Chapter 5

2234 Words
Nakatunganga lang ako sa canvass ko. Nakarami na iyong mga kaklase ko ngunit ni isang guhit ay wala pa akong nagagawa. Kung bakit ba kasi Fine Arts ang kurso ni Renz, ayun iyon rin tuloy ang in-enrol ko samantalang wala naman akong ka-talent-talent sa pagguhit. Natapos tuloy ang klase namin na wala akong nabuong hugis sa mga pinaglalagay ko roon. Nakayukong lumabas ako sa classroom namin habang bitbit ang canvas ko. Lungkot na lungkot ako kasi pinagtatawanan ako ng iba kong kaklase. Talagang hate nila ako. Mabagal lang ang paglalakad ko dahil gusto ko talagang mahuli para wala akong makasabay nang matigilan ako dahil sa bulto ng lalaking nasa harapan ko. Nag-angat ako ng tingin at napatulala nang makitang si Renz ang nasa harapan ko. "Hindi ka na naman tumitingin sa dinaraanan mo kaya ka nakadidisgrasya, eh," paninita niya sa akin. "S--sorry," mahina kong sagot sabay yuko ulit ng ulo. "At sorry kanina sa pag-apak ko sa paa mo. Sana, okay lang iyong naapakan kong daliri mo sa paa." Nahihiya akong tumingin sa kanya. Patuloy naman siyang nakatitig sa akin. "'Di ba ikaw iyong laging kumukuha ng picture sa Gym? Ikaw din iyong laging kasama ng student council president." "You mean ng Kuya Oliver mo?" Nakita ko ang gulat sa mga mata niya dahil alam ko ang relasyon nilang dalawa. "Nasabi na pala niya." Ngumiti ako sa kanya. Pakiramdam ko ay nabura ang anumang tampo na meron ako sa kanya kaninang nakapagsalita siya sa akin ng hindi maganda ngayong kaswal na siyang nakikipag-usap sa akin. "Yup. Mabait nga si Kuya Oliver. Siya 'yung naka-assist sa akin kasi transferee ako rito." Tumango naman siya at aktong aalis na nang hawakan ko siya bigla sa braso. Napatingin siya sa kamay kong nakahawak sa kanya kaya dali-dali akong bumitaw. "Um, could I make it up to you? Bilang apology sa pagkakaapak ko sa paa mo kanina," agad kong dagdag nang magdikit ang mga kilay niya. "Anong ibig mong sabihin?" "Could I invite you for a snack?" sagot ko agad. Akmang tatanggi siya kaya inunahan ko na ulit siya. "Please?" Tumitig muna siya sa akin nang matagal bago siya tumango na ikinatalon naman ng puso ko. "Thank you!" pasasalamat ko sa kanya na tango ulit ang isinagot niya. I feel like I'm walking on cloud nine habang magkasabay kaming naglalakad patungo sa canteen. Binalewala ko ang mga nanunuring tingin na ibinibigay ng mga nakakasalubong at nakakakita sa amin. Pasulyap-sulyap lang ako kay Renz nang... "Oh, my God!" "Ano ba?! Napaka-clumsy mo naman!" Napapahiyang umayos ako ng tayo. Paano ba naman sa sobrang katitingin ko sa kanya ay hindi ko namalayang pababa na pala sa hagdan iyong daraan ko. Muntik na tuloy akong mapasubsob sa lupa. Mabuti na lang at nahawakan niya ako kaagad. "Sorry, pasensya na! Sorry talaga," paulit-ulit kong paghingi ng pasensya sa kanya. Napailing na lang siya sa akin. Ayun, yuko na lang ang ulo na naglakad ako sa tabi niya at tinitignan na talaga ang mga dinaraanan ko. "Anong gusto mo?" excited kong tanong sa kanya nang nasa canteen na kami at nakahanap na ng mesa na pupuwestuhan. "Ikaw, anong gusto mo? Ako na lang ang kukuha. Hindi ko ugaling mag-utos sa babae," tila naiinip na tanong niya. "Kung anong kakainin mo, iyon na rin sa akin. Wait, kukuha lang ako ng pambayad." Dali-dali kong binuksan ang back pack ko para kunin ang wallet ko ngunit nang tumingin ako kay Renz ay wala na siya. Nagtataka kong hinanap kung nasaan na siya at nakitang nakapila na siya para kumuha ng pagkain namin. Napailing na lang ako at napangiti. Ngunit kaagad na nabura ang ngiti sa mga labi ko nang marinig ko ang sinabi ng nasa katabi naming mesa na alam kong sadyang ipinarinig sa akin. "Landi naman ng babaeng iyan. Pagkatapos kay Oliver ay kay Renz naman." "Oo nga. Balak pa yatang tuhugin iyong magkapatid. Kabago-bago rito sa school nakadalawang lalaki na!" Nag-init ang magkabilang pisngi ko ngunit nanlamig naman ang buong katawan ko. Why do they think so bad about me? Kaibigan ko si Kuya Oliver kaya masama bang kasama ko siya lagi? Siya iyong unang kaibigan ko sa school na ito at umaalalay sa akin dahil bago pa lang ako rito. Tapos si Renz, ngayon ko lang naman siya nakasama, ah? At oo, gusto ko siya pero hindi ko naman siya nilalandi. "Tapos iiyak-iyak kanina, nagdradrama pa para kaawaan." "Oo nga. Nakita mo ba? Niyakap pa siya ni Oliver!" Lalo akong napayuko sa kahihiyang nararamdaman ko sa mga oras na iyon. "Hey." Napaangat ako ng tingin nang marinig kong tinatawag ako ni Renz. Ibinababa na niya sa mesa iyong mga binili niya pagkatapos ay naupo na siya sa harap ko. Inabot niya sa akin ang isang sandwich ngunit bago ko abutin iyon sa kanya ay napatingin ako sa mga kababaihang nagpaparinig sa akin kanina. Nakataas ang mga kilay nila sa akin kaya dali-dali kong binawi ang tingin ko. "Thank you," mahina kong pasasalamat sa kanya. Sumulyap din muna siya sa mga babaeng tinitignan ko kanina bago niya ako tinignan. "Bakit namumutla ka?" Nagulat ako sa tanong niyang iyon. "W--wala." Hindi ko ulit mapigilang lingunin ang mga babaeng nagbubulungan. Isa ang sumimangot sa akin at ang isa naman ay nagsabi ng salitang nagdala ng karagdagang kahihiyan sa akin sa harap pa man din ni Renz. "Malandi." Walang boses na lumabas sa kanya ngunit basang-basa ko iyong humugis sa bibig niya. Mangiyak-ngiyak akong nagyuko ng ulo. Nagulat na lang ako sa tunog ng monoblock na kinauupuan ni Renz kanina. Kaagad ko siyang tinignan. Nakatayo na pala siya. "A-aalis ka na?" Lalong bumigat ang dibdib ko. Balak ko pa namang samantalahin ang pagkakataon para makausap siya nang matagal. "Hindi. Lilipat lang ako ng puwesto." Namangha ako dahil hinila niya ang nasa tabi kong upuan at doon umupo. Halos magkadikit na tuloy kaming dalawa. Nakangangang napatitig ako sa kanya. "Eat," utos niya sa akin bago kumagat sa sandwich na hawak niya. Nang makakagat na ako at ngumunguya ay nagulat na lang ako nang may ibinulong siya sa akin. "Don't be too affected by the bad things those girls were saying about you. They're just either jealous or plain stupid." Tumango ako sa kanya at napangiti na. "By the way, I'm Ma. Lyka Samonte. You can call me Lyke," pagpapakilala ko sa kanya. "Lyke as in gusto?" "Yep. But it is spelled as L-Y-K-E. Lyke." "Nice nickname," papuri niya and I felt so elated. "Thank you!" "Ako? Do I have to introduce myself to you or you already know me since you've already met and exchanged stories with my brother?" Umiling ako sa kanya. "I already know you bago pa man ako mag-enrol dito. In fact..." Natigilan ako. Dapat ko bang ipaalam na matagal na akong nag-sstalk sa kanya? "In fact what?" tanong niya. Nagtataka dahil hindi ko itinuloy iyong sasabihin ko. "I mean, I already know about you kasi nakalaban ninyo last year iyong team ng pinsan ko." "Oh, I see." Tumango-tango siya. "So you're a freshman." Ako naman ang tumango sa kanya. "Why did you choose Fine Arts as your degree?" Muli akong natigilan. Siya kasi ang rason kung bakit Fine Arts ang kinuha ko dahil iyon ang kurso niya. "Umm, ano. Hindi kasi ako magaling mag-drawing kaya naisip ko na ito ang kunin na course para matuto ako." Kunot-noo siyang napatitig sa akin. Napakagat naman ako sa ibabang labi ko. Alam ko kasi na napaka-lousy ng reason na sinabi ko. Magpapaliwanag pa sana ako nang biglang tumunog ang phone ko. It's my Dad calling me. Nasa parking lot na yata siya para sunduin ako. "Excuse me," paalam ko kay Renz. "Hello, Dad. Opo, palabas na po ako." "Okay, hija. Take your time," sagot naman sa akin ni Daddy sa kabilang linya. Nang mapatay ko na ang tawag ay lumingon ako kay Renz. "I've got to go. Thank you pala sa snacks. Ako dapat ang nanlibre sa'yo dahil ako iyong may kasalanang dapat bayaran kaso..." "'Wag mo nang isipin iyon. May next time pa naman." Natuwa naman agad ako sa sinabi niyang iyon. "Talaga? Mags-snack ulit tayo?!" "Sure," simple niyang sagot sabay tayo kaya tumayo na rin ako. Dinala ko na lang ang mga snack na hindi ko naubos. "Iuuwi ko na lang," nahihiyang sabi ko sa kanya nang mapatingin siya sa mga kamay kong hawak ang mga iyon. "Fine, tara." "Ha? Saan?" taka akong sumunod sa kanya nang maglakad na siya paalis. "Ihahatid na kita papunta sa sundo mo. Akina iyang canvas at hindi ka na magkandaugaga sa mga dala-dala mo." "Wow, thank you," pasasalamat ko sa kanya. And oh my gosh, napakabilis ng t***k ng puso ko. Kinikilig ako sa pagiging gentlman niya. "Pwede bang 'wag ako ang titigan mo? Tumingin ka sa dinaraanan mo at baka madapa ka pa." Napapahiyang inalis ko ang tingin ko sa kanya ngunit muli akong napangiti nang matamis dahil katabi ko na naman siyang naglalakad. "Lyke!" tawag sa akin ni Dad. Nasa labas na siya ng kotse at naghihintay sa akin. "Hi, Dad!" masigla kong bati kay Daddy na napatingin naman kay Renz. "Ahh, Dad, si Renz po pala. Renz, si Daddy," pagpapakilala ko sa kanilang dalawa. Makahulugang tumingin sa akin si Dad bago siya muling humarap kay Renz. "Hi, Sir. Nice to meet you po." "Nice to meet you and thank you sa pagsama hanggang dito sa parking lot kay Lyke." "No problem po." Inabot ni Daddy ang canvas ko kay Renz. "Thank you, Renz," pagpapasalamat ko naman. Tumingin naman siya sa akin at nanlambot ang mga tuhod ko nang ngumiti siya sa akin. Tipid man iyon ngunit ngumiti siya at iyon ang mahalaga. "Welcome. I've got to go. See you tomorrow. Sir," paalam niya sa aming dalawa ni Dad bago tumalikod at umalis. ... Ngiting-ngiti akong sumakay sa likuran ng kotse. Dad sat after me and was looking at me with a smile on his face. "Saya ng dalaga ko ngayon, ah?" panunukso niya sa akin. Mas lalo namang tumamis ang ngiti ko nang bumaling ako sa kanya. "Dad, I just saw his first smile ever! Sa halos one year kong pag-stalk sa kanya ay ngayon ko lang siya nakitang ngumiti," I excitedly told him. "Ngiti na ba iyon? Tingin ko nga ay ismid, eh," panloloko niya sa akin. "It's a smile, Dad!" pagpupumilit ko. "And I can't believe na makikita ko iyon nang malapitan, oh my gosh!" Natawa nang tuluyan si Daddy sa akin. "Nako, dalagang-dalaga na talaga ang Unica hija ko. In love na in love na. Next time, hindi na lang sina Mommy at Daddy ang yayakap sa kanya. Yakap lang, ha? Bawal ang halik!" Pinandilatan pa niya ako ng mga mata na ikinahahikhik ko. "Promise, Dad. Tsaka if ever, sa pisngi lang, hindi sa lips." "Hindi pwede! Bawal ang halik!" Natawa ako lalo. "Opo, Daddy. Bawal na po. Sana, tuloy-tuloy na ang friendship namin, 'no Dad?" nangangarap kong saad. "Sana nga para lagi kang masaya. Pero huwag ka sanang magmadali, anak. Friendship lang muna, okay? Kung sakali, kung sakali lang ha, na lumalim pa ang pagkakaibigan ninyo at kung sa kanya ka talaga sasaya, then you will have my support." "Talaga, Dad? Aww, thank you!" Naglalambing na yumakap ako sa kanya. "Kung para sa kaligayahan mo, who am I to object basta ba alam n'yo ang magiging limitations ninyo kung sakaling magiging seryoso na ang relasyon ninyo." "Promise, Daddy. Hindi ko kayo bibiguin. Besides, friendship lang, masaya na ako." "That's good to know, anak. Kung friendship lang ang kaya niyang ibigay, then be contented with it." Tumango ako sa kanya. "Yes, dad. His friendship is enough." ... "Mom, could you teach me how to bake cookies?" paglalambing ko kay Mommy nang makapagbihis na ako ng pambahay. Kaagad ko siyang hinanap sa kusina at nang makita ko siya ay iyon agad ang sinabi ko. Nagtataka siyang napatingin sa akin. "Aba, himala. You want to bake cookies, Lyke? Hindi ba at ayaw na ayaw mong tumulong maglululuto? At mag-bake pa, ha? Bakit mo biglang gustong mag-bake ng cookies? Bakit hindi na lang kayo bumili sa daan para makakain ka ng cookies?" Naglalambing na yumakap ako sa kanya. "May pagbibigyan kasi ako bukas, Mommy. At gusto ko sana, sariling effort ko 'yung ibibigay ko sa kanila," sagot ko sa mga tanong niya. "Those people must be special para mag-effort ka pa. Tell me, sino sila? "Sina Kuya Oliver at si Renz, Mom." "Kuya Oliver? Iyon ba iyong nag-assist sa'yo noong first day mo? At Renz, iyon ba iyong kapatid niya na crush na crush mo?" "Mismo!" Si Daddy na ang sumagot sa tanong ni Mommy. "Dalagang-dalaga na ang anak natin, Mommy. Dalawang binata na ang umaaligid," pabiro pa niyang dagdag. "Lyke?" naninitang tanong ni Mommy. "Hindi, Mommy. Tsaka, 'di ba nakuwento ko nang magkapatid sila?" "Hmm, talaga nga yatang magiging future Caballero na ang baby natin, Mommy. Pwede sa Kuya, pwede sa kapatid." "Dad, huwag mong bigyan ng malisya iyon. Mabait lang talaga si Kuya Oliver. Parang Kuya ko na talaga. Siya yata iyong hindi n'yo ibinigay na Kuya sa akin, eh." "At si Renz?" Si Mommy ang nagtanong. "Crush po," iwas-tingin kong sagot. "Hay, nako. Tara na nga at nang maturuan ka ng mag-bake," yaya ni Mommy. "Huwag mong masyadong sarapan, Lyke. Baka ma-in love sa'yo nang tuluyan ang magkapatid," pangangantiyaw ni Daddy tapos tumawa siya nang malakas. Bago ako tuluyang sumama kay Mommy ay binelatan ko muna si Dad na lalo niyang ikinatawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD