Chapter 6

4569 Words
—Anna Perez Pov— Napakibit balikat na lamang ako at hindi ko na nagawang sumagot pa kay Sir Bryan baka mag away na naman kami dito sa kotse at iwan na naman niya ako kung saan.Hasyt akala ko talaga hindi na ako makakabalik sa mansyon niya dahil sa pag iwan niya sa akin pero heto siya ngayon sinusundo ako. Nagtagal ako ng ilang oras sa paradahan ng tricycle dahil hindi ko alam ang daan pabalik at kung lumayo pa ako duon baka tuluyan na akong mapadpad sa ibang lugar.Nakapagpasalamat na rin ako sa dalawang taong tumulong sa kaniya. Nakarating na kami dito sa bahay nagmamadali niya akong pinababa na siya namang sinunod ko.Tumakbo ako papasok sa loob ng bahay pero napapatakip ng ilong ang ilang kasambahay pag dumaraan ako sa harapan nila. “Naku ija nariya~” hindi natuloy ni Manang ang sasabihin niya ng tuluyan na akong makalapit.Gaya rin ng iba napatakip rin siya sa ilong niya dahil sa sobrang baho ko na siguro.“Bakit ganyan ang amoy mo?” tanong niya sa akin.Dumiretso ako sa sala at kumuha ng isang basong tubig. “Sa paradahan po ng motor..Nag tagal po ako ng ilang oras dun dahil hindi ko alam ang pabalik dito” sagot ko pagkatapos kong uminom..“Si Sir Bryan kasi hindi ko alam kung bakit biglaan niya akong inis na pinababa sa kotse kanina eh gayong wala naman akong ginagawang masama” sambit ko pa sa kaniya. Binitawan niya na ang damit na itinatakip niya sa kaniyang ilong at tuluyang lumapit sa akin may kung ano sana siyang nais na ibulong at sabihin kaso nga lang~ “Anna pumunta ka daw sa opisina ni Mr.Robert nais ka niyang makausap” bungad naman ng isang kasambahay na ikinatango ko.Naglakad agad ako papunta dun sa kaniyang opisina.Pagpasok ko umasim ang mukha ni Mr.Robert at inaamoy ang kaniyang sarili. “Ahhh sir ako po yun hehehe pasensya na po tinulungan ko po kasi yung isang ale kanina na mag tinda ng tinapa” hiyang sagot ko na malawak naman niyang ikinangiti. “Umupo ka ija” sabay lahad ng upuan na kaharap niya.Ngumiti naman ako at umupo kaagad..“Ako na ang humihingi ng pasensya sa ginawa ni Bryan sayo” sambit niya pa sa akin. “Wala po yun Sir ano nga po pala ang pag uusapan natin?” takang pagtatanong ko pa sa kaniya.May kung anong isang papel naman siyang kinuha sa drawer.Iniabot niya ito sa akin na agad ko namang kinuha..“Ano po ito” takang tanong ko pero ngumiti lang siya at insenyas na tignan ko na lamang kung ano ang meron. Binasa ko ang laman ng papel na sobrang nagpasaya sa puso ko.Gusto ko na nga ring tumalon dahil sa tuwang nararamdaman ko..“Sir totoo po ba ito hindi po ba ako nananaginip?” tanong ko pa sa kaniya. “Totoong totoo iyan ija at hindi ito panaginip naka enroll kana sa University kung saan nag aaral si Bryan at sinadya ko sa principal na classmate mo siya para mabantayan mong mabuti gusto ko gawin mo ang trabaho mo sa labas man o sa loob ng bahay” pagpapaliwanag niya na ikinatango ko ng mabilis. “Opo gagawin ko po..Napakalaking salamat at tulong po nito para sa akin sobra po..Napakabait niyo po akalain niyo yun may trabaho na nga ako libre pa ang pag aaral ko” tuwang tuwa na usal ko at mahigpit na niyakap ang certification of enrollment ko. “Yan lang ang gusto kong ipaalam sayo bukas na bukas rin ang simula ng first class niyo at gusto ko na ayusin mo ang trabaho at pag aaral mo” sambit niya pa na ikinatango ko ulit..