"Bye, Lyke!" "Bye, girls!" Nakangiti akong kumaway kina Pamela at Jerlyn bago nagtungo papunta sa parking lot. "Hi, Lyke!" Isang kaklase ko sa isang subject ko ang bumati sa akin na sinagot ko naman ng isang ngiti ngunit mabilis na nawala iyon nang makita ko ang isang paparating na lalaki. It was Renz. Nagmamadali siyang naglalakad palayo na diretso lang ang tingin. And running after him was... Jaki. It looked like they're having a fight dahil halos madapa na si Jaki sa ginagawa nitong paghahabol sa boyfriend. Hindi sinasadyang napatingin ako sa paligid at nakitang hindi lang pala ako ang nanunuod sa kanila. Everyone was watching them as if they're in a movie and we are their audience. "Renz, please naman!" frustrated na sigaw ni Jaki ngunit hindi pa rin ito nililingon ng nobyo.

