"This is our house." Lumingon ako kay Renz at nakitang nakangiti siya sa akin. "It's almost done. Linis na lang ang kulang at pwede na kayong bumalik dito anytime but I asked for your dad's permission kanina to bring you here first," sabi niya sa akin pagkatapos ay bumama na siya sa kotse. Akmang bababa na rin ako nang senyasan niya akong maghintay. Then he opened the door for me. Inilahad niya ang kanyang kamay na kaagad ko namang inabot. Sabay kaming naglakad papasok ng bahay. "Ate Malou! Ate Flor!" sambit ko sa mga pangalan ng kasambahay namin na sumalubong sa amin. Masaya at halos umiiyak na sila nang maglakad sila nang mabilis para makalapit sila sa amin agad. Kaagad silang yumakap sa akin. "Lyke! Ang ganda-ganda mo na!" "Na-miss ko po kayo!" Sabi ko sa kanila nang magbitaw n