“Oh sige maaari kanang lumabas mag linis ka na ng katawan mo at matulog na” utos niya pa. Yakap yakap ko ng mahigpit ang papel palabas ng opisina ni Sir Robert.Sinalubong naman ako ni Manang Cora sa sala at nagtataka sa hawak ko..“Bakit iyan?" tanong niya sabay turo ng hawak ko. “Binigyan po ako ni Sir Robert ng chance na makapagtapos ng pag aaral” ngiting sagot ko.Kinuha naman niya ang papel at napasigaw ng malakas na ikinatingin ng ibang kasambahay. “Naku ija makakapag aral kana ingatan mo ha umayos ka sa trabaho at pag aaral mo” bilin niya..“Siya nga pala saan tungkol sa sinabi mo may ihahabilin lang sana ako” bulong niya at ibinigay na ang papel. “Ano po iyon?” tanong ko sa kaniya.Hinila niya ako sa walang ibang tao kundi kami lamang dalawa. “Diba't sabi mo iniwan ka ni Sir Bryan sa daan ng wala namang dahilan.Mag iingat ka dahil iyon ang ginagawa niya nun sa ibang kasambahay ang pinapahirapan ang mga tao para sila na mismo ang kusang sumuko” sambit na bulong niya sa akin.“Hindi hiya o kahinaan ang dapat mong gawin dahil kailangan mo dito ay ang katapangan” madiing bulong niya. Pagkatapos niyang sabihin iyon dumiretso na ako dito sa banyo pero hindi pa rin nawawala sa isip ko ang puntong makakabalik na ako sa pag aaral ng walang perang gagastusin.Napatigil ako sa pagsshampoo ng buhok ko ng maalala ang mga sinabi ni Manang Cora tungkol sa gawain ni Bryan ang pinapahirapan ang ibang kasambahay. Napangiti ako at napatango..Hindi ko siya aatrasan kung gaguhan lang naman sige lang lalaban ako pero hindi niya ako mapapasuko at mapapa alis sa trabaho. Ilang minuto na ako dito sa banyo pero hindi pa rin ako natatapos maligo kasi naman sobrang dumi pala ng katawan ko.Napatingin ako sa taas hindi ganito ang ordinaryong paliguan namin sa probinsiya dito kasi sa pinagliliguan ko ngayon ay isang mamahaling banyo at isang shower na naglalabas ng maligamgam na tubig.Maganda din ang disenyo nito. Sabon dito at sabon dun ang ginagawa ko sa katawan ko kuskos sa kilikili habang sinasabayan ko ng pagkanta ang ginagawa kong pagsasabon sa katawan ko.Alas kwatro pa lang naman ng hapon kaya maaari pa akong magstay dito ng mga ilang oras para tuluyan naman akong maging mabango. Napatigil ako sa pagsasabon at dali dali kong kinuha ang tuwalya na itinapis sa aking katawan ng makita ko sa harapan ko si Mr.Antipatiko. “Waahhh bastos r****t ka lumabas ka walang hiya ka” malakas at nanggigigil na pag sigaw ko sa kaniya.Seryoso lamang ang mukha niya habang nakatingin sa akin ngunit may kung anong bahid ng tumatawa siya sa kaniyang pagngiti..“Ano tatawa tawa kapa jan sabi ko na ngang umalis ka eh r****t ka bastos ka talaga” sigaw ko sa kaniya muli at sinubukan siyang sipain palabas dito sa banyo. “Tsk kung makasigaw naman akala mo kung ginagahasa na huyy bilisan mo jan at maliligo rin ako.Hindi kita babalakin na gahasain baka ikamatay ko pa ng maaga” singhal niya na may halong pag iinis.Napabuga naman ako ng hangin at tinaasan siya ng kilay.“Bilisan mo panget” habol na pananalita niya pa sa akin. “Hoyy kumag na lalaking bastos na antipatiko bago ka pumasok sa anong mga kwarto kumatok ka muna ha hindi yung sugod ka ng sugod” inis na turan ko sa kaniya.Umabante siya palapit sa akin dahilan para mapaatras ako.Ramdam ko pa rin ang mainit na tubig na dumadaloy sa katawan ko ngayon.“Umalis ka dito kundi sisigaw ako! Wag kang lalapit waaahh ayoko pang mabuntis” sigaw kong muli.Napahinto naman ako sa pag atras dahil nakadikit na ako sa pader.Malawak na ngumiti si Bryan yung ngiti na tila ba may gagawin siyang masama sa akin. Jusko ayoko pang mabuntis paano nalang pag nabuntis ako edi hindi na ako makakatrabaho hindi na rin ako makakapag padala ng pera kila Mama at Papa dahil may anak na ako at paano nalang ang sasabihin ng mga kapitbahay namin sa probinsiya na disgrasyada akong babae,na nagpabuntis lang ako sa antipatikong lalaking ito na mayaman pero ubod naman ng yabang.Napapikit ako at ibinaling ang tingin sa kanan ng inilapit niya ang mukha niya sa akin.Ang magkabilang braso naman niya ay nakaharang sa kanan at kaliwa na paniguradong wala akong kawala. “Maawa ka naman sa akin sir napakabata ko pa para mabuntis at hindi pa ako handang mag asawa” parang tangang pagmamakaawa ko.Napaawang naman ang bibig ko ng malakas siyang tumawa.Lumayo siya sa akin at inihagis ang damitan ko sa labas..“In your dreams” sambit niya saka ako kinaladkad palabas ng banyo.Malakas pa rin siyang tumatawa habang ako naiinis na tila ba nababaliw na dito dahil sa mga inisip at sinabi ko sa kaniya.Nabalik naman ako sa reyalidad ng may isang damit na inihagis niya sa mukha ko. Umaapoy ang ulo ko sa galit kaya naman iniwan ko ang damit ko dito sa labas at nakipagsiksikan sa kaniya sa loob ng banyo..“What the f**k what are you doing here?” tanong niya sa akin.Inis ko lang siyang tinignan..Humarap naman ako sa kaniya at tinignan siya ng nakakainis.Sarap niyang suntukin. “Ikaw? Anong ginagawa mo dito ako ang nauna kaya ako muna ang maliligo” palaban na sagot ko sa kaniya.Pinatay naman niya ang shower at malagkit na tumingin sa akin.“Bakit ganyan ka makatingin ha at pwede ba umalis ka dito napakalalaki mong tao napakabastos mo” singhal ko pa sa kaniya.Isinarado niya ang pintuan ng banyo na ikinanlaki ng mga mata ko..“Huyy bakit mo sinara?” takang pagtatanong ko pa sa kaniya. “Tsk nagtanong ka pa? Sinabihan mo na ako ng r****t diba? Edi para mapatunayan mong r****t ako edi gagawin ko muna at ayaw mong tuluyang umalis dito sa loob ng banyo dahil gusto mo akong makasabay na maligo” ngising sambit niya.Napabuga naman ako ng hangin dahil sa kakapalan ng mukha ng lalaking ito. “Hoyy ang kapal mo hindi kita gustong makasabay maligo noh umalis ka nga kasi hindi pa ako tapos magbanlaw ng katawan ko” asar na sagot ko pa sa kaniya..Napailing lamang siya ng isang beses at ngumiti ng malawak.Mabilis akong tumalikod ng makita siyang naghuhubad ng damit.“Bastos r****t bastos” sigaw ko habang nakatalikod mula sa kaniya.Rinig ko ang pagtawa niya na sobrang nakakainis. “Tsk hindi ako bastos ikaw ang bastos ikaw ang pumasok dito at isiniksik mo ang sarili mo” sagot niya.Humarap ako sa kaniya at akmang magsasalita na pero napanganga lamang ako ng makita ang itsura niya.Wala siyang saplot na damit at tanging pang ibaba lamang ang natirang suot niya.Dahan dahan siyang lumapit sa akin na tila ba hahalikan ako.Siya na ba?Siya na ba ang makakakuha sa first kiss ko?Buong puso akong pumikit at hinihintay ang labi niyang dumampi sa akin ngunit—“Waaaahhh ang lamiggggg” malakas na sigaw ko at halos himatayin na ako sa kinatatayuan ko ng maramdaman ang napakalamig na tubig na dumadaloy sa katawan ko.Inis akong tumitig kay Bryan na ngayon naman ay tawa na ng tawa sa harapan ko. Napabaling ang tingin ko sa aking likuran.Hindi niya pala ako hahalikan dahil nasa bandang likuran ko ang pindutan ng shower.Aalis na sana ako pero biglang bumukas ang pintuan bumungad dito si Manang Cora at Sir Robert. “Ayy jusko” tanging nasambit ni Manang Cora at tumalikod sa amin.Nahihiya naman akong tumingin kay Sir Robert na tila ba nagulat sa itsura namin ngayon ni Bryan.Nakahubad siya habang sabay kaming naliligo at nasa iisang banyo..Napailing iling pa ako ng ngumiti si Sir Robert sa akin.Mabilis naman akong tumingin kay Bryan na tila nagulat din sa pagbungad nila. Mabilis akong kumilos at lumabas ng banyo kinuha ko ang mga damit ko na nasa sahig na lalong ikinangiti ni Sir Robert..Paktay?!Ang buong akala niya yata may kung anong milagro na ang nangyari.Inis akong tumakbo papunta sa aking kwarto para magbihis.Inilock ko din ang pintuan para walang makasunod sa akin.Pagkatapos kong magbihis hindi pa rin ako lumalabas baka kung ano kasi yung iniisip nila pagkatapos nila kaming makita ni Bryan sa ganung posisyon.Punyeta kasing lalaking iyon napaka bastos bigla bigla nalang papasok sa banyo tapos ganun yung gagawin. Napatingin ako sa pintuan ng malakas na tumunog ito.Ilang beses na ring kinakatok ito ng kung sino mang tao sa labas.Tumayo ako mula sa kama at agad na lumapit patungo sa pintuan.Kagat labi kong pinag iisipan kung bubuksan ko ba ito o wag dahil talagang nakakahiya yung naabutan nila kanina.Baka isipin nila na napakababa kong babae para basta basta nalang pumatol sa mayaman na binata na iyon. “Ija Anna kanina kapa nariyan ha ayos ka lang ba?” rinig kong pag tatanong ni Manang Cora mula sa labas ng kwarto ko. Napahinga naman ako ng malalim bago buksan ang pintuan.Hiyang hiya ako na nakaharap sa kaniya habang siya naman malawak ang ngiting pinapakawalan sa akin.Napailing iling ako at agad na hinawakan ang kamay niya. “Manang maniwala man kayo o hindi wala pong nangyari sa amin nung bryan na yun eh kasi siya po kasi bigla siyang pumasok at itinulak ako palabas kaya nakipagsiks~” tumigil ako sa pagsasalita ng makarinig ako ng mapang asar na tawa sa bandang kanan ko.Nakita ko si Bryan sa tapat ng kwarto niya na hindi kalayuan sa akin. “Nasabi na ni Bryan ija” sabay tingin ni Manang Cora sa antipatikong lalaki.Mapait naman akong ngumiti sa lalaking palapit sa kinaroroonan namin ni Manang.“Sabi nga pala ni Sir Robert bumaba na daw kayo para makapaghapunan” saad ni Manang sa aming dalawa ni SIR bryan.Mabilis naman akong tumango ganun rin ang amo kong walang hiya.Bumaba na si Manang dahil maghahanda pa daw siya ng mga pagkain sa lamesa.Naglalakad na rin ako patungo sa sala pero biglang dumikit sa akin si Sir Bryan. “Panget mo” asar na bulong niya at naunang naglakad pababa ng hagdan.Iniyukom ko naman ang kamao ko at umirap na lamang sa hangin.“Huy wag ka magpa kalaglag jan tsk nakita mo lang abs ko tulala kana riyan” rinig ko pang singhal niya mula sa baba ng hagdanan..Napabuga ako ng hangin at naglakad na pababa pero naiinis ako sa kakapalan ng mukha ng lalaking ito. Nadatnan namin si Sir Robert na nasa hapagkainan na.Nahihiya pa rin ako sa kaniya dahil sa mga nakita niya kanina.Umupo ako sa bandang kanan niya habang kaharap ko naman si Bryan. “Ahh ehh t-tungkol po sa nangyari at nakita niyo kanina p-pasensya na po” hinging patawad ko.Nakita ko naman si Sir Bryan na napairap lang pero wala akong paki sa kaniya—Kumuha ng pagkain si Bryan at inilagay iyon sa plato niya. “Sige kumuha ka na ng pagkain mo at habang narito tayo na magkakaharap may pag uusapan tayo” sagot ni Sir Robert..Paktay?!Baka binabalak niya na alisin na ako sa trabaho dahil iniisip niyang peneperahan ko ang anak niyang bastardo.Nabalik ako sa reyalidad ng iabot sa akin ni Sir Robert ang ulam na kalderetang baboy.Inabot ko ito at nanguha. “Bryan bukas na bukas ang unang pasok sa University mo diba?” tanong pa ni Sir Robert sa anak niya ng maka isang subo na ito. “Yes pa why?” balik tanong naman ni Bryan sa kaniyang ama.Tahimik lamang akong kumakain dito sa isang tabi habang nakikinig sa usapan nilang dalawa. “Hindi ka muna papasok dahil kailangan mo munang samahan si Anna sa mall para bumili ng mga gamit niya” sagot pa ni Sir Robert.Ibinaling ko naman ang tingin ko kay Bryan na tumigil sa pagnguya ng kinakain bago kunot noo akong tinignan. “Gamit?Anong gamit?” takang pagtatanong pa ng lalaking ito. Ha?Hindi niya pa ba alam ang tungkol sa pagpasok ko sa university na pinapasukan niya.Ibig sabihin ba nito kaming dalawa pa lamang ni Sir Robert ang nakaka alam.Malawak na ngumiti si Sir Robert na lalong ipinagtaka ni Bryan.Pati tuloy ako nakingiti na rin dahil parang surprise ang sasabihin niya. “Well, Gamit ni Anna para sa pagpasok niya sa paaralan na pinapasukan mo at ayoko na iwan mo siya ul~” isang malakas na ingay ang ginawa ni Bryan kasabay nito ang naiinis niyang mukha na nakatingin sa akin. “What? Pati ba naman pag pasok sa paaralan sagot niyo at sa university pa talaga natin? Hindi ba kayo nababahala na baka bumagsak ang negosyo niyo once na nalaman nilang may ganyang babae na pumapasok sa paaralan?” inis at galit na mungkahi niya. “Anna is the scholar student at ako ang nagmamay ari sa university na iyon kaya wala silang paki kung sino mang tao ang ipasok ko sa paaralan na iyon” madiing sagot naman ng kaniyang ama. “Pero pa nakakahiya!” “What did you say? Nakakahiya? Bakit ka mahihiya eh si Anna naman ang personal maid mo na mag aalaga sayo" “What the hell yun na nga pa eh nakakahiya dahil hanggang sa pagpasok at labas ko sa paaralan kasa-kasama ko yang babae na yan at maid pa talaga baka ang isipin ng mga tao na isip bata ako dahil may katulong pa akong sumusunod sa akin” ramdam ko ang galit na nararamdaman ni Bryan ngayon.Totoo din naman sobrang nakakahiya sa gaya niyang binata ang magkaroon pa ng isang maid na sumusunod sa kaniya sa bawat galaw na ginagawa niya. “Ako ang batas sa bahay na ito kaya ano mang utos ko ay susundin ko.Kung ayaw mo umalis ka!” banta naman ng kaniyang ama. “Pero pa pwede namang maging transferee na lang siya at hindi niya na kailangan pang magpakilala na kasambahay ko siya or what” sambit pa ni Bryan.Tumayo naman ako sa kinauupuan ko at tumingin sa mga mata niyang puno ng galit. “Wag kang mag alala hindi ako magpapakilala bilang katulong mo pero sa oras na nasa pahamak ang buhay mo asahan mong nasa likuran mo lang ako” turan ko sa kaniya.Napasinghal lamang siya at dali daling umalis sa harapan naming dalawa ni Sir Robert.Bagsak balikat akong bumalik sa pagkakaupo at ipinagpatuloy ang pagkain. “Kayo na ang bahala jan pagkatapos niyo magpahinga na kayo” habilin ni Sir Robert sa aming mga kasambahay.Tumango naman kami at inililigpit na itong mga pinagkainan.Dinala ko sa kusina ang mga platong nagamit at naabutan ko dun si Manang Cora na siyang taga sabon. “Ija nakakaya mo ba ang ugali ng amo natin?" tanong sa akin ni Manang Cora.Napatigil naman ako sa ginagawa kong pag babanlaw ng mga plato dahil sa tanong niya.Malawak akong ngumiti at tumango na lamang. “Opo, kakayanin para sa trabaho” sagot ko naman sa kaniya. “Oo kailangan mo talagang kayanin dahil sa oras na maging mahina ka sa bawat araw sigurado ako na hindi magandang buhay ang sasalubong sayo” bilin ni Manang..Ginantihan ko nalang siya ng ngiti kahit hindi ko alam kung ano ang mga salitang sinasabi niya.. Pagkatapos naming mag hugas ng plato nagpa alam na ako sa kanila na mahihiga na ako para makapagpahinga.Bumalik ako dito sa kwarto ko na kung saan ako unang natulog.Umupo ako sa kama at tumingin sa bintana na hindi pa nakasara.Nasilayan ko ang napakadilim na kalangitan na ang tanging nagsisilbing liwanag lamang ay ang napakaraming bituin. Hasyt ilang araw pa lamang ako dito sa manila pero namimiss ko na ang sariwang hangin sa probinsiya.Pati na rin ang napaka kulit na kapatid ko na si Nathan.Pag ganito kasing gabi kinukulit niya ako na makipag laro ako sa kaniya.Napangiti ako ng pumasok sa isip ko ang mga alala namin ng kapatid ko.Bigla naman akong napatigil sa pag ngiti dahil napalitan ito ng isang nakakainis na mukha ng maramdaman ko ang isang bagay na tumama sa mukha ko. Isang malambot na kumot.Ibinaling ko naman ang tingin ko sa pintuan o kung sino ang taong naghatid nito walang iba kundi si Bryan..“Ahh eh salamat” ngiting sambit ko sa kaniya pero matalim pa rin ang bawat tingin niya.Agad syang umalis na wala manlang kibo.Baka nautusan lang siya na dalhan ako ng kumot dito. — Kinabukasan maaga akong nagising dahil ngayong araw sasamahan ako ni Bryan sa Mall para bumili ng mga gamit na kailangan ko sa pag aaral.Iniligpit ko muna ang pinag higaan ko bago bumaba sa sala. “Tsk maghilamos kana at maligo para maaga tayong makauwi” isang boses na bumungad sa akin.Napatingin naman ako sa aking likuran tumambad sa akin si bryan na bagong ligo at nakasuot na ng maganda at maayos na damit. “P-pupunta na ba tayo?" tanong ko pa sa kaniya.Umupo siya sa sofa at kinuha ang isang basong kape sa maliit na lamesang nasa harapan niya. “I said maghilamos kana at maligo” sambit niya pa ng hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko.Dali dali naman akong naglakad pabalik sa kwarto para maghanap ng damit. Bakit sobrang aga niya?Ganito ba talaga kapag excited.Kaagad akong naligo at nagbihis.Nang okay na ang lahat bumaba na ako isang hakbang nalang at tuluyan na akong makakababa ngunit—Naibuga ni Sir Bryan ang iniinom niyang kape ng makita ako na sobrang nagpangiti sa akin.Ganito na ba ako kaganda sa paningin niya para matulala at maibuga niya ang iniinom niyang kape. “What the f**k anong klaseng damit yang suot mo?” may halong inis na pagtatanong niya sa akin..Umasim naman ang mukha ko at tinitigan ang sarili ko. Isang oversize na damit at pantalon na binigay ni riza ang isang kasambahay dito.Wala kasi akong damit kaya nakihiram na lang muna ako. “Magpalit ka nga hindi na uso si Andrew ngayon” natatawang pang aasar niya sa akin.Ano ba ang problema niya sa suot ko eh ayos naman ha. “Wala akong ibang damit eh ayos na ito sa Mall lang naman tayo diba?" sagot ko pa sa kaniya. Ang suot kong damit ay in-partner ko na lamang sa isang tsinelas.Sumakay ako sa kotse ni Sir Bryan pero himala hindi yata mainit ang ulo niya ngayon. Nakarating kami sa mall na wala manlang nagbalak na magsalita sa aming dalawa.Nauna siyang bumaba pero ako nakaupo pa rin at naghihintay na pagbuksan niya ng pintuan. “Ano pang hinihintay mo bakit hindi kapa bumaba riyan?” inis na pagtatanong niya sa akin sa bintana..Napakurap naman ang mata ko.Akala ko kasi pagbubuksan niya ako.Tsk kala ko naman kung gentle man na siya. Bumaba ako ng kotse at sinundan siyang pumasok sa napakalaking Mall.Maraming tao agad ang napadako ang tingin sa aming dalawa ni Bryan.May ibang tao na nagtatawanan dahil sa suot ko. “Tignan mo oh baduy” “Ang Manang” “Probinsiyana ata Hahaha Napayuko na lamang ako dahil sa mga sinasabi ng ibang tao sa akin.Pero nanlaki ang mga mata ko ng biglang may isang kamay na humila sa akin.Hindi hila na pang gentle man ha...Halos kaladkarin na nga ako ng lalaking ito dahil sa panghila niya at mabilis na paglalakad niya. “Bago tayo bumili ng gamit mo damit mo muna ang bilhin mo look at yourself pang lumang generation na yan” singhal niya at itinulak ako sa mga damitan. “Goodmorning maam/sir ano po ang hanap niyo?” tanong ng isang babae sa akin. “Bigyan niyo siya ng mga damit na babagay sa kaniya” walang ganang sagot ni Bryan at umupo sa isang upuan. “Of course sir" Pagkatapos tumango ni Bryan hinila na ako ng babae papasok sa isang dressing room.Marami siyang damit na pinasukat sa akin.Pero wala akong naging type. “Ito ang paniguradong babagay sayo” tuwang tuwa na turan ng babae. Iniabot niya sa akin ang isang fit dress na kulay pula.Ang laswa tignan ng damit na ito ha pero wala akong ibang ginawa kundi ang suotin iyon. “Wow you look so great” Hinila ako ng babae palabas ng dressing room at iniharap kay Sir Bryan.. “Palitan mo yan hindi yan bagay sayo ang panget mo tapos ang taba pa ng tiyan mo bilisan mo” singhal na bungad naman ni Sir Bryan. “Ayy wow pwede namang sabihin na hindi bagay sakin hindi mo kailangang manlait” asar na pananalita ko pero inirapan lamang ako nito. “Ang ganda mo naman” sambit naman ng isang lalaki na tuwang tuwa na nakatingin sa akin.Matamis naman akong ngumiti dahil buti pa si kuya nagagandahan sa akin.Hasyt. “Salamat po" hiyang sagot ko kay Kuya..“Araaaayy” inda ko ng kaladkarin ako ni Bryan pabalik sa dressing room.“Bakit kaba nananakit?” inis na tanong ko sa kaniya. “Wala kang paki bilisan mo nga gusto ko ng umuwi” singhal nito at tinulak pa ako. Pagkatapos naming mamili ng mga damit nagtungo na kami sa mga school supply sa pang 3rd floor. “Ano pang ginagawa mo jan?” taas kilay na tanong sa akin ni Sir Bryan ng makita niya akong nakatulala pa rin dito sa harapan niya habang siya nasa loob na ng isang kwarto.Pero sa tingin ko hindi ito kwarto dahil nakatayo naman ang mga tao. “Anong ginagawa mo jan?” pagtatakang tanong ko sa kaniya.Napailing lang siya at galit akong hinila. May kung ano siyang pinindot na numero.Halos mapahawak ako sa pader nitong kwarto ng maramdaman ko na tila umaandar ito...Madiin akong pumikit habang mahigpit pa rin ang hawak. “Jusko ko kayo na po ang bahala sa akin” malakas na bulong ko. “What the hell are you doing?” tanong ni Bryan na ikinamulat ng mga mata ko. Umayos naman ako ng tayo ng makita ang ibang taong natatawa sa ginagawa kong kalokohan...Ilang minuto pa ang lumipas pero nandito pa rin kami sa loob sobra na akong nahihilo dahil hindi ako sanay sa mga ganito.! “Hindi paba tayo lalabas?” tanong ko kay Sir Bryan pero hindi niya manlang ako binalingan ng tingin o sinagot. Napahawak ako sa bibig ko dahil sukang suka na talaga ako dahil sa pagkahilo.Huminto ang sinasakyan namin na kwarto kaya mabilis din akong tumakbo pero napaikot ikot pa ako dahil sa hilo. “Saan ka pupunta?" tanong sa akin ni sir bryan pero hindi ko siya nagawang sagutin. Naghanap ako ng banyo na maaaring labasan.Napangiti ako sa aking isipan ng makita na ito. “Miss bawal ka dito” gulat na pagbawal ni Manong sa akin ng makapasok ako sa banyo ng mga lalaki. Lumipat ako sa kabila at dun ako naglabas ng asim na loob. Pagkatapos nun hawak tiyan akong bumalik sa kinaroroonan kanina ni Sir Bryan pero hindi ko siya mahanap.Hindi ko siya mahagilap ng mga mata ko.Maraming tao dito kaya naman ang hirap din niyang hanapin. “What the f**k saan kaba galing ha?” inis na bungad na tanong niya ng makita niya ako. “Ehh k-kasi nakakahilo yung sinakyan natin eh” sagot ko sa kaniya na ikinatawa niya. Siya ang pumili ng mga gamit ko pero kulay pink iyon lahat dahil paborito kong kulay iyon na ikinainis niya para daw akong bata. Pagkatapos naming mamili sinabi at hiniling ko sa kaniya na wag na kaming sumakay dun sa sasakyan na tinawag niyang elavator kaya heto kami ngayon. “Antanga tanga mo kasi ansakit sakit na tuloy ng paa ko” reklamo niya sa akin habang naglalakad kami pababa ng napakahabang hagdan..“Nakakagigil ka puro kamalasan ang dala mo sa akin” singhal pa niya. “Ehh Sir di ko kasi gusto dun eh ang panget nakakahilo tapos nakakasuka” reklamo ko pa sa kaniya na ikinamura naman niya. Nauuna akong naglalakad sa kaniya habang siya naman hirap ng naglalakad pababa dahil masakit na daw ang paa niya....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD