—Anna Perez Pov—
Matalim akong nakatitig kay Bryan habang nagtatawanan naman sila ng kaniyang mga kaibigan.Hindi ko nga alam sa sarili ko kung bakit naiinis ako ngayon feeling ko kasi ako yung pinag uusapan at pinagtatawanan nila.Madiin kong hawak ang ballpen ko habang taas ang kanang kilay kong nakatitig sa kaniya.Baka ano mang oras mapapatay ko na talaga siya...Sobrang yabang niya
Nakaupo tuloy ako ngayon sa sirang upuan dahil sa kagagawan niya eh parehas naman kaya kaming sabay na pumasok ngayong araw tapos nagkaroon kaagad siya ng upuan na kinaupuan ko na kanina.Andami niya ng pagpapahiya sa akin ngayong araw ha.Yung pagbangga niya sa akin tapos pagkuha sa upuan ang masama pa kinakampihan pa siya ng barkada niya sa kagaguhan niyang ginagawa.
Ibinaling ko ang mga mata ko sa ibang studyante.May ilang inaantok at humihikab na dahil sa mahabang pagpapaliwanag ni Sir sa harap ng board.Meron namang iba na abala sa pag aayos ng make up nila at nakikipagchikahan sa katabi and lastly ang pagpapapansin na ginagawa nila sa limang campus prince na nasa bandang kaliwa habang kami nasa bandang kanan.Ang pwesto ko ngayon ay katapat si Bryan na kumag.
Ano ba ang meron sa limang lalaki na ito at maraming babae ang patay na patay sa kanila eh gayong ang sasama naman ng ugali nila lalo na itong lider.Tsk kagwapuhan lang naman ang dala pero wala namang mapapala sa pag uugali niya.Higit sa lahat bakit pumapayag ang mga guro na basta basta nalang magpa api at sumunod sa kumag na lalaking amo ko.Eh diba dapat studyante ang matakot sa guro pero ngayon parang baliktad ata dahil si sir ang takot kay Bryan.Hindi nga niya magawang bawalin ngayon ang mga studyante niya.
Ganito ba talaga dito sa mayamang paaralan kapag mayaman ka lahat magagawa mo pati na ang pagsunod ng mga tao sa kagaguhan na ginagawa mo...Tsk...Malalim akong napabuntong hininga at tinignan si Hannah na abala lang sa pagsusulat ng mga aralin na isinusulat din ni Sir sa Pisara..Napakibit balikat ako at bumalik na sa ginagawa kong pagsusulat, hindi ako papayag na magaya ako sa mga kamag aral ko dahil kailangan kong pagbutihin ang pag aaral ko para naman makapag tapos ako ng pag aaral at makahanap ng magandang trabaho na makakapagpabago sa buhay ko.
Tahimik at maayos akong nakaupo habang nakikinig sa paliwanag ni sir about love?! Yes about love ipinapaliwanag lang naman niya kung bakit kailangan ng isang tao ang pagmamahal ng kapwa niya tao.
“Pssst” ibinaling ko ang tingin ko sa mga studyante dahil sa narinig kong tila pagtawag ng kung sino.Kunot noo pa akong naghahanap kung sino ba iyon.
“Ouchh” pag-inda ko ng tumama ang isang bilog na papel sa noo ko.Inis akong napatingin sa grupo ni Joana na halos mamatay na sa kakatawang nakatingin sa akin.Sila ang nagbato ng papel sa akin? Ano naman kaya balak ng baklang ito.
Naghintay ako ng ilang sandali para pulutin ang nakabilot na papel para alamin kung ano ang nasa loob nito.Pasimple kong pinupulot ito sa pamamagitan ng aking paa para maabot.Nang mapagtanto ko na hindi ko siya makukuha yumuko ako at tuluyang napangiti ng hawak ko na ang papel.
“Ms.Anna Perez” agad akong napatingin kay Sir ng banggitin niya ang pangalan ko na ikinataka din naman ng ibang studyante.Tumingin pa ako kay Hannah na sinesenyasan akong tumayo pero hindi ko naman alam kung bakit ako tatayo eh ganung wala naman sinabi si Sir.
Inayos ko ang pagkakaupo ko dahil baka napansin lamang ni sir na tila hindi ako nakikinig sa pagpapaliwanag niya tungkol sa subject namin kaya niya binanggit ang pangalan ko.
“Ms.Anna Perez Stand up and answer my question about this subject” mabilis kong itinuon ang pansin ko sa salitang isinulat ni sir sa pisara.Malalim akong huminga bago ako tumayo sa aking kinauupuan..“Sotell me and to your classmate kung ano nga ba ang maitutulong ng pag-ibig sa isang tao na kagaya mo?” muling tanong sa akin ni Sir.
Nakakainis naman bakit pa kasi naging subject ang love.!
“Marami sir” sagot ko dahilan para mag tawanan ang mga babaeng nasa loob pati na rin ang grupo ng kumag kong amo.
“Anong silbing sagot yan? Marami? Lutang kaba?” napadako ang mga mata ko kay Bryan na may halong inis dahil sa sinabi niya.
“Hindi ako lutang” madiing sagot ko pa sa kaniya.Tinignan siya ng ibang babae na kinikilig na ngayon...Ampt...“Marami ang maitutulong ng pag ibig sa isang tao na kagaya ko kagaya na lang ng pagiging masaya” sagot ko habang nakatuon pa rin ang mga mata kay Bryan.
“Masaya? Love is the reason why many are hurt and that love is nonsense” may diing sagot naman ni Bryan na ikinakunot ng aking noo dahil english english pa eh tagalog naman tong subject namin...Tsk.
“Wag ka ngang magsalita pabibo ka lang jan eh ako si Anna kaya ako ang sasagot” panlalaking matang usal ko pa sa kaniya at tumingin kay sir na pinapanood lamang kaming dalawa ni Bryan..“Ang pag ibig ang daan para ang bawat tao ay mapuno ng pagmamalasakitan” sagot ko pa pero—
“Ang pag ibig ay kalokohan lang at tanga lang ang naniniwala jan puro sakit at kirot lang ang dala ng walang kwentang pagmamahal na yan minsan marami pang tao ang nagpapakamatay kapag nasaktan sila sa pag ibig” sagot naman ni Bryan dahilan para kumunot ang noo kong tingin sa kaniya.
“Hindi kasalanan ng pagmamahal yun siguro pinagtagpo lang sila pero hindi tinadhana pero alam mo ba kung ano ang mas matimbang na hindi mababayaran at matutumbasan ng iba? Yun ay ang pagmamahal ng diyos sa atin at ang pagmamahal ng mga magulang natin sa atin kahit sobrang laki pa ang kasalanang nagawa natin sa sarili o sa kanila” mahabang pakikipaglaban na pananalita ko sa kaniya.Halos mabingi naman ang lahat ng biglang sinuntok ni Bryan ang desk ng upuan niya.
“Ang salitang yan ang pinaka malaking kasinungalingan kung may diyos? Bakit niya hinahayaan na maging malungkot ang isang tao? Bakit hindi niya naibibigay ang isang tanging hiling ko sa buhay” may halong galit na sa pananalita ni Bryan pero nainis ako sa kaniya dahil sa sinabi niya.
“Ms.Anna Perez and Bryan Gonzales sit down and i contin~” naputol ang sasabihin ni Sir ng bigla akong nagsalita.
“Alam mo ba kung bakit hindi ka nagiging masaya sa buhay? Kasi puno ng galit yang puso mo.Puro ka yabang at napakasama mong lalaki kaya walang sino mang tao ang nagbabalak na lapitan at mahalin ka kaya pati siguro mga magulang mo nilalayuan ka dahil jan sa magaspang mong pag uugali” inis at itinuro ko siya sa kinaroroonan niya dahil magkapantay lang naman kami.
“I don't care about the useless words that come out of your mouth” kinuha niya ang bag niya at naglalakad na palabas ng room na ikinailing ko.
“Ohh ano napipikon kana aalis kana eh gago ka pala eh” singhal ko pero matalim na tingin lamang ang isinukli niya sa akin bago tuluyang lumabas ng room.Sumunod ang apat na kaibigan niya sa kaniyang pag labas.
Nanginginig naman ang katawan ko dahil sa mga nasabi ko sa kaniya.Bakit kasi siya sumagot sagot kung hindi naman siya ang kinakausap ni Sir tapos andali dali niya pang mapikon.Baliw ba siya?
Pagkatapos ng klase nagpa alam na si Sir dahil pupunta na siya sa next na room na tuturuan niya.
“Anna tara sabay na tayong mag meryenda” anyaya ni Hannah sa akin habang inaayos ko palang ang mga gamit ko sa aking bag.
“Sige salamat”
Nang maiayos ko na ito wala na sa tabi ko si Hannah.Iniikot ko pa ang tingin ko sa paligid pero ako na lang pala ang nandito sa room.
Dali dali akong tumayo sa kinauupuan ko para habulin si Hannah at makalabas na dito.Pero bigla akong napahinto sa pagtakbo palabas ng—
*Boggggsshh*
Isang malakas na tunog ng pintuan dito sa room bigla nalang kasing sumara pero wala namang malakas na hangin ang dumaan.Malakas na ang kabog ng puso ko sa oras na ito dahil sobrang dilim dito.
Ilang beses ko ng pinipindot ang sindihan ng ilaw pero wala yatang kuryente.Pinihit ko ang doorknob ng pintuan para buksan pero ang hirap dahil tila nakalock.
“Tao po may tao ba jan?” pagtatanong na sigaw ko habang nakadungaw sa bintana.
Maraming studyante ang nag daraan pero wala manlang nag babalak na buksan ito para makalabas na ako dito.Sobrang init na ng nararamdaman ko dahil kulob dito para na nga akong hihimatayin dahil sa sobrang init.
Ilang minuto na ang nakalipas.Umiiyak na rin ako dahil gusto ko nang makalabas.Tagaktak na ang pawis ko marami ding tao ang nagtatawanan sa labas dahil sa pagsigaw na paghingi ko ng tulong.Parang isang biro lang sa kanila kung nasaan man ako ngayon pero sa isip at puso ko hindi na ito nakakatuwa o kung sino man ang may pakana nito ang paglock sa pintuan.
—Bryan Gonzales Pov—
Pagkatapos ng nangyari kanina sa room na sagutan namin ng babaeng iyon nagmadali na akong lumabas at nagpunta dito sa tambayan sa likod ng university,pinili ko ang lugar na ito dahil malawak at malinis higit sa lahat sariwa pa ang hangin.
“Pare ayos ka lang ba?” rinig kong tanong ni Shawn mula sa likuran ko.
“Tingin mo magiging ayos kaba kapag ikaw na yung binubwesit ng babaeng yun” singhal na pag sagot ko sa kaniya.
“Shawn wag mo kasing inisin si Boss nakikita mo na ngang hindi siya okay tapos tatanungin mo pa alam mo may pagka abnormal ka talaga” turan naman ni Drake kay Shawn.
Tumawa naman ng malakas ang dalawa na sina Tristan.
“Anong gusto mong gawin natin? Gusto mo ba bawian namin yung probinsyana na yun” singhal na turan pa ni Shawn.
“Dude tanong lang ha pero parang hindi takot yung babae sayo kilala mo ba yun? Ex mo siguro na hindi mo lang nakikilala” napatingin ako kay Tristan dahil sa sinabi niya.Inis kong hinila ang kwelyo ng damit niya dahilan para matakot naman siya sa akin.
“Mukha ba akong pumapatol sa amoy tinapa?” inis na tanong ko kaya naman umiling iling nalang siya.Binitawan ko siya at pinagpag ang kamay ko..“She's my maid” walang ganang sagot ko.
Malakas na tumawa si Shawn at Drake pero tahimik lamang ang dalawa sa likuran nila.
“What maid?”
“Wow pare hahaha”
“So mean gaya ng dati” tanong pa ni Drake.
“Suggestion yun ni papa kaya wala akong nagawa at ayoko naman na mawala ang pera at kotse ko tsk..Nung kailangan ko nga kayo wala kayo eh” singhal ko sa kanila.
Tinapik naman ako ni Shawn sa balikat at kumindat.
“Kaming bahala sa probinsyana na yun para mapa alis siya sa pagiging maid mo tsk hahaha” tawang tawa na usal ni Shawn.
Malakas na tumunog ang bell naghuhudyat lang na pasukan na isang subject.
Naglakad na kami patungo sa next subject pero maraming tao ang nagkukumpulan sa room na pinanggalingan namin kanina.
Dumiretso lang ako sa paglalakad kasama ang mga kaibigan.
“Ano yun may artista ba dun?” tanong pa ni Shawn.
“Tsk artista hahaha tayo lang naman ang artista dito eh” mayabang na usal pa ni Justin.
“Ohh yeaahh men buti alam mo pero alam ko naman na sa ating lima ako ang pinaka gwapo” sabay naunang naglakad si Drake.
Sobrang ingay nila habang naglalakad kami habang ako pachill-chill lang at iniisip kung ano nga ba ang gagawin para mapa alis si anna.
“How dare you” isang malakas na sigaw kasabay ng malakas na pagsampal sa akin ni Hannah
“What the f**k Hannah” sigaw naman ni Tristan at hinawakan ng mahigpit ang kapatid niya sa kamay.
Ipinilig ko naman ang ulo ko at matalim na tumingin sa mga mata niya.
“Anong karapatan mo para sampalin ako? ANO” ang mga studyante na nagkukumpulan kanina sa isang tabi ay gulat na napatingin sa akin dahil sa lakas ng boses ko.
“Let me go” utos niya sa kuya niya..“Gaano ba kalaki ang galit mo sa mga babaeng pumapasok dito para araw arawin mo silang dalhin sa peligro” sigaw niya na ikinakunot ng noo ko.
“What the f**k i did’nt understand you" sigaw ko pa habang nakahawak sa baba ko.
“Ang kapal ng mukha mo demonyo ka talaya demonyo” sigaw niya bago inis na kinalas ang kamay ni Tristan at dali daling umalis.
“Ano bang sinasabi niya?" tanong pa ni Shawn.
“Boss masakit ba?” tanong pa ni Shawn dahilan para hilain siya ni Drake sa likuran.