Chapter 19

3180 Words
BRYAN GONZALES POV— Isang halik ang iniwanan ko kay Anna Perez bago ako kumaripas ng takbo palabas ng Gym. Maraming tao ang narito at may kani-kaniya silang mga partner. Dumiretso ako sa kotse ko na ipinarada ko dito sa labas sakto naman na nag uusap sila Justin, Shawn at Drake malapit sa kotse ko. "Ohh dude anjan kana pala anong nangyari?" tanong ni Shawn sa akin ng makita ako nito. "Nangyari agad" pagsingit naman sa kaniya ni Drake dahilan para batukan siya nito. "Gagi ampt..Ang ibig kong sabihin kung ano yung nangyari as in yung sayaw..Dumi ng utak mo ei" sambit ni Shawn sa kaniya. Tumayo ako sa harapan nila habang nakasandal ang likod ko sa kotse ko..Napakamot ulo naman si Drake at sinamaan ng tingin si Shawn. "So tell me the truth dude maganda ba si Anna?" seryoso akong tumingin kay Justin dahil sa tanong niya. "N-no" Lakas loob kong sagot dahil alam ko na kapag sinabi kong yes she's beautiful eh aasarin na naman nila akong gusto ko yung babae na yun. Tumawa naman silang tatlo at nag appear na tila ba bata..But deep inside yes Anna is so cute and beautiful kapag naka ayos siya pero kapag simple lang muka siyang gurang. "Tsk hindi daw pero wala pang twenty minutes nandito na haha" pang aasar naman sa akin ni Justin. Siya kasi yung tumawag sa akin kanina at sinabi niyang anna's need me dahil wala itong kasayaw hindi rin sana ako pupunta pero napilit niya ako. "Si Anna ba talaga yun astig ah nagmuka siyang tao" malakas ulit na nakatikim si Drake ng pagbatok mula kay Shawn dahil sa sinabi nito. "Ano sa tingin mo si anna hayop ikaw kahit kailan takas mental ka" saad ni Shawn pero lumayo na si Drake sa kaniya na ikinatawa ni Justin. Napailing iling pa ako at malakas na nagpakawala ng malalim na paghinga. Hindi ko alam pero sobrang lakas ng t***k ng puso ko na kulang nalang tumalon talon ako sa tuwa. Sa bawat pagkurap na ginagawa ko palaging sumasagi sa isip ko ang pagdampi ko sa malambot na labi ni anna. F*ck im getting crazy for her!? Napatigil ako sa pag iisip ng kung ano ano ng bigla nalang malakas na hinila ni Tristan ang damit ko. Inawat siya ni Shawn at Justin pero sinabi kong hayaan nila ito. "Bakit mo ginawa yun" inis nitong pagsigaw na bulyaw sa akin habang madiin pa ring hawak ang damit ko. Naiinis ako sa kaniya ngayon dahil nakakabastos itong ginawa niya pero pagbibigyan ko siya dahil alam ko na ang ikinaiinis niya ay ang ginawa kong paghalik kay Anna kanina. "Yung alin ba Tristan at bitawan mo nga si Boss" usal ni Shawn pero itinulak lang ito ni Tristan. "Hinalikan ni Bryan si Anna without knowing na kakasabi niya nung nakaraang araw na maaari kong ligawan si Anna" inis na turan nito sa harap ng iba naming mga kaibigan.. Tumingin naman sa akin ang tatlo dahil sa sinabing iyon ni Tristan. "Hinalikan mo siya?" tanong pa ni Drake sa akin pero hindi ko siya sinagot. "Akala ko ba hindi siya maganda tapos nakascore kana pala ng kissing habang nagdadancing" pang aasar naman ni Shawn sa akin pero binalingan siya ng matalim na tingin ni Justin para tumigil ito. "Bakit mo ginawa yun?" Hindi ko nagawang tanggalin ang kamay ni Tristan sa damit ko.."I don't know pero gusto ko siya..N-no i don't like her pero may kakaiba akong nadarama na hindi dapat" sagot ko pero malakas akong binitawan ni Tristan at sinipa ang kotse ni Shawn. "Oyy gagi yung kotse ko" turan pa ni Shawn at agad na tumayo para lapitan ang kotse niyang sinipa ni Tristan. "Isang tanong isang sagot do you like her?" tanong ni Tristan sa akin ng may seryosong muka at boses. Hindi ko alam ang isasagot ko dahil si Tristan ngayon lang ulit nahulog sa isang babae makalipas ang tatlong taon. Siya rin ang naging kaibigan ko ng maraming taon at naging kasama ko sa bawat paglaban sa mga masasamang tao. "N-no i did'nt like her" lakas loob kong sagot sa kaniya.."Hinalikan ko lang siya d-dahil" mariin akong pumikit at nag isip ng pwedeng pampalusot.."Because i miss my ex" sagot ko kahit na labag sa loob ko.. Pagkatapos kong sabihin iyon nagmamadali itong sumakay sa kaniyang kotse at umalis na walang paalam. Bumaba naman si Justin sa kaniyang kotse at tinapik ako sa balikat. "Calm Down dude talagang ganyan kapag inlove handang makipag p*****n baka nainis lang si Tristan nung halikan mo si Anna" sambit naman ni Justin "Hoyy yung kotse ko nasira papagalitan ako ni Papa tulungan niyo ako" napatingin naman kami kay Shawn na nababahalang nakatingin sa kaniyang kotse. Pagkatapos ng pag uusap na iyon napagpasyahan naming umuwi na. Pagdating ko sa bahay nagbihis muna ako ng damit at humiga dito sa sofa sa sala. Madiin kong ipinikit ang aking mga mata at inalala ang ginawa ko kanina kay Anna. Hinilamos ko ulit ang kamay ko sa mukha ko at umiling. Tristan is inlove with Anna at hindi ko hahayaan ang sarili ko na tuluyang mahulog sa babaeng yun dahil alam ko din na si Anna ang kasiyahan niya. Dumapa ako sa sofa at muling ipinikit ang aking mata pero lagi nalang pumapasok sa isip ko ang muka ni Anna at bawat pag dampi ko sa labi niya kanina. Bumangon ako sa sofa at nagtungo sa kusina para manguha ng malamig na tubig. Hindi rin pwedeng malaman ni Anna na ako ang humalik sa kaniya o ako si Hunter na ipinakilala ko. -???? ????? ???- "Hannah salamat ha" turan ko kay Hannah habang pababa ng kaniyang kotse. Hinatid niya kasi ako dito sa bahay kasi maghahating gabi na at bihira na lang ang mga nag daraang sasakyan kaya inalok niya na lang ako na ihatid dito. "Wait can i ask you?" tinaasan ko siya ng kanang kilay bilang pagtugon.."May nakaka alam pa ba bukod sa akin na katulong ka lang ni Bryan?" bahagya naman akong napailing sa sinabi niya. "Dapat lang kasi once na nalaman nilang katulong ka lang at peke ang relasyon niyo baka malaking g**o ang pumasok sa buhay mo...O sige pumasok kana at pwede maging maayos kana sa sarili mo para hindi ka naman tumandang dalaga" usal nito dahilan para mapait akong ngumiti. "Grabe ka naman bhest..Ayoko lang talagang nag aayos kasi naniniwala pa rin ako sa lalaking hindi tumitingin sa panlabas na kaanyuhan" ngusong sagot ko pero mahina lang itong tumawa. "Mas magandang ilantad mo ang kagandahan mo" usal pa nito bago ako kindatan. Tumango nalang ako at nagpa alam sa kaniya. Pagpasok ko ng bahay tahimik na dito sa loob sigurado akong tulog na ang mga kasambahay kasi gabi na. Didiretso na sana ako paakyat ng makita ko si Bryan sa Sofa habang malambing ang pagkakatulog nito. Napa atras ako at agad na nag tungo sa kaniyang harapan.Tssk hindi manlang talaga siya nag bihis at gumalaw mula ng umalis ako... Tamad talaga...tsk Ibinaba ko ang hawak kong bag at kaagad na nagpunta sa kaniyang kwarto para kuhanan siya ng kumot. Pagbalik ko dahan dahan kong isinandal ang ulo niya sa unan at ibinalot ang kumot sa kaniyang katawan. Napatigil ako at sandaling inilihis ang buhok niya sa ulo..Abot langit akong ngumiti dahil sobrang kyut niya kapag natutulog. Napahawak pa ako sa bandang labi ko at inaalala ang halik ni Hunter sa akin.. Alam ko na mas gwapo pa siya kaysa sa kumag na ito. "Iloveyou Anna" Nanlaki ang mata kong tumingin sa muka ni Bryan ng marinig ko ang salitang lumabas sa bibig niya. Sinampal sampal ko pa ang magkabila kong pisnge baka kasi nagiilusyon lang ako pero sobrang linaw ng narinig ko Kumunot ang noo ko at tumayo na baka kasi inaantok lang ako at kailangan ko ng matulog dahil may pasok pa kami bukas. Isang hakbang ang ginawa ko pero may biglang humila sa kamay ko at nawalan ako ng balanse. "Oucchh" Pinikit ko ang mata ko ng bigla akong napasubsob sa dibdib ni Bryan. Mahigpit ako nitong niyakap hindi ko nga rin alam kong nananaginip ba siya o nananadya. "Punyetang kumag na ito" inis na pagbulong ko habang inaalis ang kamay niya sa akin pero mas humigpit ito at nakadilat na ang kaniyang mga mata. "Just stay with me for a while" malambing na boses nitong pag makakaawa.. Teka lasing ba siya?? Bahagya ko siyang inamoy at tama nga ako lasing siya.Napa tingin pa ako sa paligid at nasa silong ng lamesa ang mga bote ng beer na ininom niya. "Hoyy aray ko bitawan mo nga ako matutulog na ako" saad ko pero hindi niya ako pinakawalan "Please stay with me for a little while" paki-usap na niya na nag pakunot ng noo ko. Hindi ko alam pero bigla akong naging marupok at mas ginusto kong nakadagan ako sa kaniya habang mahigpit ako nitong hawak. Amoy na amoy ko ang alak sa kaniyang katawan pero wala naman akong alam na dahilan para uminom siya. "Inaantok na ako" sambit ko pa habang kinukurap kurap ang aking mga mata pero hindi man lang siya nagsalita. "Subukan mong umalis hahalikan kita gaya ng ginawa mo sa lalaking kasayaw mo kanina" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Nandun kaba?" "Yes..I want to dance you pero may nauna na pala sakin? Sino yun boyfriend mo?" sandali kong inilayo ang muka ko sa dibdib niya at tinignan siya sa muka pero nakapikit ito. "Hindi" "Then bakit ka niya hinalikan at pumayag kang halikan ka niya?" biglang naging mapait ang pag ngiti ko sa sinabi niya... Oo nga bakit nga ba ako pumayag na magpahalik sa lalaking yun eh hindi ko nga siya kilala...Tsk "Wala kang paki" pagsusungit ko at sapilitang inalis ang kamay niya sa akin para makapasok na ako sa kwarto ko. "Masarap ba?" Mariin akong napapikit sa tanong niya at nagmamadaling kinuha ang bag ko sa isang tabi at agad na nagtungo sa aking kwarto.. Inis kong ibinagsak ang aking katawan sa kama at pumikit. -- Kinabukasan alas syete na akong nagising kaya nagmamadali akong bumaba sa sala pero nakatingin silang lahat sa akin pero wala ako sa mood para makipaglokohan. Diretso akong kumuha ng tubig pero tinapis ni Manang Cora ang kamay ko. "Sino ka?" kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Manang wala ako sa mood para makipaglaro" sagot ko pa at nilagok ang isang basong tubig. "Sino ka nga sabi?" tanong niya pa kaya ako kumamot ulo pero sandali akong napahawak sa buhok ko at sa muka ko. Kaya sila nakatingin sa akin dahil inaakala nilang ibang tao ako dahil naka ayos at pang mayaman ang suot ko ngayon. "Akala ko ibang tao kana pero infairness ang ganda mo nag muka kang tao"usal ni Juliet ng matapos kong ikinwento ang mga nangyari kagabi sa akin. "Oo nga ehh akala ko talaga isa ka sa babae ni sir bryan" bahagya naman akong napatawa dahil sa sinabi niya sa akin. "Pero Anna gwapo ba yung sinasabi mo na Hunter?" tanong pa sa akin ni Juliet. "Hindi ko pa nakita ang muka niya pero oo gwapo siya" sagot ko at malawak na ngumiti. Pagkatapos naming mag usap nagpunta na ako sa banyo para maligo. "Hoyyy Babae bilisan mo nga jan" napatigil ako sa pagsabon ng aking katawan dahil sa sunod sunod na pagkatok ni kumag. "Bakit ba?Hindi pa ako tapos" inis na pagsagot ko. "Kaya nga bilisan mo" Napairap nalang ako at binilisan ang pagligo ko.Paglabas ko ng banyo bumungad sa akin ang nakakainis niyang muka. Masama ang tingin nito sa akin pero hindi ko siya napansin hanggang sa umikot siya at bigla nalang akong malakas na tumawa. "Sir wala kana bang damit? Pati basahan sinusuot mo na! butas na nga lang" natatawang pang aasar ko sa kaniya. "Tsk...Ikaw ang may kagagawan nito yung pinaplantsa ko" bigla nalang sumagi sa isip ko ang ginawa ko nung isang araw. Paktay!? "Ah hahaha sorry" paghingi ko ng tawad pero hindi manlang siya ngumiti. "Alam mo ba na paborito kong jeans toh tapos bubutasan mo lang sa pwet pa?" taas kilay nito na pananalita. "Hindi ko nga sinasadya.Nag sosorry na nga aarte kapa" usal ko pa sa kaniya. "Ikaw pa galit ngayon?" "Woyy sino ba nagsabing galit ako? Sabi ko sorry kasi ikaw din naman may kasalanan nun eh inutusan mo ako kaya nagmadali akong lumapit sayo at hindi ko alam na sa pwetan pala ng jeans na yan ko nailagay yung plantsa" sagot ko pa pero inis siyang pumasok sa banyo at sinarado ito. Kumibit balikat nalang ako at dali daling bumalik sa aking kwarto.Inayos ko ang muka ko. "Wow ang dami tapos ang ganda" sambit ko habang tinitignan ang bag na puno ng make up na ibinigay ni Hannah kagabi sa akin. Humarap ako sa malaking salamin at abot langit ngiting nag make up. "Ahhmm pak ang ganda ko" usal ko bago nagmodel model sa harapan ng salamin. Hasytt excited na akong hanapin si Hunter sa university tapos magagandahan siya ulit kapag nakita ako. Pagbaba ko nakasandal ako habang naka uniporme ng maayos. Pero napatawa ng malakas ang ilang kasambahay dahil sa itsura ko. "Anna saan ka pupunta?" tanong pa sa akin ni Juliet. Kalma self..Kalma "Nakauniporme ako diba kaya sa school" sagot ko sa kaniya. "Eh bakit ganyan ayos mo?" tinignan ko ang sarili ko at maayos naman ha.."I mean yang make up mo hindi pantay" mapait ko siyang nginitian at bumaba na. "Hoyy Anna saan ka pupunta hintayin mo daw si Sir" hindi ko siya pinansin at tuluyang nag lakad palabas ng bahay. Naghanap ako ng tricycyle papunta sa may University pero nasa kalagitnaan kami ni Manong driver ng bigla niya itong inihinto sa isang tabi na labis kong ipinagtaka. "Manong bakit tayo huminto dito eh hindi pa naman po dito yung skwelahan" saad ko habang naka tingin sa daan na walang kabahay-bahay..Hindi pa naman talaga dito eh.."Manong driver po ba talaga kayo? Taga dito po ba talaga kayo kasi po sabi ko sa univ~" napatigil ako sa pag sasalita ng bigla niya akong tinutukan ng kutsilyo sa harapan "Titigil kaba sa kakadaldal mo o puputulin ko yang dila mo" pagbabanta nito.Tinakpan ko naman ang bibig ko at umiling sa kaniya.."Ilabas mo ang pera mo" utos niya sa akin pero inilayo ko ang bag ko mula sa kaniya. "Manong Holdap po ba ito? O r**e? Manong maawa kayo sa akin"pag-iinarte ko sa kaniya.. "Ibibigay mo ba yang bag mo o gigilitan kita" utos niya pero umiling lamang ako.."Akin na yang bag mo" sabay lahad ng kamay niya at hinihintay na ibigay ko ang bag ko sa kaniya. "Hoyy" napatingin kaming dalawa ni Manong sa isang lalaki na bumaba sa kotseng nasa harapan na ng tricycle na sinasakyan ko ngayon.Ngumiti ako ng malawak ng makita dito si Tristan. Bumaba agad ako ng Tricycle.Pero may dalawang lumapit kay Tristan na kasamahan yata ni Manong Driver may mga hawak itong malalaking kutsilyo. "Pakielamero ka ha" sigaw ng isang lalaki kay Tristan.Lumapit naman ako sa kaniya. "Tristan pakielamero ka daw totoo ba yun?" bulong na tanong ko pero isang matamis na ngiti lang ang iginanti niya sa akin. Lumapit ang isang lalaki kay Tristan pero itinulak niya ako papunta sa kotse niya.Nakikipag agawan siya ng kutsilyo sa lalaki pero ang mabuti na lang suntok ang ginagamit niya pang laban sa mga lalaking ito dahil kung sakali na kutsilyo baka sa rehas ang babagsakan ni Tristan "Tara ihahatid na kita" Napatingin ako kay Tristan na pawis na pawis na ngayon dahil sa pakikipagpalitan ng suntok kanina sa mga lalaki.Ngumiti lang ako sa kaniya at tumango. Habang narito kami sa loob ng kotse.Naiilang ako kasi puro siya tawa tapos tingin ng tingin sa muka ko. Inlove ba ito sakin?! "Can i ask you?" tanong niya sa akin kaya tumango nalang ako. "Bakit ka nakasakay sa Tricycle hindi mo ba kasabay na pumapasok ang AMO mong si Bryan" kunot noo akong tumingin sa kaniya dahil na rin sa sinabi nitong Amo.?! "Bakit mo alam na amo ko siya?" tanong ko pero bahagya siyang tumawa. Nagkwentuhan kami ni Tristan. Nang makarating sa University nauna na akong pumasok dahil may gagawin pa daw siya sa labas. Pagpasok ko napuno na ng tawanan ang mga babae habang nasa akin ang tingin nila.Kumunot ang noo ko at hindi ko sila pinansin. Habang papasok ako ng papasok sa room mas lalong nagiging malakas ang tawanan nila na ikinakunot ng noo ko. Bahagya akong yumuko pero napatingin ako sa isang lalaking humawak sa aking kamay.Kumunot bigla ang noo ko at natigil ang tawanan ng mga studyante ng makita si Bryan sa harapan ko na hawak ang kamay ko. "Tanggalin mo yang make up sa muka mo dahil pinagtatawanan ka nila" madiing bulong nito sa akin. "Ha? Hindi kaya ang ganda kaya? Baka tumatawa lang sila kasi nagagandahan sila sa akin" sagot ko naman pero bigla niyang hinarap ang muka niya sa muka ko. Nagtilian ang ibang studyante sa ginawa niya. "Bakit hindi mo ako hinintay? Burahin mo make up mo kung ayaw mong burahin ko yan gamit tong labi ko" pagbabanta niya pa sa akin. "Ayoko nga kasi" "f**k" nabigla ako ng sunggaban ako nito ng halik. May ibang studyante na nandiri at tumatawa pero tulala ako at nagulat sa ginawa niya. "Sa tuwing hindi mo susundin ang utos ko yan ang gagawin ko.." sambit nito bago ako pakawalan at binigyan ng panyo para burahin ko ang makapal na lipstick sa labi ko. Inakbayan pa ako nito sa balikat at sinabay sa paglalakad habang pinandidilatan ng mata ang mga studyanteng naka tingin sa akin na nang iinsulto. Pagdating sa room naka akbay pa rin siya medyo mabigat ang kamay niya pero kaya ko pa naman. "Get out" utos ni Bryan kay Justin sa upuan.Sumunod naman sa kaniya ito at nagpunta sa upuan ko na katabi ni Hannah kaya yung isang halos mamatay na sa saya at kilig. Pinaupo ako ni Bryan sa katabi niya.Masama ang tingin ng iba pero- "Don't mind them" bulong nito sa akin. Mapait akong ngumiti.Dumating ang teacher pero nahihirapan na ako sa kinauupuan ko kasi naman yung kaliwa kong kamay hindi na binibitawan ng kumag na ito tapos yung upuan kulang nalang mabali sa sobrang lapit. Nanlaki pa ang mga mata ko ng bigla niya ulit akong inakbayan. "Araayy ko nabibigti ako" inarte ko sa kaniya. "Tsk..Magtiis ka" sagot naman niya sa akin. Pinagtitinginan kami ng mga studyante pati na rin yata si Sir na nagtuturo. "Iloveyou" napatingin ako sa kaniya ng sabihin niya ito.."Say iloveyou too kundi hahalikan kita" banta niya pa.Mapait akong ngumiti at- "Iloveyou too" walang ganang sagot ko. "Ayusin mo" "Maayos naman yun ah arte mo" singhal ko.Pero bahagya niyang pinisil ang kamay ko.. "Hheehe eto na..Iloveyou" "Iloveyouu too" sambit niya bago nito hinalikan ang kamay ko.. "Anna Iloveyou for real" "Ha?" "Ahh i said give me a ruler?" Kumunot ang noo ko. "Ruler aanhin mo ang ruler" tanong ko pa. "Susukatin ko lang kung gaano na ba kita kamahal" sagot niya. Pero deep inside gusto ko ng mamatay sa kilig dito..Peke man o hindi tinatamaan ako sa bawat ginagawa niya..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD