Chapter 6

2528 Words
I woke up early today. 5 am pa lang ay gising na ako at nasa kusina ng bahay namin dahil nagbi-bake ako ng cookies para kina Kuya Oliver at Renz. Hindi ko na ginising si Mommy kasi naturuan naman niya ako kahapon. Halos isang oras din ang preparation ko with the help of the guide I downloaded at iyong mga itinuro ni Mommy kahapon. At 6:30 am ay inaayos ko na sila sa boxes na dadalhin ko mamaya sa school. "Good morning, Mom!" bati ko kay Mommy nang pumasok siya sa kusina. "Talagang sineryoso mo ang pag-bake ng cookies, Lyke, ah?" "Syempre naman, Mommy. Pa-thank you ko kina Kuya Oliver at Renz ito, 'di ba? Tamang-tama, kagagawa lang ito na makakain nila. I just hope na kasing-sarap sila ng ginawa natin kahapon." "I'm sure, masarap iyong mga iyan lalo at galing sa puso mo ang effort sa pag-bake sa kanila. Magugustuhan nila iyan." "I hope so, too, Mom." "Oh, sige na. Bumalik ka na sa kuwarto mo at maghanda para sa pagpasok mo. Maya-maya ay bababa na rin ang Daddy mo. Kami na ang maglilinis ng mga kalat mo rito," pagtataboy niya sa akin. "Okay, Mom. Thank you po." Hahakbang na sana ako paalis nang bigla na lang akong mapasandal sa mesa sabay hawak sa ulo ko. Kaagad na nataranta si Mommy nang makita niya ang kalagayan ko. "Oh, my God! Lyke!" Sinaklolohan niya ako agad at halos mapahiga na kaming pareho sa sahig nang mamaluktot ang katawan ko dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. "Mommy, ang sakit! Ang sakit-sakit!" ungol ko habang hawak ko ang ulo kong parang pinipiga sa kirot. "Lyke!" I heard Dad's voice but I can't see him for my eyes were tightly closed because of the blinding pain that was attacking my head. Halos umiiyak na ako habang pinahihirapan ng sakit ng ulo ko. The pain came in waves that all I just wanted to happen at that moment was to die. I heard my Dad's footsteps running. Siguro ay kinuha niya ang gamot para sa sakit ng ulo ko. Each passing minute as I waited for my medicine was like a t*****e. Pakiramdam ko ay hinihiwa ang ulo ko nang walang anaesthesia. "I'm here!" Nagkaroon ako ng pag-asa nang marinig ko ang boses ni Dad. Inalalayan nila akong makaupo at isinubo sa akin ang gamot ko. A glass of water came next. Wala akong pakialam kahit nabubuhos na sa akin ang ibang laman ng baso sa ginagawa kong pag-inom. "Oh, God! Please, stop her pain in Jesus' name! In Jesus' name!" paulit-ulit na dasal ni Mommy. She was crying too I know. Pati na rin si Daddy. Alam kong umiiyak din siya ngayon habang pinapanuod ang paghihirap ko. More torturous minutes came until I felt the pain slowly fading. Patuloy lang sa pagdarasal si Mommy habang yakap-yakap nila akong pareho ni Daddy. Kakaibang hapdi sa dibdib ang naramdaman ko nang magmulat ako ng mga mata. I saw my Mom and Dad crying painfully as if they themselves experienced the pain I went through. "Mommy, Daddy..." paos ang boses kong tawag sa kanila. Their eyes immediately flew open. "Oh, God! Lyke! "Lyke, my baby!" Sabay nilang sambit as they once again embraced me tight. They sobbed hard as they kept me inside their embrace. Tahimik lang naman akong lumuluha. It pains me how I've made my parents cry once again. "I'm sorry, Mommy. Dad," mahina kong paghingi ng paumanhin. "No, anak. Wala kang dapat ihingi ng sorry," lumuluhang saad ni Daddy habang hinahaplos niya ang mukha mo. "Lyke, my God. Kami ang dapat na humingi ng sorry sa'yo. Kung pwede lang, anak, kung pwede ko lang kunin ang sakit para hindi ka na mahirapan!" Mom sobbed after saying that and then kissed me repeatedly. Hearing them, seeing their pain of witnessing my pain really broke my heart. "Sana... Sana, mawala na lang lahat. Sana, mawala na lang ako agad para hindi na kayo umiiyak at nahihirapan dahil sa akin," umiiyak kong sabi kanila. I am blaming my self for making them cry and giving their hearts pain. "No! Bawiin mo ang sinabi mo, Lyke! You don't mean it! Bawiin mo, anak!" My mom cried even harder while saying those words. "Lyke, 'wag na 'wag mong hihilingin iyan sa Diyos. Kahit araw-araw o kahit minu-minuto pa kaming umiyak at maghirap ang damdamin ng dahil sa'yo, okay lang. Okay lang, anak. Basta buhay ka. Basta makakasama ka pa namin nang... nang matagal," gumagaralgal naman ang boses na sabi ni Daddy habang yakap ako. With their words, I cried even harder. Oo, gusto ko pang mabuhay nang matagal. Gusto ko pa silang makasama. Gusto ko pang magising bukas. I still want to go to school. I still want to watch Renz play basketball. I still want to take hundreds and hundreds of pictures of him. Gusto ko pang makasama si Kuya Oliver. Gusto ko pa siyang ilibre ng pagkain sa canteen. Gusto ko pa siyang makakuwentuhan. And most of all, kahit minsan lang, kahit sandaling-sandali lang, gusto kong maramdaman na mahal ako ni Renz. Gustung-gusto ko. Am I being selfish, God? Please, I still want to live. Let me live a little longer, please. ... After lunch na akong nakapasok sa school. Ayaw pa sana nina Mommy at Daddy pero nagpumilit ako na pumasok. Kaya ko naman na and I'm sure, hindi na aatake ang sakit ng ulo ko. It doesn't happen twice in a day. The attacks are like thieves. Hindi nila sinasabi kung kailan sila aatake at hindi rin sila umuulit sa loob ng isang araw. Minsan, ilang araw muna ang nagdaraan bago sila umatake ulit. Nito lang mga nakaraan na halos isang araw lang ang nagdaan nang muling umatake ang sakit ng ulo ko. "Lyke!" Napangiti ako nang marinig ko ang pagtawag na iyon sa pangalan ko. Ilang araw pa lang pero memoryado ko na ang timbre ng boses niya. "Kuya Oliver!" masaya kong salubong sa kanya. "What happened? Bakit hindi ka pumasok kaninang umaga?" tanong niya habang naglalakad na kami nang magkatabi. "Nagkaroon kasi ng emergency sa bahay kaninang umaga." Of course, I have to lie to him. Ayokong malaman niya na may sakit ako. It's not something that I am proud of. "Ganon ba? Okay na ba?" May halong pag-aalala niyang tanong. "Yup, everything is fine." At least, ang sumunod na isinagot ko sa kanya ay totoo because I now really feel fine. "By the way, I have something for you." Napatigil kaming dalawa sa paglalakad. "Talaga? May regalo ka na agad sa akin? Hindi ko pa naman birthday, ah?" nagbibiro niyang tanong. "Hindi naman kailangang hintayin ko pa ang birthday mo bago ko ibigay sa'yo ito. Gagawan na lang kita ulit!" Inabot ko na sa kanya ang isang box ng cookies na dala ko. "Wow! Cookies! Kaya naman pala kanina pa ako napapatingin sa mga boxes na dala mo," ika niya nang masilip niya ang laman ng box. "Ako ang nag-bake niyan, Kuya," proud kong sabi sa kanya. "Sure akong masarap ang mga ito kung ikaw ang nag-bake. At iyang isang box na hawak mo, parang alam ko na kung kanino mo ibibigay iyan." "Of course, ibibigay ko ito kay Renz, Kuya. Alangan namang sa'yo ulit. Tama na iyang isang box sa'yo kahit na matakaw ka!" pagbibiro ko sa kanya. "Sakit mo namang magsalita porke nanlibre ka lang, eh," kunwari ay nagdaramdam na saad niya. "Joke lang! Kuya, ha? 'Wag sensitive. Teka, picture muna tayo!" Pumuwesto kaming dalawa at nag-request sa isang estudyante na dumaan na kuhanan kaming dalawa ng litrato. Natuwa ako nang makita ko ang pictures naming dalawa kasi masayang-masaya kami sa pictures namin. "Sige na, buksan mo na at tikman iyang cookies Kuya. Promise, makakalimutan mo ang pangalan mo kapag natikman mo iyan," utos ko sa kanya nang maisuot ko nang muli sa leeg ko iyong kuwintas ng DSLR ko. "Talaga lang, ha? Sige nga. Tikman nga natin kung ito ba ang pinakamasarap sa lahat ng cookies na natikman ko." Excited kong pinanuod ang pagbukas niya sa box pati na rin ang pagkuha niya ng isang cookie. Pinanuod ko rin pati ang pagkagat at pagnguya niya. I was excitedly waiting for his reaction and his praises. Pero nang mawala ang ngiti niya habang ngumunguya siya ay nawala rin ang ngiti ko at nagsimula akong kabahan nang tumingin siya sa akin. "Cookies ba talaga ito?" seryoso niyang tanong. "Yup. Bakit, Kuya? Hindi ba masarap?" kabado kong tanong. Nagdikit ang mga kilay niya habang patuloy sa pagnguya at pagtitig sa akin. "Bakit mo ako tinatanong? Sino ka ba?" Napabunghalit ako ng tawa sa mga tanong niya at nakahinga nang maluwag. "Kuya Oliver naman! Pinakaba mo ako! Akala ko hindi masarap iyong cookies na gawa ko!" "Oliver ang pangalan ko?" dagdag biro pa niya na lalo kong ikinatawa. "Oh, tama na sa pagtawa. Nagmumukha ka ng baliw niyan." Napapailing na lang ako sa kalokohan niya. "So, how was it?" muli kong tanong sa kanya. "Masarap nga. Tignan mo, muntik mo nang makalimutan ang pangalan ko dahil sa sobrang sarap ng cookies mo. Pwede bang akin na lang iyang isa pang box? Bumili ka na lang ng burger doon sa canteen para kay Renz." "Ay, hindi pwede, Kuya. 'Wag kang matakaw. Para kay Renz itong isang box." "Eh, hindi naman mahilig sa cookies iyon, eh. Baka hindi rin niya kainin iyan. Sayang naman kaya akin na lang." "Hindi nga pwede, Kuya, kasi para sa kanya talaga ito. Tsaka, mabuti nga at ginawan ko rin siya para makatikim naman siya ng cookies." "Fine. O siya, good luck kung mapapakain mo sa kanya iyan." "Oo naman! Thanks, Kuya!" "Anong thank you? Ako ang dapat mag-thank you sa'yo, uy! Kaya thank you sa cookies na nakakapagpalimot ng pangalan," biro niya sabay kindat sa akin. "You're very, very welcome, Kuya Oliver. And thank you for being my friend!" saad ko pabalik sa kanya. ... Tapos na ang afternoon classes ko pero nandito pa rin ako sa hallway, naghihintay, nag-aabang, at dinededma ang mga naninitang tingin lalo na ng mga babaeng estudyante sa akin. Pilit kong inaalala ang bilin sa akin ni Renz kahapon bilang pampalakas ng loob ko sa ginagawa ko ngayon na paghihintay sa kanya. Don't be too affected by the bad things those girls were saying about you. They're just either jealous or plain stupid. Yes. Maybe they're jealous because I was able to invite Renz for a snack yesterday. And they're also jealous because Kuya Oliver treats me well. Hindi naman ako masusugatan ng matatalim na tingin nila kaya hahayaan ko na lang. My heart literally jumped inside my chest when I saw him. He's coming my way kaya naghanda na ako. "Hi, Renz!" masigla kong bati sa kanya. Kunot ang noo niyang tumingin sa akin. "Yes?" pormal niyang tanong na walang kangiti-ngiti ngunit hindi ako pinanghinaan ng loob. Inabot ko sa kanya ang box ng cookies na para sa kanya. "Para sa'yo. Ako mismo ang nag-bake niyan," nahihiya kong sabi sa kanya. Napatitig siya sa akin. "Who are you again?" Parang nadulas yata iyong puso ko sa loob ng dibdib ko dahil sa katanungan niyang iyon. "I'm Lyke. Iyong... Iyong nakaapak sa paa mo noong isang araw," mahina kong pagpapaalala sa kanya. "Oh, yes. I remember now. Bakit mo ako binibigyan nito?" "Ahh, dapat ako iyong manlilibre sa'yo kahapon pero ikaw ang nagbayad ng snacks natin kaya ayan, gumawa na lang ako ng cookies para sa'yo." "Okay, thank you." Tinalikuran na niya ako kaya naman agad akong humabol sa kanya. Gusto ko sanang makita na kinakain niya iyong pinaghirapan mong i-bake. And I want to hear him praise me, too. That isn't too much to ask, right? "Hindi mo ba titikman muna?" tanong ko habang nakasunod sa paglalakad niya. "Busog pa ako. Sa bahay na lang," hindi lumilingong sagot naman niya. "Please? Kahit na isa lang. Gusto ko lang sanang makita na kinakain mo iyan, please?" Napatigil siya sa paglalakad at saka lang lumingon sa akin. "Magbibigay ka tapos maniniguro kang kakainin talaga iyong ibinigay mo?" may pangungutya niyang saad pero hindi ko na lang iyon pinansin. "Yes. I just want to know kung okay lang sa'yo iyong lasa ng cookies na gawa ko," nakayuko kong sagot sa kaya. He tsked then said, "Fine!" Saka lang ako nag-angat ng tingin at pinanuod siyang kalasin ang ribbons ng box. Bumilis ang t***k ng puso ko nang kumuha siya ng isang piraso ng cookies na nasa box. Halos hindi na ako humihinga nang kumagat siya. Kumunot ang noo niya at pagkatapos ay nagimbal ako nang iluwa niya sa isang basurahan sa tabi iyong cookie na nginuya niya. "Ano ba namang klaseng cookie ito? Bakit napakatigas?! Cookies ba talaga ang mga ito o bato?!" Naglingunan pa ang ibang mga estudyante dahil sa lakas ng boses niya kaya naman lubos na kahihiyan ang dinaranas ko ng mga sandaling iyon. "H--hindi masarap? Pero... Pero sabi ni Kuya Oliver..." "Pwes, sabihin mo sa Kuya Oliver mo na siya na ang kumain sa lahat ng cookies na gagawin mo. 'Wag mo na akong idamay! Mauubos ang ngipin ko kung kakainin ko lahat ng cookies na ibinibigay mo." Napaiyak ako sa labis na kahihiyan dahil sa mga sinabi niya lalo at may estudyante nang nagtatawa nang malakas na narinig din ang mga sinabi niya. "S--sorry!" Hindi ko na hinintay pa na itapon niya ang cookies sa basurahan sa mismong harapan ko. Tumakbo na ako palayo sa kanya habang naninikip ang dibdib ko dahil sa kahihiyang dinanas ko habang patuloy ang pagdaloy ng mga luha mula sa mga mata ko. It was a miracle na hindi ako nadapa habang tumatalilis. I found myself inside a cubicle. I silently cried hanggang maubos ang mga luha kong nag-uunahang lumabas mula sa mahahapding mga mata ko. After almost an hour ay narinig ko na ang tunog ng telepono ko which means hinihintay na ako ni Daddy sa parking lot. I texted him to wait for a while. Dali-dali akong lumabas sa cubicle at naghilamos ng mukha para hindi mapansin ni Daddy ang pamamaga ng mga mata ko. Yuko ang ulo na lumabas ako sa comfort room ng mga babae hanggang sa parking lot. Ayokong tumingin sa mga mata ng mga nakakasalubong ko kasi pakiramdam ko ay pinagtatawanan nila akong lahat. Nang makarating ako sa parking lot at makita si Dad ay kaagad akong yumakap sa kanya. Nagpanggap akong masaya kahit na nanhahapdi pa rin ang dibdib ko. Ayoko siyang mag-alala at magalit kay Renz kapag nalaman niya ang ginawa at mga sinabi nito sa akin kanina. At para hindi na siya masyadong magtanong ay nagpanggap din akong napaidlip sa biyahe namin pauwi. I felt guilty in lying to my father but I don't have the heart to tell him how Renz rejected and insulted my effort. Hindi rin ako pumasok sa school kinabukasan to my parents' surprise. Sinabi ko na lang na masama ang pakiramdam ko and my dad promised to call the school para ipaalam sa mga teachers ko ang dahilan ng pag-absent ko. Nagkulong lang ako sa loob ng kuwarto ko maghapon. I felt like I needed to save enough courage para maipakitang muli ang mukha ko sa school namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD