong ko kay manang sandali naman siyang kumunot noo at tila iniisip kung ano ang bagay na sinasabi ko.
“Yun bang nasa kwarto sa dulo?” tanong niya pa sa akin na ikinatango ko naman ng mabilis sa kaniya.“Sobrang napahalaga iyon sa buhay ni Sir Bryan dahil sa pintang iyon sabay silang nangarap ng kapatid niya.Inilagay niya iyon sa kwartong yun para walang sino mang taong makagalaw dahil isa iyon sa i***********l niya” pagpapaliwanag niya na ikinatango ko.
“Ang laki rin naman niyang tanga” inis at singhal na bulong ko..
“Ano sabi mo ija” napailing naman ako ng ilang beses sa kaniya.
“W-wala po ang sabi ko kung ayaw niyang ipagalaw bakit niya inilagay sa kwartong iyon” sambit ko pa pero kumibit balikat lamang siya.
—????? ???????? ???—
Sinusundan ko sa bawat paglakad si Papa patungo sa kaniyang opisina.Ang ipinatataka ko ngayon ay bakit siya narito eh ang pakaka alam ko kasi may family reunion sila ngayon sa states.
Binuksan niya ang kaniyang opisina at umupo sa pinaka upuan niya habang ako naman walang ganang umupo sa kaharap niyang upuan.
“Pa bakit ka nandito?..Akala ko ba nasa states ka kasama mo ang pamilya mo?" tanong ko sa kaniya pero matalim lamang siyang tumingin sa akin.
“Biglaan akong napauwi dito dahil sa may kailangan akong pirmahan na dokumento sa opisina at ikaw pinaplano mo na naman ba na isa-isahing paalisin ang mga kasambahay dito sa bahay?” madiing tanong niya.
“Of course not..Wala akong masamang ginagawa para umalis sila dahil sila na mismo ang umaalis then yung babaeng nasa labas she's not maid here in my house” sambit ko sa kaniya.
“Kung hindi siya kasambahay ano mo siya? Don’t tell me nabuntis mo ang babae na iyon my god hindi papayag ang mama mo na basta basta ka nalang mag asawa” saad niya pa sa akin na biglaan kong ikinabuga ng hangin sa kawalan.
“What the f**k! Never yung babae na iyon hinding hindi ko mabubuntis dahil wala akong balak na patulan ang ganung babae” pasigaw na sagot ko na sa kaniya.
“Lower your voice dahil kaharap mo lang ang kausap mo” sambit niya na ikinatango ko..“Kung hindi mo siya kasambahay or gf or what i would like to talk her right now” madiing boses na utos niya sa akin.
“Tsk mas mabuting paalisin nalang natin siya baka kawala siya ng sendikato” sagot ko pa.
Tumayo siya sa kaniyang kinauupuan at binuksan ang pintuan.
Hindi ko na siya sinundan dahil tiyak kong tatawagin niya lang ang babaeng iyon..tsk kainis!
—
—
—
—????’? ????? ???—
Nagkkwentuhan kami ni Manang cora tungkol sa mag amang nasa taas..Batay rin sa nalaman ko magkaibang magkaiba ang pag uugali ni Mr.Robert kaysa kay Bryan na anak niya.
“May isa pa bang pamilya si Mr.Robert Manang?” tanong kong muli kay Manang ngunit umiling lamang siya.
“Wala na ngun~” naputol ang magiging sagot ni Manang ng may narinig akong sipol mula sa likuran ko..“Anna tinatawag” saad muli ni Manang saka may kung anong itinuro mula sa likuran ko..Napatingin naman ako at nakita ko si Mr.Robert habang ngiting tinatawag ako.
“B-bakit po?” takang tanong ko at tumayo sa kinauupuan ko.
“Mag usap tayo sundan mo ako” utos niya sa akin kaya naman napabaling ang tingin ko kay Manang Cora na tumango lamang sa akin.
Sinundan ko nga si Mr.Robert na paakyat sa hagdan at patungo sa isang kwartong opisina.Nakita ko naman si Bastardong lalaki na bumungad sa paningin ko matalim siyang nakatingin sa akin.
“I said get out” madiing singhal pa niya sa akin ngunit hindi ko siya pinansin.Nakatingin lamang ako kay Mr.Robert.
“Umupo ka ija” saka niya inilahad ng kamay ang upuan na katapat ni bryan ang pinaka lider ng bastardong lalaki sa buong mundo.Binabalak kong maupo sa itinuro niyang upuan ngunit iniharang ng lalaking ito ang dalawang paa niya.
“Ija ayaw mo bang umupo?” takang tanong ni Mr.Robert.
Ngumiti naman ng nakakaloko si Bryan sa akin na ikinainis ko sa kaniya.Tinignan ko ang paa niya at bahagya itong hinampas pero nananatili iyon sa upuan kaya naman nilakasan ko ang paghampas na ikinababa ng kaniyang mga paa.
“Oucchh” sambit niya na ikinakunot ng noo ng ama niya pero mabilis din akong umupo at sinamaan din ng tingin ang lalaking ito.
“May problema ba” tanong ni Mr.Robert sa kaniyang anak ngunit mabilis itong umiling at sinamaan ako ng tingin..“Btw ija ano ang pangalan mo?” tanong sa akin ni Mr.Robert.
“Ahh ehh Anna Perez po” sagot ko naman sa kaniya na ikinabuga ng hangin ng lalaking ito.
“Ang ganda ng pangalan pero ang ugali ang panget” singhal niya sa akin na ikinainis ko.
“Anong trabaho mo ija?” tanong pa sa akin ni Mr.Robert “Nag aaral kaba o hindi at tagasaan kaba?” sunod sunod niyang tanong sa akin.
“Ahh eh para hindi po kayo mahirapan magpapakilala nalang po ako” sagot ko naman na ikinatango niya.”Ako po si Anna Perez eighteen years old taga probinsiya po..Wala po akong trabaho at hindi na po ako nag aaral” pagpapakilala ko sa aking sarili.
“Probinsiya? Eh ano ang ginagawa mo dito sa manila?" tanong niyang muli sa akin.
“Ahh ehh long story po" sagot ko pa at malawak na ngumiti ng matamis sa kaniya.
“Kung bibigyan kita ng trabaho tatanggapin mo ba?” tanong niya sa akin na ikinabigla ko.
“Opo, naku!Sobrang salamat po p-pero ano pong trabaho?" tanong ko pa sa kaniya.
Tumingin naman siya sa kaniyang anak na si Bryan na ikinakunot ng noo ko.
“Fifteen thousand kada isang buwan libre ang kain at mga bagay na kailangan mo sa sarili mo, may sarili kang kwarto at ang trabaho mo lang ay ang maging personal maid ng anak ko” sagot niya na ikinatuwa at ikinalungkot ko.
“WHAT DID YOU SAY PA?SIYA MAGIGING PERSONAL MAID KO I DONT LIKE AT AYOKONG AYOKO” sigaw na singhal ko.
“Kahit na anong sabihin mo o pang aayaw mo desisyon ko ang masusunod dito dahil ako pa rin ang ama mo.Kung ayaw mo sige papayag ako pero sa isang desisyon tatanggalan kita ng kotse at sariling pera at higit sa lahat papaalisin kita sa bahay na ito” pagbabanta ni papa sa akin..
“Gagawin niyo talaga yan?” tanong pa ni Bryan sa kaniyang ama..“Edi sige papayag ako sa gusto niyo alisin niyo na lahat ipamana niyo na lahat sa magaling niyong anak na si Dave” nakatayo na sa upuan si Bryan habang nagsasalita.
“Ehh sir hahanap na lang ako ng ibang trabaho” pagsingit ko dahil baka tuluyan pang mag away ang dalawang ito sa harapan ko.
Kailangan ko talaga ng trabaho para mabuhay ako dito sa manila at makauwi ng may magandang buhay sa probinsiya.
Gagawin ko ang lahat upang mapadalhan ng pera ang mga magulang ko at titiyakin ko na babalik ako sa probinsiya namin na mayaman na ako at maiaahon ko na sila sa kahirapan.
“Bryan hindi kita pinalaki ng ganyan at kung nag aral kalang ng mabuti at hindi puro barkada ang ginawa mo edi sana mataas din ang posisyon mo ngayon sa kompan~” naputol ang sinasabi ni Mr.Robert ng malakas na sinipa ni Bryan ang upuan.
“Gawin niyo ang gusto niyo” madiing sagot ni bryan bago inis na lumabas sa opisina.
Napabuntong hininga naman si Mr.Robert at tila walang balak na sundan ang kaniyang anak.
“Hindi niyo po ba siya susundan?” tanong ko sa kaniya.
“Hindi na kailangan alam kong babalik siya dito dahil hindi niya rin kayang mabuhay na walang pera at walang mga bagay na gusto niya” ngiting sambit niya na ikinatango ko na lamang.
Grabe pala ang mag amang ito parang magkaibigan lamang kung magturingan.!
—????? ???????? ???—
Umaapoy ang ulo ko sa galit at inis sa babaeng iyon lalo na rin kay papa.Halatang halata naman na gustong gusto niya na akong tanggalan ng mana at mga pera na galing sa paghihirap niya,edi kung iyon ang gusto niya edi sige kanilang kanila na nila ang pera hindi ko sila kailangan para mabuhay ako dito sa mundo.
Inihagis ko ang susi ng aking kotse sa sofa dito sa sala.Ang ibang kasambahay na abala kanina sa paglilinis ay napatingin sa ginawa ko at umaapoy sa galit na mukha ko ngayon.
“Sir saan po kayo pupunta?” tanong ng isang kasambahay na dalaga.Huminto naman ako sa paglalakad palabas ng bahay at matalim siyang tinignan.
“Wala kang paki alam sa buhay ko stupid” singhal ko saka nag lakad muli.Napakunot naman ang kaniyang noo at tila nag tatanong kung ano ba ang nagawa ko para kainisan siya ngayon.
Hinabol ako ng ilang kasambahay para pigilang umalis pero hindi ko sila pinansin.Malapit na ako sa gate ng maalala ko ang mga credit card ko.Huminto ako sa paglalakad at kinuha ang pitaka mula sa aking pitaka.“Yan” sigaw ko saka inihagis ang pitaka sa loob ng bahay.
“Sir saan po kayo pupunta?” tanong naman sa akin ng mga security guard pero hindi ko lamang sila pinansin at inis na naglakad.
Lakad lang ako ng lakad hanggang sa makarating ako ng hallway.Tirik na tirik na ang araw kaya naman todo pawis na ako.
“Hello pare bakit?” bungad na tanong sa akin ni Carlo ang kaibigan ko.Tinawagan ko kasi siya at balak na hingian ng tulong.
“Ahh pare nandito kasi ako ngayon sa daan gusto ko lang tanungin kung may condo kaba na hindi ginagamit?” tanong ko sa kaniya.Narinig ko naman ang malakas na pagbuntong hininga niya sa kabilang linya.
“Naku! Wala pare alam mo kasi si Daddy ibenta yung condo ko at binigyan ako ng sarili kong bahay” sagot naman niya.Dahil sa inis ko pinatay ko na ang tawag.Sunod ko namang in-dial ang numero ng iba kong kaibigan na may kaya sa buhay.
“Hello dude naku dude mamaya ka nalang tumawag ha may family reunion kasi kami ngayon” nagmamadaling bungad na sagot niya..“Pasensyakana dude” sambit niyang muli pero hindi na ako nagsalita at pinatay iyon muli.
Sinubukan kong tawagan ang lahat ng kaibigan o kakilala ko ngunit wala manlang isang tao ang pumayag.Gutom na gutom at uhaw na uhaw na ako.Ipinasok ko ang kanang kamay ko sa bulsa ng pantalon ko ngunit may limang piso na lamang ako dito.
Punyeta?Ano naman ang mabibili ng limang piso ko..Tsk mabilis kong inihagis iyon at inis na naghanap ng restaurant upang makakain na..
“Good morning sir” pagbati ni Manong guard ng pumasok ako dito sa isang sikat at mayamang restaurant.Masungit ko lamang siyang indedma at dumiretso sa pagpasok.
“Hi sir ano po ang order niyo” tanong ng isang waiter sa akin na babae...“Meron po kami ditong mga spec~” pinutol ko ang mga sasabihin niya.
“Wala akong paki kung special ba yan o hindi bigyan mo na ako ng pagkain dahil gutom na gutom na ako” galit kong sigaw sa kaniya dahilan para mapa tingin sa amin ang ibang customer nila..“Anong tinitingin tingin niyo jan” singhal ko sa mga tao.
“Sige po sir”
Naghintay ako ng ilang minuto bago dumating ang inorder kong pagkain.
Nang dumating na ito ay nilantakan ko na kaagad dahil na rin sa kagutuman na nararamdaman ko.
Hindi ko kayang mabuhay ng walang pera dahil sa totoo lang sanay na ako sa marangyang buhay.
Yung tipo na pupunta ka nalang sa harap ng refrigarator at naroon na ang mga pagkain ng hindi ko manlang kailangan maghintay.
Napatigil ako sa pagnguya ng biglang may isang babaeng nasa harapan ko.Tumingala ako ng tingin at nakita ko dito ang waiter na may hawak na papel.
“Three hundred seventy sir” ngiting sambit niya na ikinangiwi ko.Ito ang pinaka ayaw ko sa lahat eh ang iniistorbo ang pagkain ko.Tsk.“Im sorry sir pero pag malapit ng matapos ang isang customer kailangan na po namin siyang hingian ng bayad” sambit niya pa..
Pabagsak kong binitawan ang kutsarang hawak ko na naglikha ng isang maingay na tunog dito sa loob ng restaurant.
“Hindi mo ba nakikita ineenjoy ko pa lang ang pagkain ko” madiing singhal ko sa kaniya ngunit napayuko lamang siya.
“Im sorry sir pero utos po iyan ng manager namin” sagot niya pa na mas lalong ikinainit ng ulo ko.
Pabagsak akong tumayo sa upuan ko.Lahat ng mata ng narito sa loob ay nasa akin na.
“Tawagin mo ang manager mo” utos ko sa kaniya.Napailing iling lamang siya.“Ang sabi ko tawagin mo ang manager mo” pag uulit na sambit ko kaya naman mabilis siyang tumakbo papasok sa isang kwarto.
Bumalik ang babae na may kasamang mas matandang lalaki sa kaniya.“Any problem sir?" tanong sa akin ng manager na sinasabi niya.
Hinila ko ang damit niya palapit sa akin.“Ikaw manager ka lang pero anlakas mong mag utos na kumuha ng bayad habang hindi pa tapos kumain" singhal ko sa kaniya.
Marahas niya namang inalis ang kamay ko sa kaniyang damit.May tatlong lalaking pumasok dito sa kinaroroonan ko.“Ako ang Manager at ako din ang nagmamay ari ng restaurant na ito kaya ano mang rules ko ay siyang masusunod” sambit niya na ikinaloka kong ikinangiti.
“Tsk sayong sayo na ang restaurant mo”
Ibinagsak ko ang pagkain at akmang aalis na ngunit hinawakan ako ng tatlong lalaki na tila tauhan niya.“Hindi kaba magbabayad sa kinain mo at ang lakas ng loob mo ha para magyabang” singhal ng nagmamay ari ng restaurant na ito.
“Bakit ako magbabayad?” pang aasar na tanong ko saka agad na lumabas pero nahuli ako ng isang mataas na lalaki at inakmahan ng suntok sa tiyan at sa mukha.
“Sige bigyan niyo yan ng aral” utos ng lalaki sa mga tauhan niya.Sunod sunod ang mga suntok na ibinigay nila sa akin.“Ilugar mo yang kayabangan mo ha” sigaw niya bago ako pinabitawan.
Nanghihina ang katawan ko dahil sa dinami daming suntok na ginawa ng tatlong lalaking ito sa akin.Sinubukan kong labanan ang pagkasakit ng ulo ko pero kusa nang bumagsak ang katawan ko sa sahig.