—BRYAN GONZALES POV—
Nandito kami ngayon ng mga tropa ko sa tambayan namin.Ansakit pa rin ng kamay ko dahil dito tumama ang tsinelas ng punyetang babae na yun.
Bakit pa kasi siya binigyan ni Papa ng chance para pumasok dito.
“Dude sino yung babaeng yun” tanong ni Justin habang natatawa ang kaniyang muka.
“I don't know” walang ganang sagot ko sa kaniya.
“Himala pare may isang babae na nakapanakit sayo Hahaha” tawang tawa na usal naman ni Shawn.
Matalim naman akong tumingin sa kaniya na ikinayuko niya tsk.
“Hinding hindi ko siya papayagan na hindi maka alis dito..Ipinapangako na gagawin ko ang lahat para mapaalis siya sa buhay ko” singhal na sagot ko.
“Ano namang gagawin mo?" tanong pa ni Tristan sa akin.
“Dude kilala naman natin si Bryan hahaha ano paba edi gagawin nating laruan" napangisi ako sa sinabi ni Drake.
Kilala ako bilang Campus Prince na kinakatakutan at mabagsik na lider ng grupo na hawak ko.Ang punyetang babae na yun ang unang nagpahiya sa akin dito kaya gagawin ko ang lahat para mapa alis siya at masaktan siya ng todo.
Ako ang pinakamasamang panaginip na dumating sa buhay niya na hindi niya na kailangan pang balik balikan.
—Anna Perez Pov—
“Hannah kaano ano mo ba si Tristan?” takang tanong ko kay Hannah.
Narito ako ngayon sa loob ng banyo habang nagbibihis habang si Hannah naman ay nasa labas at hinihintay ako sa paglabas.
“Kapatid ko si Tristan dahil kuya ko siya” sagot niya na ikinatigil ko.
Napaawang naman ang tingin ko sa kaharap kong salamin dito sa loob dahil sa sinabi niya.
Nang matapos akong magbihis binuksan ko na ang pintuan at bumungad sa harapan ko si Hannah.
“Kapatid mo ba siya?” tanong ko pa sa kaniya na agad din niya ring ikinatango.
“Oo kuya ko siya but we are not close” sagot pa nito bago naunang naglakad patungo sa kung saan.
“Hala..Bakit hindi mo sinabi sa akin na kuya mo siya” sambit ko pa habang iniisip kung anong ginawa ko sa kaniya kanina.
“Tsk wag mong alalahanin yun dahil ayaw naman niya na tawagin ko siyang kuya” bakas sa mukha nito ang pagkalungkot.
“Anong ibig mong sabihin?” tanong ko pa sa kaniya bago inilagay sa bag ko ang uniporme na pinagbihisan ko.
“I mean yes he's my Brother pero hindi kami close sa isa't isa at ayaw pa niya na kilalanin o tawagin ko siyang kuya at alam mo ba kung bakit?” tumigil siya sa paglalakad at seryosong tumingin sa akin.
“B-bakit” utal na pagtatanong ko sa kaniya.
“Dahil sa lider ng g**g Group nila inshort si Bryan Gonzales” madiin at nanlalaking mata na sagot nito.
“Pero bakit ano naman problema?” tanong ko pa sa kaniya.
Naglakad ulit siya na sinundan ko naman.Magkaklase naman kami kaya kung saan ang punta niya ay susundan ko na lamang.
“I don't know pero yun ang pinaka highest rules niya ang wag makipagkaibigan o dumikit sa mga tao kahit na kadugo mo pa ito” sagot niya pero nakatalikod siya sa akin.
Tumatak sa isip ko na sobra palang baliw ni Bryan para ilagay pa iyon sa rules niya ang makipag usap sa mga tao..Tsk
Pero ano nga ba ang tunay na dahilan kung bakit?!
Nagpatuloy kami sa paglakad ni Hannah habang nagkkwento tungkol sa grupo na kinabibilangan ni Bryan Gonzales ang antipatiko kong amo.
Kilala ang limang gwapong lalaki na iyon bilang kinatatakutan at nasa pinaka mataas na rangko dito sa University but bryan is different in four boys dahil kilala siya sa ugaling marahas at walang kinakatakutan.
Wala pa akong kagaguhan na ginawa niya dito sa loob ng university pero inis na ako dahil sa mga kwento ni Hannah sa akin.
Nakarating kami ni Hannah sa room naming dalawa.Laking pasasalamat na ibinulong niya ng wala pa ang guro sa harap.
Nasa harapan pa lamang kami ng pintuan pero puno na ng mapanghusgang tingin ang ibinabato sa akin ng mga studyante.
Ang kanina na magulo at abala sa kanilang ginagawa na pag mamake-up at kung ano ano sa mukha nila ay nasa akin na ang tingin nila.
Napayuko ako ng makita ang isang grupo ng mga babae na taas kilay ang madilim na tingin sa akin.
“Don't be shy Anna” mahinang bulong sa akin ni Hannah at naunang naglakad papasok.
Mahigpit kong hawak ang bag na nasa likuran ko.Hindi ko kasi nailipat sa likuran ko ng inilagay ko kanina ang uniporme.
“Tignan mo si Hannah oh kasama yung cheap na probinsyanang transferee” natatawang usal ng isang babae,malakas din namang nagtawanan ang mga kasama niya at matatalim na tingin ang iwinawagsi sa akin.
Bumaba sa lamesa ang isang bakla na mukhang clown dahil sa kapal ng makeup at lipstick sa mukha niya.Maarte itong naglakad palapit sa akin at malakas na itinulak ang kanang braso ko.
“Hoyyy Joana ano na naman problema mo” inis na tanong sa kaniya ni Hannah.Inirapan lamang niya ito pero ibinaling din agad sa akin ang tingin.
“Who you? At bakit mo pa dito binalak na magtransfer eh mga mayayaman at magaganda lang ang nababagay dito” singhal niya sa akin.
Napakagat labi naman ako dahil sa sinabi niya.Iniikot ko ang tingin ko sa mga studyante saka napasinghal sa isip ko.Mga magaganda daw eh bakit puro mga clown ang narito except lang kay Hannah na napaka simple pero napakaganda..
“Hoyy baklang maldita ano ba ang paki alam mo kung gusto niya dito eh hindi rin naman ikaw ang nagmamay ari sa university na toh” palaban ang boses ni Hannah.
Hinila niya ako patungo sa likuran niya at hinarap ang bakla na tinatawag niyang Joana.
“Hoyy Hannah ano rin ba ang paki mo at bakit mo ipinag tatanggol yang probinsiyana na yan” singhal ng isang babae na nasa kanan ni Joana.
“May paki ako kasi kaibigan ko siya at gawain ko ang iligtas siya sa mga halimaw na kagaya niyo..At pwede ba kung magttrip kayo wag si Anna” sagot pa ni Hannah.
Malakas na tumawa si Joana at pumalakpak ng nakaka asar sa harapan namin.
“Kaibigan? Bakit Hannah uhaw na uhaw kana ba sa kaibigan kaya kahit itong probinsiyana na ito kinaibigan mo” sabay duro sa akin pero malakas na tinapis iyon ni Hannah.
“Hoyy Maldita ka hindi ko pinakeelamanan yang mga kaibigan mo ha kaya wag na wag mo ring gagalawin si Anna” pagbabanta ni Hannah sa kaniya.
“Wow Hannah nakakatakot ka naman..” sambit ni Joana.
“Oo nga baka tumakbo na ako sa takot Hahaha” pagsingit naman ng babae na may kasamang mapang asar na tawa.
“Hoy probinsiyana look at your self ang baduy mo Hahaha muka kang pulubi oh or muka kang katulong” lumapit sa akin ang bakla na si Joana.
Nakita ko naman si Hannah na nakapikit habang madiing naka hawak sa kamay ko.
“Ano bang masama kung probinsiyana ako?” pilit na pag tatanong ko sa kaniya.
“Alam mo kung anong masama yang kabundukan mo bilang babae dinala mo pa dito sa manila alam mo kung ano ang mabuti sayo ang bumalik sa cheap na probinsiyanang pinanggalingan mo” napaliyad pa ako ng bigla niyang tinapik ang ulo ko ng malakas.
“Ano ba Joana sumusobra kana ha” malakas na sigaw ni Hannah at itinulak si Joana dahilan para manlaki ang mga mata nito..“Alam mo kung ayaw mo kay Anna ikaw ang lumayo at remind lang kita ha hindi ka boss sa buhay niya para sundin ang mga wala namang kwentang utos mo” singhal pa nito.
“Ang lakas mo ha..At Himala Hannah lumalaban kana pero gaga ka wala kang karapatan para kalabanin ako” singhal ni Joana kay Hannah.
“Karapatan? Walang karapatan? Talaga ba Joana ha? Eh anong gusto mong gawin ko panoorin kayo habang inaalipusta itong kaibigan ko” madiing boses na sigaw ni Hannah.Lumapit si Joana kay Hannah at matalim na tingin ang ibinaling sa aming dalawa.
“Kung gusto mo kayong dalawa ang magsama na alipustahin namin” mapaghamon na sambit nito bago ngumiti ng bahid na kasamaan.
Nakakainis na itong bakla na toh ha..Kung hindi lang ako scholar dito baka kanina ko pa toh napatikman ng sampal hasyt nakaka umay talaga...
Ang tapang tapang mukha namang adik...Tsk
“Joana stop it five prince is coming” madiing bulong ng isang kasamahan niyang babae.
“Hindi pa tayo tapos tsk” maarteng pagkasagot niya.
Pinagpag niya ang kaniyang suot na uniporme na may kasamang halong pang iinis.
“Let's sit Anna” anyaya naman ni Hannah sa akin.
Nakaupo na si Hannah habang ako naghahanap pa rin akong ng mauupuan ko dahil wala ng bakanteng upuan.Gusto kong magtanong kay Hannah pero may isang babae ang kausap niya na tila ba importante ang pinag uusapan nilang dalawa.
Napangiti ako sa aking sarili ng makita ang limang bakanteng upuan sa kaliwang bahagi.Ang room kasi na ito ay may kanan at kaliwa at sa gitna ay daan para sa guro.Mabilis akong naglakad at kinuha ang isang upuan pag katapos itinabi iyon kay Hannah na abala pa rin sa pakikipag usap sa isang babae.
“Good morning class” pag bungad ng isang lalaking guro.
Tumayo naman lahat except sa akin kaya nakatingin sa akin ang mga studyante pati na rin si Sir.
“Anna stand up” madiing bulong sa akin ni Hannah.
Bigla naman akong tumayo na may halong pagtataka kaya napatawa ang ibang studyante sa akin.
Sa probinsiya kasi pwedeng nakaupo na bumabati sa guro eh dito kailangan pa lang nakatayo.
“Good morning too sir” sagot ng karamihan pero hindi ako nag salita dahil di ko pa naman alam kung ano ba ang dapat sabihin.
“Sit down and Ms.you are transferee right?” rinig kong tanong ni Sir.
Napatingin naman ako sa mga babae..Btw mas marami ang babae kaysa sa lalaki.
Hinihintay kong may magsasalita ba na sasagot sa tanong ni sir pero wala naman.
Hindi ko kasi nakita kung sino ang itinuro ni Sir kaya hindi ko matiyak kung ako ba ang kinakausap niya.
“Sir sino po” makapal na mukang pagtatanong ko kay Sir.
Napatigil naman siya sa pagbabasa ng papel na hawak niya at seryosong tumingin sa akin.
“You?” balik na sambit nito.
Napatayo naman ako at hiyang hiya na tumingin sa mga studyante na kanina pa tawa ng tawa sa kagagahan ko.
“Please introduce your self” sambit niya pero hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin
Bahagya akong umupo at naglabas ng notebook at ballpen para handa na sa pagsusulat.
“Anna sabi ni sir introduce your self daw" madiing utos pa ni Hannah sa akin,ibinaling ang tingin ko kay sir na seryoso lang na nakatitig sa akin.
Ang notebook na hawak ko ay itinabing ko sa mukha ko at tumingin kay Hannah.
“Ano ba yun?” ngiwing tanong ko sa kaniya napangiti naman siya.
“Ang sabi magpakilala kana” sagot nito na mabilis ko naman ding ikinatango.
Tumayo ako sa kinauupuan ko at tumingin sa mga studyante.Masama naman ang tingin ng grupo ni Joana sa akin
“Hi, M-my n-name is Anna Per~” naputol ang sasabihin ko ng malakas na naghiyawan ang mga babae.Napatakip ako sa tainga ko dahil sa ingay nila.
“Shut up” madiing sigaw ni sir sa kanila pero patuloy pa rin sila sa pagsigaw.Napangiwi ako at napatingin sa pintuan.
Isang malakas na kalabog ang natanggap namin ng naunang naglakad si Bryan.Taas kilay itong pumasok.
“Bakit kayo nalate?” tanong ni Sir sa grupo nila Bryan pero nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya.
Hinila ni Bryan ng malakas ang kwelyo ni Sir dahilan para mapalapit ito sa kaniya.
“Wala kang paki kung nalate kami ha” singhal niya at binitawan ang kwelyo ni Sir.
Napayukom ang kamao ko dahil sa ginawang kayabangan at kabastusan ni sir bryan.Hindi ba siya marunong gumalang kaya pati guro binabastos niya na lang.
“S-sorry”
Matalim ang tingin ni Bryan.Sakto naman na nahuli niya ang titig ko at isang ngiti lang ang pinakawalan niya..Weird ha.!
“O-okay Ms.Anna continue” utos ni sir sa akin.Agad naman akong umayos ng tayo at ngumiti.
“My name is Anna Perez eighteen years old im transferee” ngiting sambit ko.
“Siguro scholar lang yan”
“Hindi siya nababagay dito”
“Yeah ugly duckling”
Umupo na ako ng matapos ang mga narinig kong bulungan ng iba tungkol sa akin.
“Araayy bakit?” tanong ko sa tatlong lalaki.
Madiing hinawakan ng dalawa ang magkabila kong kamay at pilit na ipinapatayo sa upuan.
“Araaayy teka bakit ba” singhal na pagtatanong ko sa kanila.
Marahas na kinuha ng isang lalaki na si Shawn ang upuan ko at ibinalik ito sa dating pwesto na pinagkuhanan ko kanina.
Inis kong binawi ang kamay ko sa dalawang lalaki na ito at taas kilay na tumingin kay sir bryan.
“Clean it” malakas at diing utos niya pa sa dalawang kasamahan niya.
Tsk feeling artista ampt.
Mabilis namang pinagpag ng dalawa ang upuan at umupo na si Sir Bryan dun.
“Y-yung bag ko? At akin yang upuan na yan ako yung kumuha dyan” sabay turo sa kinauupuan ni Bryan.
“Sayo? Sure kaba na sayo nabasa mo na ba yung nasa likuran ng upuan ha?” taas kilay na tanong ni Tristan sa akin.
“She's a newbie here kaya hindi niya alam ang mga rules” pag singit naman ni Hannah sa kuya niya.
“I don't care if she is a newbie” masungit at walang ganang sagot naman ni Tristan.
Napabuga na lamang ng hangin si Hannah at pilit akong pinipigilan pero kasi nakakainis na tong mga toh eh nananadya yata sila.!
Inihagis sa akin ni Shawn ang bag ko dahilan para matapon ang karga nito sa sahig.Dahil binuksan niya iyon.
Inis kong tinignan si Bryan na palihim na ngumingiti.Dali dali kong pinulot ang gamit ko sa sahig at naghanap ng mauupuan pero wala ng bakante.
“Ms.Anna meron pang isang upuan dun sa dulo pero sira yung desk niya if okay sayo yun muna ang gamitin mo” saad naman ni sir sa akin.
Inis kong kinuha ang upuan sa likod halos mamatay na sila sa kakatawa ng buhatin ko iyon.
Nagsimula ang klase pero hindi ako komportable sa kinauupuan ko ngayon.
“Ako naman kasi ang nauna dun eh” taas kilay na singhal ko.
“Tsk Anna siya ang nagmamay ari ng upuan na yun kaya may bakanteng lima kasi upuan ng mga prince yun” bulong naman ni Hannah.
Prince? Mukha bang prince yung kumag na yun..Sarap saksakin ng ballpen yung nakakainis na mata niya..