"Good morning, Lyke!" Napalingon ako at napangiti nang makita si Kuya Oliver na papalapit sa akin. Kung makabati naman ito ay parang isang taon kaming hindi nagkita. "Kuya Oli! Here, nag-bake ulit ako ng cookies para sa inyo ni Renz!" Kaagad kong iniabot ang isang box sa kanya. "Whoa! My favorite!" tuwang-tuwa niyang sabi at inamoy-amoy pa ang box. "Minsan mo lang natikman, favorite mo na?" pangangantiyaw ko sa kanya. "Syempre naman! Favorite person yata kita!" Aww, sweet talaga ni Kuya Oliver. Kung hindi lang ako in love kay Renz, baka sa kanya ako mai-in love, eh. "So, since favorite person mo ako, ililibre mo ako ng lunch mamaya?" pagbibiro ko sa kanya. Umakbay muna siya sa akin bago sumagot. "Of course, lunch lang pala. Kahit bilhin ko lahat ng ulam sa canteen para sa'yo,

