Chapter 7

2886 Words
—Anna Perez Pov— Iminulat ko ang aking mga mata at inis akong napatingin sa bandang kanan ko dito ko nakita si Manang Cora na tila kanina pa ako ginigising.Kinuskos ko ang aking mga mata gamit ang mga daliri ko.Hasyt akala ko pa talaga kung totoo na yung mga nangyari panaginip lang pala.Pero nakakaloka buntis pa talaga ako at si Bryan ang ama pati ba naman sa panaginip sinusundan niya ako tapos—Buntis pa ako hasyt nakakadiri naman yun. “Mabuti naman at nagising kana ayos ka lang ba,kanina ko pa kasi napapansin na pabaling baling ang ulo mo habang sinasabi ang pangalan ni Sir Bryan” sambit pa ni Manang.Napaupo naman ako sa kama at nanlalaking matang tumingin sa kaniya.Natawa naman siya sa naging reaksyon ko na ikinahiya ko.“Maganda ba ang panaginip mo na kasama siya” pang aasar na pagtatanong niya pa sa akin dahilan para tumayo ako ng tuluyan sa kama at humarap sa malaking salamin na may kalumaan na. Sinundan pa ako ni Manang tingin ko hindi niya ako titigilan hangga't hindi ko sinasabi kung ano ang napanaginipan ko at pangalan pa talaga ni Bryan ang nasabi ko. “Si Sir Bryan po kasi pati sa panaginip ko sinusundan niya ako tapos ang masama pa buntis ako at siya ang ama” sagot ko sa kaniya.Nakita ko naman ang repleksyon niya sa salamin na kaharap ko.Napangiwi ako ng tumawa siya ng pagkalakas lakas yung tawa na nakaka asar..“Manang” pagbawal ko pa sa kaniya dahil naiinis na ako sa bawat paghalakhak na ginagawa niya. “Hayy naku ija! Ano ba ang pinagsasabi mo?Buntis ka sa panaginip mo at si Bryan ang ama? Pero bakit ang asim ng mukha mo” humarap ako sa kaniya at seryoso niyang tinapik ang baba ko. “Ehh kasi po may babaeng naka kotse na hinalikan siya na naghalikan sila sa harapan ko habang ako nahihirapan dahil sa sakit ng tiyan ko.Pero Tsk ayoko pong mabuntis na siya ang ama napakayabang niya kaya!” singhal na sagot ko sa kaniya napahinga naman siya ng malalim. “Ohh siya tama na yan..! Maghilamos at maligo kana dahil ngayon na ang unang araw na pagpasok mo sa paaralan” napatingin ako kay Manang Cora dahil sa sinabi niya.. Oo,ngayon nga pala ang unang pasok ko sa University na mismong pinapasukan ni Sir Bryan.Ngunit hindi kami mag uusap dahil kikilalanin ako ng mga studyanteng nandun na transferee kaso scholar student lang ako dun. Pagkatapos kong maghilamos kaagad na akong bumaba ng sala para makakain pero napansin ko sa labas na wala na ang kotse ni Sir Bryan na ipinag alala ko.Hindi maaari na mauna siya dun kasi wala akong sasakyan.Dali dali akong tumakbo pataas ng hagdan halos madapa na nga ako pero ipinagpatuloy ko pa rin hanggang sa makarating ako sa kaniyang kwarto..‘Nasan siya?’ Wala akong Bryan na naabutan sa kwarto niya. “Oh ija tapos ka na bang kumain?” tanong ni Manang Cora na galing sa kwarto ni Sir Robert na naglinis may dala kasi siyang walis tambo at dustpun. “Ahh ehh hindi pa po pero nasaan po si Sir Bryan wala po kasi siya dito sa kwarto niya.” isinara ko ang pintuan ng kwarto ng kumag na lalaking iyon.“at napansin ko rin po na wala na sa labas ang kotse niya” tanong ko kay Manang Cora. “Hayy hindi ko nga pala nasabi maaga siyang umalis” sagot ni Manang.Naglakad siya pababa ng hagdan na sinundan ko naman. “Saan po ako sasakay hindi ko rin po kasi alam kung saan yung university na yun” ngusong sagot ko..Never pa kasi akong nakapasok dun kaya panigurado na baka maligaw ako. “Wag kang mag alala nagbigay naman si Sir Robert ng pera para sa mga kailangan mo basta daw gawin mo ng maayos ang trabaho mo sa anak niya” sagot pa ni Manang.Tumango na lamang ako kahit na nababahala.Kasi naman baka unang pasok tapos mapahiya pa ako kasi nga hindi ko alam kung saang room ako hasyt.. Natapos na akong kumain nag suot lamang ako ng puting blouse tapos palda.Ready na akong umalis ngunit palabas pa lamang ako ng kwarto may naka agaw na ng atensyon ko..Yung kulay asul na papel na binigay sa akin ng babae na makatakas sa mga sendikato na nagtitinda ng mga babae sa mga taga ibang bansang tao. Kinuha ko ito at inilagay sa isang lumang sapatos na narito lamang sa kwarto hindi ko alam kung kanino ito pero isinuksok ko sa loob bago itinago sa silong ng aking kama...Nasa labas na ako ng mansyon ng amo ko naglalakad ako habang naghahanap ng pwedeng masakyan. “Manong para po” sambit ko ng makita ang isang tricycle..Huminto naman si Manong sa harapan ko kaya agad akong sumakay sa loob. “Saan po kayo miss?" tanong sa akin ni Manong kinuha ko naman ang papel na ibinigay sa akin ni Manang Cora duon daw nakalagay ang lugar na kung saan ako nararapat na bumaba. “Manong bakit po tayo huminto?” tanong ko kay Manong ng huminto ang sasakyan niya. “Pasensya na po maam traffic po kasi” sagot niya.Napangiwi ako dahil sa sinabi niya.Paano na ito. “Sige po Manong heto po ang bayad” sabay abot ng pera sa kaniya mabilis akong bumaba ng tricyle bago naglakad.Maraming sasakyan na mabagal ang pag usad dahil sa traffic. Mabilis ang bawat paglakad ko pero hindi ko pa rin talaga alam kung saang lugar ba dapat ako pumunta. Wala nang susunod na daan dito sa nilalakaran ko kaya naman binalak ko na lumipat sa kabilang daan para makapag tanong sa mga tao kung sakali na alam nila ang pupuntahan ko.Tingin sa kanan at kaliwa ang ginawa ko bago binalak na mag lakad.Mahirap na baka mapa aga akong mamatay dito sa kalye ng wala manlang kakilala na makakakita. *Peeeepp *Peeepp* Malakas akong sumigaw at napatakip sa aking mukha patalikod akong napadapa sa sahig ng daan ng may isang kotse ang mabilis na minamaneho ng driver. Nasugatan yata ang tuhod ko ha agad akong tumayo ng maramdaman ko na medyo malayo pa naman ang kotse sa akin.Pero kapag hindi ako sumigaw at hindi agad naka preno ang driver baka namatay na ako ngayon. Pinapagpag ko ang sarili ko dahil ang napakalinus na uniporme na suot ko ngayon ay napaka dumi na. “Miss are you okay?” rinig kong tanong ng isang dalagang babae na kagaya ko.Sa tingin ko isa rin siyang studyante na nag aaral dahil nakasuot rin siya ng uniporme na katulad ng suot ko ngayon..“Ikaw naman kasi Manong napakabilis mo magmaneho” singhal niya naman sa Driver na nasa loob pa din ng kotse. “Sorry po maam ang akala ko po kasi walang tatawid” mahinahon na paghingi naman ng tawad ng isang matandang lalaki sa kaniya. “Ayos lang po ako at ako rin po ang may kasalanan kasi bigla po akong tumatawid” pananalita ko sa isang babae.Bakas sa mukha niya ang pag aalala. “Nasaktan kaba?” tanong niya sa akin na mabilis kong ikinatango.“Sorry ha nadumihan pa tuloy yang uniporme mo, teka saan kaba nag aaral?” tanong niya pa sa akin. Nang ibinigay ko ang papel sa kaniya na binawi ko kanina kay Manong Tricycle driver malawak siyang napangiti. “Parehas pala tayo ng school na pinapasukan halika na sabay na tayo at kailangan kong gamutin yang sugat mo sa tuhod at palitan yang uniporme mo” sambit niya sa akin bago ako hinawakan sa kamay. “Ha eh per~” pinutol niya ang pagsasalita ko ng inalalayan niya akong pumasok sa loob ng kotse niya.Tabi kami ngayon sa pinaka likod pero gagi nakakahiya kaya.Sobrang ganda niya as in super tapos mayaman din siya. “Ano nga pala pangalan mo at bakit ka naglalakad papunta sa school” tanong niya sa akin. “Ahh eh ano kas~” bigla na namang naputol ang sasabihin ko dahil sa~ “Bago kaba kasi ngayon lang kita nakita eh?” tanong niya pa sa akin.Nakaka umay naman pala itong babae na ito andaming tanong ano ba dapat ang unahin ko. “Ahh ako nga po pala si Anna Perez kaya po ako naglalakad kasi iniwan ako ng amo ko at opo tama po kayo bago lang po ako kasi transeferee po ako” magalang na sagot ko.Bigla ko namang naramdaman ang paghampas niya sa kanang braso ko. “Ano kaba?! Magka edad lang tayo kaya wag mo na akong ma ‘po’ okay at ako nga pala si Hannah” sabay lahad ng kamay niya sa harapan ko. “Nice to meet you” “Working student ka pala ano naman ang trabaho mo?” tanong niya pa sa akin. “Ahh ehh secret kasi eh” sagot ko pa sa kaniya na ikinangiwi naman niya. “Oww okay btw Anna can we be friends wala kasi akong kaibigan sa University kasi lahat ng studyante dun masusungit at mapagmataas at ikaw lang ang nakilala ko na ganito kabait at mahiyain” natatawang usal niya. Tinanggap ko ang alok ni Hannah na makipagkaibigansa kaniya.Wala pa akong isang araw sa papasukan ko pero may kaibigan na ako.Habang nagbbyahe kami marami na siyang nakwento about sa kaniya at sa kuya niya na labis kong ikinatuwa. Napakadaldal niya rin at napakamasiyahing babae. “Wala ka sigurong problema noh kaya ka napakasiyahin?” tanong ko sa kaniya na nagpatigil sa pag tawa niya..“Hehehe joke lang” pagbawi ko sa sinabi ko dahil naging masama yata ang mood niya sa tanong ko. Huminto ang sasakyan sa tapat ng isang napakalaking university.Maraming studyante ang nasa loob at kitang kita ko na ang kalawakan sa loob.Kulay yellow ang malaking gate na narito sa harapan na may mga bulaklak sa bawat gilid nito. “Nandito na tayo, sundan mo muna ako sa banyo para makapagpalit ka ng uniform” sambit ni Hannah ng pababa na siya ng kotse.Tumango lamang ako sa kaniya. Nauna siyang naglakad habang ako kada isang hakbang lang ang ginagawa ko dahil sobra pa akong namamangha sa paaralan na ito.Di ko nga alam kung totoo bang paaralan ito dahil sobrang laki talaga. Malalim akong nagpabuntong hininga bago ipinagpatuloy ang paglalakad papasok ng University.Ngunit napako ako sa kinatatayuan ko ng maagaw ko ang atensyon ng mga syudyante na kanina lamang ay abala sa kani-kanilang ginagawa. “Who's she?” “Transferee kaya siya?” “I think so?” “Bakit ang baduy Hahaha” “Sure ako na siya na naman” “Yes sinabi mo pa kawawa” “Lagot siya kay Prince” Madaming bulungan akong naririnig na patungkol sa akin.Matatalim din ang bawat tingin na ibinabato nila.Kung nakakamatay lang siguro iyon baka kanina pa ako nakahandusay dito.Pero sino ba ang prince na sinasabi nila at bakit naman ako malalagot.?! Tsk at bakit naman puro clown ang babaeng nandito?Sobrang kakapal ng mukha este make up at lipstick nila. Hindi pa rin ako umaalis sa kinatatayuan ko ngayon dahil para ba akong napako sa mga tinginan ng studyante sa akin.Parang gusto ko nalang tumakbo palabas at bumalik sa mansyon para magtrabaho. Feeling ko kasi hindi ako nababagay dito kasi sobrang gaganda at mayayaman ang mga nag aaral dito samantalang ako heto tanging probinsiyana na katulong at scholar student lang sa pinakasikat na university na ito. “What are you doing here bakit di kapa pumasok?” bungad na tanong ni Hannah sa akin. “Ha eh kasi” pagputol ko sa sasabihin ko hinawakan niya ang kamay ko at naglakad papasok pero— “What the hell the five prince is here” sigaw ng isang babae. “Ohh my gossshh” “Bryan Gonzales is Mine” “Tristan Hernandez is Mine” “Drake is only mine” “Justin anakan mo na ako” “Shawn is the boy i want” Malakas na hiyawan ang namuo dito sa paligid namin dahil sa sinasabi nila na narito na ang limang Prince? Madiin kong tinakpan ang aking tainga dahil sa malakas na sigaw ng babaeng nasa harapan ko. “Follow me” rinig ko naman na bulong ni Hannah sa akin bago siya naglakad. Akmang susundan ko sana siya ngunit naagaw ng atensyon ko ang sinasabi nila.Nais ko silang makita at makilala kaya naman humarap ako sa bandang gate. Sunod sunod na lalaki ang bumaba ng magarbong kotse pero nanlaki ang mga mata ko ng makita si Sir Bryan. He’s very cute and handsome sa suot niya ngayon. Feeling ko tuloy nagmukha siyang tao ngayon sa ayos niya. Parang nagslowmotion ang lahat ng ngumiti siya sa harap ng napakadaming studyante na narito sa paligid. Nauuna siyang naglalakad habang nasa bandang likuran naman niya ang apat na lalaki. “Ouccch” nabalik ako sa reyalidad ng maisaltik ako sa sahig dahil sa pagkabangga sa akin ni Bryan. Ang labis na ngiting pagkahanga ko sa kaniya kanina ay napalitan na muli ng inis at galit. “Owwwss” “Nakaharang kasi” “Hahahaha kawawang babae” Inis akong tumayo at muling pinagpag ang suot ko.Kinuha ko ang tsinelas at inakmang ibabato iyon sa kaniya pero— Napatingin ako sa lalaking mahigpit na humawak sa kamay ko para pigilan ang pagbato ko kay Bryan ng tsinelas. Oo,tama nakatsinelas lang ako ngayon kasi ayoko talagang isuot yung sapatos na binili namin kahapon ng kumag na lalaking nasa harapan ko habang parang artista kong lumakad..Tsk “Wag kang magkakamali na bastusin si Boss Bryan miss Transferee baka kick out agad ang abutin mo” pagbabanta sa akin ng lalaking ito. “Tristan let her go” madiing utos naman ni Hannah na agad namang sinunod ng lalaking ito. “What the f**k Hannah umalis ka dito kung ayaw mong madamay” singhal ng lalaki sa kaibigan ko. “Hoyy Kumag ka ano bang paki mo kung tamaan ko ng tsinelas yang lalaki na yan” inis na itinuro ko si Bryan na nakatingin na pala sa amin. “Hannah ipaliwanag mo sa babae na ito kung sino siya at kung sino kami baka gusto niyang makick agad dito” diing utos niya kay Hannah. Naramdaman ko naman ang kamay ni Hannah na mahigpit na humawak sa braso ko na tila ba hinihila ako palayo. “Hannah bitawan mo ako sasapakin ko lang toh” sambit ko pero— “Anna sila yun~” pinutol ko ang sasabihin niya ng binato ko si Bryan ng tsinelas..“Anna bakit mo ginawa yun” singhal pa sa akin ni Hannah. “Dapat lang yan sa kaniya napaka yabang niya” palaban na wika ko.Sabi niya wag kong ipakilala ang sarili ko sa ibang tao na kasambahay niya edi bilang kaaway niya nalang total nun pa ako nagtitimpi sa kagaguhan niya. Malawak akong ngumiti at lumapit kay Bryan para kunin ang tsinelas na ibinato ko sa kaniya pero—Akmang dadamputin ko na ang tsinelas ng marahas niya akong kinaladkad kung saang lugar. “What the f**k are you doing bakit mo ako binato” singhal niya ng makarating kami sa walang katao taong lugar. “Sino ba nauna? Diba ikaw binangga mo ako kaya napahiya ako” malditang sagot ko sa kaniya. “Ayusin mo yang galawan mo ha kung ayaw mong matanggal sa trabaho” pagbabanta pa niya sa akin. “Edi tanggalin mo kung kaya mo napakayabang mong kumag ka” sigaw ko sa kaniya at mabilis na isininuot ang tsinelas at tumakbo palayo. Takbo lang ako ng takbo hanggang makalayo sa kaniya. “Anna let's talk” saad ni Hannah ng makita ko siya.“Bakit mo ginawa yun sa pinaka lider ng Campus Prince? Alam mo ba na dahil sa ginawa mo isang g**o ang pinasok mo” saad ni Hannah sa akin. “Eh kasi nakakainis siya” walang ganang sagot ko. “Anna Bryan Gonzales is the most Heartless Campus Prince kaya bawat galaw mo dito sa university ay dapat mag ingat ka dahil mismong mga taga hanga niya ang makakalaban mo” pagpapaliwanag ni Hannah sa akin.Heartless? Pero may kinakatakutan si sir robert.tsk
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD