—Anna Perez Pov—
Mahigpit na hinawakan ni Hannah ang kamay ko sabay kaladkad na tumakbo patungo sa likuran nitong university..
Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero inis niyang iniyukom kanina ang kamao niya ng mabasa ang salita na nasa papel yung ibinigay sa akin ng isang lalaki na studyante rin dito.
Hindi ko din alam kung sino ang taong nagpabigay sa akin ng ganung salita na pagbabanta sa buhay ko.
Wala naman kasi akong ibang kakilala na may galit sa akin kundi si Bryan lang.
“Hannah saan ba tayo pupunta?” tanong ko kay Hannah habang habol hininga ko siyang sinusundan.
Sobrang bilis ng pag lakad niya kaya naman takbo na ang ginagawa ko para mahabol siya.
Napailing nalang ako ng hindi manlang siya huminto para sagutin ang katanungan ko sa kaniya.
Nakarating kami dito sa likuran ng University.
Sobrang ganda at may mga puno dito sariwa din ang hangin na malalanghap mo pero ang ipinagtataka ko lang kay Hannah ano ang ginagawa namin dito.
“Anna halika na” gulat akong napatingin kay Hannah na nasa kalayuan na sa akin.
Tumango naman ako bago tumakbo muli para makarating sa kinaroroonan niya.
“Hannah ano nga ginagawa natin dito?” tanong ko sa kaniya pero sinenyasan lang niya ako na wag maingay at itinuro ang—limang lalaki na nakaupo sa damuhan.
Nakatalikod sila sa amin kaya naman hindi nila kami nakikita.
Pero sino ba ang mga lalaking ito nakauniporme kasi sila kaya hindi ko matiyak kung sino-sino ang mga ito.
“Iabot mo sa akin yang bato” utos ni Hannah sa akin pero mahina lamang ang boses nito. Itinuro niya sa akin ang isang bato na nasa kanan ko.
“Ano bang gagawin mo?At sino sino ba yang mga yan?” tanong ko pa sa kaniya bago pinulot ang bato na itinuturo niya.Nang iabot ko ito mabilis niyang kinuha at ibinilot sa papel na hawak niya.“Huyy ano gagawin mo?” nag aalalang tanong ko pa sa kaniya pero may bahid na galit ang bawat tingin niya sa mga lalaking nasa harapan namin na nagkkwentuhan.
“Pagbilang kong tatlo tumakbo ka ng mabilis ha” sambit niya sa akin na ikinakunot ng noo ko.
“Bakit? T-teka ano nga ba ang gagawin mo babatuhin mo ba ang isa sa kanila?” tanong ko pa sa kaniya.
“Basta sundin mo ang sinabi ko pagbilang kong tao bilisan mo ang takbo mo papalayo” utos niya na ikinatango ko nalang..
“Isa”
“Dalawa”
Nanlaki ang mga mata ko ng biglang ibinato ni Hannah ang papel na may bato sa isang lalaki na pinagitnaan ng apat na lalaki.
“Tatlo takbo” sigaw ni Hannah.
“Ouch what the f**k” rinig kong pag inda ng lalaking tinamaan ni Hannah.
Akmang lilingunin kami ng limang lalaki pero mabilis akong hinila ni Hannah palayo at patakbo sa grupo ni Bryan.
Oo,tama si Bryan yun boses niya ang narinig ko kanina eh..Pero bakit siya binato ni Hannah.
Hingal na hingal akong tumingin kay Hannah pagkarating namin dito sa main hallway patungo sa mga kani-kaniyang classroom.
“D-diba si B-bryan yun?”
Tumigil si Hannah sa paglalakad at ngiting tagumpay akong tinanguan.
“Pero bakit mo siya binato?” tanong ko pa sa kaniya pero inakbayan lamang ako nito sa balikat.
“Tsk deserve niya yun noh alam ko naman na siya yung nagbigay ng sulat na yun..” mayabang na usal niya.
Bago kami pumasok ni Hannah sa first subject namin sinamahan ko muna siya sa locker room para kunin ang gamit niya.
Pero hindi pa rin ako mapanatag dahil sa ginawa niya este ginawa naming kalokohan.
Bakas naman dun sa kumag na yun na nasaktan siya.
Hindi naman sa concern ako noh pero kahit sino naman masasaktan talaga dun kasi bato yun tapos sumakto pa sa leeg niya.
Baka malalagot na naman ako sa kaniya kung sakali na nakita niya ako kanina...Shett.
“Tara na baka malate pa tayo”
Nabalik ako sa reyalidad ng tapikin ni Hannah ang balikat ko.
Tumango naman ako at sinundan siya ng lakad papunta sa classroom.
Nasa daan na kami pero may mga studyante na nagtatawanan na ewan...Ang weird.
“Nakakatawa yun?” masungit na tanong ni Hannah sa mga babae pero wala manlang silang imik.
Lahat yata ng studyante ay narito sa labas habang nakapila na nagtatawanan sa amin.
Pero ano bang mali?!
“Hannah tignan mo nga tong likuran ko” bulong ko sa kaniya.
Nagpahuli siya ng lakad.
“Wala naman, ako nga” ako naman itong nagpahuli para tignan ang likuran niya pero wala din naman anong dumi.
Kunot noo akong nakatingin sa mga studyante na halos mabaliw na sa kakatawa pero nagpatuloy kami ni Hannah.
Nasa pintuan na kami ng classroom pero wala pang mga studyante dito kasi nasa labas silang lahat.
Humakbang pa ako ng apat pero mahigpit na hinawakan ni Hannah ang kamay ko dahilan para mapatigil ako at balingan siya ng tingin.
“Bakit?” takang tanong ko pa sa kaniya pero tumingin lang siya sa paligid.
“Labas tayo dali” garagal ang boses nito.
Mabilis siyang tumakbo para makalabas dito sa classroom pero.—
“San kayo pupunta?” bungad at malamig na boses na tanong ni Bryan sa aming dalawa ni Hannah.
Dumako ang tingin ko sa leeg niya na binato ni Hannah kanina.
Malawak ang ngiti niya habang hinihimas ang baba nito palapit sa amin.
Umatras naman kami ni Hannah nang magkahawak kamay.
“Lalabas kami” sagot ni Hannah
“Walang lalabas” madiing utos niya bago siya tumingin sa labas.
Dumating naman ang apat na kaibigan niya na may dalang dalawang timba na lalagyan ng mga basura at isang malaking poster paper.
Lumapit sila kay Bryan at natatawang tumingin sa amin.
“Lagot kayo sino bumato kay Boss?” usal ni Shawn habang natatawang nakatingin sa amin ni Hannah.
“Oo nga sino bumato sa kaniya.Tignan niyo oh nasaktan si Boss” sabat naman ni Drake sabay turo ng sugat sa leeg ni Bryan.
“Araaayy masakit” sigaw na singhal naman niya ng masagi ni Drake ang sugat nito.
“Hoyy anong bumato at nabato wala kaming alam jan” singhal na sagot ni Hannah.
“Wala bang aamin?Ikaw” sabay turo ni Bryan kay Hannah.Idinuro niya ito gamit ang isang malaking pamalo.“Ito yung nakita ko eh” sambit pa ni Bryan.
Ibinaling ko ang tingin ko kay Tristan na kuya ni Hannah.
Bakas sa mata nito ang pag aalala sa kapatid niya pero wala siyang ibang magawa kundi ang manood lang.
“Ako” napatingin silang lahat sa akin ng magsalita ako.
Tinignan ko sa mata si Bryan na inis na nakatitig sa akin.
“Ako ang bumato sayo pero deserve mo naman yan eh diba? Next time kasi kung magpapa bigay ka ng sulat dapat yung mapapaniwala mo ako na galing sa ibang tao” singhal ko sa kaniya.
Ibinaba naman niya ang malaking pamalo at kunot noong tumingin sa akin.
“What do you mean?” tanong pa nito.
Napangiti lang ako habang mayabang na nakatingin sa kanilang lima.
“Wag kana magsinungaling diba ikaw naman yun?” usal na turan ko pa sa kaniya.
“I don't know what you said” pagkakaila naman niya sa akin.
“Talaga ba?” pang aasar na tanong ko sa kaniya.
“Yes,Pero ikaw pala ang bumato sa akin..Tamang tama ka ha” sabay pinapalo palo ang hawak niya sa kaniyang kamay.
Lumapit naman sa akin si Hannah.
“Ako” bulong niya sa akin.
Pero ngumiti lang ako.Siya yung kauna unahang tumanggap sa akin na bilang kaibigan.
Ipinagtanggol lang niya ako.
Kaya hindi ako papayag na siya ang maparusahan dito.
“Oo ako nga ang bumato sayo! Bakit nasaktan kaba? Kaya mag hihiganti ka? Ano gagawin mo ikukulong mo ulit ako dito o di kaya babasain mo na naman ng tubig tong gamit ko?” inis na tanong ko pa sa kaniya.
Binitawan ko ang bag ko at malakas na inihagis sa sahig.
Sinarado nila ang pintuan at ang mga kurtina sa bawat bintana.
“Akala mo ba ganun ako katanga para yun lang ang parusa ko sayo?” sambit niya sa akin.
“Boys gawin niyo na” sambit ni Bryan bago niya hinila ang isang upuan patungo sa harapan ng board.
Kunot noo kong sinundan ang mga kaibigan niya.Hinawakan nila ang kamay ko at itinali ito ng mahigpit.
“Hoyy pakawalan niyo nga siya ano ba” sigaw pa ni Hannah.
“Stop it Hannah” pagbawal sa kaniya ni Tristan at inilayo sa akin.
Nakatali ang kamay ko patalikod
“Heto na ang korona” tawang tawa na usal ni Shawn bago itinali sa likuran ko ang isang poster paper na sinulatan niya ng.—
?????????????? ???? ??????
Inis ko lamang na tinitigan si Bryan habang natatawang naka tingin sa akin.
“Ang parusa mo ngayon ay mag lakad ka na ganyan ang itsura mo papunta sa cafeteria” utos niya sa akin.
“A-anong gagawin ko dun?" takang tanong ko sa kaniya.
“Hindi ka papasok ngayong araw dahil gusto ko dun ka muna pumasok para maging katulong” pag utos niya.
“Siraulo kaba?” inis na tanong ko.
“Nope pero malapit na masira ulo ko dahil sayo” tumayo ito sa upuan at sinamaan ako ng tingin
“Desisyon ko ang masusunod dito” bulong niya pa sa akin.
Tinalian ako ni Drake ng panyo sa may bibig na lalo kong ikinainis.
“Bhest” rinig kong usal ni Hannah pero hindi ko siya nilingon.
Malakas akong itinulak ni Bryan palapit sa pintuan na ngayon ay binubuksan na ni Shawn.
Malalim akong bumuntong hininga ng bumukas ang pintuan.
Malakas na tawanan ang sumalubong sa akin dahil sa itsura ko ngayon.
Hindi pa man din ako nakakalabas ng harangin ako ni Drake at sinulatan ako nito sa muka gamit ang pentelpen.
Mas lalong lumakas ang mga tawanan ng gaya kong studyante dahil sa kung ano ako ngayon.
Binalingan ko pa ng tingin si Bryan habang nakakibit balikat itong nakangiti sa akin.
“Lakad“ sigaw ni Drake at itinulak ako palabas ng room.
Ilang hakbang na ang ginagawa ko ng makatanggap ako ng samo't saring mga bulungan na binabato nila sa akin.
“Woaahh Anna wag kang iiyak kaya mo toh” isang salita na pinakawalan ko sa isip ko habang naglalakad pababa para pumunta sa cafeteria na ganito ang ayos ko.
Nasa tapat na ako ng banyo ng bigla akong pumasok dito.
Mabuti nalang at walang tao.
Humarap ako sa malaking salamin at awang awa ako sa itsura ko ngayon.
B-bakit ba ako pumapayag na saktan at apihin ako?!
Malakas akong sumigaw at tuluyang umiyak dahil hindi ko na kaya ang sakit at kahihiyan na natatanggap ko sa mga kapwa ko tao.
Ayoko na ansakit sakit na..!
Sa totoo lang kung narito sa tabi ko si Mama at Papa hindi naman sila papayag na apihin ako ng mga kagaya ko.Hindi sila papayag na masaktan ako.
Higit sa lahat pinangaralan nila ako na wag magpapa api sa mga taong mapagmataas sa buhay pero bakit? Bakit ko nagagawa ito ngayon sa sarili ko.
Gusto ko ng bumalik sa probinsiya.
Gusto ko ng makita sina Mama at Papa lalo na ang kapatid ko.
Gusto ko na silang makasama at makasabay sa harap ng hapagkainan.
Gusto ko na ding makita ang ngiti nila na nagpapawala ng lungkot na nararamdaman ko.
Napayuko ako at humawak sa pader dahil sa panghihina na nararamdaman ko ngayon.
Umupo ako ng tuluyan sa sahig dito sa banyo ng nangangatog na ang tuhod ko dahil sa hina.
Tumingin ako sa pintuan ng bumukas ito.
Bumungad sa harapan ko ang isang janitress na babaeng may hawak na map pang linis.
Tila nagulat siya ng makita ako pero hindi ko lamang siya pinansin.
“M-maam ayos lang po ba kayo?” tanong niya sa akin pero patuloy ako sa paghikbi.
Sobrang sakit na ng kamay ko dahil sa mahigpit nilang pagtali.
“N-naku po sandali lang maam” may pagaalala sa boses nito.
Agad siyang lumapit sa akin at binitawan ang hawak niya.
Tinanggal niya ang tali sa kamay ko pero nanghihina ako.
“Maam ayos na po ba kayo?” tanong niya pa sa akin.
“S-salamat po”
—Bryan Gonzales Pov—
“Ano boss masakit pa rin ba?” tanong ni Shawn sa akin pero umiling lang ako habang nasa malayo ang tingin ko.
“Naniniwala ba kayo na si Anna ang bumato sakin?” tanong ko sa kanila.
Nagkatinginan naman sila.
“Hindi boss parang si Hannah eh” bulong ni Drake sa akin.
Binalingan ko naman si Tristan at Hannah na nag uusap sa isang tabi pero kami lang ang nakakakita sa kanila.
Walang sino man ang dapat na maka alam na magkapatid sila kundi baka mapahamak si Hannah na kaisa- isang kapatid ni Tristan.
“Ako din palagay ko si Hannah” usal naman ni Justin.
Alam ko naman ang totoo na hindi si Anna ang nagbato sa akin pero wala eh siya ang umamin kaya siya ang pinarusahan.
Pero ewan ko ba may kung anong kirot ng puso ko na pumipigil sa akin na wag gawin ang bagay na yun pero kailangan.
Pagkatapos lumabas ni Anna pinatawag ko na nay Justin si Tristan.
Lumiban kami sa unang subject sa klase dahil may kailangan akong malaman.
“Hanapin niyo” madiing utos ko sa kanila.
“Umay ka naman”
“Papahirapan mo ba talaga kami” reklamo ni Drake.
“Baka napulot na yun” sambit ulit ni Shawn at humiga sa damuhan.
“Hindi pwede..! Hanapin niyo” sigaw na pag utos ko sa kanila.
Patuloy naman sila sa paghalungkat at paghahanap sa ibinato ni Hannah sa akin kanina
“Miss sandali” sigaw ko sa babae na namumulot ng basura dito.
“Bakit po sir?” tanong naman niya at lumapit sa akin.
Minabuti kong tinignan ang mga basurang napulot niya.
“Kakapulot mo lang ba ito?” tanong ko sa kaniya bago dinampot ang isang papel na may bato sa loob.
“Opo sir” sagot naman niya.
Tumango ako at pinaalis siya sa harapan ko.Kunot noo ko itong binuklat at tinanggal ang bato sa loob nito.
Dahan dahan kong binuklat itong papel para malaman kung ano ang nakasulat.
Bahid ng dugo ang ginawang pinta at isang sulat na nagbabanta sa buhay ni Anna.
“Tristan” sigaw na pagtawag ko kay Tristan.
“Bakit Boss” tanong niya ng makalapit sa akin.
Pero lahat sila lumapit at nagtatakang tumingin sa papel na hawak ko.
“Ano yan?” tanong ni Shawn at bigla nalang inagaw ang papel mula sa kamay ko.
“Isang sulat.Yan siguro ang sinasabi niya na inaakala niyang sa akin nanggaling” sagot ko.
“Pero boss wala kaba talagang kinalaman dito?” tanong ni Drake
“Gago kapag ako gumawa niyan diba dapat kayo ang inutusan ko?” nanlalaking matang singhal ko sa kanila.
“Oo nga pala noh”
“Bubu ka talaga Drake” sambit ni Shawn.
“Pero sino?Sino yung taong nag bigay sa kaniya nyan?” tanong ko sa kanila.
“Ewan ko dude di ko din alam eh diba magkakasama tayo kanina” may halong pang aasar na sagot ni Drake.
“Tama nga naman si Drake boss”usal pa ni Shawn bago sila nag apir sa harapan ko.
“Balik tayo sa club mamaya alam ko na naroon din yung mga taong humahabol sa kaniya pero bakit siya hinahabol? Ikaw tristan ikaw ang maghanap sa babae na kung sino ang may hawak ng blue book..Jackpot tayo pag tayo ang unang nakakuha dun” ngiting usal ko.
“Copy Boss”
Pagkatapos naming mag usap usap naghiwa-hiwalaymuna kami.
Sa University na ito may mga studyante na sekretong miyembro ng Sendikato tapos kaming lima we have a group.
Kinse anyos pa lang ako simula nung binuo ko ang grupo namin nina Shawn para sugpuin ang mga sendikato.
Natuto akong humawak ng b***l at pumatay ng tao sa pamamagitan ng pagsusuot ng maskara.Lumalaban man o hindi kailangan naming patayin basta sendikato.
“Boss nakita ko yung kotse ni Mr.Joseph” sigaw ni Justin at hingal na hingal itong lumapit sa akin.
Tumakbo ako kung saan siya nagpunta,lumabas kami ng university at nakita nga ng sarili kong mga mata ang kotse ng pinaka lider ng sendikato.
Ang pinakamabagsik na lider ng sendikato na mahirap buwagin dahil sa bawat bagsak niya sa rehas agad din siyang nakakalabas dahil sa taglay niyang karamihan ng pera o kasinungalingan.
“Tang ina anong ginagawa niya dito” inis kong pagtatanong pero napailing lamang si Justin.
Sumabunot ako ng buhok ng maalala si Anna.
Siya ba ang nagpadala ng sulat kay Anna?!
Pero bakit ba nila siya hinahabol?!
Ano ba ang dala ni Anna? May tinatago ba siyang sekreto na hindi ko alam?!
Nanlaki ang mga mata ko ng huminto ang kotse ni Joseph sa di kalayuan dito.
“Boss saan ka pupunta?” tanong sa akin ni Justin pero hindi ko siya sinagot.
Mabilis akong tumakbo papunta sa kotse na ito.
“Ohh Bryan Gonzales Nice to meet and see you” bungad niya ng bigla kong binuksan ang pintuan ng kotse niya.
“Walang Nice na makita kita dito“ singhal na bungad ko para tumalim ang tingin niya sa akin.“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko sa kaniya.
“Namamasyal”
Hinila ko ang damit niya pero mabilis na may b***l na tumutok sa likuran ko sa bandang leeg.
Tumawa naman ng malakas si Mr.Joseph at tinapik tapik ako sa magkabilang pisnge.
“Bryan Gonzales ang kaisa isang anak ni Robert Hahaha ang tapang mo pero nagkamali ka yata ng taong niyayabangan binata” madiing sambit nito.
“Subukan mo lang pumalag sisiguraduhin ko na babaha dito ng dugo” pagbabanta naman ng lalaking nasa likuran ko ngayon.
Itinaas ko ang magkabila kong kamay.
Humarap ako sa tauhan ni Mr.Joseph pero isang malakas na suntok sa tiyan ang natanggap ko sa kaniya.
“Kung ayaw mong banggain kita kilalanin mo ako bata” usal ni Mr.Joseph.
Naiwan naman akong nakahawak sa tiyan ko dahil sa lakas ng suntok ng tauhan niya.
“Boss ayos ka lang?” tanong ni Justin sa akin ng lumapit siya
“Ikaw kaya suntukin ko” usal ko sa kaniya bago ko iniyukom ang kamao ko.
Pumasok na kami ni Justin sa loob ng University pero ampt...Ansakit ng tiyan ko ha.
Kailangan kong makausap si Anna dahil nanganganib ang buhay niya sa mga sendikato.
Ilang oras ang nakalipas.Hindi ko na nagawang pumasok sa mga klase dahil sa mga nakita ko kanina.Sobrang daming tanong na pumapasok sa isip ko ngayon.
Nagbell na hudyat na lunch break na kaya naman agad akong nagpunta sa may cafeteria kasama si Justin wala pa kasi yung tatlo kanina pa hindi nagpapakita.
Pagkarating ko dito sa cafeteria marami na ang tao pero mas pinili ko dito sa may dulo.Marami ang costumer kaya inisip ko nalang na magpahuli.
Itinabing ko sa aking muka ang sumbrero kong kulay itim pero nakikita ko si Anna na ngayon ay naka unipormeng naghahatid ng bawag order sa mga studyante.
“Dude oorder kaba?” inis kong ibinaling kay Justin ang tingin ko dahil sa tanong niya.
“Hindi bakit?”
“Gutom na gutom na ako eh pwede bang umorder” sabay hawak sa tiyan niya.
“Umorder kana hindi ko hawak tiyan mo” malamig na tono na pagsagot ko.
Tumayo naman siya sa upuan na katabi ko at agad na pumasok sa loob.
Naiwan ako dito na nakaupo habang patagong pinapanood si Anna.
To be Honest maganda naman siya pero simpleng babae.
But i did'nt like her attitude.
Why?
Kasi sobrang dramatic niya at sobrang Oa niya para hindi lumaban sa mga taong umaapi sa kaniya like me.
Hindi ko din alam kung bakit hindi ko makalimutan ang gabi na hinalikan niya ako.
Sobra akong naging emosyonal ng gabing iyon tila ba nauhaw ako sa isang halik na ewan..Tsk