Chapter 5

3662 Words
-Anna Perez Pov- "Sir wala po ba talaga kayong balak na tawagan si Bryan eh kasi po baka mapahamak yun kasi wala po siyang dalang kotse at sabi niyo po hindi po siya sanay na maglakad" hiyang sambit ko kay Mr.Robert na abala sa paghahanap ng dokumento sa kaniyang papeles na nasa harapan niya. Hindi pa rin ako umaalis sa kinauupuan ko dito sa loob ng kaniyang opisina ngunit sinabi ni Manang Cora na inis daw na umalis ng bahay si Bryan na walang dalang kahit na anong pera o sasakyan patungo kung saan.Nalaman ko rin na hindi niya sanay ang maglakad kaya tiyak ko naman na baka mapahamak siya sa lakad niya. "Wag kang mag alala alam kong babalik at babalik siya at handa niyang sundin ang utos ko kahit na labag pa sa loob niya" sambit niya na ikinatango ko na lamang pero nag aalala talaga ako.Kahit naman anong inis mo sa tao o hindi mo siya kaano ano kakabahan ka lalo na at sanay siya sa marangyang buhay,paano nalang kung mamatay siya dahil sa paglalakad niya.. Napatampal ako sa aking sarili dahil kung ano ano na namang kalokohan ang naiisip ko.Pero what if lang naman ha kasi ganun naman talaga eh yung ibang mayayaman hindi sila sanay sa paglalakad halos ikamatay na nga ng iba kung matubuan sila ng pimples sa mukha diba?! Pinapanood ko lamang si Sir Robert sa ginagawa niyang paghahanap ng nawawala daw na dokumento tungkol sa isang mahalagang bagay sa buhay niya na kompanya ang nakasa alalay. Napatigil siya sa pagbabasa gayundin ako sa panonood sa kaniya ng sunod sunod na katok ang narinig namin mula sa pintuan.."Come in" sagot ni Sir Robert at bumukas ang pintuan bumungad dito ang isang kasambahay hawak ang telepono.."Ano yun?" tanong pa ni Sir Robert sa kaniya lumapit naman ang babae sa kaniya. "May gusto pong kumausap sa inyo" sabay lahad ng babaeng kasambahay ang telepono sa harap ni Sir Robert.Kumunot naman ang noo niya. "Sino?" "Isang pulis daw po at nais niya kayong kausapin tungkol kay Sir Bryan" sagot pa niya.Umiling naman si Sir Robert at inilayo ang telepono.."Bakit po ayaw niyong sagutin baka importante po ang sasabihin niya" saad pa ng babae. "Hayy naku sanay na rin ako sa mga ganyan.Sa tuwing may pulis na tumatawag ay may ginawang kalokohan si Bryan at kinakausap lamang nila ako para ilabas ko si bryan sa kulungan.."Patayin mo na yan at bumalik kana sa trabaho mo" utos ni Sir Robert sa babae. Mabilis naman siyang tumango pero kinuha ko ang telepono at itinutok iyon sa aking tainga.."Hello po bakit po?" bungad na pagtatanong ko. "Kayo po ba ang ina ni Bryan?" tanong sa akin ng pulis sa kabilang linya.Napabuga naman ako ng hangin.Matanda na ba ang boses ko para pagkamalan niyang ako ang ina ni Bryan. "Hindi po pero girlfriend niya po ako" sagot ko na may kasamang ngiti.Ibinaling ko naman ang tingin ko kay Sir Robert at sa isang kasambahay na tila nagulat sa sinabi ko.Pero maniwala kayo sa akin pawang kasinungalingan lamang po ito. "Ahh ganun ba..Napatawag lamang po ako sa inyo para sabihin na si Bryan ay narito sa ospital ngayon.Natagpuan siya ng dalawang tao sa isang harap restaurant na walang malay" sagot ni Manong pulis na ikinatakip ko sa bibig ko.. "Bakit ija anong nangyari?" tanong ni Sir Robert sa akin pero hindi ko muna siya sinagot. "Bakit po? Ano pong nangyari sa boyfriend ko at saan pong ospital iyan?" tanong ko kay Manong pulis bago tumingin kay Sir Robert na bumabakas na rin sa kaniya ang pagtataka at kaba sa mukha niyang nakatitig sa akin na pinapakinggan ang usapan namin ni Manong pulis. Ilang sandali ang nakalipas sinabi ni Manong pulis kung saang ospital naroroon si Bryan este sir bryan dahil magiging boss ko naman na siya diba?! "Sir tara na po nanganganib po ang buhay ni Sir Bryan" sagot ko at ibinaba ang telepono sa lamesa. "Ha anong ibig mong sabihin ija anong nangyari sa kaniya nasa kulungan ba siya?" tanong niya sa akin.Bahagya akong umiling. Pinilit ko siyang magtungo sa lugar na sinabi ni Manong pulis kaya naman ngayon ay narito na kami sa baba. Napilit ko lang naman siya dahil anak niya rin naman ang nasa ospital at gaya ng iba kailangan ng isang anak ang magulang para tuluyan siyang makabangon sa hirap at sakit na pinagdaraanan kagaya ko. Kailangan ako ng kapatid ko dahil may sakit siyang hirap na iwasan ngunit ang ginawa ko ay iniwan siya ng wala manlang sapat na oras na paalam. Nakarating kami sa ospital sinalubong ako ng isang pulis na kausap ko kanina sa telepono.Mabuti naman ang mga pananalita niya habang naglalakad kami binalak kong tanungin kung ano nga ba ang nangyari. "Mamang pulis ano po ba ang nangyari kay Sir Bryan?" tanong ko sa kaniya habang patuloy pa rin sa paglalakad. "May dalawang tao ang nagpunta sa presinto at sinabi na naabutan nila iyan sa harap ng restaurant na bugbog sarado.Kumain daw kasi siya dun na walang dalang pera at andami niya pang inorder kaya nabigyan siya ng aral ng may ari" pagpapaliwanag niya."Pasensya na kayo Sir hindi ko naprotektahan ang anak niyo" hinging patawad niya pa kay Sir Robert. "Magaling na ba siya" tanong ni Mr.Robert na agad ikinatango naman ni Mamang pulis."Mali ang ginawa niyo sana naman nung nagamot niyo na siya dinala niyo na sa kulungan para mabigyan ng pananagutan dahil maling mali talaga ang ginawa niya" sambit pa ni Mr.Robert na ikinakunot noo ko. Nakarating kami sa kwarto na kung nasaan si Sir Bryan.Puno naman ng pag uusap ang dalawa na sina Mamang pulis at Mr.Robert na sana daw ay maikulong si Sir Bryan para mapanagutan niya ang kasalanang nagawa niya. Binuksan ko ang pintuan at bumungad sa akin o sa amin ang mukha ni Bryan.Bugbog sarado ang mukha niya na tila ba kawawang kawawa. "Ohh buti naman at yan lang ang napala mo" bungad ni sir robert sa kaniyang anak narinig ko naman ang pagsinghal ni Sir Bryan..Hindi nagsalita si Sir Bryan. Kumaway naman ako sa kaniya ng dumako ang tingin niya sa akin pero isang matalim na ganting tingin lang ang isinukli niya.Nabugbog na nga hindi pa rin nagbabago. "Pagkatapos mong magpagaling dito ng isang araw sa ospital sa kulungan na ang babagsakan mo" singhal ni Sir Robert kay Sir Bryan. "What?" "Anong what?What? Kasalanan mo rin kung bakit ka binugbog at kailangan mong maikulong dahil may sala ka rin" singhal pa ng kaniyang ama. "No ayoko sa jail pa please ayoko dun hindi ba kayo naaawa sa akin" pagmamakaawang usal ni Sir Bryan sa kaniyang ama."Please pa ayoko dun hindi ako nababagay dun.Gagawin ko lahat ng gusto mo susundin ko kahit labag sa kalooban ko basta ayoko dun pa please" parang batang nanghihingi ng limang pagmamakaawa niya. "Hindi kita tuluyang ipapasok sa jail kung papayag ka na si Anna ang magiging personal maid mo at wala kang karapatan na alisin siya sa trabaho dahil ako ang magpapasweldo sa kaniya" sagot ni Sir Robert.Napahanga naman ako sa kaniya dahil sa taglay niyang katalinuhan. Masamang tumingin sa akin si Sir Bryan at tinignan ako mula ulo hanggang paa. "I will" sagot ni Sir Bryan na ikinangiti ko.Pero may halong inis at pilit sa pagsagot niya pero okay na din. Isang daan para pumayag si Sir Bryan ay ang tinakot siya ng kaniyang ama.Sabi nga nila kung matalino man ang matsing naiisahan rin. -Bryan Gonzales Pov- Wala akong ibang nagawa kundi ang pumayag sa kagustuhan ni Papa kahit labag pa sa kalooban ko pero nakakainis talaga ang babae na iyon.Dahil unang una sa lahat siya yung malas sa buhay ko sana nga hindi ko na siya tinulungan at dinala sa bahay sana hinayaan ko nalang siyang mapahamak sa madilim na lugar na iyon. Nandito pa rin ako ngayon sa ospital kung saan daw ako dinala ng dalawang lalaking nakakita sa akin.Sinabi ni Manong pulis na mga tricycle driver daw ang tumulong sa akin.Nasa labas naman si Papa habang kinakausap ang pulis na iatras na ang kasong isasampa sa akin tungkol sa panggugulo ko sa restaurant. "Nagugutom ka pa rin ba?" napataas naman agad ang kilay ko ng marinig ko ang boses ng kinaiinisan kong babae.Nakaupo siya ngayon sa maliit na upuan sa bandang kanan ko habang nakatingin sa akin ng seryoso. Hindi ko lamang siya sinagot dahil wala akong balak makipag usap sa babaeng ito nakaka walang gana.Napangiti naman ako ng tuluyan ng nakaisip ako ng kalokohan.Pinagmasdan kong mabuti ang babaeng nasa harapan ko mukha naman siyang uto-uto kaya madali lang itong saktan at siya na rin ang tuluyang aalis sa trabaho niya sa akin. "Okay na..Makakalabas kana jan wala namang nabaling buto sayo" bungad na pananalita ni Papa.Hawak tiyan akong umupo sa kama at bababa na sana kaso lang biglang lumapit si Anna at hinawakan ang kanang kamay ko.."I dont need your f*****g help" sigaw ko saka marahas na hinawi ang kamay ko sa kaniya. "Baka kasi mabinat ka eh baka sumakit bigla yang katawan na nabugbog sayo" mahinahon naman niyang usal na ikinainis ko na lamang.Tinignan naman ako ni papa ng masama na tila ba nagbabanta.Umirap na lang ako sa hangin ng umiwas siya ng tingin. "Kaya ko ang sarili ko hindi ko kailangan ang tulong mo baka darating ang oras na singilin mo ako" bulong na singhal ko sa kaniya.Yumuko naman siya pero wala pa rin akong paki kahit umiyak pa siya sa harapan ko.Tsk napaka arte at napaka drama. Tuluyan kaming nakalabas ng kwarto.Binayaran muna ni Papa ang bill sa nurse.Sumakay kami sa kotse na si Manong ang nagmamaneho katabi ko si Anna dito sa likod habang si Papa katabi niya ang driver. "Sir Pwede po ba tayong dumaan sa paradahan ng mga tricycle" sambit ni Anna na ikinasinghal ko.Ano na naman kaya ang balak niyang gawin dun. "No, gusto ko nang umuwi at magpahinga" singhal na sagot ko at humarap ng tingin kay Anna.Ibinaling naman ang tingin ko kay Papa na ngayon ay nakikinig lamang. "May gusto lang akong gawin at sabihin sa taong tumulong sayo" sambit pa niya tsk ano ba ang gusto niya ang pakiusapan ang dalawang taong tumulong sa akin na hingian ako ng pera dahil sa pagtulong nila.Nakakairita na ang babaeng ito wala siyang ibang ginawa kundi ang inisin ako sa simpleng salita lang niya. "Anong gusto mo mangyari pumunta sa paradahan ng tricycle at hanapin ang dalawang taong tumulong sa akin para sabihin na hingian ako ng pera dahil sa pagtulong nila sa akin?!Ganun ba? Oh sige bibigyan kita ng pera sabihin mo lang kung magkan~" naputol ang sasabihin ko ng malakas siyang bumuga ng hangin. "Hindi yun ang gusto kong mangyari kung sayo pera ang habol ng mga taong tumutulong sa akin hindi.Kailangan personalang pasasalamat ikaw kasi napakayabang mo feeling mo lahat magagawa mong bayaran" panunumbat niya na ikinainis ko lalo.Malakas kong pinalo ang likod ng kinauupuan ni Manong na ikinahinto naman niya ng kotse sa isang tabi. "Ano?Ako pa itong mayabang ngayon ikaw nga jan ang naguutos na kung pwede pumunta sa paradahan eh kung ikaw nalang kaya ang pumunta dun ng mag isa hindi yung sasakay kapa dito at sasama pa kami minsan gamitin mo rin utak mo" sabay turo sa ulo niya.Nakita ko naman na nagdilim ang mata niya."Oh ano iiyak kana ba" pang aasar ko pa sa kaniya ng makitang namumula na ang mga mata niya. Umiwas naman siya ng tingin at idinako ang mga mata sa labas bago muling ibinaling ang tingin sa akin.Tsk bulok ang style ng babaeng ito.Napasinghalako at hinihintay ang magiging sagot niya.Kung patalasan lang ng dila baka matalo siya dahil sanay na akong makipagsamaan at makipagbalikan ng nakakamatay na salita. "Bakit ako iiyak? Hindi ko kailangang umiyak para pakinggan mo lang kung anong sasabihin ko.At hindi ako nag uutos nakikisuyo lang ako na kung PWEDE pumunta o dumaan tayo sa paradahan ng tricycle" garagal ang boses na pagsagot niya sa akin. "Wag na kayong mag away jan idaan niyo muna ako sa may opisina at ikaw Bryan samahan mo si Anna sa pupuntahan niya" madiing utos ni papa na ikinamura ko na naman sa isip ko.Bakit kung ang babae na ito ang nag utos agad agad na nasusunod.Sinamaan ko ng tingin si Anna pero isang matamis na ngiti lamang ang iginanti niya. Umandar muli ang kotse gaya din ng sabi ni Papa idaan namin siya sa opisina niya.May mga kailangan lang daw siyang pirmahan na papeles pero babalik din siya sa bahay at magsstay siya ng ilang araw sa bahay na lalong ikinainit ng ulo ko.Kung mag sstay siya dito ng matagal baka mamatay ako dahil sa babaeng ito. "Bumaba kana" malamig na utos ko kay Anna.Tumingin naman siya sa akin na tila ba nagtatanong kung tama ba ang sinasabi ko.Nilakihan ko siya ng mata."Ang sabi ko bumaba kana" singhal ko pa sa kaniya. "Bakit? Diba sabi ni Sir Robert sasamahan mo ako sa pupuntahan ko?" sambit pa niya sa akin ngunit ngumiti lang ako ng nakakaloko sa kaniya. "In your dreams wala akong balak na sundin ang katulad mo bababa kaba o sisipain kita palabas" pagbabanta ko pa sa kaniya.May halong inis ang bawat pagngiti na pinapakawalan ko sa kaniya. Sapilitan siyang bumaba ng kotse.Mabilis ko namang isinarado ang pintuan ng kotse napatigil naman ako sa pagngiti ng nakatingin sa akin si Manong driver.."Ano tini-tingin tingin mo jan?" singhal na pagtatanong ko sa kaniya umiling lamang siya.."Tara na sa bahay" anyaya ko pa sa kaniya. "Paano po si Anna baka po mapahamak siya hindi niya po yata alam ang paikot ikot dito sa manila" sagot niya naman.Tumingin ako sa bintana nakita ko naman si Anna na nasa di kalayuan dito sa kinaroroonan namin nakatingin lamang siya sa mga kotseng nagdaraan..Sa totoo lang wala akong paki kung maligaw siya yun nga ang gusto ko ang mawala siya sa buhay ko dahil sobra talaga siyang nakakainis. Habang nagmamaneho si Manong iniisip ko kung ano ang maaari kong gawin kong makabalik si Anna sa mansion mamaya para mapalayas siya sa trabaho na siya na rin mismo ang susuko at hindi ko na siya kailanganin pang paalisin..Handa akong gawin ang lahat para lamang mapa alis siya. Nang makarating ako sa bahay dumiretso ako sa kwarto ko.Nagpakuha ako kay Manang ng meryenda dahil naudlot ang pagkain ko kanina dahil sa bwesit na manager na iyon. Hawak hawak ko ang remote control ng computer na pinaglalaruan ko ng Dota.Napatingin ako sa pintuan ng bumukas ito at ibinungad dito si Manang may dala siyang sandwich at juice.Mabilis kong binitawan ang hawak ko at kinuha iyon mula sa kamay niya. "Naku ijo mukhang gutom na gutom ka yata ha! Saan ka nga ba galing? at nasaan sina Anna ang alam ko kasi sinundan ka niya siya pa naman din yung nag pipilit sa papa mo na puntahan ka" sambit ni Manang napatigil naman ako sa pagnguya ng sandwich dahil sa sinabi niya. "Ano po si Anna po?" pagsisigurado ko pang pagtatanong sa kaniya.Ngiti naman siyang tumango sa akin.Hindi ko alam kung ano nga ba ang dapat na mararamdaman ko kung matutuwa ba ako o lalong maiinis. Pinilit kong wag matuwa sa sinabi ni Manang Cora ipinag patuloy ko ang pagkain ko.Pagkatapos naglaro na ako ng dota.Napailing iling ako at hinimas ang batok ko dahil hanggang ngayon masakit pa rin ang ulo ko at ang mukha ko na may pasa sa bandang labi dahil sa ginawa ng mga bwesit na lalaking iyon. Nanatili ako dito sa aking kwarto ng isang oras.Nang hindi na ako masaya sa paglalaro ko binalak kong bumaba at mag tungo sa bar para uminom ng alak na paborito ko duon.Agad akong naligo at nagbihis.Pababa na ako sa hagdan ng bumungad naman sa harapan ko si Papa na sobrang nagpakaba sa akin. "Saan ka na naman pupunta at nasaan si Anna kanina ko pa siya hinahanap at gustong maka usap" sambit niya.Napailing iling naman ako at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kaniya "Ha eh h-hindi ko po alam pa baka nasa tabi tabi lang jan" sagot ko naman sa kaniya saka itinuro sa labas.Naglakad si Papa palabas ng bahay at lumapit kay Manong Driver....Paktay! Tumakbo ako palapit sa kanila at naaktuhan si Manong na nag sasalita na."Si Anna po ba Sir? Naku naiwan po dun sa daan kanina kasi po si Sir Bry~" naputol ang salitang sinasabi niya ng malakas akong tumighim at nilakihan siya ng mga mata. Napatingin naman agad sa akin si Papa na pekeng ikinangiti ko."Anong tungkol kay Bryan at anong naiwan?" sunod na tanong ni Papa.Gusto kong bawalin si Manong sa anu mang pagsusumbong na gagawin niya kaso nga lang nasa akin nakatutok ang mga mata ni Papa."Sabihin niyo sa akin ang totoo kung ayaw niyong malagot kayo sa akin" singhal na pananakot pa sa amin ni Papa. "Ahh Sir si Sir Bryan po kasi pilit na ibinaba si Anna dun sa daan eh kawawang kawawa nga po si Anna dahil hindi pa naman niya alam ang paikot ikot dito sa manila" sagot pa ni Manong na ikinainis ko.Nainis naman si Papa at sinamaan ako ng tingin. "Bryan anong pinagsasabi niya at totoo ba na iniwan mo si Anna sa daan? Paano kung mapahamak yun ha" galit na sumbat sa akin ni papa.Napahimas ako sa batok ko at nilakihan ng mata si Manong na ngayon ay umalis na sa harapan namin."Diba ang sabi ko samahan mo si Anna sa pupuntahan niya" galit niya pang pahabol. Isinuksok ko ang magkabila kong kamay at napahinga ng malalim.."Pa siya kasi yung nagpumilit na bumaba eh kaya wala akong nagawa kundi ang iwan siya dun..Nasa tamang edad naman na po siya kaya niya na ang sarili niya" walang ganang sagot ko. "Hindi pwede yun..Pumunta ka dun sa lugar na pinag iwanan mo sa kaniya at hanapin siya wag na wag kang uuwi dito hangga't hindi siya kasama" banta pa niya at tumalikod na sa akin. "Pero pa baka nakaalis na yun duon" pahabol na sagot ko dahilan para huminto siya sa paglalakad papasok at balingan ako ng tingin. "Pwes hanapin mo kung nasaan siya..." sagot niya bago tuluyang pumasok sa bahay...Malakas ko namang sinipa ang gulong ng kotse ni Papa saka inis na naglakad papunta sa kotse ko para sunduin ang babaeng iyon. Mabilis ang pagmamaneho ko pero wala akong paki kahit na maaksidente ako ngayon ang kinaiinisan ko lang talaga ay ang babaeng iyon.Tumitingin ako sa kanan at kaliwang bahagi ng daan para hagilapin ang napaka panget na babaeng iyon..Bumaba ako sa kotse ng makarating ako dito sa paradahan ng mga tricycle. "What the f**k" bulong na singhal ko ng marinig ang napaka ingay na tunog ng mga tricycle at ang mababaho netong usok.Nakatakip ako ng ilong habang naglalakad. "Sasakay kaba?" anyaya naman sa akin ng isang driver pero inis ko lang itong nilagpasan.Anong akala niya sa akin cheap para sumakay sa napakapanget at bulok niyang sasakyan..Never as in Never talaga akong sasakay ng mga pambublikong sasakyan Nakarating ako sa pinaka dulo ng paradahan ngunit kahit anino ng babaeng yun hindi ko nakita.. Saang lupalop naman siya nag susuot at napakahirap hanapin. What if umuwi nalang ako at sabihin kay Papa na umuwi na ng probinsiya yung Anna na iyon. Tama,kaagad akong naglakad pabalik sa kotse ko ng may bahid na ngiti.."Bryan Bryan" rinig kong sigaw ng kung sino man.Napatingin ako sa paligid ng makita ko ang mukha ng kinaiinisan kong tao. What the hell is she doing? Kunot noo akong tumitig kay Anna na ngayon ay may sunong sunong na bilao na may laman na hindi ko alam kung ano yun.Hinintay ko siyang makalapit sa akin at todo takip ako ng ilong ng nasa harapan ko na siya.."Ano iyan balak mo ba akong patayin dahil sa amoy na yan?" galit na pagtatanong ko na ikinatawa niya naman.Napataas ang kanang kilay ko dahil wala namang nakakatawa sa sinabi ko. "Ikaw talaga Sir napaka arte mo tinapa po ito tinulungan ko lang si Ate na magtinda dahil sabi niya bibigyan niya ako ng pera at balak ko sanang gamitin na pamasahe pabalik sa bahay mo pero nandito ka pala sinusundo mo ako" ngiting tagumpay na sagot niya sa akin. "Hindi kita sinusundo inutusan lang ako ni Papa dahil may mahalaga daw kayong pag uusapan and please lang ha ilayo mo nga sa akin yan" inis na sambit ko pa.Nakita ko naman siyang tumango at naglakad patungo sa isang babae. "Ayos na tara na uuwi na tayo" bungad na ani niya ng makalapit ulit sa akin."Ohh bakit ganyan ang tingin mo sa akin? Nagagandahan kaba?" nakakainis na pagtatanong niya napailing naman ako at tinanggal ang kamay sa ilong ko. "No,tinitiyak ko lang kung naka alis na ba ang malansang amoy pero amoy mo rin pala yun at ano?Maganda ikaw? no you're not pretty" sagot ko at naunang naglakad pabalik sa kotse. Aminin ko man o hindi maganda naman talaga siya kung naka ayos.Mas gumaganda nga siya pag ngumingiti pero hindi naman siya swerte para sabihin ko yun sa kaniya baka mamaya isipin niyang gusto ko siya..Tsk "Ano nga pala ang sabi ni Sir Robert ano daw yung pag uusapan namin?" tanong niya ng makapasok siya sa kotse pero sa likuran siya dahil ayoko siyang makatabi..Binuhay ko ang makina ng sasakyan bago siya sinagot. "I don't know at wala akong balak alamin yun" masungit na sagot ko at pinatakbo na ng mabilis ang kotse.Narinig ko naman ang malakas na pag buntong hininga niya na ikinakunot ng aking noo. "Alam mo napakasungit mo tapos napaka arte mo pa alam mo sa ugali mo walang mag tatagal sayo" sambit niya.Malakas kong impreno ang kotse at binalingan siya ng tingin. "Alam mo kung ako sayo wag mo pakielamanan ang buhay ko at anong paki ko kung walang mag tatagal sa akin sanay naman na akong mag isa at hindi ko kailangan ng taong mag sstay sa ugaling meron ako" sagot ko at marahas na pinaandar muli ang sasakyan. Sa totoo lang kumukulo talaga ang dugo ko sa babaeng ito dahil wala siyang ibang ginawa kundi ang mangi alam ng buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD