Chapter 8

1934 Words
"Yes?" Walang ngiti kong tanong sa kanya nang tumigil siya sa harapan ko. Nag-iwas ako ng mga mata at tumingin sa likuran niya nang makita kong may ilang estudyanteng nakasunod sa kanya kabilang na si Jaki. "Look, will you please look at me?" nakikiusap niyang sabi kaya napilitan akong tignan siya at nag-concentrate sa sasabihin niya. Lumalakas na kasi ang bulungan ng mga estudyante sa likuran niya. "Ano ba kasi iyon?" nagmamadali kong tanong. Kinakabahan ako dahil hindi ako sanay na sentro ng atensiyon at atraksiyon lalo na ng mga kaeskuwela ko. "Sasabihin ko pero tignan mo muna ako." Napasimangot ako. Demanding pala talaga itong Renz na ito. "O ayan, nakatingin na ako. Ano ba iyon? Nagmamadali ako kasi..." Pinutol niya ang sinasabi ko nang bigla na lang siyang may iabot sa akin. "Here." Nanlaki ang mga mata ko ang makita ko ang bagay na nasa mga kamay ko. Oh, my God! Jersey niya iyon! "Baka tumalbog na palabas sa mga sockets nila iyang mga mata mo." Alam kong biro iyon pero bakit hindi siya nakangiti? Inayos ko na ang pagkakabukas ng mga mata ko. "Bakit mo ibinigay ito? Palalabahan mo ba sa akin?" Sa pagkakataong iyon ay umikot ang mga mata niya. "Does it smell like it needs to be washed?" pagsusungit niya. Siya naman ang nanlaki ang mga mata nang amuyin ko ang jersey na kulay red. "Parang," nang-iinis kong sagot sa kanya. Humalukipkip siya. "So bakit mo ibinigay sa akin ito?" Nagkalas ang mga braso niya at pagkatapos ay nag-iwas ng tingin bago sumagot. "Peace offering," tipid niyang sagot. "Pakiulit at pakilakasan naman," hiling ko. "Peace offering para sa ginawa kong p*******t sa damdamin mo last week. I realized na hindi ko man lang na-consider na masasaktan kita sa mga pinagsasabi ko. I'm... really sorry." "Uuuy!" kinikilig na kantiyaw ng mga estudyanteng nasa likuran niya sa pamumuno ni Jaki. Nag-init tuloy lalo ang magkabilang pisngi ko. Upang makaiwas sa panunukso ng mga estudyante ay napatingin ako sa jersey at napansin ang number na naroon. "Twenty six," sambit ko sa jersey number niya. "The day of my birth," pagbibigay-alam niya kahit hindi pa man ako nagtatanong. Sa totoo lang, alam ko naman talaga ang simbolo ng number na iyon sa kanya. Para que pa na stalker niya ako, 'di ba? "Thank you," simple kong sabi. Syempre, magpapakipot pa ba ako at itataas ang pride ko? Hindi, 'no! "So, peace?" nanunubok ba tanong niya. "Yes, peace," super ngiti ko namang sagot. Hindi na ako aarte pa since siya naman ang unang nagpakumbaba sa aming dalawa. "Umm, pwede bang...?" Itinuro ko sa kanya ang DSLR na nakasabit sa leeg ko. Napailing siya bago tumango. "Fine," waring napipilitan niyang sabi. Mas lumawak naman ang pagkakangiti ko. Kinawayan ko si Jaki na kaagad namang lumapit at kinuha mula sa akin ang DSLR ko. "One, two, three... Smile!" utos niya at kaagad naman akong ngumiti. "Renz, umakbay ka naman!" kinikilig na utos ni Jaki sa kanya. Syempre, deep inside ay kinikilig din ako at hindi ko lang ipinapahalata. Tumingin si Renz sa akin na tila tinitignan kung papayag ako. Simple akong tumango sa kanya. At dahil inakbayan niya ako ay halos magdikit na ang mga katawan namin. Lalo pa akong namutla dahil mas lumakas pa ang panunukso sa amin ng mga estudyanteng pinapanuod kami. "Oh, ngiti na sa camera!" narinig kong muling utos ni Jaki kaya naman ngumiti na ako habang nakatingin sa camera kahit halos manghina na ako dahil damang-dama ko ang init ng katawan ni Renz na nakadikit sa akin. Oh, Lord. Sana po ay maganda ang kalabasan ng picture naming dalawa! Tahimik kong dasal. ... Oh, my God! Bakit naman ganito? Bakit bagay na bagay kami sa pictures naming dalawa? "Uyy, kilig na kilig ang loka. Hindi na yata maaalis iyang ngiti sa mga labi mo kahit kanina pa nakaalis si Renz, ah?" pangangantiyaw sa akin ni Jaki. "Jaki, nakikita mo ba ang nakikita ko? Bagay na bagay kami sa pictures na kinuha mo, oh?" Pinatingin ko pa siya sa DSLR ko. "Syempre naman, ako ang kumuha kaya super cute kayo dyan!" nagmamalaki naman niyang sagot. "Teka, si Daddy na yata itong tumatawag," pagpapaalam ko sa kanya. Akmang ilalagay ko na iyon sa tenga ko nang biglang may bumangga sa akin mula sa likuran ko dahilan para mahulog ang cellphone ko sa sahig. "Ouch!" napahiyaw ako dahil sa sakit ng pagkakababgga sa akin. "Ano ba?!" galit namang reaksyon ni Jaki sa bumangga sa akin. Napatingin ako rito at nakitang isa iyong matangkad na babae. Maganda sana ito kung hindi lang ubod ng taray ang pagkakatingin sa akin isama pa ang nakataas na kilay nito. "Paanong hindi kayo mababangga eh haharang-harang kayo sa daan?!" masungit na sagot nito kay Jaki. Nagsitanguan pa ang ilang babae na tila alipores nito. "At ikaw," duro nito sa akin. "Masyado ka nang papansin kay Renz, ah? Kabago-bago mo pa lang dito, akala mo kung sino ka nang makalapit sa magkapatid na Caballero. 'Wag kang masyadong feeling, girl. Iyang Jersey ni Renz? For your information, hindi ikaw ang unang babae na binigyan niya ng Jersey niya kaya 'wag kang feeling special!" Ipinagsigawan pa niya ang mga sinabi niya at sadyang ipinapahiya ako sa mga estudyanteng nanunuod sa eksenang nangyayari. Sinubukan kong magpakatatag kahit pakiramdam ko ay para akong sinusunog nang buhay dahil sa kahihiyang ibinibigay niya sa akin. Gusto kong ipagtanggol ang sarili ko ngunit tila nakulong sa lalamunan ko ang mga salitang gusto kong sabihin sa kanya. Akmang magsasalita na ako nang makakuha na ako ng sapat na lakas ng loob ngunit naunahan ako. "Ano?! Ide-deny mo pa na masyado kang papansin sa mga Caballero?" paratang ng isa sa mga alipores ng babae. Humakbang pa papalapit sa akin ang babaeng matangkad. "Renz is mine, b***h! At ayoko nang makita na lumalapit o nakikipag-usap ka pa sa kanya. Pagbibigyan kita ngayon pero 'wag mong ubusin ang pasensya ko sa'yo. I can make your life here a living hell. Tara na!" tawag nito sa mga kasama pagkatapos akong pagbantaan. Matatalim ang tingin ng bawat isa sa kanila habang nilalampasan nila kami ni Jaki. Ang iba namang estudyante na nakapanuod sa amin ay napatingin din. Ang iba sa kanila ay nakangisi samantalang ang iba ay tila nakikisimpatya. Nang kami na lang ni Jaki ang nasa hallway ay nakayuko kong pinulot ang phone ko. Nakita kong nakailang missed calls na si Dad. Dali-dali ko siyang tinawagan at sinabing papalabas na ako sa building namin. Tahimik lang naman si Jaki sa tabi ko. "Okay ka lang, Lyke?" nag-aalala niyang tanong sa akin. "Oo, okay na ako," nakangiting tugon ko sa kanya. Pilit lang iyon bilang pagtatakip sa kahihiyang dinanas ko kanina. "b***h talaga iyong Cesna na iyon. Narinig ko sa mga chika dito sa school na matagal na iyong nagpapansin pay Renz pero hindi naman siya pinapansin. Kaya naman ang ginagawa ay inaaway iyong mga babae na napapansin at kinakausap ni Renz. Dapat sumali rin iyon sa basketball team, eh. Lakas makaguwardiya." Natawa ako sa sinabing iyon ni Jaki. Nagsimula na akong maglakad kasunod niya. "Dedmahin mo lang iyong pananakot ng bruhang iyon, Lyke. Ngayong peace na kayo ni Renz, 'was mong hayaan na sirain iyon ng ibang tao lalo na kung tulad ng insecure na Cesna na iyon." Nakangiting tumango ako sa kanya. Nang makalabas na kami sa building ay nagkahiwalay na kami. Pangiti-ngiti akong naglalakad patungo sa parking area habang hawak ko pa rin ang Jersey ni Renz nang bigla na lang na may umakbay sa akin. "Kuya Oliver!" gulat kong tawag sa pangalan niya. "Na-miss kita kaninang lunch, ah? Kaya heto, humabol ako sa pag-uwi mo. Teka, jersey ba ni Renz iyang hawak mo?" "Yes!" tuwang-tuwa kong sabi sa kanya. "Ibinigay niya kanina as peace offering," dagdag ko pa. "Tamang-tama kasi may ibibigay din ako sa'yo." Tumigil siya sa paglalakad at may kinuha sa backpack niya. "Here." Nanlaki ang mga mata ko nang makitang jersey din ang inaabot niya sa akin. Kulay apple green ito at may number na 5. "Ayan, ha? Nakadalawang jersey ka na sa araw na ito," ngiting-ngiti niyang sabi habang nakatingin sa nanlalaki kong mga mata. "Wow! Thank you, Kuya Oliver!" natutuwang pagpapasalamat ko sa kanya. "Anong thank you? May kapalit iyan, ano?" "Cookies?" malapad ang ngiting tanong ko. "Mismo!" Nagkatawanan kami sa sagot niyang iyon. "Promise, bukas magdadala ako," pangako ko sa kanya. "Aabangan ko 'yan!" Masaya pa akong kumaway sa kanya nang maghiwalay na kami dahil malapit na kami sa parking lot. "Aba, napakasaya yata ng baby girl ko, ah?" salubong sa akin ni Daddy. Nakangiti namang humalik ako sa pisngi niya. "And wow! May nadekwat kang jerseys, anak?" Natawa ako sa paggamit niya ng slang word na karaniwang ginagamit ng mga kabataan. "Dad, hindi ko po ito nadekwat," tawang-tawa ako sa salitang ginamit niya. "Itong red, peace offering sa akin ni Renz, my loves. At itong apple green, suhol sa akin ni Kuya Oliver kasi nagpapagawa na naman siya ng cookies!" pagbabalita ko kay Dad. Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng kotse at magkasunod na kami ng pumasok. "Mukhang nagiging special ka na sa magkapatid na Kabayo, ah?" "Dad, Caballero po," humahagikgik kong pagtama sa kanya. "At 'wag mong gawing katatawanan ang apelyido nila, Dad. Malay mo balang-araw ay maging apelyido ko rin iyon," pagbibiro ko sa kanya. Nawala ang ngiti niya na kaagad ko namang napansin. "Dad, are you mad na bumanggit ako ng tungkol sa pag-aasawa?" Mabilis siyang umiling. "No, anak. I'm not mad. Actually, I'm wishing that I'll see that day when you're already happily married while carrying my grand child." Ako naman ang natahimik dahil sa sinabi niyang iyon. Naiintindihan ko si Dad. Sa kundisyon ko nga naman, walang makatitiyak sa future ko maging ako mismo dahil hindi ko alam kung hanggang kelan lang ang itatagal ko sa mundo. Napakasuwerte ko na kung tatagal pa ako ng limang taon o kahit tatlong taon lang dahil maaaring next year, next month, o kahit bukas ay mawala na lang ako sa mundo dahil sa sakit ko. Nakakalungkot lang talaga. Napakalabo ng future para sa akin. Gusto ko pa namang makapagtapos ng kolehiyo, ialay ang diploma ko sa mga magulang ko. Gusto kong magtrabaho at ibigay ang unang sahod ko kay Mommy. Gusto kong magkaroon ng tao na makakakuwentuhan bago ako matulog sa gabi. Gusto kong maranasan na matulog na may kayakap. Gusto kong maranasan na magdala ng buhay sa aking sinapupunan. Gusto kong damhin ang sakit ng panganganak. Gusto kong mag-alaga ng baby na bunga ng pagmamahalan namin ng magiging asawa ko. At gusto kong panuorin ang paglaki ng anak ko. Mangyayari pa kaya ang lahat ng iyon? Ibibigay pa kaya ng Diyos ang mga pagkakataong iyon sa akin? Mukhang hindi na. Mukhang malabo na. Mukhang dapat ay hindi na ako umasa at hindi na magpaasa. Pero ang hirap dahil gusto ko pa. Gusto ko pang umasa. "Lyke?" Kaagad kong pinunasan ang mga luha na bumabasa na pala sa aking mukha. "M--malay natin, Dad, may himala," pilit ang ngiting saad ko sa kanya. "Malay natin, maawa sa akin ang Diyos at bigyan pa Niya ako ng karagdagang panahon para magawa ko ang lahat bago Niya ako kunin, 'di ba, Dad?" "Oh, Lyke!" Kinabig ako ni Daddy at yumakap ako sa kanya. Binalot naman ako ng mga braso niya. "Dad?" paos kong tawag sa kanya pagkaraan ng ilang sandali. "Hmm?" Mapait akong napangiti. Alam kong nahihirapan si Daddy na magsalita dahil tulad ko ay umiiyak din siya. "Dad, ayoko pang mawala." Hindi na ako sinagot ni Dad. Bagkus ay humigpit pa ang pagkakayakap niya sa akin habang paulit-ulit niyang hinahagkan ang ulo ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD