"You look so good, anak!" proud na sabi sa akin ni Dad. "Syempre naman, mana yata sa akin ang baby ko," proud din na sabi ni Mommy na nasa kabilang side ko bago niya ako niyakap at hinalikan sa pisngi. "Talaga, Mom, Dad? I look good kahit na ganito ang suot ko? Bagay ba talaga sa akin?" Hinawakan ko pa ang jersey ni Renz na nakasuot sa ibabaw ng white shirt ko for emphasis. "Anak, kahit naman ano ang isuot mo ay bumabagay sa'yo. Kaya mong dalhin kahit na gutay-gutay na damit pa ang isuot mo!" Natawa ako sa sinabing iyon ni Dad. "Pagsusuotin mo ako ng gutay-gutay na damit para lang makita kung babagay sa akin iyon, Dad?" Tawa ako nang tawa sa kanya. "Anak, naman. That's just some figures of speech!" Napailing na lang ako sa kanya. Papunta na kami sa school dahil ngayon ang Ind

