Mabilis akong inilagay ni Renz sa likuran niya at prinotektahan ng katawan niya. "Anong ibig sabihin nito, Jacqueline?!" galit na tanong ni Renz sa kanya. Nagpa-panic naman akong lumingon sa paligid, naghahanap ng maaaring tumulong sa amin ni Renz o kaya ay makakikita sa ginagawang pananakot sa amin ni Jaki ngayon para maisuplong ito sa kinauukulan. "Hah! Tingin n'yo ay papayag ako na kayo masaya tapos ako ang nagdurusa?! Tumabi ka, Renz dahil papatayin ko ang babaeng iyan!" galit na galit na utos ni Jaki kay Renz. Ngunit imbes na sundin ito ay lalo akong itinago ni Renz sa likuran niya. "Stop this stupidity, Jaki! Tingin mo ba na tutukan mo lang ako ng bàril ay papayag na akong saktan mo si Lyke?!" "Of course not! Dahil alam ko namang mahal mo talaga ang mang-aagaw na iyan! Pwes, k

