Chapter 12

3009 Words
—ANNA PEREZ POV— Pababa na ako ng hagdan para pumunta sa sala.It's already 6:30 am maaga pa naman ei kasi alas otso yung simula ng una naming klase nakita ko kahapon dun sa schedule board. Tatlong hakbang nalang para tuluyan akong makababa dito sa hagdanan kaso lang natigilan ako ng bumungad sa akin sina Manang Cora at ang ibang mga kasambahay dito sa mansyon. Kumunot ang noo ko ng makita ang muka nilang may bahid na ngiti at excitement na para bang ewan.Tumingin pa ako sa likuran ko pero wala namang ibang tao kaya tiyak kong ako ang nginingitian at hinihintay nila. “Good morning Anna” malugod na pagbati sa akin ni Manang Cora.Ipinagpatuloy ko ang pag lalakad ko ng bigla niya akong sundutin sa bewang. “Anna anong nangyari kagabi?” tanong naman ng isang babae sa akin na hindi ko kakilala pero mataba siya at tila may pagka chismosa rin. “Oo nga Anna at tila natanghalian ka yata ng gising ha napagod kaba kagabi?” tanong pa ng katabi ni Manang cora na ikinatawa nilang lahat. Hindi muna ako sumagot sa kanila at nagdiretso ng lakad patungo sa kusina para makapag timpla ng kape ko.Pero nyeta sinusundan nila ako at hindi nawawala ang abot tenga nilang ngiti. “Ano po ba meron?” lakas loob kong pagtatanong sa kanila. Lumapit naman ang isang babae pero tumingin muna siya sa taas at may kung anong siyang sinabi. “Nakabuo na ba?” bulong na tanong niya sa akin.Kumibit balikat ako na lalo nilang ikinangiti pero hindi ko talaga naiintindihan kung ano ang pinagsasabi nila. “Ilang beses ba?” tanong pa ni Manang Cora.Napailing iling ako at napahinga ng malalim dahil ang weirdo at bastos na ng mga salitang pinapakawalan nila. “Ano po ba yung mga tanong niyo di ko kayo maintindihan” inis na tanong ko sa kanilang lima. “Hayy naku ija ito kasing si Gwen may ikinwento sa akin kagabi nakita niya daw kayo ni Sir Bryan na lumabas dito sa mansyon at pagbalik niyo tila hinalikan ka niya daw bago pumasok dito sa bahay” sagot ni Manang cora dahilan para mapanganga ako. “Hahahaha? Ano? Anong hinalikan? Bakit naman ako magpapahalik sa kumag na yun” iritang sagot ko na ikinatawa nila ulit. “Hayy naku ija wag kanang mag deny alam naman namin pero wag ka mag-alala walang namang makaka alam eh” sabay hampas ni ate Gwen sa braso ko. “T-teka lang po ha baka hindi po tayo nagkakaintindihan..Hehe” pumagitna ako sa kanila habang taas ang magkabilang kong kamay.“Kami po ni Sir Bryan walang relasyon may pinuntahan lang po kami kagabi” pagsagot ko sa kanila. “Eh saan naman kayo nag punta?” tanong ng isang babae. Biglang sumagi sa isip ko ang mga sinabi ni Sir Bryan sa akin kagabi.Yung sinasabi ni Ate Gwen na hinalikan ako ng kumag na yun hindi iyon ang buong pangyayari. ࿐?????????࿐ Nakahawak ako sa aking labi dahil ramdam ko pa rin ang tamis ng labi nung lalaking nahalikan ko.Feeling ko nga pwede na akong mamatay pero nakakainis lang hindi ko siya nakilala kasi naman siya kaya ang first kiss ko. Pagdating namin dito sa bahay ni Mr.Kumag dali dali na akong bumaba at papasok na sana sa loob dahil hindi ko na kayang mapigilan ang kilig na nararamdaman ko sa nahalikan ko kanina pero biglang mahigpit na hinawakan ni Sir Bryan ang kanang braso ko. Kumunot ang noo ko dahil sa ginawa niya pero lakas loob ko siyang hinarap.Ibang iba ang mga titig na pinapakawalan niya sa akin ngayon.Malakas na kumabog ang puso ko na para bang lulundag na sa saya ng unti unti siyang lumapit sa akin. Siya ba ang second kiss ko? Malalim akong bumuntong hininga at pumikit ng unti unti niyang inilalapit ang muka niya sa akin. “Walang dapat maka alam na pumunta tayo sa lugar na yun kundi malalagot ka sakin” nanlalaking kong iminulat ang mga mata ko dahil sa sinabi at ibinulong niya. Ang akala ko hahalikan niya ako pero may pagbabanta lang naman palang ibinulong.Napa lunok ako ng dalawang beses bago ko siya tinanguan ng mabilis. “Pangako walang makaka alam ganti ko nalang dahil sinama mo ako” ngiting sagot ko sa kaniya. “Ohh ayan labahan mo” napayuko ako ng bigla niyang iniabot sa akin ang black sweater niya para ipalaba. Inis akong pumasok ng bahay. Hindi niya rin ako nagawang patulugin hangga't hindi ko nalalabhan ang makapal na sweater niya dahil nakabantay siya sa akin na lalo kong ikinainis...Ampt. ࿐??? ?? ?????????࿐ “Huyy anna ano saan ba kayo galing?” hampas na tanong pa sa akin ni Ate Gwen.Nabalik naman ako sa reyalidad at umupo sa upuan. “Ahh sa birthdayhan po ng barkada niya” nauutal na sagot ko sa kaniya. “Pero bakit ka niya hinalikan?” tanong pa nila sa akin. “Hindi nga po niya ako hinalikan at never akong magpapahalik sa bwesit na lalaking yun” singhal ko at madiing ibinagsak ang lalagyang bote ng kape sa lamesa. Pagkatapos kong sabihin iyon umalis na sila sa likuran ko at gumawa ng mga dapat na gawin nila sa bahay na ito.Pero si Manang Cora siya naman ang nagluluto ng agahan. “Manang umuwi po ba si Sir Robert?” tanong ko kay Manang Cora bago humigop ng mainit na kape. “Hindi ija natulog daw siya sa opisina sa dami ng mga gawain niya” sagot naman ni Manang na ikinatango ko nalang din. Ilang minuto ang nakalipas ng matapos na ako sa pagkakape.Tumayo ako sa upuan at akmang babalik sa kwarto para kunin ang tuwalya para makaligo na ako ngunit bigla nalang— Napabaling ako kay Manang ng bigla siyang napaupo sa upuan habang hawak hawak ang ulo nito na nakapikit. “Manang ano po nangyari?” tanong ko sa kaniya.Kinuha ko ang sandok na ginagamit niya sa pagluluto na hawak niya. “Ahh w-wala bigla nalang sumakit ang ulo ko” sagot niya sa akin pero hindi pa rin ako mapanatag. Kumuha ako ng isang basong malamig na tubig at iniabot ito sa kaniya. “Ano po ba talaga ang masakit?” tanong kong muli sa kaniya. Kinuha ko ang baso at tumawa naman siya.“Wala ija sumakit lang talaga ang ulo ko pero ayos na” sagot naman niya at akmang tatayo ng— “Hasytt umupo nalang po muna kayo jan ako na po magluluto dito” sagot ko sa kaniya. “Kaya mo ba ija?” Napatango ako dahil sa tanong niya.Kinuha ko ang sandok at humarap sa niluluto niyang tilapia na piniprito.Nagtagal ako dito ng ilang minuto habang si Manang naman nagpunta muna sa kwarto niya dahil sobrang mabigat daw ang ulo niya. “Oucchh” pag inda ko at sabay punas sa kamay ko ng matalsikan ito ng kumukulong mantika na galing sa kawali. Inis kong kinuha ang takip ng isang kaldero dahil sobra na akong nasasaktan dito.Kanina pa ako natatalsikan ng mantika.Hindi ko na kaya sobrang sakit na..Charr..! Para akong nakikipaglaban sa espadahan dahil sa ginagawa ko ngayon.Nakatakip ng kaldero ang muka ko habang patuloy na piniprito itong agahan ng boss namin na ngayon ay tila tulog pa yata. Napatigil ako sa ginagawa kong paghalukay sa piniprito ko ng maalala ang mga ginawa ko kagabi.Ewan ko ba pero gustong gusto ko talagang makilala ang lalaking nasa likuran ng maskarang iyon.Akalain mo ba na mahigpit niya akong yakapin tapos ramdam ko talaga na gumanti siya sa halik ko eh. Tumaas ang kanang kilay ko at nagtatanong ang isip ko.Kung ano nga ba talaga ang meron sa lugar na iyon.Bakit nandun ang mga tauhan ng baklang sendikato na nagbebenta ng mga babae sa mga matatanda. —Bryan Gonzales Pov— Napasinghot ako habang pikit mata pa rin akong nakahiga dito sa kama ng maka amoy ako na tila ba merong nasusunog mula sa labas. Inisip ko pa na hilain ang kumot para ibalot sa aking katawan kaso nga lang agad din akong bumangon at nagmamadaling bumaba para alamin kung ano ba ang amoy na yun. Nanlaki at napataas ang kilay ko ng makita si Anna habang nasa harapan ng nasusunog na niluluto niya. Nakaharang ang isang takip ng kaldero sa muka niya.Malayo yata ang iniisip ng babaeng ito. “Balak mo bang sunugin ang bahay ko?” inis at malamig na pagtatanong ko sa kaniya. “H-ha hindi ah nagluluto lang ako dito” gulat na sagot niya at ibinaling ang mata nito sa kaniyang niluluto ngunit—“Y-yung isda nasusunog” bakas sa boses niya ang pag aalala. Nagpapanik siya habang pinapatay ang apoy sa de gasul na lutuan gamit ang pag ihip niya.Inis akong naglakad pababa at itinulak siya bago ko pinatay ito. “Balak mo bang sunugin ang bahay ko dahil sa katangahan mo” malakas na sigaw ko habang tinitignan ang isda na ngayon ay parang uling na dahil sa over na pagkasunog nito pati ang kawali sobrang itim na tuloy. “H-ha ehh sorry sorry di ko sinasadya may iniisip kasi ako” balisang sagot naman niya sa akin. “Ano iniisip mo? Eh diba wala ka namang isip? Pairalin mo yang utak mo minsan ha” malakas kong dinuro ang noo niya dahilan para mapa- atras siya. “A-anong nangyari?” tanong ni Manang Cora pero sinundan ko lang ng tingin si Anna na ngayon ay kinukuha na ang kawali. “A-araayy” pag inda pa niya. “Katangahan pa alam mo na ngang mainit hahawakan mo pa” singhal ko sa kaniya. Yumuko siya sa harapan ko dahilan para mainis ako lalo sa kaniya. “Marunong kaba talaga gumawa ng gawaing bahay ha” galit na boses na tanong ko sa kaniya. “Sorry h-hindi ko sinasadya” hinging patawad pa nito. “Madadala mo ba yan sa kakasorry mo? Alam mo kasi minsan utak ang gamitin mo ha? Utak?” singhal kong muli sa kaniya. Tumingin siya sa mga mata ko at umiling ng ilang beses. “Sorry ha? Hindi kasi ako perpekto kagaya mo..Eh wala eh tatanga tanga lang ako walang utak! Walang isip..at Walang kwenta” naiiyak na sigaw niya sa harapan ko. Gusto kong maawa pero mas nanaig sa isipan ko ang inis dahil sa kadramahan niya. “Oh ano magddrama kapa jan iiyak kana?” pang aasar na tanong ko sa kaniya. Pinunasan niya ang kaniyang luha gamit ang kamay nito. “Hindi? Bakit ako iiyak” lakas loob nitong sagot bago kumuha ng basahan at kinuha ang kawali. May galit sa galaw niya ang paglalagay ng sunog na isda sa plato. “Hindi ko kakainin yan ikaw na kumain nyan total luto mo naman yan” singhal ko at dali daling bumalik ng kwarto para makaligo na. /////*25 minutes later*\ Pagkatapos kong maligo lumabas na ako sa bahay pero sinalubong ako ni Manang Cora malapit sa kinaroroonan ng kotse ko. “Ijo bakit mo naman ginawa yun?” tanong ni Manang sa akin na may malungkot na boses “Alin po” takang tanong ko naman sa kaniya pabalik. “Ang ipahiya si Anna” sagot nito na ikinataas ng kilay ko. “Siya naman po may kasalanan eh balak pa yatang sunugin tong bahay ko” singhal na sagot ko. “Pero sana kinausap mo nalang ng mahinahon” —manang. Napailing iling lang ako at tuluyang pumasok sa kotse. “Sige manang aalis na ako” pagpapa alam ko bago paandarin ang kotse. “Hindi mo ba isasabay si Anna” tanong pa nito sa akin. “Hindi po bahala na siya malaki naman na yun kaya niya na yung sarili niya” sagot ko bago mabilis na pinaandar ang kotse palabas ng village. Si Manang Cora ang pinaka matanda at pinaka matagal na kasambahay namin.Bata pa lang ako eh narito na siya sa bahay para alagaan ako nung panahong sobrang abala ng mga magulang ko sa negosyo.Siya rin ang babaeng lubos na nakakakilala sa buhay at ugali ko. Pagkarating ko dito sa University na pagmamay ari mismo ni Papa maraming babae na ang naghiyawan at natigil sa mga ginagawa nila para lamang makita ako. Tsk,sanay na sanay na ako sa sistemang ganito pero takot silang lahat sa akin dahil sa kasamaan ng ugali ko pero wala akong paki matira nalang ang matibay. “Musta dude”—shawn Hahaha wag kayo”—Justin “Boss totoo ba?”—Drake Tinignan ko naman si Tristan na wala lang imik sa gilid. Naglakad kami papunta sa tambayan ito kasi ang gawain namin bago pumasok tumatambay muna kami para makapag usap-usap. “Masarap ba boss?” tanong ni Shawn sa akin pagkaupo ko. “Ang alin?” tanong ko naman dahilan para magtawanan sila ng nakaka asar. “Diba ikaw na ang may sabi bawal ang magdala ng babae dun tapos ikaw naman tong nangdaya” sagot pa ni Drake. “Tsk, napilit lang ako at trabaho niya yun” walang emosyon na sagot ko bago humiga sa malinis na damuhan dito. “Talaga ba?” “Pero sino yung mga taong humahabol sa kaniya” tanong pa ni Shawn sa akin. Seryoso lang akong nakatingin sa di kalayuan habang iniisip ang mga nangyari kagabi.Kung saan ko sinama si Anna at sa point na bigla nalang niya akong siilan ng halik. Oo gumanti ako. Gumanti ako sa marahas na halikan na yun.Hindi ko alam kung bakit pero may kung anong humihila sa akin para gawin ko ang bagay na yun..Pero malaking pagkakamali lang yun. Passed is a passed. “Nakilala kaba niya pare?” tanong ni Justin. Hindi ko rin alam kung nakilala ba niya ako.Pero may naka maskara naman ako at isa pa pare-parehas kami ng damit kaya hindi niya masasabing ako.Dahil dinatnan niya ako sa kotse. Mabilis kasi akong tumakbo nun palabas sa likod ako dumaan eh. Pero nung gabing yun may kakaiba sa mga taong nasa club na yun. Marami pa akong dapat malaman tungkol sa mga sendikato na kailangan kong sugpuin sa pamamagitan ng pagsuot ng maskara. “Bakit hinalikan mo rin siya pabalik?” tanong ni Drake. Napatingin ako sa kaniya at bumangon para umupo.Tumingin ako sa kalangitan. “I don’t know” sagot ko. “Inlove kaba sa kaniya” tanong ni Tristan. “Hindi pwede baka mapahamak yung buhay ni Anna pag may nakarinig jan sa sinasabi mo” usal ni Shawn. “Tama si Shawn may mga studyante rito na sangkot sa sendikato kayo wag na wag kayong mag iingay” madiing sagot ko naman. “Pero diba yun naman ang gusto mo yung mahirapan si Anna” pagsingit pa ni Justin. “Yeah gusto ko siyang umalis sa trabaho or dito pero hindi para sa kaligayahan ko kundi sa kaligtasan niya..Ayoko ng may madamay pa sa kung ano ang meron ako kaya hangga't maaari hindi kami pwedeng magkalapit sa isa't isa dahil sa oras na mangyari yun isa na siya sa magiging biktima ng sendikato” mahabang sagot ko na ikinatango nila. “Pero pare kagabi narinig ko yung isang grupo sabi ng isang lalaki ang asul na papel ay nawawala kung saan nakasulat ang pangalan ng mga kasapi sa grupong iyon..Isang babae daw ang nakatakas na bihag nila at nasa kaniya ang blue book” sagot pa ni Shawn. “Find her” utos ko sa kanila.. —Anna Perez Pov— Papasok na ako dito sa school pero hindi ko pa rin makalimutan ang ginawa kong katangahan kanina kaya naman nagalit at nasigawan niya ako. Iniisip ko lang naman kasi kung sino ang nahalikan ko kagabi tapos nakalimutan kong may iniluluto pala ako..Kaya ayun nasunog yung tilapia. Kagaya kahapon maraming matatalim na tingin ang nakatitig sa akin.Samo't saring mga bulungan na panghuhusga ang naririnig kong binabato nila sa akin. Di ko nga alam kung bulong paba iyon? oh sinasadya na talaga nilang lakasan para madama ko. “Bhesttt Anna” mabilis akong bumaling sa aking likuran ng marinig ko ang isang babae na tila tinatawag ako. Nakita kong tumatakbo si Hannah palapit sa akin kaya huminto muna ako para hintayin siya. “Grabe ang bilis mo maglakad” habol hininga niyang usal sa akin. “Hahaha hindi kaya” natatawang sagot ko dahil sa itsura niya ngayon. Kasabay ko na siyang naglalakad ngayon papunta sa classroom pero napahinto kami ng may isang nerd na lalaki ang lumapit sa amin. “Anna may nagpapabigay sayo” inilahad ng lalaking ito ang papel sa akin. “Saan nanggaling este sino?” tanong ko sa kaniya at kinuha ito pero mabilis na siyang tumakbo. “Wait lang” sigaw pa sa kaniya ni Hannah pero nawala na ito sa paningin namin.“Ano yan” tanong ni Hannah. “Ewan ko” kibit balikat kong sagot bago binuklat ang isang papel. Isang kulay pula na tila dugo ang ginawang pinta para lang maisulat ang salita. “MALAPIT NA KITANG MAKUHA AT MAPATAY ANNA PEREZ” “What the hell sino ang nagbigay niyan” hinablot sa akin ni Hannah ang papel. “Satanas" pagbasa ni Hannah sa likuran ng papel. Kumunot ang noo ko dahil sa kung sino ang nagpadala nito sa akin o kung ano ang nais niyang iparating?!. —Narrator Pov— Matamis na may bahid na kasamaan ang pinapakawalan ng isang matandang lalaki na ngayon ay nasa loob ng isang kotse habang bumubuga ng usok dahil sa kaniyang ginagawa na paninigarilyo. Binuksan niya ang bintana ng kanyang kotse ng may narinig siyang katok mula dito. “Naibigay mo na ba?” tanong nito sa isang studyanteng lalaki na kaharap niya. “Opo” magalang na sagot naman ng lalaki.Naglabasng pera ang matandang lalaki sa kaniyang pitaka at ibinigay ito sa studyante bago tumango. Masama ang tingin nito sa harapan ng university na pinag aaralan ni Anna Perez.. Tumingin ang matandang lalaki sa harapan kung nasan naroroon ang mga tauhan niya. “Wag kayong mag alala boss aalamin namin kung sino ang lalaking nakahalikan niya sa club kagabi” usal ng isang tauhan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD