Pagkatapos naming magpaalam at magpasalamat kay Kuya Oliver ay nagpunta na kami sa Gym kung saan magno-nominate ng mga officers ang lahat ng may kursong Fine Arts. At dahil Fine Arts kaming tatlo nina Jaki at Renz ay kaming tatlo ang magkakasamang umalis. Nakasunod lang si Renz sa likuran namin ni Jaki habang patungo kami roon. At ang Jaki, kanina pa bulong nang bulong sa akin. "Lyke! Hindi ako makapaniwalang nakasama nating kumain ng lunch ang magkapatid na Caballero at ngayon ay kasabay pa natin ang isang Renz Caballero sa pagpunta sa Gym! Dapat talaga magdididikit ako sa'yo para lagi akong naambunan ng suwerte mo, eh!" "Hindi natin siya kasabay. Nasa likuran natin siya," bulong ko sa kanya. "Isa pa, hinaan mo nga iyang boses mo. Mamaya marinig pa niya iyong pinagsasabi mo. Nakakah

