Chapter 10

1776 Words
—ANNA PEREZ POV— “Anna anong nangyari sayo?” nanlalaking matang tanong ni Hannah sa akin ng makita niya ako dito sa gilid habang pilit na pinapatuyo ang mga gamit ko na binasa ng grupo ni Bryan. Hindi ko alam pero sobrang napakalambot ng puso ko kaya kahit na hindi nakakaiyak yung tanong niya bigla bigla ka nalang mapapaiyak dahil ang pumapasok sa isip ko aping api na ako ngayon.Mabilis naman siyang umupo sa tabi ko at tinatapik tapik ako sa balikat. “Sinong may gawa niyan? Si Bryan ba? Alam mo naiinis na talaga ako sa bwesit na lalaking yan eh” singhal pa nito pero umiling lamang ako sa kaniya na ikinakunot noo niya. “W-wala hindi siya ang may gawa nito ako! Natapon ko kasi yung tubig sa bag ko kaya heto natapon” pagsisinungaling na sagot ko sa kaniya. “Magsabi ka kasi ng totoo bak~” naputol ang sasabihin niya ng malakas na nag ring ang alarm hudyat na pumasok na sa mga susunod na subject..“Hasyt ano tara na baka malate tayo” anyaya sa akin ni Hannah. “Ahh sige mauna kana susunod ako” sagot ko naman sa kaniya.Hindi pa siya tumayo dahil hinihintay niya talaga ako.“Tara na” anyaya ko ng malinis ko na ang mga gamit ko pero basa pa rin ito. Naglakad na kami ni Hannah papunta sa next room at next subject namin.Medyo gutom na rin ako dahil hindi ako nakapag meryenda kanina dahil sa bwesit na taong nagkulong sa akin. “Ayan na si Miss Probinsiyana” rinig kong sigaw ni Shawn na nasa pintuan. Napayuko habang naglalakad dahil sa samo't saring bulungan ng mga karamihan pati na rin sa mga tawanan na nililikha nila. Umupo kami ni Hannah sa susunod na upuan sa grupo ni Bryan kaya ang pwesto namin ngayon nasa likuran namin sina Bryan. Naghintay pa kami ng ilang minuto sa pagdating ng teacher pero nakakabingi dito kasi nga sa sobrang ingay ng grupo nila. “f**k naaamoy niyo ba yun?” isang malakas na boses na tanong ni Shawn dahilan para mapatingin sa kaniya ang ilang studyante. “Ano bang amoy Shawn?” natatawang tanong naman ng isang babae. “Saan banda jan ba sa linya niyo?” tanong pa ng katabi ni Hannah ngayon na babae. “Sa linya ng nasa harapan namin parang amoy tinapa eh” pang aasar ni Shawn. Naglakad siya papunta sa harapan namin ni Hannah at nang aasar na inaamoy isa isa ang narito sa linya namin. “Ano ba nananadya kaba?” malakas na sigaw ko ng inaamoy amoy niya ako parang timang. “Guilty ka? Inaamoy ko lang kung sino yung amoy tinapa” takip ilong nitong tanong. “Tigil tigilan mo yang kabaliwan mo Shawn ha” sabay tapik ni Hannah sa kamay nito. “Gagi ang lansa nga ng amoy hindi mo ba yun naaamoy tsk ang baho kaya diba mga pare” tanong pa ni Shawn sa mga kaibigan niya sa likuran namin. “Ms.Shawn what are you doing?” tanong ng isang babaeng guro na bagong bungad sa harapan. Ang maingay kaninang mga studyante ay bigla nalang tumahimik gayundin ang grupo na nasa likuran namin. “Wala po maam may chinecheck lang po ako” sagot ni Shawn ng makaupo na siya sa upuan niya. “Okay get one whole sheet of paper at magsulat ng essay about sa mga bayani ang hindi makakatapos hindi lalabas sa room na ito” may diing boses na pagpapaliwanag niya. Nagsilabasan naman sila ng papel sa mga bag nila akmang bubulong ako kay Hannah para humingi muna sa kaniya ng papel dahil basa pa itong sa akin. “Miss Anna Perez focus on me or on your paper hindi sa katabi mo” singhal nito sa akin dahilan para mapatawa ang iba. May kani-kaniya nang papel ang mga studyante at nagsisimula na silang magsulat habang ako kinakabahan parin kung ano ang gagawin ko. “Miss Anna Perez what are you doing? Ano tatanga tanga ka nalang jan? Sabi ko maglabas ka ng One whole sheet of paper at gumawa ng essay” inis na turan ni Maam sa akin.Bakas sa muka niya ang pagkagalit na lalong ikinangatog ng tuhod ko. “O-opo maam” Mahinang tumawa ang mga studyante pero inis din na binawal ni Maam.Ganito ba talaga siya galit sa mga mag aaral kaya pati itong lima na nasa likuran ko tumitiklop. Napatingin ako kay Hannah ng marinig ko siyang sumipol.Itinabing niya pa sa muka niya ang papel at tumingin sa akin. “Wala kabang papel?” mahinang boses na tanong niya sapat na para marinig ko ito. Tumango lamang ako sa kaniya bilang sagot. Nagulat siya at ako ng biglang malakas na may humablot sa notebook na nakaharang sa kaniyang muka. “Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo?” inis na tanong ni Maam sa aming dalawa. “Sorry maam tinanong ko lang po si Anna” nahihiyang sagot ni Hannah. “Sa susunod na may makita akong nag iingay o nagchichikahan sa oras ng klase ko mareremoved na dito” pagbabanta niya sa amin. “Maam Pich” napatingin kami sa isang may katandaang teacher sa pintuan na tinatawag itong masungit. Ang mahabang nguso niya at matalim niyang tingin ay napalitan ng isang bahid ng ngiti at dali daling lumapit sa tumawag sa kaniya. “Yes?” rinig naming sagot ni Maam sa babae. “Masaya kaba dito? At ayos ba yang mga mag aaral mo?” tanong ng isang guro sa kaniya. “Hasyt oo naman po” pekeng sagot nito dahilan para irapan siya ng ibang studyante dahil sa kapekean niya. “Guys mabait ba si Maam Pich?” malakas na boses na tanong pa ng teacher sa amin. “Tsk sobrang bwes~” napatigil ang barkada ni Joana sa sinasabi niya ng biglang umubo ng kunwari maam Pich..“Yes po maam hehe ang bait nga po niya eh” pekeng sagot nito. Nag usap ang dalawang teacher sa labas habang abala naman ang mga kaklase ko sa paggawa ng mga essay. Bakit nga pala wala si Baklang Joana dito ngayon?! —Anna Perez Pov— Tumingin muna ako kay Bryan na abala rin sa pagsasagot sa papel niya ganun rin ang iba kong kaibigan. Nagpunit ako ng limang pirasong papel at lumapit sa isang babae. “Iabot mo toh kay Anna pero wag mo sasabihin na galing sa akin” madiing boses ko sa babae. Agad naman niyang sinunod ito umupo ako ng maayos at nag kunwari na nagsasagot sa papel ko. “Anna ito oh” rinig kong sambit ng babaeng inutusan ko sa harapan ni Anna. “Ha?” “Pinamimigay gamitin mo daw wala ka atang papel eh bilisan mo baka maabutan tayo ni Maam” mabilis na inabot ni Anna ang papel na hawak ng babae. “Pero teka sayo ba ito galing?” tanong ni Anna sa babae. “Hindi basta pinamimigay lang yan ng lalaki na kabilang sa grupo ni Bryan” sagot nito na ikinamura ko. Ibinaling ko pa ang tingin ko kay Bryan baka narinig niya kasi yun. Eh bawal na bawal pa naman sa kaniya ang tumulong kaming mga kaibigan niya sa taong inaapi niya.. Nang maibigay na ito ng babae umalis na ito sa harapan ni Anna. Napayuko ako ng todo ng bigla siyang lumingon sa kinaroroonan namin. Isang matamis na ngiti ang iniwan niya bago nagsimulang magsulat. She's so beautiful hindi nga lang marunong mag ayos. Pero pag ito nag ayos tiyak ko na lahat ng lalaki mapapanganga sa ganda niya. Nang matiyak ko na nagsasagot na siya malawak akong ngumiti sa aking sarili. Btw i have an crush on her. Pero sekreto lang dapat ang pagkagusto ko sa kaniya. ///????'? ????? ??? “Sino kaya yung nagbigay ng papel sayo akalain mo malaki naitulong niya kung wala kang essay baka nandun kana sa office habang sinesermonan ni Maam sungit” natatawang usal ni Hannah habang naglalakad na kami palabas ng university. “Oo nga eh pero sino kaya sa limang yun?” tanong ko pa sa kaniya. “Baka secret admirrer mo” natatawang sagot ni Hannah. Napatawa na rin ako pero deep inside nagtataka pa rin ako at gusto kong malaman kung sino nga ba sa kanila. “Sige ingat ka” sambit pa ni Hannah ng makahanap ako ng tricycle. “Sige ingat ka rin salamat” sagot ko bago umandar itong sinasakyan ko. Pagdating ko sa bahay nandito na rin si Mr.Kumag habang nakahiga sa may mahabang sofa sa sala. Marami na agad siyang kalat na plastic ng mga junkfood habang natutuwa naman syang nanonood ng basketball. Inis kong ibinagsak ang bag ko sa isang upuan at kinuha ang basurahan para linisin ang mga kalat niya. “Yang ulo mo ampt.” sigaw niya ng humarang ako sa tv na pinag papanooran niya. Walang gana akong namumulot ng kalat dahil sobra talaga akong naiinis sa kaniya. “Huyy manang itimpla mo nga ako ng Kape” singhal na pag utos nito sa akin. Tumayo naman ako at iniwan ang basurahan sa tabi niya para itimpla muna siya ng kape niya. Dalawang kutsarang asukal at kalahating kape ang inilagay ko bago ito ibigay sa kaniya. “Ito na po ang kape niyo kamahalan” sagot ko pa at inilagay sa maliit na lamesa ang hawak ko. Ngumiti naman siya at agad itong kinuha. “What the f**k bakit antamis? Gusto mo bang magkasakit ako ng diabetes ha” singhal niya sa akin.“Palitan mo bilis” utos niya na agad ko ring sinunod. Ngayon naman dalawang kutsara na kape at isang kutsara na asukal tignan lang natin ang tapang mo. Abo’t langit ang ngiti ko ng iabot ko sa kaniya yun. Pero hindi manlang niya kinuha para agad na inumin. “Bakit mo kinalat?” singhal na tanong ko sa kaniya ng makita ang mga basurang pinulot ko na kanina. Tumawa lang siya at ipinagpatuloy ang ginagawa niyang panonood. Inis akong nagtungo sa sala para kumuha ng malamig na tubig. “Wasshii wasshii alisin niyo po ang demonyong lalaki na ito sa kaluluwa niya” pagbulong ko habang sinasabuyan siya ng tubig sa muka pero hindi naman marami ha. “What the hell itigil mo yan sisipain kita” pagbabanta niya sa akin pero tinuloy ko pa rin ang ginagawa ko. “Demonyo demonyo aalis kaba” parang timang na tanong ko pa sa kaniya na pikit matang aking ginagawa. “Pweee” sigaw ko ng malakas ng bigla niyang isaboy sa muka ko ang isang tasang tubig na hawak ko. Animal...!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD