Grrrr...Kainis..!!
“Bwesit ka kanina pa ako nag titimpi sayo ha” sigaw ko sa bwesit na kumag na lalaking ito.Nakita ko naman siyang mabilis na tumatakbo pataas ng hagdan at papunta sa kaniyang kwarto para magtago.May hawak kasi akong walis tambo na balak kong ipalo sa bwesit na lalaking iyon.Dibale nang mawalan ako ng trabaho ang mahalaga ay mabawian ko yung bryan na yun.Mabilis akong tumatakbo para habulin siya.
“Ouchh what the f**k araayy masakit!” inis na pag inda niya habang pinapalo ko siya sa mga braso niya.Walang tigil ko naman itong ginagawa habang nasa tapat na kami ng kwarto niya.“Anna stop it” singhal na utos niya pa sa akin dahilan para tumigil ako sa pagpalo pero inis pa rin akong nakatitig sa kaniya.
“Masakit? Mas masakit pa nga yung ginawa mo sa akin kanina. Nang dahil sayo nawalan ako ng malay at ng dahil rin sayo nabasa yung mga gamit ko” malakas na sigaw ko habang at muli siyang pinapalo palo sa mga kamay niya.Nakita kong mabilis na naging mapula ang balat nya dahil sa malakas na pagpalo ko.Maputi kasi siya kaya ei.
Nanlaki naman agad ang mga mata ko ng hilain niya ang hawak kong walis dahilan para mapalapit at mauntog ako sa dibdib niya.Aaminin ko na mas malaki siya sa akin kaya naman hanggang balikat niya lang ako.Sobrang bango ng damit na suot niya at sobrang tigas rin ng dibdib niya.Pero napalayo agad ako sa mga nakakainis na pumapasok sa isip ko.Napailing iling ako at pilit na inaagaw sa kaniya ang walis na ngayon ay nasa kaniya na.
“Anlakas mo magbintang ha pero hindi mo naman kilala kung sino talaga ang nagkulong dun” lakas boses nitong sagot sa akin napabuga naman ako ng hangin dahil sa sinabi niya.Eh ano ang gusto niyang isipin ko na hindi siya ang may kagagawan nun..Tsk eh siya lang naman ang taong gusto akong mapa-alis sa pamamagitan ng mga kalokohan niya eh.
“Walang ibang gagawa nun kundi ikaw kasi ikaw lang naman yung taong nagbabalak na pahirapan ako para umatras ako sa usapan namin ng papa mo diba?” pinanlakihan ko siya ng mata pero bigla din akong napapikit ng pitikin niya iyon..“Don’t hawak hawak may noo ha hindi tayo close” galit ko pang turan at pinunasan ang noo ko.
“Tsk ang arte! Hindi ako o ang kaibigan ko ang may gawa nun sayo try mong hanapin kung sino ang taong yun lumabas ka nga dito itimpla mo ako ng kape” utos nito bago ako tinalikuran bago siya naglakad papunta sa kama niya para mahiga.
Pinulot ko naman kaagad ang walis tambo na bigla niya nalang inihagis sa isang tabi.Taas kilay akong lumapit sa bandang ulunan niya dahil nakababa ang ulo niya sa kama.Kumunot naman ang noo nito dahil siguro sa hindi pa rin ako umaalis at hindi ginagawa ang inuutos niya.
“Narinig mo ba yung sinabi ko sabi ko umalis kana at ipagtimpla mo ako ng kape” pag uulit na utos pa niya pero bumangon na siya sa kama at hinarap ako.Napangiwi naman ako at peke siyang nginitian.
“Hoyyy Mr.Kumag na antipatiko na bwesit na demonyo yung pina timpla mong kape sa akin kanina iniwan mo lang sa sala tapos ngayon magpapatimpla ka na naman” singhal ko sa kaniya.Tumingin siya sa labas ng bintana dahilan para magtaka ako.Ano tini-tingin niya sa labas tsk.
“Kapag inutos ko susundin mo” sagot nito.Napapa atras ako dahil sa ginagawa niyang paglapit sa akin.“Ako ang boss at katulong ka lang kaya kapag sinabi ko na wag kang matulog o wag kang huminga dapat sundin mo” sagot pa niya na ikinasinghal ko.Malapit na kami sa isa't isa pero naiinis ako sa pagmumuka niya.Hinawakan ko ang dibdib niya at buong lakas ko siyang itinulak pero napalapit din ako sa kaniya ng hilain niya ang hawak kong walis.
Matamis ang ngiti niya habang nakahiga siya sa kama at naka patong ako sa kaniya.Gusto kong kumawala sa nakakainis na pwestong ito pero para bang pinipigilan ako ng isip at puso ko..Magkalapit ang muka naming dalawa.Nakahawak ang kanang kamay ko sa dibdib niya kaya naman nararamdaman ko ang pagtibok ng puso niya.Nakatitig lang ako sa mapupula niyang labi na tila ba inaakit ako nitong halikan siya?!
“Do you want to kiss me?” nabalik ako sa reyalidad dahil sa pagtatanong niya.Pinilit kong umalis sa pagkakapatong sa kaniya ng mahigpit niyang hawakan ang magkabila kong kamay at—
“Bwesit ka anong ginagawa mo?” singhal na pagtatanong ko sa kaniya ng bigla niyang iniikot ang pwesto.Siya na ngayon ang nasa ibabaw habang ako yung takte...
“Namumula ka yata? Bakit inlove kaba sakin Ha?” mayabang na pagtatanong nito sa akin.Naningkit naman ang mga mata ko ng maalala ang mga ibinilin sa akin ni Mama nun na wag magpapaloko sa mga taong manloloko.
“Inlove ako sayo? Gago nagbibiro kaba? Aalis kaba jan o sisipain kita” may diing banta ko sa kaniya.Hindi siya umalis sa pwesto niya.Pilit ko ring ibinabangon ang aking sarili pero hawak niya ng mahigpit ang kamay ko..“Ahh gusto mong masipa ha” tangong tanong ko pa sa kaniya.
Isang malakas na sipa ang ginawa ko sa pang ibaba niya.“A-araaayyy yung ano ko” mangiyak ngiyak nitong sambit agad niyang binitawan ang kamay ko at tumayo.Hawak hawak niya yung pang ibaba niya at pinipigilan ang sakit na nararamdaman nito.
Bumangon naman ako sa kama at napasinghal.Inayos ko rin ang damit ko at masamang tumingin sa kaniya.“Bullshit may araw ka rin sa akin” pagbabanta niya at agad na umupo sa kama habang mahigpit na hawak yung alam niyo na Hahaha..Pinagpag ko ang kamay ko at nginisian siya bago lumabas dala ang walis.
Akala niya yata magagaya niya ako sa mga babae na naunang ginalaw niya.Yung ibang babae na gagalawin niya tapos pagka tapos nun hahayaan niya nalang tskkk..Never niya akong mabibiktima.
Pababa na ako ng hagdan habang may bahid pa rin na ngiti sa aking labi dahil sa nakita kong itsura ni Bryan nung sinipa ko yung alaga niya.Iyakin pala ei.Napahinto ako sa paglalakad pababa ng makita si Manang Cora na nag aalala ang muka.
“Ija anong nangyari bakit nagsisigaw si Sir Bryan?” tanong niya sa akin.Napaupo ako at malakas na tumawa na ikinakunot naman ng kaniyang noo.Hindi ako nakapagpigil sa tawa ko kaya inakyat at pinuntahan niya na ang kumag na lalaking iyon sa kwarto niya.Napatingin ako kay Manang ng matawa ring pababa.
Ilang minuto pa ang lumipas nakapagbihis na ako at natapos ko na rin ang maglaba ng pinag bihisan ko.Pabalik na ako sa loob ng bahay ng makasalubong ko si Bryan sa pintuan.Mabilis niyang hinarang ang kamay at paa nito para hindi ako makapasok.Malawak naman akong ngumiti sa kaniya ng nakapagbihis na siya at hindi niya na rin iniinda ang sinipa ko kanina.
“Aalisin mo ba yan o gusto mo ulit na sipain ko yang ano mo” mataray ang pagkakatanong ko sa kaniya.Mabilis naman siyang tumalikod at napatingin sa ibaba niya..Tsk takot pala ei hahaha.
Alas syete na ng gabi tapos na rin kaming kumain ng hapunan kaya binalak ko munang lumabas para magtapon ng basura para kaunti na lang ang trabaho ko bukas ng umaga.Dali dali akong lumabas at nagtungo sa tapunan ng basura na malaking timba.
Akmang ibubuhos ko na ang hawak kong timba na maliit na may lamang basura ng natigilan na lang ako bigla dahil sa may isang singsing akong nakita.Makinang ito dahil sa may liwanag dito sa may labas.
‘Sobrang ganda nito pero bakit nila tinapon‘
Nagtataka kong pinulot ito, tumingin muna ako sa kanan at kaliwa para siguraduhin na walang makakakitang pupulutin ko ito.
Mabilis akong bumalik sa loob para matignan sa kwarto ang singsing na nasa bulsa ko sa ngayon.
“Saan ka pupunta?” bungad na tanong ko kay Kumag este kay Bryan ng makasalubong siya dito sa may hagdanan.Bihis na bihis kasi ito na tila may lakad na pupuntahan.
“Wala kang paki” masungit na sagot nito at naglakad ng tuluyan.Kumamot ulo naman ako at hinabol siya.
“Saan ka nga pupunta?” pangungulit na pagtatanong ko pa sa kaniya.Inis naman niya akong binalingan ng tingin.
“Ano bang paki mo?”
“Hoyy may paki ako kasi tungkulin ko ang alamin lahat ng galaw mo kaya kung saan ka pupunta ngayon kailangang kasama ako” sagot ko at akmang sasakay na sa kotse niya pero hinarangan niya ako gamit ang kamay niya.
“Hindi ka sasama lakad ito ng mga lalaki at gabi na hindi ordinaryong lugar ang pupuntahan ko” mahinahon pero malamig na boses na sagot niya.
“Pero trabaho ko ito” pilit ko pa sa kaniya.
Mabilis siyang sumakay sa kaniyang kotse at pinaandar ito kaya naman dali dali akong naglakad papunta sa harapan at iniharang ang aking sarili.
“Hindi ako aalis dito hangga't hindi mo ako isasama at isusumbong kita sa papa mo” pagbabanta ko sa kaniya.“Sige wag mo ako isama pero sinisigurado ko last mo na yan” pagpapatuloy ko pa.
Binuksan naman niya ang pintuan ng kotse at nilabas ang ulo niya dito..“Bwesit na babaeng toh sakay na bilisan mo” pilit na usal niya sa akin.
Napangiti naman ako..Hasyt andali pa lang utuin ng lalaking ito.Takot na takot sa papa niya.
Mabilis siyang nagmamaneho habang pachill chill lang ako dito sa likuran niya.
Huminto ang kotse sa isang club? Anong ginagawa namin dito?Iinom kaya siya?
“Hoyy iinom kaba?” mayabang na tanong ko sa kaniya.
“No, just stay here” malamig na boses na tugon niya sa akin.
“Bawal dapat sasama ako” singhal ko pa at bababa na sana ng kotse pero inis itong nagkamot ng ulo.
“I said stay here delikado sa loob sa gaya mong probinsyana..Babalik rin ako” tugon nito at mabilis na lumabas.
Lumipas ang ilang minuto ng umalis siya at pumasok sa loob ng club pero hindi pa rin siya bumabalik.Marami na ding kotse sa tabi ang nakaparada at pumapasok sa loob.
Napabaling ang tingin ko sa kanan ko ng may kumakatok sa bintana ng kotse.Binuksan ko ito pero isang lalaking nakamaskara ang bumungad sa akin.Bakas sa mata nito ang gulat.Mata lang ang nakikita sa kaniya.
“May problema po ba? Ahh kuya ano po meron sa loob mask party ba?” tanong ko kay kuya na kaharap ko ngayon.
Hindi siya sumagot sa tanong ko at nagmamadaling pumasok sa loob ng club...Ano nangyari dun.
Maingay sa loob ng club kaya naman medyo nasiyahan ako sa tugtog nila.Isinara ko ang pintuan at naglakad papasok wala naman sigurong masama kung makikihalubilo lang ako dito.
Pagkapasok na pagkapasok ko halos mahilo ako sa samo't saring amoy ng mga alak.Nakakarindi rin sa tenga ang malakas na hiyawan at tawanan ng mga lalaking nandito.
Buong buhay ko ngayon lang ako nakapasok sa isang club.
Pero bakit walang babae dito na sumasayaw sa gitna.
Napatingin ako sa paligid habang masayang muka ang aking pinapakita.
Naglakad pa ako ng naglakad para makapasok pa sa loob nitong club at hanapin si Kumag kanina pa kasi siya wala eh.
Napapatango ako dahil sa budots na tugtog dito sa club.
Ibinaling ko ang tingin ko sa kanan ng bigla nalang—
Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang tauhan ng baklang sendikato na nangunguha ng mga babae para ipagalaw sa mga matatanda.
Lumakas ang t***k ng puso ko ng itinuro ako ng isang lalaki.
Mabilis akong tumakbo kung saan dito sa loob ng club para takasan ang dalawang lalaki na nakakita sa akin.Pero bakit pa nila ako kilala?At bakit sila nandito?
Ano bang lugar ito?
Mabilis ang bawat pagtakbo ko ng may nakabangga akong isang lalaki na nakamaskara.
Mata lang ang nakatabing sa kaniya pero nakalabas naman ang bibig nito.
Tumingin ako sa likuran ko at siniilan ng madiing halik ang nasa harapan ko ngayon.
Mahigpit naman niya akong niyakap.Isang yakap dahilan para maitago niya ako sa mga lalaking humahabol sa akin.
Nang mapagtanto kong wala na ang mga lalaki sa likuran ko.
Bumitaw ako sa pagkakahalik na halos kapusin na ako ng hininga.
Kunot noo kong tinitigan ang nakamaskarang lalaki na nasa harapan ko ngayon.
“S-sino ka” tanong ko sa kaniya.
Umiling lamang siya at may isang lalaking nakamaskara ang humawak sa kanang braso ko.
Naglaho sa dilim ang lalaking hindi ko sinasadyang siilan ng halik.
“Sino ka at sino siya?” tanong ko pa sa lalaking nakahawak sa braso ko ngayon.
“Ikaw miss anong ginagawa mo dito? Bawal ang babae dito” sagot pa niya..“Lumabas kana bago kapa mahuli ng mga taong naghahabol sayo bilis” utos niya sa akin.
Lumabas ako ng club pero lutang pa rin ako dahil sa kagagahan na ginawa ko.
Hindi ko alam kung bakit pero may kakaiba akong naramdaman sa lalaking nakahalikan ko sa loob.
Gumanti siya sa bawat halik ko?!
Napasabunot ako sa buhok ko at agad na bumalik sa kotse ni kumag bago pa siya makadating
“Saan ka galing diba sabi ko sayo wag kang bababa dito” napatingin ako sa loob ng kotse ng makita si Bryan na nasa driver seat na.
“Anong ginagawa mo jan? Kanina kapa ba jan?” tanong ko sa kaniya.
“Ang tanong ko ang sagutin mo? Bakit ka bumaba?” inis nitong tanong sa akin.
“W-wala lang pero ikaw ano ginawa mo sa loob..At ano meron dun may mask party ba?” tanong ko sa kaniya pero mabilis niyang pinaandar at pinaharurot ang kotse pauwi.
Sino kaya ang taong nasa likod ng maskarang iyon.?
At ano ang nasa lugar na iyon?.
Hindi naman maaaring itong kumag na nasa harapan ko kasi nandito naman siya sa kotse eh yung hinalikan ko nasa loob.!?