Chapter 18

2718 Words
-ANNA PEREZ POV- LUMIPAS ang dalawang araw ginawa ko ng tama ang mga trabaho ko naging masaya din ako habang tumatagal sa tuwing nakikita kong ngumingiti sa akin si Bryan hindi ko nga alam kung bakit pero para siyang kuryente na sa tuwing lalapit sakin nanginginig at natutulala ako.. Abot langit ang ngiting aking pinapakawalan habang ako'y nagtitimpla ng juice na iniutos sa akin ni Bryan kanina.Naka upo ako habang wala sa sarili na hinahalo-halo ito. Nabalik lang ako sa reyalidad ng bigla akong tinapik ng isa ding katulong na kasing edad ko. "Woyy ano meron bakit tulala ka jan" tanong sa akin ni Juliet pero umiling lamang ako at tumayo dahil baka naiinis nang hinihintay ni Bryan itong juice na pinatimpla niya. "Wait lang" sagot ko kay Juliet pero hinawakan niya ako sa kanang kamay at matamis niya akong ginantihan ng malapad na ngiti. "Inlababo ka kay Sir Bryan noh?" pataas taas kilay na tanong niya sa akin.Kumunot naman ang noo ko at agad na naglakad palabas papunta sa swimming pool. Inilagay ko sa sahig ang juice at binalingan ang isang binata na sobrang gwapong lumalangoy sa malalim na pool. Ibang iba na ang nararamdaman ko ngayon sa kaniya na tila ba ang galit ko ay napalitan ng isang pagkamangha. Magaling na ang sugat niya sa braso dahil kahapon pinilit ko siya na magpatingin sa doctor baka kasi maimpeksyon kapag hindi siya natignan. Umupo ako at ibinabad ang paa ko dito sa may tubig.Kumikislap ang aking mga mata habang masaya siyang pinapanood. "Hoyy Babaeng m******s kaysa panoorin mo lang ako jan maligo kana rin amoy asim kana" inis ko siyang tinignan dahil sa sinabi niya bahagya ko pang inamoy ang aking sarili pero totoo nga medyo nangangamoy basura na ako. "Ang kapal mo hindi ako m******s at hindi ikaw ang tinitignan ko napakafeeling mo" pagpapalusot ko sa kaniya.Tumawa naman siya at nagpailing iling nalang. "Sus..You can't deny it dahil kitang kita naman sa mga mata mo na abs ko ang tinitignan mo" sambit pa nito na ikinabuga ko ng hangin. Nakakaumay baka ilipad ako ng kahanginan ng lalaking ito...Tsk "Abs? Meron kaba nun baka taba meron sayo" pang aasar ko sa kaniya.Pero mabilis siyang sumisid sa tubig at bigla ding umahon. "Tsk...Wala ba? Kaya pala halos hubaran mo na ako nung isang gabi" napairap ako sa hangin dahil naiinis na ako sa kaniya. Humalukipkip ako dito habang nakaupo.Pero para bang hinila ako ng hangin na tignan si Bryan na dahan-dahang umaahon mula sa pool. Kinusot-kusot ko pa ang aking mga mata at sinampal sampal ang aking sarili.Iniiwas ko ang mga mata ko sa kaniya pero wala pa din.Parang bumagal ang pagtakbo ng oras. Binalingan niya ako ng tingin at matamis itong ngumiti sa akin.Sinamaan ko siya ng titig at umiwas na sa kaniya pero lumakas ang kaba ng aking dibdib ng- "Wooaaahh maligo kana" isang salitang narinig ko bago ako bumagsak sa malamig na tubig ng malalim na pool na nasa harapan ko. Malamig na tubig ang pumuno sa katawan ko.Nanginginig ako habang nalulunod dito sa pool dahil hindi ko alam lumangoy. "T-tulooongg Bryan" kapos hiningang sigaw ko habang pilit na iniaahon ang aking sarili sa tubig. "SIR SI ANNA NALULUNOD" sigaw ni Manang Cora oo tama siya yun. Ilang sandali pa ang lumipas ng ipinikit ko na ang aking mga mata dahil sa hirap na akong huminga dahil sa tubig.May mahigpit na yumakap sa akin mula sa likod at naiahon ako sa tubig. "Jusko Anna" "Sorryyy hindi ko sinasadya" "Anna wake up" naramdaman ko ang pagsampal ni Bryan sa aking kanang pisnge pero hindi ko idinilat ang aking mga mata. Hindi ko alam pero gusto kong sagipin niya ako sa pamamagitan ng kaniyang paghalik sa akin.Naririnig ko ang paggising ng ibang kasambahay sa akin. Nasasaktan na din ako sa ginagawa ng kung sino man dahil sa pagdiin nila sa dibdib ko.. "Anna wake up" sambit pa ni Bryan at naramdaman ko ang kamay nito sa pisnge ko. "Sir baka kailangan ni Anna ng kiss" gusto kong matawa dahil sa sinabi ni Juliet pero mas pinili ko nalang na manahimik at hintayin kung gagawin ba ni Bryan iyon. "What kiss?" malamig na tanong ni Kumag este ni Bryan. "I mean sir ahh mouth recetation yun bang hahalikan mo siya para mahigop ang tubig sa loob" sagot pa ni Juliet..Hasyt buti pa itong isa na toh.. "Yucckk ayoko" napairap ako sa aking isipan dahil sa pag iinarte ng lalaking ito..."Tawagin niyo si Manong Driver total single pa naman yun" bigla akong nagpa kawala ng malakas na ubo at biglang bumangon.Binugaan ko ng tubig si Bryan sa muka na ikinagulat ng nandito. "What the hell" Napatakip ako sa aking bibig at nagkukunwaring hindi alam ang nangyari.."Bakit kayo nasa harap ko anong nangyari?" tanong ko pa sa kanila pero malakas na binatukan ni Manang Cora si Juliet. "Ito kasing babae na ito bigla ka nalang itinulak ang akala niya marunong ka lumangoy yun pala hahaha hindi" natawa din si Bryan dahil sa sagot ni Manang. "Alam mo ba?" tumingin ako kay Bryan dahil sa salitang lumabas sa bibig niya.."Pangalan ko pa ang tinawag mo ng nalulunod ka tskk you're so f*****g inlove with me huh" mapait ko siyang pinakawalan ng ngiti bago ako tumayo. "Hoyy Kumag ka..Ang feeling mo ikaw lang tinawag ko kasi ikaw lang yung lalaki na makakatulong sa akin at ano" idinikit ko ang muka ko sa kaniya.."Ako inlove sayo? Ha? Baka ikaw" mayabang na pag asta ko. Inis akong naglakad papasok pero basang basa ang katawan ko.Dumiretso ako sa banyo para makaligo na...Hasyt sobra talagang kapal ng muka niya. Napatigil ako sa pagsshampoo ng aking katawan ng inalala ko ang sinabi niya..May gusto nga ba ako sa kaniya.Madiin kong ipinikit ang aking mga mata at umiling. "H-hindi pwede hindi!Hindi!hindi" sinampal sampal ko ang aking sarili dahil hindi ako pwedeng mahulog sa mokong na yun.. Pagkatapos kong maligo nag ayos na ako ng aking sarili dahil ngayon ang araw na may kaunting selebrasyon sa University.Hindi sana ako aatend kaso nga lang pinilit ako ni Hannah. Pababa na ako ng hagdan habang nakasuot lang ng isang pantalon at nakatsinelas. "Where are you going?" malamig na boses na tanong ni Bryan pero suminghal na lamang ako sa kaniya. "Pupunta ako kung saang wala ang mayabang na katulad mo" sagot ko at akmang maglalakad na palabas. "I said where are you going" tumingin ako sa kamay niyang madiing nakahawak sa akin. "Ouch aray ko ano ba..! Pupunta ako sa University sasali ako sa hanap kapartner" iritang sagot ko. Binitawan naman niya ang kamay ko at muli siyang humiga sa Sofa. "Tsk..Walang mag aaya sayo na isayaw ka" pang aasar niya pero inirapan ko nalang ito at iniwanang nakahiga sa Sofa. Sumakay ako ng tricycle papunta sa University.Pag bunga d ko palang nasa akin na ang mata ng iba. Hindi sila nakauniporme dahil free day naman ngayon at maaari nilang suotin ang mga ninanais nilang damit. Nakacroptop..Nakadress at may makapal na make up. Yumuko ako ng tingin sa aking sarili na naka oversize ng damit na nakapantalon. "Hahaha look at her ang baduy" "Yeaah siguro ginayuma niya si Bryan" "Hahaha parang Manang" Malalim akong nagpakawala ng isang buntong hininga bago ako naglakad pero bago pa man yun may humila na sa kamay ko at kinakaladkad akong tinatakbo. "Ouccchh sino kaba?" inis kong tanong pero nagulat ako ng humarap sa akin ang babaeng humihila sa akin walang iba kundi si Hannah.Nakadress ito ng kulay pink at nakapony tail dinagdagan pa ng makulay at nakakamanghang make up. "H-hannah ikaw ba yan...Hala gagi ang ganda mo ha" sambit ko habang namamanghang naka titig sa kaniya. "Ayyiieee thank you bhest pero bakit ikaw? Umay ka bakit ganyan naman suot mo tapos hindi kapa yata nagsuklay" sabay hawak sa buhok ko. "Woii grabe nagsuklay kaya ako" ngusong sagot ko sa kaniya. "Hasyt naku bhest dapat bongga ka ngayong gabi" hinila niya akong muli at dinala sa isang room dito sa University. "Tsk...Okay na ito noh edi kung walang mag sayaw sakin ayos lang" usal ko pa sa kaniya na ikinailing niya. "Try this" ipinakita niya ang isang blue dress sa harapan ko. "H-ha...Naku hindi bagay sakin yan" pagtatanggi ko pero tumaas ang kanang kilay niya. "Tsk sige na kasi" Kagaya ng sinabi at utos niya sinukat ko ang blue dress at sumakto naman sa akin.Pina suot niya rin ako ng sandal na sobrang taas pero agad ko ring hinubad dahil sobrang sakit sa paa. "Isuot mo nga" utos niya pa pero umiling ako. "Bhest ansakit kaya sa paa mag ttsinelas nalang ako" sagot ko pa sa kaniya.Pero bigla nalang siyang yumuko at isinuot sa paa ko ito ng s*******n. "Halika" lumapit ako sa malaking salamin na itinuro niya. Manghang mangha ako sa aking sarili dahil sa ganda ng kasuotan ko.Pero ansakit na talaga ng paa ko. "Hindi sa lahat ng oras pang Manang ang ayos mo minsan kailangan mo ring mag ayos" pinaupo niya ako dito sa harap ng salamin at kinuha niya ang isang kahon na puno ng make up. -30 ??????? ?????- "Bhest ansakit na ng paa ko" pag iinarte ko kay Hannah dahil ilang oras na yata kami dito sa loob.Tapos kung ano ano nang hairstyle ang ginawa niya sa buhok ko. Nakamake up ako ng merong lipstick pero hindi gaanong makapal ito dahil ayoko talaga.Mayroon din akong hikaw dahil may butas naman ang tainga ko. Nilinasan niya ang kuko ko para naman daw hindi mandiri ang lalaking makakasayaw ko...Tsk "Now look your self in mirror" pag utos nito dahil nakayuko ako dahil sa pagstraight na ginawa niya sa buhok kong napakapanget. Bahagya kong inayos ang tingin at ulo ko.Napangiti ako ng makita ang aking sarili sa harap ng salamin.Sobrang ganda ko. "B-bhest ako ba toh" tanong ko pa kay Hannah na tumango na lang. "Oo ikaw yan..Oh diba sa manang mong ayos may ganda ka palang itinatago tiyak ko na magagandahan ang mga makakakita sayo" sambit pa nito. Lumipas ang ilang oras bago kami nagpunta sa malawak na gym na puno ng disenyo.May malakas na musika na kapwa ding sinasayaw na ng iba ngayon. "Bhest dun tayo" sabay turo ni Hannah sa mga nakapilang babae dito sa gilid. "Tonight is your free night to dance your crush or your jowa" sambit ng principal sa mike. Malakas namang nagtilian ang lahat at umaasa ang mga babae na narito na maisayaw sila ng mga taong gusto nila. Pero ako? Isa lang ang gusto kong makasayaw ngayon pero wala naman siya dito....Tsk "Hannah can i dance you" pareho kaming napatingin kay Hannah sa lalaking nasa harapan niya at nakalahad na ang kamay nito. "S-sure" Tumayo si Hannah at sumama sa lalaking nag aya sa kaniyang sumayaw. -?????? ????? ?? ????- "Hannah can i dance you" kabadong pag-aaya ko kay Hannah tumingin muna ito sa katabi niyang babae na sobra ding ganda. "Sure" sagot niya na ikinangiti ko. Hindi nakamaskara ang mga babae habang ang mga lalaki ay nakasuot ng maskara sa muka upang hindi nila makilala. Hinawakan ko ang kamay ni Hannah at idinako ito sa aking balikat habang ang kamay ko naman nasa kaniyang bewang. "Napakaganda mo talaga" malambing na boses na pag puri ko sa kaniya. "Thankyou...Ikaw din sobrang gwapo mo kahit nakamaskara ka" sagot niya na ikinangiti ko. "May boyfriend kana ba?" tanong ko sa kaniya.Nailang naman ako ng tumitig siya sa aking mga mata. "Wala...No Boyfriend since birth soguro malas talaga ako sa pag ibig..Wala kasing lalaki na nag tangkang manligaw sa akin" sagot nito. "Pwede ba akong manligaw..?" tanong ko sa kaniya.Nakita ko naman ang malapad nitong ngiti "Ikaw...Kung g-gusto mo" "Yes...Gusto kita gustong gusto kita Hannah" sagot ko sa kaniya. "Ano bang pangalan mo?" "Malalaman mo rin sa oras na mag umpisa na akong manligaw sayo...But can i ask you" tanong ko bago ko tinignan ang babae na katabi niya kanina. "Sure ano yun" "Sino yung babaeng nasa kanang katabi mo? Parang ngayon ko lang siya nakita..Pwede bang malaman kung ano ang pangalan niya" tanong ko ngumiti naman siya at binalingan ng tingin ang babae. "Ahh yun ba...She's my bestfriend si Anna Perez" Napatigil ako sa pag galaw ng aking paa sa sinabi niya.Ano daw tama ba ang narinig ko.. Si Anna Perez ang magandang babaeng nakikita ko ngayon. Hinintay kong matapos ang kanta na kasayaw si Hannah pagkatapos nun nagpa alam na ako at matamis na ngiti ang aking pinapakawalan at agad na tinawagan si Boss Bryan dahil kailangan niyang makita ang diwatang nakikita ko.. Hayop sa Ganda. -???? ????? ????? ?? ????- "Wala pa rin bang nagsasayaw sayo?" tanong sa akin ni Hannah ng matapos na itong isayaw ng isang lalaki. "Oum sabi niya liligawan niya daw ako tapos sabi niya pa matagal niya na akong gusto..Pero sana si Justin nalang yun kasi siya yung crush ko" kinikilig na sambit ni Hannah. Alas otso na ng gabi at ilang minuto na akong naghihintay dito ng lalaking sasayaw sa akin pero wala pa rin. "Hi Miss Can i Dance you?" tinapik ako ni Hannah at itinuro ng kaniyang nguso ang lalaking nasa harapan ko habang naka lahad ang kamay nito sa akin. Sinayaw niya ako pero nakaka boring lang kasi wala manlang salitang lumalabas sa bibig niya kasi titig na titig siya sa muka ko naiilang na nga ako eh. Ansakit sakit na rin ng paa ko. Napatigil kaming dalawa ng biglang may tumapik sa lalaking nasa harapan ko. Binitawan niya ako at pumalit ang lalaking ito na nakamaskara ng kulay itim..Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa at hindi ako nagkamali. Ang maskara na suot niya ngayon ay ang maskara ding suot ng nakahalikan ko sa club nun ang first kiss ko. "Can i dance you" nabalik ako sa reyalidad ng hawakan niya ang kamay ko. Bumilis ang t***k ng puso ko at nanginginig na rin ang kamay ko dahil sa kabang nararamdaman ko. "Chill...Don't be nerveous hindi ako kumakain ng tao" pabirong turan niya. Nakapatong ang magkabila kong kamay sa kaniyang balikat habang nakahawak naman siya sa aking bewang. "Hindi mo ba ako natatandaan?" kumunot ang noo ko at tinignan siya sa mata. "Ha?" "Pffftt..Ako lang naman yung hinalikan mo sa Club nung may humahabol sayo" mapait ko siyang ginantihan ng isang ngiti dahil sa nagawa kong yun. "Ahh ehh h-hindi ko sinasadya yung gabi na yun m-medyo lutang lang ako kaya kita nahalikan" sagot ko pa sa kaniya. "Ahhmm..Im Hunter and you" "I'm Anna Perez hehehe nice to see you and meet you" nahihiya kong sagot sa kaniya. "Napakaganda mo ngayong gabi" pagpuri nito sa akin na ikinayuko ko...Umay ang gwapo tapos ang bango pa "Salamat" "Anna Perez...Sobrang ganda mo hindi ko alam kung bakit ito ang nararamdaman ko pero para bang ikinulong mo ang sarili ko sa puso mo.Pilit kong iniiwasan ang mahulog sayo pero hinihila ako" kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Ha" "I like you and give me a favor to kiss you again" mahinahon at malambing ang boses niya. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko pero sobrang bilis ng t***k ng puso ko ngayon. "Please.." bigla akong napatango ng wala sa sarili dahil sa pagmamakaawa niya pero gusto kong maulit ang gabi na hinalikan ko siya ng walang pahintulot. "Ipikit mo ang iyong mga mata at hayaan mong halikan kita" utos nito na ikinakunot ng noo ko pero agad ko ding ikinatango at sinunod. Madiin kong ipinikit ang aking mga mata. Dumampi ang malambot niyang labi sa aking labi. Alam ko na hinubad niya ang kaniyang maskara kaya nakikita na ngayon ang muka niya pero nasa gitna kami at imposible na makita ni Hannah kung sino ang lalaking nasa harapan ko. "Ilike you and Iloveyou" bulong nito bago siya bumitaw sa halik na ginawa niya. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata pero wala na siya sa aking harapan. Kumunot ang aking noo at tumingin sa paligid.Lutang akong bumalik kay Hannah na nakahawak sa aking labi. "Nakita mo ba yun?" tanong ko pa sa kaniya. "Yung alin?" "Yung lalaking humalik sa akin si Hunter" sagot ko pa pero umiling lamang siya. Studyante pala siya dito.. Tumango ako at pinagpasyahan na hanapin bukas sa buong university ang lalaking iyon. Kakaiba ang nararamdaman ko sa kaniya..Gaya ng nadarama ko kay Bryan. Pero hindi ko alam kung kanino ba ako inlove sa kanilang dalawa. Kay Hunter ba o kay Bryan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD