Mabilis na lumipas ang mga araw sa buhay ko. Ganon nga yata kapag bilang na ang itatagal ng isang tao sa mundo, halos hindi na niya namamalayan ang takbo ng bawat oras. And I can say that I am spending each moment of my life in fervor. Paminsan-minsan ay inaatake pa rin ako ng anxiety attacks ko. Nariyan naman palagi sina Mommy at Daddy para hawakan ang mga kamay ko, yakapin ako, at sabihing wala akong dapat ikatakot kahit na meron naman talaga. Nakakatakot isipin kung papaano ako mawawala. Kung hindi na lang ba ako magigising isang araw o ibayong sakit muna ang mararanasan ko bago ko hugutin ang aking huling hininga. Ang isa pang nakakatakot ay ang mga taong maiiwan ko. Paano na lang kaya sina Mommy at Daddy kapag wala na ako? Will they still prepare a plate for me in their every mea

