Nagngingitngit pa rin ako hanggang ngayon sa Lawrence na iyon. Nakapa-ungentleman niya talaga! Hinahangaan ko pa naman siya bilang artist! At oo na, crush ko pa naman ang kaguwapuhan niya pero saksakan siya ng kasungitan! Isang babae lang ang may kasalanan sa kanya pero dinamay na niya ang lahat ng babae sa mundo. Ansarap niyang murahin sa totoo lang. Parang nabura na tuloy ang lahat ng iniisip ko na may malalim kaming nakaraan ng Lawrence na iyon. Dahil kung meron, hindi sana ganon ang trato niya sa akin, hindi ba? Gosh, bakit ko pa kasi naisip iyon?! Siguro dahil sa ideya na fan niya ako noon kaya kung anu-ano na lang ang pumapasok sa isipan ko. O kaya dahil sa mga lihim na usapan ng mga magulang ko na napapansin ko kapag nababangit siya. Ang mga makakahulugang tingin ng mga magulang

